Noli Me Tangere (64 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Tumiguil n~g pananalita si Elías, at ipinatuloy ang pagsagwán.

--Naniniwaniwala acóng hindi po cayó nalilihis sa catuwiran--ang ibinulóng ni Crisóstomo, sa inyóng pananalitang dapat pagsicapan n~g justicia ang paggawa n~g magalíng sa pagtumbás sa magagandang gawa, at gayón din ang pagtuturo sa m~ga nagcacasalang tao sa paggawa n~g masama. Ang nacahahadlang lamang ... ay itó'y hindi mangyayari, isáng han~gad na hindi mangyayaring masunduan; sa pagca't saang cucuha n~g lubháng maraming salapi, n~g lubháng maraming m~ga bagong cawaní?

--¿At anó ang capapacanan n~g m~ga sacerdote, na ipinagtatalacan ang caniláng tungculing maglaganap n~g capayapaan at pag-ibig sa capuwa tao? ¿Diyata't lalong ikinararapat ang basain n~g tubig ang ulo n~g isáng sanggól, pacanin itó n~g asín, cay sa pucawin sa marilím na budhi n~g isáng masámang tao iyang maningning na ilaw na bigay n~g Dios sa bawa't tao upang hanapin ang canyáng cagalin~gan? ¿Diyata't lalong pag-ibig sa capuwa tao ang alacbayán ang isáng may salang bibitayin, cay sa siyá'y alalayan sa paglacad sa mataríc na landás na pagtalicód sa m~ga pan~git na caugalian at pagtun~go sa magagandáng caasalán? ¿Hindi po ba nagcacagugugol sa pagbabayad sa m~ga tictíc, sa m~ga verdugo at sa m~ga guardia civil? Itó po, bucod sa cahalayhalay, pinagcacagugulan din n~g salapi.

--Caibigan co, cayó ó acó man, cahi't ibiguin nati'y hindi natin masusunduan.

--Tunay n~ga, sacali't tayo'y nag-iisa, wala tayong magágawa; n~guni't inyóng ariing sariling inyó ang catuwiran n~g bayan, makipanig po cayó sa bayan, pakinggán ninyó ang canyáng cahin~gian, magbigáy ulirán cayó sa m~ga ibá, ipakilala ninyó cung anó ang tinatawag na bayang kinaguisnan!

--Hindi mangyayari ang cahin~gian n~g bayan; kinacailan~gang maghintay.

--¡Maghintay! ¡maghirap ang cahulugán n~g maghintay!

--Pagtatawanan acó cung aking hin~gin.

--At cung cayó'y alacbayán n~g bayan?

--¡Hindi mangyayari! hindi co magágawa cailán man ang patnugutan ang caramihang tao upang camtán sa sápilitan ang bagay na hindi inaacala n~g pámahalaang capanáhunan n~g ibigay, ¡hindi! At cung sa alín mang araw ay makita cong may sandata ang caramihing iyán, aanib acó sa pámahalaan at n~g silá'y aking bacahin, sa pagcá't hindi co ipalálagay na aking bayan ang m~ga mangguguló. Hináhan~gad co ang canyáng cagalin~gan, caya nagtayô acó n~g isáng bahay-paaralan; hinahanap co ang canyáng cagalin~gan sa pamamag-itan n~g pagpapaaral, sa mahinahong untiunting pagsulong n~g dunong, walang daan cung walang liwanag.

--¡N~guni't waláng calayaan namán cung waláng pakikihamoc!--ang sagót ni Elías.

--¡Datapuwa't aayaw acó n~g calayaang iyán!

