Noli Me Tangere (44 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

--¡Isang "Indio" naman lamang ang siyáng namatáy!

--¡Ipagpatuloy ang fiesta! ¡Música! ¡hindî mabubuhay n~g capanglawan ang namatay! ¡Capitan, gagawin dito ang pagsisiyasat!... ¡Pumarito ang directorcillo!.... ¡Piitin ang "maestro de obras"!

--¡Ipan~gáw siyá!

--¡Ipan~gáw! ¡Eh! ¡música! ¡música! ¡Ipan~gáw ang maestrillo!

--Guinoong Alcalde,--ang itinutol n~g boong catigasan n~g loob ni Ibarra;--cung hindi macabubuhay sa namatay ang capanglawan, lalò n~g hindi macabubuhay ang pagcabilanggô n~g isáng tao, na hindi pa natin nalalaman cung may sala siyá ó walâ. Nanánagot pô acó sa canyáng calagayan at hinihin~gî cong pawal-an siyá, sa m~ga araw na itó man lamang.

--¡Sang-ayon! ¡sang-ayon! ¡n~guni't huwag na lamang siyá uulí!

Sarisarìng m~ga salisalitaan ang lumilibot. Pinaniniwalaan n~g isáng himalâ ang nangyaring iyón. Gayón ma'y tila mandin hindî totoóng natutuwâ si Párì Salvi sa himaláng sinasapantahang guinawâ n~g isáng santo n~g canyáng capisanan at n~g canyáng pin~ganan~gasiwaang bayan.

Hindî nagculang n~g nagdagdag na canyáng nakitang lumusong sa húcay ang isáng nacasuot n~g pananamít na itimáng catulad n~g sa m~ga franciscano. Hindî n~gâ mapag-aalínlan~ganan: si San Diego ang nanaog na iyón. Napagtantô rin namáng nakinig n~g misa si Ibarra, at ang lalakíng nanínilaw ay hindî; ito'y maliwanag na cawan~gis n~g sicat n~g áraw.

--¿Nakita mo na? áayaw cang magsisimbá,--anang isáng ina sa canyáng anac--cung dí cata napalò upang icaw ay aking pilitin, n~gayó'y pasasatribunal cang nacalulan sa cangga na gaya naman niyan!

At siyá n~gâ naman: hatid sa tribunal na nácabalot sa isáng banig ang lalaking nanínilaw ó ang canyáng bangcay.

Umuwing patacbó sa canyáng báhay si Ibarra upang magbihis.

--¡Masamáng pasimulâ, hm!--ang sinabi n~g matandáng Tasio na doo'y lumalayô.

=XXXIII.=

=LAYANG-CAISIPAN.=

Nagtatapos na si Ibarra n~g paghuhusay n~g catawán n~g sa canyá'y ipagbigay alam n~g isáng alîlang lalakíng may isáng lalakíng tagabukid na nagtátanong cung siyá'y naroroon.

Sa pagsasapantahà niyáng marahil ang nagtatanóng ay isa sa canyáng m~ga casama sa bukid, ipinagutos niyáng papasukin ang taong iyón sa canyáng "despacho", silid na aralán, ligpitan n~g m~ga aclát at laboratorio químico túloy.

N~guni't sinadya mandin upang siyá'y lubhang mangguilalás, ang nasumpun~gan niya'y ang mabalasic at matalinghagang anyô ni Elias.

--Iniligtas ninyó ang aking búhay--ang sinabi nitó sa wicang tagalog, dahil sa pagcamasid niya sa kilos ni Ibarra;--binayaran co n~g cauntì ang aking utang at walâ n~gâ cayóng sucat kilalaning utang na loob sa akin, tumbalíc, acó ang ma'y kinikilalang utang na loob. Naparito pô acó't n~g makiusap sa inyó tungcól sa isáng bagay.

--¡Magsalita pô cayó!--ang sagót n~g binatà sa wicang tagalog din, taglay ang pangguiguilalás sa mabalasic na anyô n~g tagabukid na iyón.

