Noli Me Tangere (41 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Ang m~ga han~gal na "indio", ayon sa sabi n~g "corresponsal", walang nábingwit sa sinaysay na iyón, liban na lamang sa m~ga salitang "guardia civil", "tulisan", "San Diego" at "San Francisco"; namasid nilá ang pagsamà n~g mukhá n~g alférez, ang anyóng bayani n~g nagsesermón, at sa gayo'y inacala niláng kinagagalitan n~g Párì ang alférez dahil sa hindî niyá inuusig ang m~ga tulisán. Si San Diego at si San Francisco ang gaganap n~g bagay na iyón, at silá n~ga ang túnay na macagagawa, tulad sa pinatototohanan n~g isáng pinturang na sa convento n~g Maynila, na sa pamamag-itan lámang n~g canyáng cordón ay nahadlan~gan ni San Francisco ang paglúsob n~g m~ga insíc n~g m~ga unang taón n~g pagcatuclás sa Filipinas n~g m~ga castila. Hindì n~ga cacaunti ang catuwaang tinamó ó n~g m~ga namimintacasi, kinilala niláng utang na loob sa Dios ang ganitóng túlong, at hindî silá nag-aalinlan~gan sa paniniwalang pagca walâ n~g m~ga tulisán, ang m~ga guardia civil naman ang lilipulin ni San Francisco. Lalong pinagbuti n~ga nilá ang pakikinig, sinundan nilá ang m~ga sinasaysay ni Párì Dámaso, na nagpatuloy n~g pananalitâ:

"Cárilagdilagang guinoo: Ang malalaking m~ga bagay talagáng malalakíng m~ga bagay cahi't na sa tabí n~g m~ga maliliit, at ang m~ga maliliit cailan ma'y maliliit din na sa siping man n~g m~ga malalaki. Itó ang sabi n~g Casaysayan, (Historia), at sa pagca't ang Casaysayan, sa sandaang palo'y isá lamang ang tumatamà, palibhasa'y bagay na gawâ n~g m~ga tao, at ang m~ga tao'y nagcacamaling "errare es hominum" ayon sa sabi ni Ciceron, ang may dilà ay nahihidwâ, ayon sa casabihan sa aking bayan, ang nangyayari'y may lalong malalalim na catotohanang hindî sinasabi n~g Historia. Ang m~ga catotohanang itó, Cárilagdilagang Guinoo, ay sinabi n~g Espíritu Santo, sa canyáng cataastaasang carunun~gang cailan ma'y hindî naabót n~g pag iisip n~g tao mulâ pa sa m~ga panahón, ni Séneca at ni Aristóteles, iyang m~ga pantás na m~ga fraile n~g unang panahón hanggang sa macasalanang m~ga panahón natin n~gayón, at ang m~ga catotohanang itó'y hindî n~gâ ibá cung di hindî palaguing ang m~ga maliliit na bagay ay maliliit n~ga, cung di pawang malalakí, hindî cung isusumag sa m~ga mumuntî, cung di cung isusumag sa lalong malalakí sa lúpà at sa lan~git at sa han~gin at sa m~ga pan~ganurin at sa m~ga tubig at sa alang-alang at sa buhay at sa camatayan."

--¡Siya nawa!--ang isinagót n~g maestro n~g V.O.T., at saca nagcruz.

Ibig ni Párì Dámasong papangguilalasin ang m~ga nakikinig sa ganitóng anyô n~g pananalitáng canyáng napag-aralan sa isáng dakilang tagapagsermón sa Maynilà, at siya n~gang nangyari, na sa pagcápatan~ga sa gayóng caraming m~ga catotohanan, kinailan~gan niyang dunggulín n~g paa ang canyáng "espiritu santo" (ang fraile bagáng sa canyá'y tagadictá) upang sa canyá'y maipaalaala ang canyáng catungculan.

--Maliwanag na nakikita n~g inyóng m~ga matá!--ang sinabi n~g "espiritu" búhat sa ibabá.