--N~gayó't cung walang calayaa'y walang liwanag,--ang muling itinutol n~g piloto n~g maalab na pananalita;--sinabi po ninyóng hindi malaki ang pagcakilala ninyó sa inyóng m~ga cababayan; naniniwala acó. Hindi po ninyó nakikita ang paghahanda sa pagbabaca, hindi ninyó nakikita ang dilím sa dacong paliguid; nagpasimula ang paghahamoc sa pagmamatuwiran upang magcaroón n~g wacás sa paglalabanán sa lupa na maliligò n~g dugô; náririn~gig co ang tinig n~g Dios, ¡sa aba n~g mag-acalang lumaban sa canya! ¡hindi iniucol sa canila ang pagsulat n~g Historia!

Nag-ibáng anyô si Elías; nacatindig, nacapugay, may anyóng hindi caraniwan ang mukha niyáng mabayaning liniliwanagan n~g buwán. Ipinagpág ang canyáng malagóng buhóc, at nagpatuloy n~g pananalita:

--¿Hindi po ba ninyó nakikita't gumiguising na ang lahát? Tumagál n~g iláng daáng taón ang pagcacatulog, n~guni't pumutóc ang lintic isáng araw, at sa paninirà n~g lintic ay pumucaw n~g buhay; buhat niyó'y ibáng m~ga hilig ang pinagpápagalan n~g m~ga isip, ang m~ga hilig na itó na n~gayó'y nan~gagcacahiwalay, man~gagcacalakiplakip isáng araw na ang Dios ang siyáng mamamatnugot. Hindi nagculang ang Dios sa pagsaclólo sa m~ga ibáng bayan; hindi rin magcuculang ang saclolong iyan sa bayan natin; ang catuwiran niya'y siyang catuwiran n~g calayàan!

Isang dakilang catahimican ang siyáng sumunód sa ganitóng m~ga salita. Samantala'y lumálapit ang bangcâ sa pasigan sa hindi naiinong pagsusulong n~g m~ga alon. Si Elías ang naunang sumira n~g gayóng hindi pag-iimican.

--¿Anó po ang sasabihin co sa m~ga nag-utos dito sa akin?--ang tanóng, na nagbago n~g anyô n~g tinig.

--Sinabi co na po sa inyó; na dináramdam co ang caniláng calagayan, n~guni't silá'y man~gaghintáy, sa pagca't hindi nagágamot ang m~ga sakít n~g capuwa m~ga sakít, at sa casaliwaan nating palad ay tayong lahat ay may casalanan.

Hindi na muling sumagót si Elías, tumungó, nagpatuloy n~g pagsagwán, at n~g dumating sa pampáng ay nagpaalam cay Ibarra n~g ganitóng sabi:

--Pinasasalamatan co po cayó, guinoó, sa inyóng pahihinuhod sa aking pakiusap; hinihin~gi co sa icagagaling ninyóng sa haharaping panahó'y aco'y inyóng limutin at huwag ninyóng kilalanin acó sa anó mang calagayang aco'y inyóng másumpong.

At pagcasabi nitó'y mulíng pinalacad ang bangcâ, at sinagwanáng ang tun~go'y sa isáng gubat sa pasigan. Samantalang guinagawa ang mahabang pagtawid ay nanatili sa hindi pag-imic; tila mandin wala siyáng namamasdan cung di ang libolibong m~ga diamante na kinucuha't ibinabalic n~g canyáng sagwán sa dagatan at doo'y talinghagang nan~gawáwala sa guitna n~g m~ga bugháw na alon.

Sa cawacasa'y dumating; lumabás ang isáng tao sa casucalan at lumapit sa canyá.

--¿Anó ang sasabihin co sa capitán?--ang tanóng.

--Sabihin mong gaganap si Elías n~g canyáng pan~gacò, sacali't hindi mamatáy muna,--ang isinagót n~g boong calungcutan.

--Cung gayó'y ¿cailán ca makikisama sa amin?

--Pag-inacala n~g inyóng capitáng dumating na ang panahón n~g pan~ganib.

--Cung gayó'y magaling, ¡paalam!

