She's Dating the Gangster (47 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

tapos nung sumasayaw kayong dalawa.. parang mas bagay kayo..”

Napatingin ako sa mga mata niya. ang seryoso niya masyado.. is he.. jealous? Wala naman siyang dapat ikaselos eh! I chose him! I chose to be with him.. I’M EVEN LIVING WITH HIM! Ano pa ba ang kulang?

Dedicated na halos yung buhay ko sa kanya..

“Stop saying that.. are you jealous?”

“Ewan.. parang.. siguro.. ata.. Alam ko kasi na gusto mo siya dati eh..” Alam niya?!

Sobrang tinago ko yun.. pero pano niya nalaman? Did Sara tell him?? Was I that obvious that time??

Nakalagay lang yun sa diary ko sa laptop eh.. nabasa niya kaya? Kelangan ko tuloy mag explain sa kanya.

Kelangan niya malaman sakin na siya talaga gusto ko.

“Alam mo, kahit na gusto ko pa siya hinde na pwede. Ikaw ang kasama ko ngayon.. you’re the one I

love. I chose to be with you. Like what I’ve said to TaeSung oppa 3 years ago, this is where I’m supposed to be, with you. So stop saying weird things about me and Lucas looking good together. Yes, I did like him but even if I still do, we can’t still be together because he’s not the one I love. You get it?”

“Hinde eh. Hinde ko parin mantindihan. Kahit gusto kong intindihin, hinde ko talaga kaya.”

This is unbelievable! We’re living in the same house, we sometimes use the same bed! Ano bang hinde niya maintindihan?? Minus the six months of break up, we’ve been together for 30 months! THIRTY

MONTHS, YOU KNOW? Now why is he acting strange? Is he dumping me??

Not wanting to hear what he’s going to say next, I decided to let it go.

“You’re impossible. Let’s not talk anymore, yeah?”

“Sa tingin ko dapat mag—”

“Enough. Enough..” tinanggal ko yung kamay niya sa waist ko, “I’m tired..”

Tumalikod na ako sa kanya tapos nag simulang maglakad. Omg. He is going to break up with me!! Bakit ba biglaan?? What did I do?? Did I make him mad again? Was he that upset because I hugged Lucas??

“Hinde pa ko tapos mag salita. Dyan ka lang..” sumigaw siya bigla.

I stopped because he said so. Still not facing him, I answered, “Then say it.”

“Ngayon na? Madaming tao.. hinde ba pwedeng.. sa kwarto na lang tayo mag usap ngayon?”

Is he stupid? Kahit na sabihin niya pa sa akin mamaya ngayon o bukas, ganun rin yun. Makikipag break siya kaya bakit pa kelangan patagalin?

“What for? If you’re not going to say it, then forget it. I’m leaving.”

“SA TINGIN KO DAPAT MAGPAKASAL NA RIN TAYO!”

Nabingi ata ako. Parang nasobrahan yung lakas nung music. Pero bakit parang nawala yung beat? Bakit nung narinig ko yung linyang yun, wala namang tugtog? Sinabi niya ba talaga yun?

Tiningnan ko yung paligid ko. Nakatingin sa akin yung mga tao. Narinig ko na yung mga bulong bulong nila. Omo. Sinabi niya talaga yun ng malakas?

Napalingon ako sa kanya. napahawak siya sa mukha niya tapos tinanggal niya rin kaagad yung kamay

niya.

Omo. Sinabi niya nga yun. This is bad. Why did he have to say it that loud!!

Hinde ako makagalaw sa kinatatayuan ko. parang naka dikit na yung shoes ko sa sahig. Gusto ko mag

react pero hinde ko alam ang sasabihin ko. Yayakapin ko ba siya? Kiss? Walk out? Moll! *I don’t know+

“YA!! N-n-n.. Nau.. Nau!!! Mo ra go?” *Y-y-y.. You… You!! What did you say?+

“Oori kyoulhon haja..” *Let's get married+

San niya nalaman yun?! Limited lang korean niya diba? San niya natutunan yung sinabi niya??

