Noli Me Tangere (47 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

--¡Lalò n~g "sagrado" ang pagmamalasakit sa capurihán n~g namatáy na m~ga magugúlang!--ang itinútol ni capitana Maria.--¡Waláng macapagwáwalang galang sa canilang santong capurihán, cahì man ang Papa, at lalò n~g hindî si párì Damaso!

--Túnay n~ga!--ang bulóng ni capitana Tinay, na nagtataca sa carunun~gan n~g dalawa;--¿saan ninyó kinucuha ang ganyáng pagcagagaling na m~ga pan~gan~gatuwiran?

--¿N~guni't ang "excomunión" at ang pagcapacasama?--ang itinutútol namán n~g Rufa.--¿Anó ang capacanán n~g m~ga dan~gal at n~g capurihan sa búhay na itó cung mapapasasama naman tayo sa cabilang búhay? Dumaraang madali ang lahat ... datapuwa't ang excomunión ... sumirang púri sa isang kinacatawan ni Jesucristo ... ¡iya'y ang Papa lamang ang nacapapapatawad!

--¡Ipatatawad n~g Dios na nag-uutos na igalang ang ama't ina; hindî siya eexcomulgahin n~g Dios! At itó ang sinasabi co sa inyó, na cung pumaroon sa aking bahay ang binatang iyan, siya'y aking patutuluyin at cacausapin; at iibiguin cong siya'y aking maging manúgang, cung mayroon sana acóng anac na babae; ang mabaít na anac ay maguiguing mabaít namang asawa at mabaít na ama; ¡maniwalà cayó, hermana Rufa!

--Hindî gayón naman ang aking acala, sabihin na ninyó ang ibig ninyóng sabihin; at cahi man tila mandín cayó ang sumasacatuwiran, ang cura rin ang siyang paniniwalaan co cailan man. Ang unaúna'y ililigtas co múna ang aking caluluwa, ¿anó pô ang sabi ninyó, capitana Tinay?

--¡Ah, anó ang ibig ninyóng aking sabihin! Capuwa cayó sumasacatuwiran; sumasacatuwiran ang cura, datapuwa't ¡dapat ding magcaroon n~g catuwiran ang Dios! Ayawan co, acó'y isang tan~ga lamang ... Sasabihin co sa aking anac na lalaking huwag n~g mag-aral, ang siya cong gagawin! ¡Namamatay daw sa bibitayan ang m~ga marurunong! ¡María Santisima, ibig pa naman pa sa Europa n~g aking anac na lalaki!

--¿Anó pô ang inaacala ninyóng gawin?

--Sasabihin co sa canyang manatili na lamang siya sa aking tabi, ¿anó't iibiguin pa niyang maragdagan ang canyang dúnong? Búcas macalawa'y mamamatay rin cami, namamatay ang marúnong na gawa rin n~g mangmang ... ang kinacailan~ga'y mamúhay n~g payapà.

At nagbúbuntong hinin~ga ang mabait na babae at itinitin~galá sa lan~git ang m~ga matá.

--Acó naman,--ang sabi n~g bóong cataimtiman ni capitana María,--cung acó ang gaya ninyóng mayaman, pababayaan cong maglacbay--bayan ang aking m~ga anac; sila'y m~ga batà, at darating ang araw na sila'y man~gagcacagulang cacauntì n~g panahón ang aking icabubuhay ... magkikita na camí sa cabilang buhay ... dapat magmithi n~g lalong mataas na calagayan ang m~ga anac cay sa calagayang inabot n~g canilang m~ga ama, at wala tayong naituturò sa canila, cung sila'y na sa ating sinapupunan, cung dî ang pagcamusmús.

--Ay, cacatuwâ namang totoo ang m~ga caisipan pala ninyo!--ang bíglang sinabi ni capitana Tinay, na pinagduduop ang m~ga camay;--¡tila mandin hindî ninyo pinaghirapan ang pan~gan~ganac sa inyong cambal na m~ga anac, na lalaki!

