Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
“Pwede ba tayong mag usap?” sabi ni Kenji habang nakatingin siya kay Athena.
“Sige maiwan ko na muna kayong dalawa..” tumalikod na ako para iwanan yung dalawa mag usap.
Kelanga nila ng privacy dahil alam kong tungkol sa kanila yung pag uusapan nila
Hinawakan ni Athena yung shirt ko kaya napatingin ako sa kanya, “Lucas dito ka lang. Wag mo ko iwan..”
“Hinde naman kita iiwan eh. Dito lang ako sa may kabilang side, ok?” dahan dahan niyang binitawan
yung shirt ko tapos nag smile ako sa kanya. Sinara ko yung curtain tapos pumunta sa may kabilang side.
Umupo ako sa may bed. Siyempre cloth lang yung mismong harang kaya maririnig ko talaga yung
pinaguusapan nila.
“Ohrenmaniya..” narinig kong sinabi ni Athena. Korean ba sila mag usapa ni Kenji? Alam ko limited lang alam ni Kenji na Korean eh.. [it's been a while/long time no see]
“Anong nangyari sayo? Bakit hinde ka nagkakakain?”
“Wala akong gana eh.”
“Umamin ka na. Dahil ba sa akin?” hinde sumagot si Athena. “Dahil ba sa akin kaya ka hinde
kumakain?”
“Hinde. Bakit mo naman nasabi na dahil sayo kaya ako nagkakaganito?” seryosong sagot ni Athena.
“Kasi narinig ko yung pinagusapan niyo ni Lucas kanina.” Narinig niya? ibig sabihin kanina pa talaga siya nasa may labas nakikinig..
“Narinig mo naman pala eh. Bakit nagtatanong ka pa?” sabi ni Athena kay Kenji
Gusto ko na sanang sumingit sa pag uusap nila dahil alam kong makakasama kay Athena yung ganitong
klaseng usapan. Pero hinde naman pupwedeng basta basta na lang akong sumugod sa loob..
“Bakit mo ba kelangan gawin to Athena… Alam mo naman na ayaw kong nakikita kang ganito diba?”
“Weak kasi ako.. Gusto ko kasing magkasakit ako para makuha ko awa mo. Para maguluhan ka lalo.”
“Athena, intindihin mo naman ako oh.. may cancer si Bee! Hinde mababaw na sakit yun.. naiintindihan mo ba?”
Cancer? Akala ko ba nagpa-opera na siya at sabi niya sa akin na ok na? Sinabi niya rin sa akin na once na ma-operahan na siya magiging ok na yung lahat at pwede na siya mabuhay ng normal.. pero bakit kay
Kenji ko pa kelangan malaman yung kalagayan niya?
Iniintay kong mag salita si Athena pero mukhang masyado siyang nagulat sa narinig niya kay Kenji.
Babalik na sana ako sa may bed ni Athena pero bigla akong napahinto dahil narinig kong nag ssniff si Athena, “may sakit din naman ako eh.. at hinde mababaw na sakit eto.. naiintindihan mo rin ba yun?”
Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Eto na yung time na hinihintay ni Athena.. ang sabihin niya kay Kenji… na may HCM siya.
“Anong.. sakit.. mo?” pahinto hinto na tanong ni Kenji, “gaano.. ka-seryoso?”
Tinanong na niya kung gaano kaseryoso yung sakit ni Athena. ‘Athena.. kayanin mo..’ alam kong narinig niya yun kahit na walang boses ko tong sinabi.
Unti unti kong sinilip silang dalawa sa may gilid ng kortina, “Pwede akong mamatay sa nangyayari
ngayon.. ganun to kaseryoso..”
“Sa nangyayari ngayon..?” nakita ko yung mukha ni Kenji, halatang kinakabahan siya sa mga sinabi ni Athena. Si Athena naman nakita kong umiiyak, pero pinipilit niya pa rin ngumiti. “Ano ba sakit mo..?”
“Yung puso ko yung may sakit..” tapos tumingin siya sa baba, iniiwasan niya ng tingin si Kenji.
Mali yung pagkasabi ni Athena. Alam niyang mali yung pagkasabi niya, ayaw niya pa rin sabihin kay Kenji na may sakit siya sa puso. Pinalabas lang niyang masakit yung puso niya sa nangyayari ngayon.