Napatingin ako sa parents ko. Nag nod yung dad ko tapos yung mom ko naman nag ok sign. Napatingin

naman ako sa parents ni Kenji nag ok sign din yung mom niya!! Yung dad naman niya naka smile lang!

Sila nag turo nito sa kanya!

Napatingin ulit ako kay Kenji. Ano ba to. Kanina lang dinidiscuss ko yung tungkol dito sa kasal na to.

Hinde ko kasi alam kung ako na yung gusto niyang makasama habang buhay pero eto na yung sagot ko…

Hinde ba siya nabibigla?? Maraming pwedeng mangyari.. habang tumatagal pwede pa ulit akong

manghina. May tinatago pa ko sa kanya.. handa na ba akong sabihin sa kanya ang lahat?

“ATHENA YAH! ANSWER HIM!” napatingin ako kay Sara. Tapos naka smile siya.

Sila Jigs, Lucas, Grace, Kirby Kuya Nathan at Carlo, pati sila sumisigaw na rin ng ‘sagutin mo na’. Alam rin nila to?? Ako lang ba talaga ang walang alam dito?? Wala sila kahit na isang hint na binigay sakin! Wala akong idea tugkol dito! Bakit ganun?? Ano sasabihin ko?

“Shiruh..?” tapos tumingin siya sa baba. “Kure. Dwaessuh.” *Don’t like? – Fine. Forget it.]

Tapos tumalikod na siya.

Ano yun!! Hinde pa nga ako nakakasagot eh! Ganun nab a siya ka impatient ngayon? Wala pa akong

sinasabi! Did I say no already??? YA! YOU BABO! I WANNA GET MARRIED!! [babo = stupid/idiot]

“Arasso. Kyoulhon haja..” tapos tumingin ulit siya sa akin, “Kyoulhonhaja rago.” *let’s get married. I said let’s get married.+

“Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo..” sabi ni Kenji habang nakatingin pa rin sa akin

Huminga ako ng malalim tapos nag smile at pasigaw kong sinabing, “I SAID LET’S GET MARRIED YOU

BOOBY BIRD!”

Nagsmile siya bigla tapos lumapit siya sa akin at niyakap ako. Of course niyakap ko rin siya.

Nagpalakpakan yung mga bisita. Tumingin kami sa paligid namin tapos nag bow sa kanila. Maya maya

biglang tinanggal nila yung isang curtain tapos may picture namin ni Kenji. Tapos sa ilalim may nakalagay na ‘Engagement Party’.

Plinano nga nila to! Kaya pala excited si mommy JiNi kanina, at yung mom ko umiiyak nung nakita ako!!

OMG. Ang galing nila mag tago! Akala ko ako lang ang magaling sa pagtatago, pati rin pala sila may talent dun! Grabe talaga. Hinde parin ako makapaniwala. Yun din ba pinaguusapan nila ng dad ko

kanina?

“Wala ng bawian yan ah!” may kinuha siya sa bulsa niya, isang maliit na box.

Binuksan niya ito at may isang singing. Inilagay niya to sa ring finger ko. Nung tiningnan ko to ng malapitan may nakalagay na SL imbis na diamond.

“Bakit SL? Ikaw to eh!” tapos pinakita ko sa kanya yung kamay ko

“Kasi akin ka na.” nag evil smile siya bigla “Pag ikaw nag sinungaling ka ulit, patay ka sakin!!”

“Parampimyun..” nag evil smile din ako “Jookuh!!” *If you cheat on me…. You’re dead!!+

Tapos biglang nag play yung ‘theme song’ naming dalawa. Ano pa ba? Edi yung first ever song na

sinayaw namin. Yung song napinagsimula ng lahat. Na bawat game at kahit anong event na involve kami pinapatugtog un. Yung song na nag imbento kay Lovebabe at kay Sexylove.