Sandaling tinitigan ni Elías ang m~ga matá ni Ibarra, at nagpatuloy n~g pananalita:

--Sacali't ibiguin n~g justicia n~g m~ga taong liwanaguin ang talinghagang itó, ipinamamanhic co pó sa inyong huwag ninyóng sasabihin canino man ang tagubiling sinabi co sa inyó sa simbahan.

--Huwag pô cayóng mabahala,--ang isinagót n~g binatà sa isáng anyón nagpapakilala n~g sama n~g loob;--talastas cong cayó'y pinag-uusig, datapuwa't acó'y hindî marunong magcanulô canino man.

--¡Oh, hindî dahil sa akin, hindî dahil sa akin!--ang madalíng isinagót ni Elías, na nagpapahalatâ n~g caalaban n~g loob at pagcahindî maalam magpacababà--itó'y dahil pô sa inyó: walâ cauntî mang tacot acó sa m~ga tao.

Náragdagán ang pangguiguilalas n~g binatà: bago ang anyô n~g pananalitâ nang tagabukid n~g iyóng n~g unang daco'y piloto, at tila mandin hindî agpang sa canyang anyo at gayón din sa canyang pamumuhay.

--¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang tanóng sa lalaking talinghagang iyón, na pinagsisiyasat n~g canyang panin~gin.

--Ang pananalitâ co po'y hindî palaisipan, pinagsisicapan cong magsabi n~g maliwanag. Sa icapapanatag pô ninyó kinacailan~gang sapantahain n~g inyóng m~ga caaway na cayó'y hindî nag-aalap-ap at palagay ang loob ninyó:

Umudlót si Ibarra.

--¿Ang aking m~ga caaway? ¿May m~ga caaway ba acó?

--¡May caaway pô tayong lahát, guinoo, mulâ sa lalong maliit na hayop hanggang sa tao, mulâ sa lalong dukhâ hanggang sa lalong mayaman at macapangyarihan! ¡Ang pagcacaroon n~g caaway ang siyang talagang cautusan n~g buhay!

Walang imíc na tinitigan ni Ibarra si Elías.

--¡Cayó po'y hindî piloto at hindî cayó tagabukid!--ang canyáng ibinulóng.

--May m~ga caaway pô cayó sa m~ga matataas at mababang tao,--ang ipinagpatuloy ni Elías na hindî pinansín ang m~ga sinalitâ n~g binatà;--nais pô ninyóng itulóy ang isáng panucalang dakilà, may pinagdaanan pô cayó, nagcaroon n~g m~ga caaway ang inyóng nunong lalaki at ang inyóng amá, silá'y may m~ga kinahiligan n~g púsò, at sa pamumuhay hindî ang m~ga tampalasa't masasamang tao ang lalong nacapupucaw n~g maalab na m~ga pagtataním n~g galit, cung hindî ang m~ga taong may malilinis na calooban.

--¿Nakikilala pô ba ninyó ang aking m~ga caaway?

Hindî sumagót pagdaca si Elías, at ang guinawa'y naglininglining.

--Nakikilala co ang isá, iyóng namatáy,--ang isinagót. Napagtalastas co cagabíng may isáng bagay na caniláng inaacalang laban po sa inyó, dahil sa iláng m~ga salitang canyang isinagót sa isáng lalaking hindî co kilalá na nawalâ sa cadiliman. "Hindî itó cacanin n~g m~ga isdáng catulad n~g canyáng amá: makikita pô ninyó búcas",--anya,--Ang m~ga salitáng itó'y siyang nacahicayat sa aking pagdidilidili, hindî lamang sa taglay na canyang cahulugan, cung hindî sa taong nagsalitâ, na niyóng araw pa'y nagcusang humaráp sa "maestro de obras" at canyang sinabi ang canyáng han~gad na siyá na ang mamamatnugot n~g m~ga gawain sa paglalagáy n~g unang bató, na hindî humin~gi n~g malakíng bayad, at ipinagbabansag ang malalakíng canyáng m~ga caalaman. Walâ acóng pagsaligang casucatan upang masapantalà co ang canyáng masamang calooban, n~guni't may isáng cauntíng bagay na nagsasabi sa aking ang m~ga sapantahà co'y catotohanan, at dahil dito'y aking hinirang upang cayó'y pagbilinan, ang isáng sandalî at isáng calagayang ucol at angcáp upang cayó po'y huwag macapagtatanóng sa akin. Ang m~ga ibáng nangyari'y nakita na pô ninyó.

