Noli Me Tangere (48 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Ibig niyá sanang manalan~gin, n~gunit ¿sino ang macapananalan~gin pagca nagn~gin~gitn~git sa malakíng hirap? Nananalan~gin pagca may pag-asa, at cung wala'y nakikiusap tayo sa Dios, sa pamamag-itan n~g m~ga buntóng hinin~ga.--"¡Dios co! ang sigaw n~g canyáng púsò",--¿bákit inihihiwalay mo n~g ganyán ang isáng táo, bakit ikinácait mo sa canyá ang pagsintá n~g m~ga iba? Hindî mo ikinacait sa canyá ang iyong araw, ang iyong han~gin at hindî mo man lamang itinatagò sa canyáng m~ga matá ang iyong lan~git, ¿bakit ipagcacait mo sa canya ang pagsinta, gayóng walâ mang lan~git, walâ mang han~gin at walâ mang araw ay mangyayaring mabúhay, datapuwa't cung walang pagsinta'y hindî mangyayari cailan man?

¿Dumarating cayâ sa trono n~g Dios ang gayóng m~ga sigaw na hindî naririnig n~g m~ga tao? ¿Naririnig cayâ ang m~ga sigaw na iyón n~g Ina n~g m~ga sawing palad?

¡Ay! ang cahabaghabag n~g dalagang hindî nacakilala n~g isáng ina'y nan~gan~gahas ipagcatiwalà ang m~ga dalamhating itóng nagbubuhat sa m~ga pagsinta sa ibabaw n~g lúpà doon sa calinislinisang púsò na walang nakilala cung di ang pag-íbig n~g anac sa ina at ang pag-íbig sa ina sa anac; tumatacbo siya, sa canyang m~ga cahapisan, diyan sa larawan n~g babaeng dinídios, sa mithing lalong cagandagandahan sa láhát n~g m~ga mithi n~g m~ga kinapal, diyan sa lalong caayaayang likha n~g religion ni Cristo, na natitipon sa canyang sarili ang dalawang lalong cagandagandahang calagayan n~g babae, vírgen at ina, na hindî nalahiran n~g cahi't babahagyang dún~gis, na tinatawang nating María.

--¡Ina!, ¡Ina!--ang canyang hibic.

Lumapit si tía Isabel, na siyang cumuha sa canya sa gayóng pighati. Dumatíng ang iláng canyang caibigang babae at ibig n~g Capitan General na siya'y makita.

--Tía, sabíhin pô ninyóng acó'y may sakít!--ang ipinakiúsap n~g dalagang nagugulat;--¡patutugtugin nilá acó n~g piano at pacacantahin!

Nagtindig si María Clara, tiningnan ang canyang tía, pinilipit ang canyang magagandang bisig at nagsasalitâ n~g pautal:

--¡Oh, cung mayroon sana acóng!...

N~guni't hindî tinapos ang salitâ, at nagpasimulâ n~g paghuhúsay n~g canyang saríling catawan.

=XXXVII.=

=ANG GOBERNADOR GENERAL=

--¡Ibig cong causapin ang binatang iyan!--ang sabi n~g Gobernador General sa isang ayudante;--pinúcaw niyang totóo ang aking nasang siya'y makilala.

--¡May nan~gagsilacad na pô upang siya'y hanapin, aking general! Datapuwa't díto'y may isang binatang taga Maynílà, na mapílit ang hin~gíng siya'y papasúkin díto. Sinabi pô namin sa canyang walang panahon ang camahalan ninyó, at cayó'y hindî naparíto upang dumin~gig n~g m~ga pagsasacdal, cung dî n~g tingnan ang bayan at ang procesión; n~gúni't sumagót, na sa tuwituwî na'y may panahón daw na magagamit ang camahalan pô ninyó upang gumawâ n~g nauucol sa catuwíran....

Linin~gón n~g Gobernador General na nagtataca ang Alcalde.

--Cung hindî pô acó nagcacamalî,--ang sagót n~g Alcaldeng yumucód n~g cauntî,--iyan ang binatang canínang umaga'y nacagalít ni parì Damaso, dahil sa sermón.

--¿Diyata't mayroon pang iba pala? ¿Sinasadyà mandíng talaga n~g fraileng iyang guluhín ang lalawígan, ó baca cayâ ang ísip niya'y siya ang nacapangyayari rito? ¡Sabíhin pô ninyó sa binatang siya'y magtuloy!

Nagpapasial na pabalicbalic sa magcabicabilang dúlo n~g salas ang Gobernador General, na nan~gan~gatal sa galit.