"Maliwanag na nakikita n~g inyóng m~ga matá ang sumasacsing ganáp at napapaukit na itóng waláng hanggáng catotohanang naalinsunod sa Filosofía! Maliwanag na nakikita iyáng áraw n~g m~ga cabanalan, at sinabi cong áraw at hindî buwán, sa pagca't waláng malaking carapatang numingning ang buwán sa boong gabî; sa lupà n~g m~ga bulág ang dalawáng mata'y harì ang bulág ang isáng matá lamang (nacapangyayari sa bayan n~g m~ga han~gal ang may caunting dunong na pinag-aralan); mangyayaring numingníng ang isáng ílaw cung gabí, ó ang isáng maliit na bituin; ang lalong mahalaga'y ang macapagningníng cahi't catanghaliang tulad sa guinagawâ n~g áraw: ¡ganitó n~ga ang pagniningníng n~g capatid na si Diego cahi't sa guitna n~g lalong m~ga dakilang santo! ¡Nariya't nacahayág sa inyóng m~ga matá, sa inyóng pusóng na hindî pananampalataya sa uliráng gawà n~g Cataastaasan upang mabigyáng cahihiyan ang lalong m~ga dakila sa lupà; oo, m~ga capatid co, hayag, hayag sa lahát, hayag!"

Nagtindíg ang isáng lalaking namumutlâ at nanginginig at nagtagò sa isáng confesionario. Siya'y isáng maglalacò n~g álac na nag-aagaw-tulog at nananag-inip na hinihin~gan siyá n~g m~ga caribinero n~g "patente" na hindî niyá taglay. Hindî na raw siyá umalís sa canyáng pinagtaguan hanggang sa hindî natapos ang sermón. [258]

--"Mapagpacumbabà at maligpiting santo, ang iyóng cruz na cáhoy"--(ang dalá n~g larawan ni San Diego'y cruz na pilac),--"ang iyóng mahinhíng hábito'y pawang nagbibigay dan~gal sa dakilang si Francisco, na camí canyáng m~ga anac at nakikiwan~gis sa canyáng m~ga guinagawá! Inilalaganap namin ang layong santong lahi sa boong daigdig, sa lahát n~g m~ga suloc, sa m~ga ciudad, sa m~ga bayan at hindî namin tinitin~gî ang maputi sa maitim"--(piniguil n~g Alcalde ang canyáng paghin~ga)--"sa pagtitiis n~g hindî pagcain at n~g m~ga pagpapacahirap, santong lahi mo na sa pananampalataya at sa religióng may taglay na sandata"--(¡Ah! ang hinin~gá n~g Alcalde)--"na pinapananatili ang sangcataohan sa matatag na calagayan at pumipiguil na mabulíd sa malalim na ban~gin n~g capahamacán!"

Untiunting naghihicab ang m~ga nakikinig, sampo ni capitang Tiago: Hindî pinakikinggan ni María Clara ang sermón: nalalaman niyang malapit sa canyáng kinalalagyán si Ibarra at siyáng sumasaisip niya, samantalang siyá'y nag-aabanico at canyáng minámasdan ang toro n~g isá sa m~ga Evangelista, na waláng pinag-ibhán sa anyó n~g isáng calabaw na maliit.

"Dapat nating masaulong lahát ang m~ga Santong Casulatan, ang búhay n~g m~ga santo, at sa ganitó'y hindî co kinacailan~gang sa inyó'y man~garal, m~ga macasalanan; dapat ninyóng maalaman ang m~ga bagay na itóng totoong mahalagá at kinacailan~gang gaya n~g pagcasaulo sa Ama namin, bagá man nacalimutan na ninyó itó at nagbubuhay protestante ó hereje na cayó, na hindî nagsisigalang sa m~ga ministro (cawaní n~g Dios, na gaya n~g m~ga insíc), n~guni't cayó'y man~gagpapacasama, lálò n~g man~gapapahamac cayó, m~ga sinumpa!"

--Abá, cosa ese pale Lámaso, ese! (Abá anó ba namán ang párì Dámasong iyán)--ang ibinulóng n~g insíc na si Cárlos, na iniirapan ang nagsesermóng nagpapatuloy n~g m~ga pananalitáng naiisip niya n~g sandalíng iyón, at nagbúbubuga siyá n~g m~ga licaw-licaw na m~ga paglait at pagmumurá.