Malaon nang hindî nagsasalità si Elías, at gayón ma'y hindî sumasagót at hindî pa nagsasalitâ n~g anó man si Ibarra. Siyá'y naggugunamgunam.

--¡Dinaramdam co na ang taong iya'y namatay!--ang sa cawacasa'y nasabi niyá;--¡marahil sa canyá'y may napag-usisà pang caunting m~ga bagay!

--Cung siyá'y nabúhay marahil siyá'y nacawalâ sa nan~gin~gnig na camáy n~g bulág na justicia n~g tao. ¡Hinatulan siyá n~g Dios, pinatay siyá n~g Dios, ang Dios ang siyáng tan~ging humucóm sa canyá!

Minasdáng sandalî ni Crisóstomo ang lalakíng nagsasalita sa canyá n~g gayón, at canyáng nakita ang m~ga batibot na m~ga braso nitó, na punóng-punô n~g m~ga pasà at malalakíng bugbóg.

--¿Cayó pô ba'y nananampalataya naman sa m~ga himalá?--ang sinabing n~gumin~gitî;--¡tingnan pô ninyó ang himaláng sinasabi n~g bayan!

--Cung nananampalataya pô acó sa m~ga himala'y hindî acó mananampalataya sa Dios: sasampalataya acó sa isáng taong naguing dios, sasampalataya acóng tunay n~gang linalang n~g tao ang Dios alinsunod sa canyáng larawan at calagayan; datapawa't sumasampalataya acó sa Canyá; hindî miminsang náramdaman co ang canyáng camáy. Nang lumulugso na ang lahát, na ano pa't nan~gan~ganib malipol ang lahát n~g nan~garoroon sa lugar na iyón, acó, acó ang pumiguil sa tampalasan, lumagay acó sa canyáng tabí; siya ang nasugatan at aco'y nacaligtás at hindî nasactán.

--¿Cayó? ¿sa macatuwid pala'y cayó?...

--¡Opô! hinawacan co siyá n~g nag-iibig n~g tumacas, pagcatapos na mapasimulan niyá ang gawang pangpahamac; nakita co ang caniyáng pananampalasan. Sinasabi co pô sa inyó; ang Dios na n~gâ pô lamang ang siyáng tan~ging maguing hucóm sa m~ga tao, siyá na n~gâ lamang ang tan~ging magcaroon n~g capangyarihan sa búhay; na cailan ma'y huwag isiping siyá'y halinhan n~g tao!

--At gayón man n~gayon po'y cayo'y....

--¡Hindî pô!--ang isinalabat ni Elías, palibhasa'y nahulaan niyá ang tutol, hindî nagcacawan~gis.--Pagca hinahatulan n~g tao ang ibang m~ga tao sa camatayan ó sa capahamacan n~g pagcabuhay magpacailan man sa hinaharap na panahón, guinagawà ang gayóng paghatol na hindî siyá lumagay sa pan~ganib, at gumagamit siyá n~g lacás n~g ibang m~ga tao upang ganapin ang canyáng m~ga hatol, na sa lahát n~g ito'y mangyayaring pawang camalian ó lihis sa catuwiran. Datapuwa't acó, sa aking paglalagay sa tampalasan sa gayón ding pan~ganib na canyáng ínilaan sa m~ga ibá, nalalakip din acó sa gayon din capan~ganiban. Siya'y hindî co pinatay, pinabayaan cong patayin siyá n~g camáy n~g Dios.