Sa "antesala" (panig n~g bahay na na sa bago pumasoc sa salas) ay may ilang m~ga castilà na nahahalò sa m~ga militar, m~ga namumunò sa bayan n~g San Diego at m~ga mamamayan; sila'y nagsasalitaan ó nagmamatuwírang nagcacalúpon sa iba't ibang pangcat. Nan~garoroon din naman ang lahat n~g m~ga fraile, líban na lámang kay pári Dámaso, at ibig niláng pumások upang maghandóg n~g galang sa Gobernador General.

--Ipinamámanhic sa m~ga camahalan pô ninyong man~gaghintay n~g sandali--anang ayudande;--¡pumasoc pô cayô, binatà!

Namumùtla at nan~gan~gatal na pumasoc ang binatang iyóng taga Maynilà na madalas mámali sa pananalita na pinaghahaló ang griego at ang tagalog.

Pawang napuspós n~g pangguilalás ang lahat marahil, n~ga'y totóong malaki ang galit n~g Gobernador General upang man~gahás na papaghintayin ang m~ga fraile. Nagsalita si pári Sibyla:

--¡Acó'y walang anó mang sasabihin sa canyá!... ¡nagsasayang acó rito n~g panahon!

--Gayón din ang wicà co,--ang dugtong n~g isáng agustino;--¿táyo na?

--Hindî cayâ lalong magaling na ating siyasatin cung papaáno ang canyáng iniisip?--ang tanóng ni pári Salvi;--sa ganya'y maiilagan natin ang m~ga upasala n~g m~ga macaaalam.. at maipaaalaala natin sa canya ... ang canyáng m~ga catungculan ...sa Religión,..

--¡Magtuloy pô ang m~ga camahalan ninyó, cung inyóng ibig!--anang ayudante, na hatid ang binatang hindî nacauunawà n~g griego, na n~gayó'y lumálabas na taglay ang isáng pagmumukháng kinikinan~gan n~g catuwáan.

Naunang pumasoc si párì Sibyla; sa licura'y sumúsunod si pári Salvi, si párì Manuel Martin at ang iba pang m~ga fraile. Silá'y nan~gagsiyucód n~g bôong capacumbabaan, liban na lámang cay párì Sibyla, na pinapanatilì, sampô sa canyáng pagyucod, ang tan~ging anyô n~g isáng nacatataas cay sa ibá; na anó pa't baligtad sa guinawá ni párì Salvi, na halos hinutoc ang bayawang.

--Sino pô sa m~ga camahalan ninyó si párì Dámaso?--ang biglang itinanóng n~g Gobernador General, na hindî man lamang silá pinaupô, hindî silá kinumusta, at hindî silá pinagsabihan niyáng m~ga salitang pangpapúri na pinagcaugaliang tanggapin n~g gayóng m~ga catataas na úring m~ga tao.

--Hindî pô, guinóo, casama namin si párì Dámaso!--ang sagót ni párì Sibyla n~g halos gayón ding masacláp na pananalitâ.

--¡Nacahigâ pô sa baníg at may sakit ang lingcôd n~g camahalan ninyó!--ang idinugtông na bóong capacumbabaan ni párì Salvi;--pagcatapos na magtamó n~g lugód na macabati pô sa inyó at macumusta namin ang inyóng calagayan, ayon sa nararapat gawin n~g lahat n~g mababait na m~ga lingcód n~g Hari at n~g lahát n~g taong may pinag-aralan, naparito pô naman cami sa n~galan n~g mapitagang lingcód ninyó, na may casaliwang palad na....

--¡Oh!--ang isinalabat n~g Capitán General, na pinipihit ang silla sa pamamag-itan n~g isáng páa nitó at saca n~gumiting nan~gan~gatal,--cung ang lahát n~g m~ga lingcód n~g aking camahalan ay catulad n~g camahalan ni parì Dámaso, lalong iibiguin co pang acó na ang maglingcód sa akin ding camahalan!

Ang m~ga cagalangalang na m~ga fraile na pawang nacatayò ang catawan ay nan~gagsisitayò naman ang caniláng cáluluwa sa ganitóng pagcasasalabat.

--¡Cayó po'y man~gagsiupô!--ang idinugtóng n~g Capitán General, pagcatapos n~g sumandaling pagtiguil, at pinatamis n~g caunti ang canyáng pan~gun~gusap.

Lumalacad na patiad si capitang Tiagong nacafrac; hatíd niya't tan~gan sa camáy ni María Ciara, na pumasoc na halos hindî macahacbang at kimíng kimi. Gayón ma'y gumamit n~g calugód-lugód at mapitagang pagyucód.

--¿Ang guinoong binibini pô bang itó ang anac ninyó?--ang tanóng na nagtataca n~g Capitán General.

--¡At inyó pô, aking General!--ang sagót ni capitang Tiago n~g bóong cataimtiman.