Nagbago yung expression ng mukha ni Kenji, “Alam mo ba kung gaano akong natakot sa mga
pinagsasabi mo? Wala akong oras makipag lokohan Athena. Sige, alis na ko. Nag iintay si Bee sa labas eh.”
Binuksan ko yung kortina at nilapitan si Athena, “Tara na. Hinahanap ka na ni Sara..” napatingin sa amin si Kenji tapos lumabas na siya.
Pinahiram kami ng wheelchair ng school dahil hinde makalakad si Athena dahil sa nanghihina pa siya.
sinundo siya ni Nathan sa may front gate at dinala siya sa ospital.
Tinanong ako ni Nathan kung bakit daw ba nagkakaganun si Athena, siyempre wala akong masabi. Hinde ko naman pupwedeng sabihin na dahil kay Kenji kaya siya nagkakaganun. Ayoko ng gulo kaya iiwasan
kong magkagulo kung kinakailangan.
Day 5
Mga 1:00 pm pinilit ni Athena makapasok dahil may mini concert yung org niya ng mga 2pm ngayon.
Nung pumasok siya ng school pinag tinginan siya ng mga tao dahil hinde siya nakilala ng mga schoolmate namin. Naka mini skirt siya, red na top, shades tapos naka tali yung buhok parang naka siopao yung style. Nakilala lang siya nung tinangal niya yung shades niyang malaki.
“Ready ka na ba? Last day na to ng Christmas fair.. diba kakanta ka para sa mini concert ng org niyo?”
tanong ko sa kanya habang inaabot yung binili kong inumin.
Nag smile siya sa akin, “Ok lang. Para naman kasing may choice pa ko, may initiation daw kasi dapat yung mga baguhan kaya ayun.. kelangan kumanta ako. ayos ba?” tapos uminom siya.
Umupo ako sa tabi niya, “Madaming tao mamaya sa gym Athena! Madaming manonood sayo.. tsktsk.
Pano na lang pag nagkamali ka?” biro ko.
Hinampas niya ako sa may braso ko, “Lul! Tama ba namang takutin ako? pag ako hinde nakakanta
nako!!! Ikaw may kasalanan!” tapos tumawa kami pareho.
Natahimik kami ng mga 5 minutes dahil pareho kaming nakatingin sa may field. Siguro walang may
gustong magsalita samin dahil baka bigla naming mapagusapan yung nangyari kahapon.
“Hinde yan.. alam ko namang kaya mo yun eh. Ano nga pala yung kakantahin mo? sasayaw ka rin ba??
Nako! Kelangan ko na ihanda yung camera ko! AY! Sana video cam yung dinala ko para naman mas
masaya!” I broke the ice. Gusto ko maging komportable siya sa akin. Ayoko ng nagkakailangan kaming dalawa, siyempre.. kami yung mag kakampi ngayon eh.
“Ya geumanhae.” Sabi niya sa akin. Siyempre hinde ko na naman naintindihan yun kaya siya ngumiti
bigla, “Oppa will watch later, I’m pretty sure that he’ll bring a video cam.” *Hey stop it.+
Kinurot ko yung left na pisngi niya, “Ikaw nagiging habit mo na yang pag kokorean mo pag kausap ako..
hinde ko naman naiintindihan. Pero feeling ko naiintindihan ko. Ano ba to. Simula nung napadalas yung pagsasama natin nagiging wirdo na ko eh.”
“Psh. Sapakin kita eh. Teka hinde pa ko nakakapag laro sa booth niyo!! Nakakaasar naman.. busy kasi ako masyado eh.. tsktsk. Anyway, sige punta na ko sa may gym. Dun daw gagawin yung ‘event’ eh! nood ka ha!!” tumayo siya at nag lakad na papuntang gym.
Pinamahala ko muna yung booth na hawak ko sa ibang members para makapanood ng concert sa gym.
Niyaya ko rin sila Jigs kaya iniwan rin nila yung booth nila ni Kirby. Pag punta namin sa gym marami rami na rin yung tao. Mag start na kasi yung show in 5 minutes.
Dumating si Nathan ng mga 2:10, habang nag iintay kami, sa wakas nag simula na rin. Mga lower batch yung unang nag perform. Si Grace naman kumanta tapos may ka duet siya. nakaka 8 na nag peperform
na pero wala pa rin yung kay Athena.