--¿Hindî pô ba cayó sumasampalataya sa pagcacataon?

--Pagca nanampalataya sa pagcacatao'y para ring nanámpalataya sa m~ga himalá; ang nananampalataya sa dalawang bagay na ito'y naniniwala namang hindî natátalos n~g Dios ang m~ga mangyayari sa panahóng sasapit. ¿Anó ang pagcacátaon? Isang bagay na nangyaring sino ma'y hindî nacaaalam n~g mangyayarî. ¿Anó ang himalà? Isáng casalangsan~gan, isáng pagcacasirâ-sirà n~g lacad na tacdà sa m~ga kinapal. Isáng caculan~gan n~g laan sa mangyayari at isáng casalangsan~gang ang cahuluga'y dalawang malalaking capintasan sa isip na namamatnubay sa máquina n~g daigdig.

--¿Sino pô ba cayó?--ang mulíng itinanóng ni Ibarra na ma'y halong tacot;--¿cayó pò ba'y nag-aral?

--Napilitan acóng sumampalatayang totoo sa Dios, sa pagca't pumanaw sa akin ang pananalig sa m~ga tao,--ang isinagót n~g piloto, na anó pa't iniwasan ang pagsagót sa tanóng.

Ang isip ni Ibarra'y canyáng napag-unawà, ang caisipan n~g pinag-uusig na binatang iyón: hindî niyá kinikilala ang catuwiran n~g taong maglagdâ n~g cahatulán sa canyáng m~ga capuwà, tumututol siyá laban sa lacás at cataasan n~g calagayan n~g m~ga tan~ging pulutóng na tao sa ibáng m~ga pulutóng.

--Datapuwa't kinacailan~gang sumang-ayon cayó sa pan~gan~gailan~gan n~g lalarong timban~gang tao, cahi man lubhâ ang capintasan at m~ga caculan~gan nitó--ang itinutol niyá.--Cahi't anóng dami n~g m~ga kinacatawán n~g Dios sa lupa'y hindî mangyayarî, sa macatuwid baga'y hindî sinasabi n~g boong caliwanagan ang canyáng pasyá upang mabigyang cahatuláng ang yutayutang m~ga pagaalit-alít na ibinabalangcás n~g m~ga hidwâ nating budhî. Nauucol, kinacailan~gan sumasacatwirang manacanaca'y humatol ang tao sa canyáng m~ga capuwà.

--Tunay n~gâ, datapuwa't n~g upang gawín ang cagalin~gan, hindî ang casam-an; upang sumawatâ n~g lihis at magpabuti, hindî n~g macapagwasac, sa pagca't cung hindî matuntóng sa matuwid ang canyáng m~ga pasya'y walâ siyang capangyarihang mabigyang cagamutan ang masamáng canyáng guinawâ. N~guni't higuit sa aking cáya ang pagmamatuwirang itó,--ang canyáng idinugtóng at binago ang anyô n~g pananalita,--at nililibang co po sayó n~gayong cayó'y hiníhintay; Huwag pô ninyóng calimutan ang casasabi co pa sa inyô: may m~ga caaway cayô; magpacabuhay pô cayô sa icágagaling n~g inyóng tinubuang bayan.

At nagpaalam.

--¿Cailán co pô cayó makikita uli?--ang tanóng ni Ibarra.

--Cailan man pô't ibiguin ninyó at cailán mang ma'y magagawâ acóng inyóng pakikinaban~gan. May utang pa pô acó sa inyô.

=XXXIV.=

=ANG PAGCAIN.=

Nan~gagasisicain sa ilalim n~g pinamutihang kiosko ang m~ga mahál na tao sa lalawigan.

Na sa isáng duyo n~g mesa ang Alcalde; sa cabiláng duyo naman naroon si Ibarra. Nacaupô sa dacong canan n~g binatà si María Clara, at sa dacong caliwa, niyá ang escribano. Si capitang Tiago, ang alférez, ang gobernadorcillo, ang m~ga fraile, ang m~ga cawani n~g pamahalaan at ang ilang m~ga dalagang nan~gasira'y nan~gagsiupô, hindî ayon sa canicaniláng calagayan sa bayan, cung di ayon sa canicaniláng hilig.