----------------------------------

“Athena yah.. wake up.. You’ve been sleeping for 3 days already.. Are you not excited about your

wedding? We have to go to the dressmaker for your wedding gown, did you forget? You better wake up now.. Umma’s waiting..” naramdaman ko na may nag ayos ng buhok ko tapos may nagkiss sa akin sa

cheek, “Kenji wants to talk to you. Don’t make him sad, ok?”

“Athena.. gumising ka na.. pag hinde ka gumising.. makikipag away ulit ako.. ayaw mo ng nakikipag

away ako diba? Kaya bumangon ka na.. Pati diba.. gusto mo mag propose ako sayo ng maayos? Pag

gising na pag gising mo, dadalhin kita sa magandang lugar, isusuot ko ulit yung singsing sa daliri mo tapos formal kong sasabihin yung ‘will you marry me’.. luluhod pa ko kung gusto mo.. pero may

expiration date yun.. hanggang bukas na lang yun pwede..” hinawakan niya yun kamay ko tapos nilapit ito sa may bibig niya.

Nararamdaman ko yung pag hinga niya.. nararamdaman ko rin yung basa sa kamay ko. Umiiyaka ka na

naman ba Kenji? Nasasaktan na naman ba kita? Am I making you sad again? I’m sorry..

“Jagiya.. will you marry me?” dumadami yung pagtulo ng luha ni Kenji sa kamay ko, “Pag dumilat ka

promise luluhod ako.. kahit na isang oras pa kong lumuhod.. gumising ka lang..”

“YA! WAKE UP ALREADY!!! WAKE UP!!” Narinig ko boses ni Sara habang may nakahawak sa isang

kamay ko tapos shineshake to. Sara ya.. I’m sorry..

Pag gising ko nakita ko na lang ang isang familiar na lugar. Meron na namang nakalagay sa may muka ko na sinasakop ang bibig at ilong ko. Nasan na sila? Parents ko? Si Sara si Kuya Nathan pati si Carlo? Nasan sila Grace, Jigs, Kirby at Lucas? Yung family ni Kenji?

Three months na ang nakalipas since nung wedding at engagement party diba? Anong oras na ba?

Anong date na ngayon? Napatingin ako sa may clock, 2:27 pm, November 23. Ang huling check ko ng

date November 19 pa. Naaalala ko nag kukulitan pa kami ni Kenji nun tapos hinde ko na alam yung

nangyari. Ang latest na lang na naaalala ko ay yung panaginip ko.

Gustong bumangon ng katawan ko pero hinde ko kaya. Nakita ko si Sara at Grace. Nag smile sila sa akin tapos nag wave. Tinaas ko ng konti yung right hand ko para mag wave. Nawala si Sara saglit tapos nung bumalik siya nakita ko na silang lahat.

Napatingin ako sa left side ko at nakita si Kenji.. nakapatong yung ulo nya sa bed na hinihigaan ko.

Hinawakan ko yung kamay niya. Nagising siya sa pag hawak ko. Nung nakita niya ako bigla siyang nag smile. Parang gulat siya dahil gising na ko.

“Teka, tatawagin ko lang sila. Sabihin ko gising ka na.” patayo na sana siya pero hinigpitan ko yung pag hawak sa kamay niya at dahan dahang umiling at binitawan yung kamay niya.

Inangat niya yung upper part ng bed ko para medyo naka upo ako. Napatingin siya sa kanila. Tapos

sinara ng dad namin yung room divider.

Tumingin siya ulit sa akin, nagsmile siya tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hinigpitan niya ang pag hawak na para bang ayaw na niyang bitawanan pa ito. Dahan dahan niyang inangat at hinalikan ang

kamay ko.

Tumulo yung luha niya.

“Ss.. so.. so.. sorry..” binigay ko lahat ng lakas ko para lang masabi iyon. Pero mukhang hinde niya ito narinig. Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy na tumutulo yung luha niya. “Sorry.. sorry..”

Nag nod siya. Pumikit siya habang patuloy parin ang kanyang pag iyak. Hinde ko rin napigilan yung sarili ko. Nagsimula na ring tumulo yung luha ko. nung nakita niyang umiiyak na ko, inulit ko ulit yung sinabi ko sa kanya kanikanina lang, “Sorry..”