--Dahilan n~gâ sa sila'y pinaghirapan co n~g pan~gan~ganac, inalagaan at pinapagaral, cahi man camí dukhâ, hindî co íbig na pagcatapos n~g lubhang maraming capagalang sa canila'y aking guinúgol, ay waláng cahinatnan sila cung dî maguing calahating tao lamang.

--Sa áking palagáy hindî pô ninyó iniibig ang inyóng m~ga anác n~g alinsunod sa ipinag-uutos n~g Dios!--ang may cahigpitang sábi ni hermána Rufa.

--Ipatáwad pô ninyó, umiibig bawa't iná sa canyáng m~ga anác n~g alinsunod sa canyáng adhicâ; may m~ga ináng umiibig sa canyáng m~ga anác at n~g caniláng pakinaban~gan, ang ibá nama'y umiibig sa canyáng m~ga anác dáhil sa pag-ibig nilá sa sarili, at umiibig namán ang ibá sa icagagaling n~g canilá ring m~ga anác. Acó'y nabibilang dito sa m~ga hulíng sinábi co, ganitó ang itinúrò sa ákin n~g áking asáwa.

--Hindî totóong nababagay sa átas n~g religión, capitana María, ang lahát ninyóng m~ga iniisip; ¡cayó'y másoc n~g pagca hermana sa Santísimo Rosario, cay San Francisco, cay Santa Rita, ó cay Santa Clara!--ang sabi ni hermana Rufa, na ang anyo'y párang nagsesermón.

--Hermana Rufa, pagca carapatdapat na acóng maguing capatíd (hermana) n~g m~ga táo, aking sisicaping acó'y maguing capatíd namán n~g m~ga santo!--ang canyáng sagót na n~gumin~gitî.

Upang mabigyáng wacás ang bahaguing itóng nauucol sa m~ga salisalitaan n~g báyan; at n~g mapagwarì man lámang n~g m~ga bumabasa cung anó cayâ ang iniisip n~g m~ga waláng málay na m~ga tagabúkid sa nangyari, pumaroon tayo sa lílim n~g tolda n~g plaza, at pakinggán nátin, ang m~ga salitaan n~g iláng nan~gároroon, ang isá sa canila'y cakilala nátin, na dî ibá cung dî ang nananaguinip sa m~ga doctor sa panggagamot.

--Ang lálong dináramdam co'y hindî ná mayayari ang páaralan!--ang sinasabi nitó.

--¿Bakit? ¿bakit?--ang tanun~gan n~g m~ga nakíkinig malakí ang pagpipilit na macaálam.

--¡Hindî na maguiguing doctor ang áking anác, siya'y maguiguing magcacaritón na lamang! ¡Walâ! ¡Hindî na magcacapáaralan!

--¿Sino ang nagsábing hindî na magcacapáaralan?--ang tanóng n~g isáng han~gál at matabáng tagabúkid, na malalakí ang m~ga pan~gá at makítid ang báo n~g úlo.

--¡Aco! ¡Pinan~galanang "plibastiero" si don Crisóstomo n~g m~ga páring mapuputî! ¡Hindî na magcacapáaralan!

--Nagtatanun~gan ang lahát sa pagsusulyapan. Nababago sa canilá ang pan~galang iyón.

--¿At masamâ bâ ang pan~gálang iyán?--ang ipinan~gahas na itinanóng n~g han~gál na tagabúkid.

--¡Iyan ang lálong masamáng masasabi n~g isáng cristiano sa cápuwà niyá!

--Masamâ pa bâ iyán sa "tarantado" at sa "saragate"?

--¡Ah, cung sána'y ganyán na n~gâ lámang! Hindî mamacailang tináwag acó n~g ganyán ay hindi man lámang sumakít ang áking sicmúrà.

Datapuwa't marahil namá'y hindi na sasamâ pa sa "indio", na ¡sinasabi n~g alférez!

Ang nagsabing magcacaroon n~g isáng anác na laláking carretonero'y lálo pang nagpakita n~g calungcútan; nagcamót namán sa úlo ang isá at nag-íisip isip:

--¡Cung gayó'y maráhil catúlad n~g "betelapora" na sinasabi n~g matandáng babáe n~g alférez! Ang masamâ pa sa riya'y ang lumurà sa hostia.