=LI.=

=MGA PAGBABAGO.=

Malungcót at puspós n~g pan~gamba ang mahihiing si Linares; bagong catatanggáp niya n~g sulat ni doña Victorina, na ganitó ang sabi:

«Minamahal cong pinsan; ibig cong magcaroon n~g balita sa iyo sa loob n~g tatlóng araw, cung pinatáy ca na n~g alperes ó icaw ang pumatáy sa canyá ayaw acong lumampás ang isá man lamang araw na hindi tumátanggap pa ang hayop na iyán n~g ucol na parusa sacali't lumampás ang taning na iyán at hindi mo pa siyá hinahamon n~g patayan sasabihin co cay Don Santiago na cailán man ay hindi ca naguiguing secretario, ni hindi ca nacapagbibiro cay Canovas ni hindi ca nacacasama sa pagliliwaliw n~g general Arseño Martines sasabihin co cay Clarita na pawang casinun~galin~gang lahát at hindi catá bibigyan cahi't isáng cuarta n~guni at cung hamunin mo siya ipinan~gan~gaco co sa iyo ang bawa't iyong maibigan caya n~ga tingnan mo cung hamunin mo siyá at ipinagbibigay alam co sa iyo na hindi acó papayag n~g m~ga pagtalilis at m~ga dahidahilan.

Ang pinsan mong gumiguiliw sa iyo mula sa pusò,

Victorina de los Reyes de De Espadaña.

Sampaloc, lunes á las 7 n~g gabi.»

Mabigát ang bagay na iyón: kilalá ni Linares ang ugali ni doña Victorina at nalalaman niyá cung hanggang saan ang magágawa; cung pakiusapan siyá n~g nauucol sa catuwira'y tulad sa cung magsaysay n~g nauucol sa calinisan n~g puri't pakikipag capuwa-tao sa isáng carabinero n~g Hacienda, pagca talagang may pacay na macakita n~g contrabando sa lugar na tunay na wala; ang mamanhic ay waláng cabuluhán, magdaya'y lalo n~g masamá; wala na n~gang sucat pagpapaliiran cung hindi maghamón n~g away.

--N~guni't ¿paano?--ang sinasabing nagpaparoo't paritong mag-isá;--cung salubun~gin acó n~g masasamang pananalita? ¿cung ang canyáng asawa ang aking maratnan? ¿sino caya ang macaiibig magpadrino sa akin? ¿ang cura? ¿si capitan Tiago? ¡Sinusumpa co ang oras n~g aking pagsunod sa canyang m~ga hatol! ¡Daldál! ¿Sino ang pumipilit sa aking acó'y maghambóg, magsabi n~g m~ga cabulastugán, magpakita n~g m~ga cayaban~gan! anó ang sasabihin sa akin n~g guinoóng dalagang iyán ...? Dinaramdam co n~gayón ang paguiguing secretario co n~g lahat n~g m~ga ministro!

Sumásaganitóng malungcót na pakikipagsalitaan sa sarili ang mabait na si Linares n~g dumating si pari Salví. Ang catotohana'y lalo n~g payát at namumútla ang franciscano cay sa dati, n~guni't nagníningning sa canyáng m~ga matá ang isáng tan~gíng liwanag at sumusun~gaw sa canyáng m~ga labi ang isáng cacaibáng n~gitî.

--¿Guinoong Linares, lubós naman ang pag-iisá ninyó?--ang ibinati at saca tumun~go sa salas, na sa m~ga nacasiwang na pintô nito'y tumatacas ang iláng tinig n~g piano.

Nag-acala si Linares na n~gumitî.

--¿At si don Santiago?--ang idinugtóng n~g cura.

Dumating si capitang Tiago sa sandali ring iyón, humalic n~g camáy sa cura, kinuha niyá ang dalá nitóng sombrero at bastón n~gumin~giting mabaít na mabaít.

--¡Pakinggán ninyó, pakinggan ninyó!--ang sabi n~g curang papasóc sa salas, na sinúsundan ni Linares at ni capitan Tiago;--may dalá acóng magagalíng na balita na aking sasabihin sa lahát. Tumanggáp acó n~g m~ga sulat na galing sa Maynilà, na pawang nagpapatibay n~g sulat na dinalá sa akin cahapon ni guinoóng Ibarra ..., sa macatuwíd, don Santiago, ay wala na ang nacaháhadláng.