Tumayo siya tapos pinunasan niya yung luha ko, habang nakahawak siya sa mukha ko nag smile siya, “Ok lang..”

Lumapit siya sa akin para yakapin niya ako. Ganun lang yung pwesto naming dalawa habang umiiyak.

Paulit ulit niya pa rin sinasabing ‘ok lang’.

Ang dami kong gustong sabihin, ikwento, itanong.. pero wala pa ako masyadong lakas para magsalita.

Gusto ko na rin lumabas ng hospital. Gusto ko ng asikasuhin yung kasal namin. Gusto ko ng magawa

yung wedding gown ko.. Gusto kong mayakap si Kenji at sabihing mahal ko siya kahit araw araw ko pang gawin yun..

Gusto ko ikwento sa kanya yung napanaginipan ko.. hinde raw ako makagalaw at maka dilat. Kinakausap nila ako.. pero hinde ako sumasagot.. kahit na gusto kong sumagot at makita sila. Gusto ko rin sigawan si Carlo dahil mababa nakuha niyang grade sa Math exam niya. Gusto ko rin pagalitan si Kuya Nathan dahil hinayaan niyang umiyak si Grace dahil sa akin.. Gusto ko rin mag sorry sa parents ko dahil palagi ko silang pinag aalala..Ang dami kong gustong gawin. Pero masyadong mahina talaga katawan ko..

“Wag muna ngayon.. please? Sasabihin ko naman kung pwede na eh.. wag lang muna ngayon.. Hinde

pa ako handa.. hinde pa kami handa..” narinig ko yung mabigat na paghinga niya tapos bigla na naman siyang nag breakdown

“Mahal na mahal kita.. wag mo muna akong iwanan, please.”

Chapter FIFTY

Kenji’s POV

Love is seeing an imperfect person perfectly..

…and she is far from being perfect. But there’s something about her that captivates my heart. What’s so good about her anyway? Is it her radiant smile? Her charisma? Maybe it’s her attractive face? I don’t know. But..

I’m falling.. hard.

Hinde ko alam kung paano ko sasabihin kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Napaka biglaan ng

lahat. Parang kelan lang kami nagkakilala.. Ang bilis ng panahon.. Ang bilis ng mga pangyayari. Hinde ko masyadong pinahalagahan yung mga pangyayari dati dahil akala ko mangyayari ulit ito sa akin. Akala ko pwede ko pang maitama lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon.

Love is hard..

..Kenji ya~ can there be no more struggles for us? It’s been hard for me.. Why do you keep on believing them? Don’t you trust me? Do we always have to fight because of others? I know I was wrong, but I

didn’t slap her..

Pero, masyadong naging madamot sa akin si kapalaran. Masyado nga siguro ako naging masama noon at

huli na para magbago pa ako. Kung pinahalagahan ko lang siya noon ng maayos, kung binigay ko yung

sapat na kaligayahan na kelangan niya, kung alam ko lang.. matagal ko na sanang ginawa.

Love is sacrifice..

…I even sacrificed my own happiness for him. Was it the only solution? To let go of him? Why am I

being treated this way? Do I deserve this? Do I really have to sacrifice my love, just to make him happy?

Pagkatapos ng insidenteng yun, halos hinde na ako makatulog sa gabi. Dalawang linggo na akong

napaparanoid. Minsan sa kalagitnaan pa ng pagtulog ko nagigising ako para lang tingnan kung

humihinga pa siya.. Ilang beses na siyang nawala sa akin, ayokong tuluyan pa siyang mawala sa akin..

Love is sadness..

..but how? I’m scared to tell them that I may die anytime.. just like what happened to my biological mom. I’m scared that they will be sad because of my condition. I love them so I’d rather keep this pain to myself. Lucas, help me.. help me keep this secret. Don’t let Jigs and Kirby know.. don’t let Kenji know..