¡"Mamamatáy cayóng hindî macapagsisisi n~g inyóng m~ga casalanan, m~ga lahi n~g m~ga hereje! Mulâ pa rito sa lupa'y pinarurusahan na cayó n~g Dios n~g m~ga pagcapiit at pagcabilanggô! ¡Ang m~ga mag-amag-anac, ang m~ga babae ay dapat lumayô sa inyó: dapat cayóng bitayíng lahát n~g m~ga namummunô at n~g hindî lumaganap ang binhî ni Satanás sa halamanan n~g Pan~ginoon!... Sinabi ni Jesucristo: Cung cayó'y may masamáng casangcapan n~g catawáng humihicayat sa inyó sa pagcacasala, putulin ninyó, iabsáng ninyó sa apóy!..."

Nan~gin~ginig si fray Dámaso, nalimutan niyá ang canyáng sermón at ang maayos na pananalitâ.

--Náriníg mo ba?--ang itinanóng sa canyáng casama n~g isáng binatang estudianteng taga Maynílà;--¿puputulin mo ba ang iyo?

--¡Ca! siyá na muna ang magputol!--ang isinagót n~g causap, na itinuturò ang nagsesermon.

Naligalig si Ibarra; lumin~gap sa canyáng paliguid at humahanap n~g alin mang súloc, datapwa't punôngpunô ang boong simbahan. Walang nárîrinig at waláng nakikita si María Clara, na pinagsisiyasat ang cuadro n~g pinagpalang m~ga cáluluwa sa Purgatorio, m~ga cáluluwáng ang anyó'y m~ga lalaki't m~ga babaeng hubó't hubad na may nacapatong sa úlong "mitra," (sombrero n~g papa,) "capelo" (sombrero n~g cardenal), ó "toca" (talucbóng n~g monja), na nan~gaiihaw sa apóy at nan~gagsisicapit sa cordón ni San Francisco, na hindî nalalagot cahi't lubháng napacabig-at ang m~ga nacabiting iyón.

Sa gayóng pagdaragdag ni Fray Dámaso n~g canyáng m~ga naisipa'y nag-caligáw-ligáw ang espíritu santong fraile sa pagcacasunodsunód n~g sermón hanggang sa siya'y lumactaw n~g tatlóng mahahabang pangcát at sumamâ ang pagdidictá cay Párì Dámaso, na humihin~gal at nagpapahin~ga sa canyang maalab na pagmumurá.

"¿Sino sa inyó, m~ga makasalanang nakikinig sa akin, ang hihimod sa m~ga súgat n~g isáng dukhâ at libaguing magpapalimos? ¿Sino? Sumagót at itaas ang camáy cung sino! ¡Walâ sino man! Dati co nang nalalaman; walâ n~gang macagagawâ n~g gayón cung dî ang isáng santong gaya ni Diego de Alcalá; canyáng hinimuran ang boong cabulucán, at tulóy sinabi niyá sa isang capatid na nangguiguilalás; ¡Ganitó ang paggamot sa may sakít na itó! ¡Oh pagcacacawang gawâ n~g cristiano! ¡Oh pagcahabág na waláng cahulililip! ¡Oh cabanalan n~g m~ga cabanalan! ¡Oh cagalinggalin~gang hindî matutularan! ¡Oh waláng bahid na lunas!...."

At ipinagpatuloy ang isáng mahabang tanicalang m~ga ¡oh! na idiniripa ang m~ga camáy, at itinataas at ibinababa na anaki mandin ibig na lumipad ó bumugaw n~g m~ga ibon.