--Talastasín mong masamâ pa sa lumurâ sa hostia cung viernes santo, ang isinagót n~g bóong cataimtimán. Naaalaala na ninyó ang salitáng "ispichoso", na sucat n~g icapit sa isáng táo, upang siya'y dalhín n~g m~ga civil ni Villa Abrillo sa tapunán ó sa bilangguan; unawáin ninyóng lálò pa manding masamâ ang "plibustiero." Ayon sa sábi n~g telegrafista at n~g directorcillo, cung sabíhin daw n~g isáng cristiano, n~g isáng cura ó n~g isáng castílà, sa isáng cristianong gáya nátin ay nacacawan~gis n~g "santusdeus" na may "requimiternam;" sa minsáng tawaguin cang "plibastiero," mangyayari ca n~g magcumpisal at magbayad n~g iyong m~ga utang sa pagca't walâ magagawâ cung di ang pabítay ca na lámang. Nalalaman mo na cung dapat macaalam ang directorcillo at ang telegrafista: nakikipag-usap ang isá sa m~ga cáwad, at marúnong namán ang isá n~g castílà at walâ n~g gamit cung di ang pluma.

Páwang nanglúlumo ang lahát.

--¡Pilitin na acóng papagsuutin n~g zapatos at huwag acóng painumín sa bóong áking búhay cung di iyán lámang ihì n~g cabáyo na cung tawagui'y cerveza, capag napatáwag acó cailáan man n~g "pelbistero!"--ang sumpáng sinabí n~g tagabúkid, na nacasuntóc ang m~ga camáy.--¿Sino? ¿Acó, mayamang gáya ni don Crisóstomo, marúnong n~g castílang gáya niyá, at nacapagdadali-dali n~g pagcaing may cuchillo at cuchara? ¡magtátawa acó cahit sa limáng m~ga cura!

--Tatawaguin cong "palabistero" ang únang civil na aking makitang nagnanacaw n~g inahing manóc!... at pagdaca'y magcúcumpisal acó!--ang bulóng na maráhan n~g isá sa m~ga tagabúkid, na pagdáca'y lumayô sa pulutóng.

=XXXVI.=

=ANG UNANG DILIM=

Hindi sahól ang ligalig na naghahari sa bahay ni capitang Tiago sa caguluhan n~g pag-isip n~g m~ga tao. Waláng guinágawâ si María Clara cung dî tuman~gis at áyaw pakinggan ang m~ga salitáng pang-alíw n~g canyang tia at ni Andéng na canyáng capatíd sa gátas. Ipinagbawal sa canyá n~g canyáng amá ang pakikipag-úsap cay Ibarra, samantalang hindî kinácalagan itó n~g m~ga sacerdote n~g "excomunión."

Si capitang Tiago na totoong maraming guinagawâ sa paghahandâ n~g canyáng báhay, upang matanggap doón n~g carapatdapat ang Capitán General ay tinawag sa convento.

--¡Huwág cang umiyác anác co!--ang sinasabi ni tía Isabel, na pinupunasan n~g gamuza ang maniningning na m~ga salamíng pan~gáninuhan; siya'y cácalagan n~g excomunión, man~gagsisisulat sa Santo Papa ... magbibigay táyo n~g malakíng limós ... Hinimatáy lamang si párì Damaso ... ¡hindî namátay!

--¡Huwag cang umiyac!--ang sábi sa canyá ni Andéng n~g paanás;--gágawâ acô n~g paráan upang siya'y iyong macausap; ¿anóng cadahilana't itinatág ang confesionario, cung dî n~g gumawá n~g casalanan? ¡Súcat na ang sabihin cura sa upang ipatawad na lahát!

¡Sa cawacasa'y nagbalic si capitang Tiago! Hinánap n~g m~ga babáe sa mukhá niyá ang casagutan sa maráming tanóng; datapuwa't nagbabalità ang mukhá ni capitang Tiago n~g panglulupaypáy n~g lóob. Nagpapawis ang abang laláki, hinahaplos ang nóo at hindî macapan~gúsap n~g isáng salita man lamang.