Hinde ako marunong mag dasal, hinde ako nag dadasal. Pero dahil sa kanya natuto ako. Dahil sa kanya naniwala ako, naniwala akong meron pang mas makapangyarihan sa tao. Dahil sa kanya natuto akong

maging mahina, maging mahina sa oras na dapat ay malakas ako. Dahil sa kanya nagkasilbe ang buhay

ko, dahil sa kanya, dahil sa kanya.. alam ko na ang silbe ng buhay ko.

“Kenji, kelangan mong maging malakas.. alam naming mahirap, pero kelangan mong kayanin yung

sasabihin namin..” hinawakan ng dad ni Athena yung kamay ko, “may nagpapakumplikado kasi ng sakit

ni Athena, kaya biglang tumigil yung tibok ng puso niya nun. Pati..”

Nagsimula ng tumulo yung luha niya. Kinuha niya yung panyo sa bulsa niya at pinunasan yung mukha

niya

“Pati po ano?” sabi ko habang pinipigilan ang luha ko, “Ano pa po ba ang kelangan kong pag handaan?”

“Huli na kasi para magpaopera pa si Athena. Masyadong naging mabilis yung pag proseso ng sakit niya, kaya pati yung gamot niya unting-unti nawawalan ng bisa. Siguro matagal na niyang alam to hinde lang natin napapansin. Siguro ayaw niyang sumuko kaya dinoble niya yung pag inom ng gamot.”

Kasalanan ko to.. ako yung kasama niya pero bakit hinde ko napansin na nanghihina na siya? Bakit hinde ko kaagad nalaman na nahihirapan na siya? Bakit hinde ko na naman naramdaman yun..

“Sorry.. ako po may kasalanan.. sorry..” hinde ko na napigilan yung sarili ko sa pag iyak.

“Wala kang kasalanan Kenji.. ayaw lang tayong pag alalahanin ni Athena kaya siguro hinde siya nag

sabi..” umiyak na siya hinde na rin niya siguro napigilan yung sakit na nararamdaman niya, “Kaya

kelangan nating mag handa dahil anytime, anytime… pwede na siyang kunin sa atin..”

Halos tumigil yung puso ko nung narinig ko yung huling sinabi niya. hinde ko madescribe yung sakit, yung feeling, pero sigurado akong ngayon ko lang to naramdaman.

“Kenji! Kanina ka pa tulala dyan ha! Niyaya ka naming lumabas para mag basketball hinde mag kalikot ng laptop! Ano ba yang tinitingnan mo?”

Lumapit si Kirby at umupo sa tabi ko. Sumunod si Jigs at umupo rin sa kabilang side ko.

“Blog ba yan ni Athena? Si Sara talaga! Ang dapat mo lang basahin yung Which one am I dating,

Regrets, pati yung To the one I love. Yun kasi yung sobrang dapat mabasa.” Napatingin ako kay Jigs,

“Nabasa na namin yan. Nakalagay kasi yan sa parang website ni Athena. Grabe, sikat pala yung dalawang yun sa korea!! Akalain mo may fans sa internet? Nung binabasa nga ni Sara sa akin yung comments nung mga tao, nako, sikat ka rin. Puro antis nga lang!”

“Babes ano ba. Hinde mo naman kelangan sabihin kay Kenji yun eh.”

Inakbayan ako ni Jigs, “Masakit sa puso yung nakalagay, lahat yan tungkol sa pinag daanan ni Athena habang pinag lalaban ka niya. Basta parang ganun.. Yung iba wag mo ng basahin, kasi Korean pati hinde masyadong related sayo. Yung mga sinabi ko lang ang mga dapat mong basahin.. Medyo mahaba pero,

worth it. Good luck sa pagbasa..”

Pumunta ako sa may covered part ng park para dun mag basa. Nung nakaupo na ako una kong binuksan

yung Which one am I dating. Tama nga si Jigs, parang puro sakit yung nararamdaman ni Athena habang tinatype niya to. Hinde ko narealize hanggang ngayon na ganun pala ako ka-sama sa kanya.