--Nan~gasidilat ang Alcalde at ang m~ga ayudante; datapuwa't nanatili sa hindî pagn~gigiti ang Capitán General, iniabot ang camáy sa binibini at sa canyá'y sinabi n~g matimyás na pananalitâ:

--Mapapalad ang m~ga magugulang na may m~ga anác na babaeng gaya pô ninyó, guinoong binibini! Cayó pó'y ibinalita sa aking carapatdapat na cayó'y pagpitaganan at pangguilalasán ... hinan~gad co cayóng makita upang cayó'y pasalamatan dahil sa magandang guinawâ pô ninyo n~gayong araw na itó. Nalalaman cong "lahát" at hindî co lilimutin ang maran~gal ninyóng inasal pagsúlat co sa Gobierno n~g Harî. Samantala'y itulot pô ninyó, guinoong binibini, na pan~galan n~g dakilang Harî na dito'y aking ipinakikiharap, at umiibig n~g "capayapaan" at "capanatagan" n~g canyáng m~ga tapat na loob na nasasacop, at sa pan~galan co naman, na pan~galan n~g isáng amáng may m~ga anác na babaeng casing gúlang pô ninyó, na cayo'y pasalamatan n~g boong ligaya, at ipagtagubiling bigyan n~g isáng ganting pála!

--¡Guinoo!...ang tugón ni María Clarang nan~gan~gatal.

Nahulaan n~g Capitan General cung anó ang talagang ibig niyang sabihin at sumagót:

--Totoó pong magaling, guinoong binibini, na cayó'y magcasiya sa galák n~g inyóng sarilíng budhî at sa pagmamahal n~g inyóng m~ga cababayan, na ang catunaya'y siyá n~gang lalong magaling na ganting pála, at hindi na tayo dapat humin~gi pa n~g iba. Datapuwa't huwag pò ninyóng ikait sa akin ang magandang pagcacataong aking maipakilala na, cung marunong magparusa ang Justicia'y marunong di namang gumanting pála, at siya'y hindî parating "bulág."

Sinalità n~g Capitan General sa isáng paraang macahulugan at lalong malacás ang lahát n~g m~ga salitang napapaguitanan n~g lambál na coma.

--Naghihintay po n~g m~ga utos n~g camahalan ninyo si guinoong Juan Crisostomo Ibarra!--ang malacas na sabi n~g isang ayudante.

Nan~gatal si Maria Clara.

--¡Ah!--ang biglang sinabi n~g Capitan General,--tulot po ninyo, guinoong binibini, na sa layo'y sabihin ang aking nais na cayo'y muli cong makita bago co iwan ang bayang ito: mayroon pa po acong totoong mahahalagang bagay na sa inyo'y aking sasabihin. Guinoong Alcalde, sasamahan po ninyo aco sa boong aking pagpapasial na ibig cong gawing lácad, pagcatapos n~g pakikipagsalitaan cay guinoong Ibarra, na cami lamang dalawa ang mag-uusap.

--Itulot pô n~g camahalan ninyo,--ani pari Salvi n~g boong capacumbabaan, na sa inyo'y ipaalaalang si guinoong Ibarra'y excomulgado....

Sinalabat siya n~g Capitan General at ito ang sinabi:

--Lubos cong ikinatutuwang walang iba acong dapat ipamanglaw cung di ang calagayan ni pari Damaso, na aking hinahan~gad n~g "taimtim sa aking loob" na siya'y "ganap na gumaling," sa pagca't hindi marahil lubhang macapagpapasaya n~g loob sa canyang gulang ang isang "paglalacbay sa España," dahil sa caramdaman n~g canyang catawan. Datapuwa't ito'y maalinsunod sa canyá ... at samantala'y in~gatan nawâ n~g Dios ang inyong m~ga camahalan!

Nan~gagsialis ang isa't isa.

--At tunay n~gang maaalinsunod sa canya!--ang ibinúbulong ni párì Salvi, paglabás.

--¡Tingnan natin cung sino ang mauunang maglalacbay agad!--ang Idinugtóng n~g isa pang franciscano.

--¡Yayao aco n~gayon din!--ang sabing masama ang loob ni párì Sibyla.

--¡At cami paparoon sa aming lalawigan!--ang sinabi n~g m~ga agustino.

Hindi matiis n~g isa't isa, sa dahil na masamang cagagawan n~g isang franciscano'y kinausap sila n~g Capitán General n~g malakíng calamigán.

Nasalabong nila sa antesala si Ibarra, na sa canila'y nagpacaing iilan pa lamang ang oras na nacararaan. Hindî sila nagbatian, n~guni't nagcaroon n~g m~ga tin~ginang lubhang marami ang sinasaysay.

Iba naman ang guinawa n~g Alcalde; n~g walâ na roon ang m~ga fralle'y binati siyá at maguiliw na iniabot sa canya ang camáy, datapuwa't hindî sila nacapagsalitaan n~g ano man, dahil sa pagdating n~g ayudante.