--¿Ano ang nangyari, Santiago?--ang tanóng ni tia Isabel na malaki ang pagmimithi.

Sumagót ito n~g isáng buntóng-hinin~ga, at pináhid ang isáng lúhà.

--¡Alang-alang sa Dios, magsalitá ca! ¿Anó ang nagyayari?

--¡Ang aking ipinan~gan~ganib na n~ga!--ang sa cawacasa'y sinábing pabulalás na halos umiiyac. ¡Napahamac n~g lahat! Iniuutos ni párì Dámaso na sirain ang m~ga salitaan, sa pagca't cung hindî'y ¡mapapacasama raw acó sa búhay na itó at sa cabiláng búhay! ¡Gayon din ang sábi sa ákin n~g lahát, patí ni párì Sibyla! Hindî co dápat papanhikin siyá sa aking báhay, at may útang acó sa canyang mahiguit na limampóng libong píso! Sinabi co itó sa m~ga pari, dapuwa't hindî nilá acó pinansin: ¿Alín ba ang ibig mong mawalâ, ang sabi nila sa akin,--limampóng libong píso ó ang iyong búhay at ang iyóng cáluluwa? ¡Ay, San Antonio! ¡cung nalalaman co lámang ang gayón! ¡cung nalalaman co lamang ang gayón!

Humáhagulgol si María Clara.

--Huwág cang umiyác, anac co,--ang idinugtóng at linin~gon niyá itó;--hindî ca gáya n~g nanay mong hindî umiiyac cailan man ... hindî umiiyac cung dî sa paglilihí ... Sinasabi sa ákin ni párì Dámasong dumating na raw ang isáng camag-ánac niyáng gáling sa España na siyáng itinátalagang man~gibig sa iyó ...

Tinacpan ni María Clara ang canyáng m~ga tain~ga.

--N~gúni, Santiago, ¿nasisira na ba ang ísip mo?--ang sigáw ni tía Isabel; ¿dapat bang magsabi ca sa canyá ang ibang man~gin~gibig? ¿Inaacalà mo bang nagbabago ang anác mo n~g m~ga man~gin~gibig na gaya n~g pagbabago n~g báro?

--Iyán din n~ga ang iniisip co Isabel; si don Crisostomo'y mayaman ...¡cayâ lámang nagaasawa ang m~ga castila'y sa pag-ibig sa salapi ... datapuwa't ¿anó ang ibig mong aking gawín? Pinagbalaan nilá acông lapatan n~g isá ring excomunion ... sinasabi niláng lubhâ raw nan~gan~ganib, hindî lámang ang akíng cáluluwa, cung dî namán ang aking catawán ...¡ang catawán! ¿naririnig mo? ¡ang catawán!

--¡N~guni't walâ cang guinagawâ cung dî pasama-ín ang lóob n~g iyóng anác! ¿Hindî ba caibigan mo ang Arzobispo? ¿Bákit hindî ca sumúlat sa canyá?

--Ang Arzobispo'y fraile rin, waláng guinagawâ ang Arzobispo cung dî ang sinasabi n~g m~ga fraileng canyáng gawin. N~guni, María, huwág cang umiyác; dárating ang Capitan General, nanasain cang makita, at mamúmulá ang m~ga mata mo ... ¡Ay! ang isip co pa nama'y magtátamo acó n~g isáng hápong maligaya ... cung dî lámang itong nángyaring malakíng casacunâang ito'y acó sána ang lálong maligaya sa lahat n~g m~ga táo at mananagbíli sa akin ang lahát ... Tumiwasáy ca, anác co; ¡higuit ang casaliwâng palad co cay sa iyó ay hindî acó umiiyác! ¡Maaaring magcaroon ca n~g man~gin~gibig na lálong magaling, datapuwa't acó'y mawáwalan n~g limampóng libong piso! ¡Ay, Virgen sa Antipolo, cung magcaroon man lámang sána acó n~g magandáng palad sa gabing itó!