..hearing things that are not nice. ‘Why is she with Lucas?’, ‘Two-timer!’, ‘B*tch!’ that was some of the hurtful words that I receive everyday. What did I do? Am I at fault? Do they know that their ‘prince’ left me hanging? Lucas was the one who comforted me.. He was the one beside me all along.

Lucas, I can like you right? We can date, right? If Kenji won’t accept me, you will, right? But… my heart is still with Kenji. So we can’t date, you can’t like me, you can’t accept me.. Even if I really like you, I can’t go to your side, because of Kenji. He has my heart. I gave it to him long time ago. He can do whatever he wants with it.

Why am crying again? Why is it that I keep on saying his name? he hurt me.. he broke up with me..

Athena ya.. why do you still love him? But.. my heart is still with him.. why??

Kenjiya.. my heart may not be healthy, but it’s still beating for you.. I’m scared that if I continue loving you like this.. I might die. Kenjiya, it hurts, it hurts so much.. thinking that I may leave you soon hurts me more. If I want to continue this life time, then I have to be with Lucas, right? He can mend it for me.. He can make me happy. You chose Abi because she’s the one who can make you happy.. She’s the one for

you..

*근데.. 왜 안돼 니? [AN: Hinde niya naintindihan yung part na to. Kunde.. Wae andwae ni? - Why ca’t it

be me?]

Pagtapos kong basahin tiningnan ko naman yung Regrets. Ang dami niya palang pinag sisisihan. Pero

nung nakita ko na yung pangalan ni Kirby, dun na ako higit na nag focus.

…Kirby asked me if I regretted loving Kenji.. he’s such a blunt guy like you-know-who. So, this is what I answered him:

“I have fallen for this one of a kind stupid gangster. Oh wait, let me scratch that. I LOVED this stupid gangster.. I gave him happiness while he gave me suicide in return. I know, it sucks. But I never regretted loving him in the first place, well… maybe I did.”

I did regret loving him. But what I regret most was saying that I regretted it. And having to say it again here.

Kenji ya… do you regret meeting me? Do you.. regret loving me..? You do, huh? I’m correct, right? How about leaving and hurting me? You don’t regret it, right?

**겐지야 행복해? ..내가 행복하냐고? [Kenjiya, haengbokhae? Naega, haengbokhanyago? - Kenji, are

you happy? Am I happy?]

“Ang pinaka pinagsisisihan ko lang ay yung time na nasaktan kita..” sinagot ko yung tanong niya. “Akala ko masaya ako.. pero.. mas masaya ako pag ikaw kasama ko, pag ikaw yung nasa tabi ko..”

“..anytime, pwede na siyang kunin sa atin.”

Umiling ako.

Hinde. Hinde ko pwedeng isipin ng isipin yun. Kelangan labanan ko lahat ng nararamdaman kong

panghihina. Kakayanin ko to.

Finally, nakita ko na yung last na dapat kong basahin. To the one I love.

Habang binabasa ko to, hinde ko na mapigilan ang luha ko. Lahat ng mga hinde niya nasasabi sa akin sa personal dito niya lahat nilagay. Pero mukhang panahon pa to nung wala kami. Yung time na ang dami kong nasabing masakit sa kanya.. yung time na.. sobrang pinagsisisihan ko.

..you replied, ‘Talaga. Sinabi mo pa. Matutuwa talaga ako. Kahit lumuhod ka pa sa tapat ko para lang samahan kitang mamatay, wag mo ng gawin. Hinding hinde kita mapapatawad, Athena.’ Then you

turned your back at me. I was lost for words after that. You win, babe. I am going to die.. I’m not considering surgery.

But wait, can you.. reconsider it? I am dying.. can you accompany me during my last few days? Can you atleast pretend that you’re sad because I’m dying? Can you pretend that you still love me? Can’t you?