Tumayo si Grace sa may stage may hawak na mic, “And now, we will introduce the newest member of
Abbey Music Guild. Please give it up for Miss Athena Dizon!”
Nag palakpakan yung students tapos nag simula ng tumugtog yung song na kakantahin ni Athena.
“I.. I was a game he would play..” tapos biglang entrance ni Athena. Nag karon pa ng smoke effects.
Ayos. Akala mo singer talaga.
Nabigla lahat ng tao sa gym dahil parang ibang Athena yung nakita namin. Kamukha niya yung mga
koreanong nakikita ko sa tv. Ganun yung pananamit niya. Medyo wavy yung buhok niya tapos naka
make-up siya. IBANG IBA SIYA.
Besides sa itsura niya, natulala ako sa pagkanta niya. hinde ko pa kasi siyang naririnig kumanta kahit isang beses.. Nung dumating sa chorus biglang sinabayan siya ng mga tao sa paga kanta. Pano ba naman napaka sikat na kanta yung kinakanta niya. You Got It All ng The Jets eh, pero ibang version.
Napansin kong nakatingin siya kay Kenji at Abi. Nasa iisang row lang kasi kami kaya mapapansin mo na sa kanila siya nakatingin. Pagkatapos niyang tumingin sa kanila nakita niya si Nathan tapos kumaway siya. Si Nathan naman vinivideohan siya. wow. Supportive brother. Tama nga si Athena.
“There’s just you, you must have been heaven sent. Hearing me call you went, out of the limb. And
you’re all that he’s not. Just look what I’ve got ‘cause you got it all… All over him..”
Bigla siyang napatingin sa akin tapostinuro ako. Sinesenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Pero
siyempre hinde naman ako sigurado kung ako yun. Tinulak ako ni Sara patayo sa kinauupuan ko.
“You got it all over him, YOU got me over him. Honey it’s true…”
She winked at me then smiled. Bumaba siya ng stage tapos himawakan niya yung kamay ko at dinala ako sa stage. Nag sigawan yung mga tao sa ginawa ni Athena.
“You’re all that he’s not just look what I’ve got.. Cause you got it all.. over him…”
Pag tapos ng song niya nag sigawan yung mga tao ng KISS. Hello? Hinde pwede. Una nanonood si
Nathan! Pangalawa nanonood si Kenji. Naghug nalang kami ni Athena tapos nag ‘aww’ yung mga tao.
Pababa na sana ako ng stage ng biglang may tumugtog na song. Sexy Love Mixtape Remix. Nagulat din si Athena dahil, mukhang hinde niya ineexpect yung part na to. Binigyan ako ng mic ni Grace, PARA SAN?!
Nagsimula na yung first verse nung lyrics pero hinde pa rin ako kumakanta. BAKIT AKO??
Dahil sa nangyari si Athena yung sumalo ng lines ko. Nagsmile siya sa akin na parang may sinasabi siyang lucas-kumanta-ka-na-lang-pwede? Huwaw! Nadamay pa ako. wala akong choice kung hinde kumanta na
lang. napatingin ako kela Kenji at napansin kong medyo badtrip na yung itsura niya.
Tinanggal ni Athena yung mini jacket/blazer niya.. whatever you call that thing tapos hinagis sa may gilid at biglang sumayaw. Wala naman akong choice kaya sinundan ko na lang yung pag sayaw niya. Lumabas
lahat ng org members nung matatapos na yung kanta tapos lahat ng tao nag sayawan na. Theme song
ba to ni Athena? Nakita ko rin siya dati eto yung sinasayaw niya kasama si Kenji eh.. SL…? SexyLove???
Yun ba yung meaning ng SL niya dati?? SEXYLOVE?!
Nung natapos na yung concert sumama samin si Athena sa mga booth namin. Sakto nabiktima siya ni
Kirby. Natapakan niya yung mahiwagang scotch tape ni Kirby kaya binigay ni Kirby yung fish bowl kay Athena
“Kumuha ka ng isa lang ha! Pagkatapos mong basahin sabihin mo kung Dare or Pay.” Kumuha si Athena
ng isang naka roll na paper tapos binasa niya ito, “Ano, dare or pay?”
Niroll ulit ni Athena yung paper tapos nag smile, “Dare.” Binigay niya Kay Kirby yung paper tapos
humarap sa akin.