Si María Clara, na nacaupò sa piano sa guitnâ n~g canyang dalawáng caibigang babae, umanyóng titindig, datapuwa't kinulang siyá n~g lacás at muling naupô. Namutlâ si Linares at tinitigan si capitang Tiago na ibinabà ang m~ga matá.

--Untiunting totoóng kinalúlugdan co ang binatang iyan,--ang ipinagpatuloy n~g cura; n~g una'y masamà ang aking pagcápalagay sa canyá ..., may cauntíng cainitan ang ulo, n~guni't lubháng marunong umayos n~g canyáng m~ga pagcuculang, na anó pa't hindi mangyaring macapagtaním sa canyá ang sino man. Cung di n~ga lamang si padre Dámaso'y....

At tinudlà n~g cura n~g matuling pagsulyáp si María Clara, na nakikinig n~guni't hindi inihihiwalay ang m~ga mata sa papel n~g música, bagá man siya'y lihim na kinucurot ni Sinang, na sa gayóng paraa'y sinásaysay ang canyáng catuwâan; sumayaw sana siya cung silá'y nag-íisá.

--¿Si padre Dámaso po?--ang tanóng ni Linares.

--Opo, si padre Dámaso, ang sinabi,--ang ipinagpatuloy n~g cura, na hindi inihihiwalay ang tin~gín cay María Clara,--na palibhasa'y ... inaama sa binyág, hindi niyá maitutulot ... n~guni't sa cawacasan, inaacala cong humin~ging tawad sa canyá si guinoong Ibarra, bagay na hindi co pinag aalinlan~ganang magcacahusay-husay na lahát.

Nagtindíg si María Clara, nagsabi n~g isáng dahilán at pumasoc sa canyáng cuarto, na si Victoria ang casama.

--¿At cung hindi siyá patawarin ni padre Dámaso?--ang marahang tanóng ni capitang Tiago.

Cung magcagayo'y ... si María Clara ang macacaalam ... si padre Dámaso ang canyáng amáng caluluwa: n~guni't inaacala cong sila'y magcacáwatasan.

Nang sandalíng yaó'y napakinggán ang yabág n~g m~ga paglacad at sumipot si Ibarra, na sinusundan ni tía Isabel; ibá't ibáng m~ga damdamin ang napucaw n~g pagdating niyáng iyón. Bumati n~g boong guiliw cay capitang Tiago, na hindi maalaman cung n~gin~gitî ó iiyac, bumati cay Linares n~g isáng malaking pagyucód n~g ulo. Nagtindíg si fray Salví at iniabot sa canyá ang camáy n~g boong pagliyag, na anó pa't hindi napiguilan ni Ibarra ang isáng tin~ging nagpápahalatâ n~g malakíng pagtatacá.

--Huwág po cayóng magtacá,--ani fray Salví;--n~gayón-n~gayón lamang ay pinupuri co cayó.

Napasalamat si Ibarra at lumapit cay Sinang.

--¿Saán ca doroon sa boong maghapon?--ang itinanóng ni Sinang, sa canyang pananalitang musmós;--tumátanong cami sa aming sarili at aming sinasabi sa amin din: ¿Saán caya naparoon ang caluluwang iyáng tinubós sa Purgatorio? At bawa't isá sa ami'y nagsasabi n~g ibá't ibáng bagay.

--¿At mangyayari bang maalaman cung anó ang sinasabi ninyó?

--Hindi, iya'y isáng lihim, n~guni't sasabihin co sa iyó cung tayo tayo lamang. N~gayó'y sabihin mo sa akin cung saán ca doroon, upang maalaman co cung sino sa amin ang nacahulà.