Tinuloy ko ulit yung pag basa. Hinde tumitigil yung luha ko. Sinulat niya ulit kung gaano ako

kaimportante sa kanya, kung bakit dapat katulad ko yung maging ideal boyfriend ng mga babae, kung

bakit ako yung gusto niyang makasama kahit sa huling araw niya. Gusto ko siyang puntahan ngayon pero ang weird naman kung bigla na lang akong susulpot.

Bakit? Bakit ngayon ko lang nabasa to? Bakit ngayon ko lang kelangan maramdaman na sobrang

importante siya sa akin?

Nag sisise na talaga ako. Akala ko konting bagay lang ang pinag sisisihan ko, pero ang dami pala. Ang dami-dami ko pang hinde nasasabi sa kanya. Kung gaano siya kaimportante sa akin, kung gaano ko siya kamahal, kung bakit siya ang pinili ko. Siguro nasabi ko na sa kanya yung iba, pero hinde pa sapat yun!

Gusto kong araw-araw kong sabihin sa kanya yun, gusto kong malaman niya yung importansya niya

saakin.

Tama nga sila.. nasa huli nga talaga ang pagsisise.

“Kenji..” Si Lucas, nasa likuran niya si Jigs at Kirby “Ok ka lang ba?”

Nung nakita ko si Lucas. Naalala ko na naman yung mga pinagsusulat ni Athena. Si Lucas ang nag bigay sa kanya ng lakas. Kelangan mapasalamatan ko siya.. Kasi kung hinde dahil sa kanya, siguro mas lumala ng maaga yung sakit niya.

“Sorry. Nakita niyo nanaman akong ganito. Sinabi ko na ngang hinde ako iiyak, pero hinde ko parin

matupad yun.. Si Athena kasi eh!” tapos nag fake ako na tawa

“Alam naman namin kung bakit ka nag kakaganyan eh.. Akala mo ba kami hinde nasasaktan? Natatakot

din kami.. Hinde lang ikaw ang nalulungkot..”

“Paps.. narinig namin kay Sara at Nathan.. nung nagsimulang umiyak si Carlo, hinde na rin namin

napigial.. akalain mong si Athena pa nagpaiyak sa atin..” ngumiti si Kirby, “Kakayanin natin to, ok?”

“Pwedeng kahit ngayon lang.. ilabas natin yung nararamdaman natin? Ang hirap kasing itago eh. Hinde ko na kaya pang mag panggap sa tapat ni Athena. Ang sakit na masyado.”

Natahimik kaming apat. Tumingin ulit ako sa laptop ni Athena tapos nakita na may last siyang blog. New post lang yung title.

ETO NA NAMAN AKO! UMIIYAK NA NAMAN! BAKIT BA LAGI NA LANG AKONG KELANGAN UMIYAK?

WALA NA BA AKONG KARAPATAN MAGING MASAYA?? PARANG LAGI NA LANG KELANGAN MAG AKSAYA

AKO NG LUHA EH. DATI KAY KENJI.. NGAYON NAMAN DAHIL SA SAKIT KO! SAKIT.. BAKIT NGA BA AKO

NAPILI NITO?

BAKIT AKO!? BAKIT KELANGANG AKO PA YUNG MASAKTAN??? PANO NA PAMILYA KO? MALULUNGKOT

SILA PAG NAWALA AKO.. IIYAK SILA! PANO SI KENJI? SABI KO SA KANYA NA PAPAKASALAN KO SIYA..

PERO BAKIT GANITO? BAKIT PARANG NAGIGING MASAMA SAKIN YUNG SAKIT KO? AYAW NIYA BA

AKONG MAGING MASAYA KAHIT KONTI?? MAY NAGAWA BA AKONG MALI?? NAGING MASAMA BA

AKO??

ANG SAKIT NA MASYADO. HINDE KO NA KAYA… LUMALABAN NA LANG AKO PARA SA MGA TAO SA

PALIGID KO.. PERO SA TOTOO LANG HINDE KO NA KAYA.. NASASAKTAN NA AKO.. PANO PAG READY NA

AKO? TAPOS SILA HINDE PA.. PANO NA YUN?