Nasalubong niya sa pintuan si Maria Clara: maraming bagay rin ang m~ga sinabi n~g titigang guinawa n~g dalawa, n~guni't ibang iba sa m~ga sinalita n~g m~ga mata n~g m~ga fraile.

Humacbang n~g ilang patun~gó sa canya ang Capitan General.

--Lubós na lubós ang aking galac sa aking mahigpit na pakikicamay sa inyó, guinoong Ibarra. Itulot pô ninyó sa aking cayó'y tanggapin co n~g boong pagpapalagay n~g loob.

Tunay n~ga namang pinanonood at pinagmamasid ang binata n~g Capitán General na napagkikilala ang canyang catuwaan.

--Guinoo ... ang ganyang pagcalakilaking cagandahan n~g loob....

--Nacasusugat sa akin ang inyóng pagtataca, inyóng ipinakikilala sa aking hindî ninyó inaasahang cayó'y pagpapakitaan co n~g magandang loob sa pagtanggap co sa inyó: itó'y pagcuculang tiwalâ sa aking pagmamahal sa catuwiran.

--Hindî pô pagbibigay n~g catuwiran, guinoo, cung di pagpapautang n~g loob ang isáng pagtanggap--catoto sa isang gaya cong walang anó man cahulugang sumasailalim n~g capangyarihan n~g mahal na Harì.

--¡Mabuti, mabuti!--anang Gobernador General na naupo at tulóy itinurò sa canyá ang isáng upuan;--bayaan ninyóng acó'y magtamó n~g sandaling pagbubucás n~g pusò; totoong malaki ang aking pagcalugód sa inyóng caasalan; caya n~ga't cayó'y inihin~gi co na sa Gobierno n~g Harì n~g isáng ganting palang dan~gal (condecoración), dahil sa caisipan ninyóng pagcacaawang gawang pagtatayó n~g isáng páaralan ... Cung nagsalitâ lamang cayó sa akin, pinanood co sana n~g boong tuwâ ang pagdidiwang na guinawâ at marahil ay nailigtas co cayó sa isáng sama n~g loob.

--Sa ganang aki'y ipinalalagay cong napacaliit ang aking adhicâ,--ang isinagót n~g binata,--na hindi co inacalang may cauculáng carapatan upang abalahin co ang inyóng caisipan na lubháng maraming pinan~gan~gasiwaan; bucód sa ang catungculan co'y sa unang punò n~g aking lalawigan magsalitâ muna.

--Iguinaláw n~g Capitan General ang canyáng úlo, na nagpapakilala n~g canyáng ligaya, at nalalao'y lalong gumagamit n~g anyóng pagpapalagay n~g loob, at nagpatuloy n~g pananalità:

--Tungcól sa samaan n~g loob na nangyari sa inyó at kay párì Dámaso, huwag pô cayóng matatacot at huwag din namang mag-iin~gat n~g pagtatanim hindî sásalan~gin ang isá man lámang buhóc ninyó sa úlo samantalang acó ang namamahalà sa Kapulúan, at tungcól naman sa excomunión, cacausapin co na ang Arzobispo, sa pagca't kinacailan~gang makibagay tayo sa lacad n~g panahón: dito'y hindî tayo macapagtatawa sa m~ga bagay na itó sa hayagang gaya sa España ó sa paham na Europa. Gayón ma'y dapat cayóng magpacain~gat sa hinaharap na panahón; nakipagtunggali cayó n~g paharapan sa m~ga capisanang dahil sa caniláng cahulugan at cayamana'y kinacailan~gang siya'y igalang. N~guni't cayó'y aking tatangkilikin, sa pagca't kinalulugdan co ang m~ga mababait na anác, kinalulugdan co ang magbigay unlác sa capurihán n~g m~ga namatay n~g magulang; acó man nama'y umibig din sa aking m~ga magúgulang, at ¡tulun~gan acó n~g Dios! hindî co maalaman ang aking gagawin sa calagayan pô ninyô!....

At bigláng bigláng binago ang salitaan, at tumanóng:

--Ibinalitâ sa aking galing daw pô cayó sa Europa, ¿nátira ba cayó sa Madrid?

--Opô, natira acóng iláng buwán doon.

--Hindî ba ninyó naririnig sa m~ga salitaan doon ang aking familia?

--Bagong caaalis pa pó ninyo n~g acó'y magtamó n~g capurihang ipakilala sa inyong familia.

--At cung gayó'y bakit naparito cayó n~g waláng dalá na anó mang súlat na pangtagubilin sa akin at n~g cayó'y aking tangkilikin?

Other books

The Renegade's Woman by Nikita Black
One Door Closes by G.B. Lindsey
Wed at Leisure by Sabrina Darby
Predator and Prey Prowlers 3 by Christopher Golden
Ultimatum by Matthew Glass