Napatingin ako sa kanya tapos nag smile siya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa lips. WTF?!
“AMP!” tininingnan ni Kirby yung paper na binigay sa kanya ni Athena, “Kiss the person beside you on the LIPS. Fee for the dare would be P300.00. Yun oh!”
Nagsmile si Athena at Kirby sa akin. Siyempre ako naman etong na tulala kasi biglaan yung nangyari.
“Nabiktima ako ni Kirby. Syet! Ang mahal kasi ng fee nung dare eh! kaya pinili ko na lang yung dare.”
Tapos nag smile siya sa akin. Pag tingin namin sa likod namin nandun si Kenji nakatingin sa amin. Nawala yung smile sa mukha ni Athena pero humarap siya sa akin tapos nag smile, “Tara! Dun naman tayo sa
booth ni Jigs!”
Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinatak ako malapit sa may booth ni Jigs. Sakto nagiikot yung mga dakilang alalay ni Jigs at biglang pinosasan si Athena. Napatingin kami sa taong nasa kabilang posas.. si Kenji.
“Sinabi ng hinde nakakatuwang biro to eh.” pag lingon ni Kenji nabigla rin siya nung nakita niyang si Athena yung nasa kabilang posas. “hinde ba kayo titigil?? Hinde niyo ba ako pakakawalan?!” napatingin yung mga tao sa pag taas ng boses ni Kenji.
Nagsmile si Athena kay Beth at Jonas yung dalawang nag posas sa kanila, “Wag na lang ako yung i-
partner niyo sa kanya. Si Abigail na lang. Hinde na rin naman kami eh.”
Sa pagsabi ni Athena nun biglang nagbulungan yung mga tao sa paligid namin. Lahat pinag tinginan si Athena at Kenji. Pinakawalan na nila yung dalawa.
“Wag na kayong mag bulungan. Pwede niyo naman lakasan eh. Ok lang ako.” Tapos nag lakad na si
Athena sa may booth ni Jigs kasama si Beth, “dapat si Lucas na lang para hinde pa kayo napahiya. Ayan tuloy. Pati ako nadamay.” narinig kong sinabi niya. Pagtapos niyang sabihin un nag smile naman siya.
“Halika Lucas! Hinde ka pa naman nakakasal diba? eto bibinyagan ka na namin!” hinila ako ni Beth sa may altar tapos nagulat si Athena kasi pinosasan na naman siya, pero ako na yung nasa kabilang posas,
“Ayan! Mas bagay naman kayo eh.”
Nakita kong kausap ni Jigs si Kenji at Kirby sa may tabi nung booth. Tumayo siya nung nakita niya kami,
“AY!! AKO MAG KAKASAL SA DALAWA!” nagmadali siyang mag lakad sa may altar at kinuha yung damit
pang pari, tinulak niya yung isang lalaki “TABI! Ako mag kakasal!”
Ngumiti sa akin si Jigs tapos nag simula ng mag tanong ng maaaahaaabang question. Nung na tapos
siyempre kelangan ng magandang sagot, “I do?”
“Ay hinde seryoso.. ANYWAY!”
Humarap naman siya kay Athena tapos nag pakyut tapos sinimulan yung mahaba niyang tanong.
Natapos na rin ni Jigs yung mahaba niyang tanong kay Athena at sagot na lang niya yung iniintay,
“Hmmm… Of course I do.”
Tumingin sa akin si Jigs at ngumiti, “Oh. You may now kiss the bride! KISS NA!”
“Hoy! Makakadalawa ka na ungas ha!!” sigaw ni Kirby. Napatingin ako sa kanya para pakyuhan siya
pero nakita ko si Kenji parang nag salubong yung kilay.
“Ako kumiss sayo kanina. Ikaw naman ngayon.” Nilapit niya yung pisngi niya sa akin. “Sira. Bakit kaba natatakot.. wala na rin naman kami eh.. wala na yang pakialam sa akin..” nag smile siya tapos tumalikod na.
“Huy!! Wala pa yung kiss!!” sabi ni Jigs.
Napailing ako sa nangyari ‘what the heck. wala na rin naman sila so.. whatever.’ Sabi ko sa sarili ko. Pati I think I like her. Maybe. Perhaps..
Come what may.