PATI ANG DAMI KONG MAIIWAN, ANG DAMI KONG MAMIMISS!! SI JIGS NA PALAGI AKONG

PINAPATAWA NUNG HIGH SCHOOL KAMI. SI KIRBY NA PALAGI KONG KASAMA TUWING NASA WORK SI

KENJI. SI GRACE NA NAGBIBIGAY SA AKIN NG LAKAS NG LOOB NUNG NALAMAN NIYANG NILOKO AKO NI

KENJI. SI SARA.. SARA YA!! IKAW LANG ANG NAG IISANG TWIN SISTER KO! PALAGI KANG NASA TABI KO

KAHIT SAAN AKO MAPUNTA.. KAHIT NA NUNG KAYO NA NI JIGS, HINDE MO PARIN AKO NAKALIMUTAN.

YOU’RE MY BETTER HALF, YOU KNOW THAT? SI LUCAS, KAHIT NA SAD ENDING KAMI.. ALAM KONG

SPECIAL KAMI SA ISA’T ISA. HINDE MAGBABAGO YON, KAHIT NA KONTRAHIN PA NI KENJI! YA LUCAS!!! I

LIKED YOU!!! SO DON’T BE SAD NA!! CARLO, MY DONGSAENG!! KAHIT NA MAS GUSTO NA SIYA NI

MOMMY KESA SA AKIN OK LANG.. SIYA LANG ANG LITTLE BROTHER KO. MY LOVING OPPA! EVEN

THOUGH HE’S AN @SS MOST OF THE TIME, I STILL LOVE HIM TO BITS! HE’S STILL THE BEST OPPA EVER..

UMMA, APPA… SORRY FOR EVERYTHING. SORRY FOR BEING SICK.. SORRY.. SORRY.. IF EVER.. IF EVER

LANG.. MAWALA AKO.. PLEASE TAKE GOOD CARE OF KENJI. DON’T MAKE HIM SAD… HE TOOK CARE OF

ME, SO TAKE CARE OF HIM TOO!

HUBBY, SORRY.. HINDE NA AKO YUNG MAG LALAKAD PAPUNTA SAYO SA MAY ALTAR.. ANG SAKIT NA

MASYADO.. PARANG BUMILIS LALO YUNG SAKIT KO.. AYOKO MAG PUNTA SA HOSPITAL KASI

NATATAKOT AKO SA SASABIHIN NILA.. PANO KUNG SABIHIN NILANG.. SIGH. KENJI. AYOKONG IWAN KA..

AYOKONG MALAYO SAYO… AYOKO PA..

I KNOW SINABI MO NA SAKIN DATI NA KAHIT UMIYAK AKO OR LUMUHD OR MAG MAKAAWA HINDE KA

SASAMA SAKIN PAG NAMATAY NA KO.. PERO BATI NA TAYO DIBA? YOU SAID YOU LOVE ME.. SO PWEDE

PA AKONG MAG WISH… PWEDE BA AKONG MAGING SELFISH KAHIT NGAYON LANG? WALA NAMAN

AKO MASYADONG HINILING SAYO DATI EH.. LAST WISH NA TO.. LAST NA TALAGA.. PERO, SOBRANG

SELFISH LANG TALAGA..

KENJI YA.. WILL YOU COME WITH ME?

WE CAN BE TOGETHER THERE.. ALWAYS AND FOREVER, RIGHT?

SO.. ARE YOU WILLING TO COME WITH ME?

I TOLD YOU.. SELFISH YUNG WISH KO.. SORRY.. PERO.. HINDE BA TALAGA PWEDE?

YA~ I HOPE HE WON’T READ THIS..

Other books

The Henderson Equation by Warren Adler
The Suburban You by Mark Falanga
Home Again by Lisa Fisher
Keeper Chronicles: Awakening by Katherine Wynter
The Fashion Police by Sibel Hodge
Sweet Perdition by Cynthia Rayne
Fear of Frying by Jill Churchill
Maigret by Georges Simenon