"Nagsalitâ siyâ n~g latin bago mamatáy, ¡bagá man dating hindî murunong n~g latin! Mangguilalás cayó m~ga macasalanan! ¡Hindî cayô macapagsasalitâ n~g latin, baga man pinag aaralan ninyó, at sa pag aaral na ito'y pinapalò cayó, hindî cayó macapagsasalitâ n~g latin, mamamatay cayóng hindî macapaglálatin! ¡Isáng biyaya n~g Dios ang macapagwicang latin, cayâ nagsasalita n~g latín ang Iglesia! ¡Acó ma'y nagwiwicang latin din! ¿Bakit ipagkakait n~g Dios ang caaliwang itó n~g loob sa canyáng minamahal na si Diego? Mangyayari ba siyáng mamatáy, mapababayaan ba siyáng hindî nagwiwicang latín? Hindî n~ga mangyayari! Cung magcagayó'y hindî gaganáp sa catuwiran ang Dios, hindî sa totohanang siyá'y Dios! ¡Nagwicang latín n~gâ siyá at nagpapatotoo ang m~ga sumulat n~g aclat n~g m~ga panahóng iyón!" At canyáng binigyáng wacás ang canyang pasimula n~g pan~gan~garal n~g lalong pinaghirapan niya na canyáng inumit sa titic n~g isáng dakilang manunulat, na si Guinoong Sinibaldo de Más.

"¡Binabatì n~gâ cata, marilág na Diego, dan~gal n~g aming samahán! Puspós ca n~g cabanalan, mahinhing may capurihán; mapagpacumbabang may camahalan; masunuring boo ang loob; mapagtiis sa cacaunting bagay na mapagmithi; caaway na tapát ang loob; maawaing nagpapatawad; fraileng lubháng maselang; mapanampalatayang namimintacasi; mapaniwalaíng waláng málay; waláng bahid calupaang sumisinta; hindî maimiking may tinagong líhim; mapagtiis na matiyagá; matapang na natatacot; mapagpiguil na may calooban; mápan~gahás na masulong; mapanalimang nagpapacatinô; mahiyaing may caran~galan; mapag-in~gat n~g iyóng pag-aaring hindî mahinayan~gin; maliksing tagláy ang cáya; mapagbigáy galang na marunong makipagkapuwa-tao; matalas ang ísip na ma-in~gat; mahabaguing may awa, matimtimang may hiyá; mapanghigantíng matapang; sa casipaga'y dukhâ na mapagsang-ayon; mapag-impoc na mapagbiyaya; waláng malay na nacacatalós; mapagbagong may kinauuwian; mapagwalangbahalang nagmimithíng matuto: ¡linaláng ca n~g Dios upang camtán ang m~ga caayaayang lugód n~g pagsintang malamlam!...Tulun~gan mo acóng umawit n~g iyóng m~ga cadakiláan at n~g ang iyóng pan~gala'y lalong mataas cay sa m~ga bituin at lalong lumiwanag cay sa araw na umiinog sa iyong paanan! Tulun~gan ninyó acóng humin~gi sa Dios n~g cauculáng tálas n~g ísip, sa pamamag-itan n~g pagdarasal n~g isáng Aba Guinoong María!..."

Nan~gagsiluhód na lahát at bumán~gon ang isáng hûgong na catúlad n~g sabay-sabáy na húgong n~g sanglíbong bubúyog. Iniluhód n~g Alcalde n~g malakíng pag-hihirap ang isáng páa, na iniíiling ang úlo sa samâ n~g lóob; namutlá at nagsisisi n~g taimtim sa púsò ang alférez.

--¡Napacadiablo ang curang iyán!--ang ibínulóng n~g isá sa m~ga binatang galing Maynílà.

--¡Huwág cang main~gay!--ang sagót n~g casáma,--naririnig táyo n~g canyáng asawa.

Samantala'y hindî ang pagdarasál n~g Abá Guinoong María ang guinágawâ ni Párì Dámaso, cung dî ang pag-away sa canyáng "espíritu santo," dáhil sa paglactaw na guinawâ sa tatlóng pinacamainam na pangcát n~g canyáng sermón, sacâ cumáin n~g tatlóng merengue at uminóm n~g isáng vasong álac na Málaga, sa canyang lubós na pananalig na masusundûan niyá sa canyáng kináin at ininóm na iyon ang magagalíng na salitáng canyáng sasaysayin, n~g higuít sa maibubulóng sa canyá n~g lahát n~g m~ga "espiritu santong" cáhoy na may anyóng calapati ó may but-ó't may lamáng may anyóng maliban~ging fraile. Pasisimulan niya na ang sermóng wícang tagalog.