M~ga patóc, gúlong n~g m~ga coche, tacbúhan n~g m~ga cabáyo, músicang tumútugtog n~g marcha real ay nan~gagbalítang dumating na ang mahal na Gobernador General n~g Kapulùhang Filipinas. Tumacbó si María Clara at nagtágò sa canyáng tinutulugang cabahayán ... ¡cahabaghabag na dalaga! ¡pinaglalaruan ang iyóng pusô n~g m~ga magagaspáng na m~ga camáy na hindî nacakikilala n~g canyáng m~ga maseselang na m~ga cuerdas!

Samantalang napúpuno n~g táo ang báhay at umaalín~gawn~gáw sa lahát n~g m~ga pánig ang malalacás na yabág n~g m~ga lumalacad, n~g m~ga tínig na naguutos, calampág n~g m~ga sable at n~g m~ga espuela, nahahandusay namáng hálos nacaluhód ang lipós pighatíng dalága sa harapan n~g isáng estempa n~g Vírgen, na ang pagcacalarawa'y yaóng anyô n~g cahapíshapis na pan~gún~gulila, na si Delaroche lámang ang natutong macasipî n~g gayóng damdamin, na wari'y napanood nitó n~g manggaling na si Guinoong Santa María sa pinaglilibin~gan n~g canyáng Anác. Hindî ang pighati n~g Inang iyón ang siyáng iniisip ni María Clara, ang iniisip niyá'y ang saríling capighatîan. Sa pagcâlun~gayn~gay n~g úlo sa dibdíb at sa pagcátiin n~g m~ga camay sa sahig na tabla, ang azucenang hinútoc n~g malacás na han~gin ang canyang nacacatulad. Isáng hinaharáp na panahóng pinanag-inip at hinimashimas na malaon, m~ga sapantahà n~g budhíng sumílang sa camusmusán at lumagong casabay n~g canyáng paglaki at siyang nabibigay casiglahán sa caibuturan n~g canyáng cataóhan, ¡acalaing catcatin n~gayón sa baít at sa púsò sa isá lamang salita. ¡Macacawan~gis itó cung patiguílin n~g tibóc n~g púsò at bawian ang baít n~g canyáng liwánag!

Cung paano ang cabaitan at cabanalan ni María Clara sa canyáng pagcabinyagan, gayón din ang canyáng pagcamasintahin sa canyáng m~ga magugúlang. Hindî lámang nacapagbíbigay tácot sa canya ang excomunión ang utos n~g canyang ama't ang pinagbabalaang catiwasayan nito'y páwang humihin~ging inisin niyá ang canyáng pagsintá at ihayin sa gayóng m~ga dakílang catungcúlan. Dinaramdam niyá ang bóong lacás n~g pagsinta cay Ibarra, na hanggang sa sandaling iyo'y hindî man lamang niyá hinihinalà. N~g minsa'y isáng ilog na umaagos n~g bóong cahinhinan; mababan~gong m~ga bulaclac ang siyang nacalalatag sa canyang m~ga pampan~gin. Bahagyá na napaaalon-alon n~g ban~gin ang canyáng ágos; cung panonoori'y masasabing tumitining. Datapuwa't dî caguinsaguinsa'y cumipot ang dinaraanan n~g ágos, magagaspáng na m~ga malalakíng bató ang siyáng humahadlang sa canyáng paglacad, matatandáng m~ga púnò n~g cáhoy ang siyáng nacahálang na sumasala, ¡ah, n~g magcagayó'y umatún~gal ang ilog, tumindig, cumulô ang m~ga álon, nagwagwag n~g mandalâ n~g m~ga bulâ, hinampás ang malalaking m~ga bató at lumundág sa malálim na ban~gín!

Other books

You Will Know Me by Abbott,Megan
The Fallen Angels Book Club by R. Franklin James
The Big Oyster by Mark Kurlansky
Franny Moyle by Constance: The Tragic, Scandalous Life of Mrs. Oscar Wilde
Nancy Mitford by Nancy Mitford
Hair in All The Wrong Places by Buckley, Andrew
A Righteous Kill by Byrne, Kerrigan