--Hindi, iyá'y isá rin namang lihim, n~guni't sasabihin co sa iyo cung tayo tayo na lamang, sacali't itutulot n~g m~ga guinoóng itó.

--¡Mangyari bagá, mangyari bagá! ¡iyán palá lamang!--ani parì Salví.

Hinila ni Sinang si Crisóstomo sa isáng dulo n~g salas: natutuwâ siyáng mainam na canyáng mapagtátalos ang isáng lihim.

--Sabihin mo caibigan sa akin, ang tanóng ni Ibarra;--¿nagagalit pa si María sa akin?

--Aywán co, n~guni't ang wica niyá'y magalíng pa raw na siyá'y iyóng limutin na, at bago umiiyac. Ibig ni capitang Tiagong siyá'y pacasal sa guinoóng iyón, at gayón din si parì Dámaso, n~guni't hindi siyá nagsasabi n~g oo ó aayaw. N~gayóng umaga, n~g icaw ay ipinagtatanong namin, at sinasabi cong ¿baca nan~gin~gibig na sa ibá? sumagót siyá sa aking: ¡cahimanawari! at saca umiyác.

Nalúlungcot si Ibarra.

--Sabihin mo cay Maríang ibig co siyáng macausap na camí lamang dalawá.

--¿Cayó lamang dalawá?--ang tanóng ni Sinang, na pinapagcunót ang m~ga kilay at siyá'y tinitigan.

--Hindi naman lubós camíng dalawá lamang; n~guni't huwag sanang náhaharap iyón.

--May cahirapan; n~guni't huwag cang mabahalà, sasabihin co.

--¿At cailan co malalaman ang casagutan?

--Bucas, pumaroon ca sa bahay n~g maaga. Aayaw si Maríang mag-isá cailan man, sinasamahan namin siyá; isáng gabi'y natutulog si Victoria sa canyáng siping, at sa isáng gabí namá'y acó; bucas ay sa akin tamà ang pagsama sa canyá. N~guni't pakinggán mo, ¿at ang lihim? ¿Yayáo ca nang hindi mo pa sinasabi sa akin ang lalong pan~gulo?

--¡Siya n~ga naman palá! doon acó doroon sa Los Baños, mamímili acó n~g niyóg, sa pagca't ibig cong magtayô n~g isáng gáwaan; ang iyong tatay ang aking mácacasama.

--¿Walâ na ba cung di iyán lamang? ¡Nacú ang isáng lihim!--ang bigláng sinabi ni Sinang n~g malacás, na ang anyô'y ang sa narayaang magpapatubô; ang boong isip co'y....

--¡Mag-in~gat ca! ¡hindi co itinutulot sa iyóng iwatawat mo ang lihim na iyán!

--At hindi co naman ibig--ang isinagót ni Sinang na pinapan~gulubot ang ilóng.--Cung isáng bagay man lamang na may caunting cahulugán, marahil masabi co pa sa aking m~ga caibigang babae; datapuwa't ¡pamimilí n~g m~ga niyóg! ¡m~ga niyóg! ¿sino ang macacaibig macaalam n~g tungcól sa niyóg?

At nagdalidali n~g mainam na pagyáo at paghanap sa canyáng m~ga caibigang babae.

Nagpaalam si Ibarra n~g macaraán ang iláng sandali, sa pagca't canyáng nakitang walang salang pápanglaw ang pagpupulong na iyón; maasim na matamis ang pagmumukhâ ni capitang Tiago, hindi umiimic si Linares at nagmámasid, ang curang nagpapacunuwaring nagágalac ay nagsasalitâ n~g m~ga cacaibáng bagay. Hindi na mulíng lumabás ang alin man sa m~ga dalaga.

Other books

Hidden in the Heart by Beth Andrews
My Map of You by Isabelle Broom
Bet on Ecstasy by Kennedy, Stacey
The Braided World by Kay Kenyon
A Lonely Magic by Sarah Wynde
The Shark Mutiny by Patrick Robinson