Tinuctucán n~g matandáng mapamintacasi ang canyáng apóng babae, na naguising na masamâ ang loob at nagtanóng:

--¿Dumating na ba ang oras n~g pag-iyác?

--Hindî pa, n~guni't huwag cang matulog ¡"condenada"!--ang isinagót n~g mabait na núnong babae.

Babahagyâ lamang ang naitandá namin sa pan~galawang bahágui n~g sermón, sa macatwíd bagá'y ang sa wícang tagalog. Hindî nagsasaulo n~g pinag-ayos sa wicang tagalog si Párì Dámaso, cung dî ang maisipan na lamang niyá sa oras n~g pagsesermón, hindî sa dahiláng malakî ang dunong niyá sa pananagalog cay sa pan~gan~gastila, cung dî palibhasa'y ipinalálagay niyáng páwang han~gál ang m~ga filipinong m~ga taga lalawigan sa maayos na pananalitâ, hindî siyá nan~gan~ganib macapagsalitâ n~g m~ga caul-ulán sa haráp nilá. Sa m~ga castila'y ibá n~g bagay, may naringgan siyáng may palatuntunan daw na sinusunod sa magalíng na pananalumpatì, at hindî n~gâ malayong magcaroón sa m~ga nakikinig n~g isá man lamang na nacapag-aral sa colegio, marahil ang guinoong Alcalde Mayor ang isá sa canilá; at dahilán dito'y isinusulat muna niyá ang canyáng m~ga sermón, pinagsisicapang pagbutíhin, kinikikil at sacâ isinasaulo pagcatápos, at guinágawâ niyá ang pagsasanay sa loob n~g m~ga dalawáng áraw bágo dumatíng ang pagsesermón.

Naguíng cabalitaàng sino man sa nakikinig ay hindî nacaunawa n~g caboóan n~g sermóng iyón: at gayón ang nangyari, palibhasa'y mapupuról ang caniláng ísip at totoong malalalim ang m~ga sinabi n~g nagsermón, ang sabi n~ga ni Hermana Rufa, cayâ n~ga't nasáyang lámang ang paghihintáy n~g m~ga nakikinig n~g pagdatíng n~g m~ga pananalitáng kinararapatang iyacán, at bucód pa sa roo'y mulíng natúlog ang "condenadang" apó n~g matandáng mápagbanal.

Gayón man, itóng huling bahaguing itó'y namun~gang hindî gáya, n~g úna, cahi't sa m~ga tan~ging nakikinig man lamang, ayon sa makikita natin sa dacong súsunod.

Nagpasimulâ n~g isáng: "Maná capatir con cristiano", at sacá isinunod dito ang dugyóng-dugyóng m~ga salitáng hindî maihuhulog sa anô mang wicà; nagsalita n~g tungcól sa cáluluwa, sa Infierno, sa "mahal na santo pintacasi, sa m~ga macasalanang m~ga "indio" at sa m~ga banal na m~ga Páring Franciscano."

--¡Menche!--anáng isá sa dalawáng m~ga waláng galang na tagá Maynila sa canyáng casama:--wicang griego sa ganáng ákin ang lahat n~g iyán, yayao na acó.

At sa pagca't nakita niyang nacasará ang lahát n~g pintuan, doón siyá lumabás sa sacristía, na ano pa't malaking totoo ang ipinagcasala n~g m~ga tao at n~g nagsesermón, sa dahil sa gayo'y namutlâ at itiniguil ni Párì Dámaso sa calahati ang isáng salitâ niyá; inacálà n~g ilang magsasalitâ siyá n~g isáng mabalásic na múra, n~guni't nagcásiya na lamang si Párì Dámaso na pasundan niyá n~g tin~gin ang umalís, at sacâ ipinagpatúloy ang pagsesermón.

Other books

Arrested Love by Jean Baker
The Tattoo by Chris Mckinney
With Open Eyes by Iris Johansen, Roy Johansen
The Fell Sword by Cameron, Miles
The Pack by Dayna Lorentz
Treadmill by Warren Adler
Under the Skin by Michel Faber