May catámtamang sayá at galác ang cainan, datapuwa't n~g nan~gan~galahati na'y siyang pagdating n~g isáng cawaní sa telégrafo na si capitang Tiago ang hanap upang ibigay sa canyá ang isáng telegrama. Ayon sa caugalia'y humin~gi n~gang pahintulot si capitang Tiago upang basahin ang telegramang iyón, at ayon sa caugalian naman ay ipinamanhíc n~g lahát na canyáng basahin.

Pinapagcunót muna n~g carapatdapat na Capitan ang canyáng m~ga kilay, itinaás pagcatapos, namutlâ ang canyáng mukhâ, nagliwanag, dinálidalíng tiniclóp ang papel at sacá nagtindig.

--M~ga guinoo,--ang sinabing nagmamamadalî,--¡daratíng n~gayóng hapon ang cáran~galdan~galang Capitang General upang paunlacán ang aking bahay!

At sacá bigláng nagtatacbóng dalà ang telegrama at ang servilleta, n~guni't waláng sombrero, na pinag-uusig n~g m~ga hiyawan at m~ga tanông.

Cung ang pagdatíng n~g m~ga tulisán ang ibinalita'y gayón na n~gâ lámang ang ligalig na mangyayari.

--¡N~guni't pakinggan pô ninyó!--¿cailan daratíng?--¡Sabihin ninyó sa amin!--¡Ang Cápitan General!

Maláyo na si Cápitang Tiago.

--Dárating ang Capitan General at doon tútuloy sa báhay ni Capitan Tiago!--ang sigawan n~g ilán, na ano pa't hindî na nilá dinidili-diling naroroon ang anac na babae't ang canyáng mamanugan~gin.

--¡Hindî macahihirang n~g lalalò pa sa galing!--ang itinutol ni Ibarra.

Nan~gagtitin~ginan ang m~ga fraile: itó ang cahulugan n~g caniláng tin~ginan:--"Gumagawâ ang Capitan General n~g isá sa canyáng m~ga capáslan~gan, inaalipustà niyá tayo, dapat na sa convento siyá tumulóy",--datapuwa't sa pagca't gayón din ang iniisip n~g lahát, silá'y hindî umiimic at hindî sinasaysay nino man ang canyáng caisipan.

--May nan~gagsabi na sa akin sa hapon n~g bagay na iyán, datapuwa't hindî pa nalalaman n~g Capitan General cung siya'y matutulóy.

--¿Nálalaman pô ba n~g camahalan ninyó, guinoong Alcalde, cung hanggang cailan matitirà rito ang Capitan General?--ang tanóng n~g alférez na nan~gan~gánib.

--Hindî co talastas na maigui; maibiguin ang Capitan General na mangbiglà.

--¡Nárito ang ibáng m~ga telegrama!

Ang m~ga telegramang iyo'y sa Alcalde, sa alférez at sa gobernadorcillo; namamasid na magaling n~g m~ga fraileng walâ isá man lámang telegramang ucol sa cura.

--¡Dárating ang Capitan General sa icapat na oras n~g hapon, m~ga guinoo!--anang Alcalde n~g pananálitang madakilà;--macacacain tayo n~g boong catahimican.

Hindî macapagsasabi n~g hihiguit pa sa rito sa cagalin~gan si Leonidas sa Termópilas: "¡N~gayong gabi'y hahapon tayong casama ni Plutón!"

Other books

My Secret to Tell by Natalie D. Richards
Maids of Misfortune by Locke, M. Louisa
one hot summer by carolina garcia aguilera
Pursued By The Viscount by Carole Mortimer
DreamALittleDream by Amylea Lyn
The Tank Lords by David Drake
One Good Turn by Kate Atkinson
Origin by Smith, Samantha