Noli Me Tangere (74 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

May tatlóng araw n~g guinágagad ni doña Victorina ang m~ga andaluz, sa pamamag-itan n~g pag-aalis n-g "d" at sa paghahalili n~g "z", at ang han~gad niyáng ito'y waláng macapag-alis sa canyáng ulo; mamagalin~gin pa niyang canyáng ipabugnós ang can~yáng postizong buhóc na kinulót.

--¡Zi!--ang idinugtóng, na ang tinutucoy ay si Ibarra:--eze lo tenfa muy merezio; yo ya lo ije cuando le vi la primera vez; ezte un filibuztero ¿ique te ijo a ti, primo, el general? ¿Que le haz icho, que noticias le izte é Ibarra?[275]

At n~g makita niyáng nalalaon n~g pagsagót ang pinsan, nagpatuloy n~g pananalita na si capitang Tiago ang kinacausap:

--Créame uzté, zi le conenan a muelte, como ez e ezperar, zera por mi primo.[276]

--¡Guinoong babae! ¡guinoong babae!--ang itinutol ni Linares. Datapuwa't hindi niyá itó binigyang panahón.

--¡Ay, qué iplomático te haz güerto! Zabemoz qwe ere;i el conzejero del General, que no puede vivir zin ti ... ¡Ah, Clarita! ¡qué placer é verte![277]

Humaráp si Maria Clarang namúmutlâ pa, bagá man nananag-uli na ang dating cagalin~gan n~g catawang pinapanghina n~g sakit. Napupuluputan ang mahabang buhóc n~g sutlang cintas na may culay bughaw. Kiming bumati, n~gumitî n~g mapanglaw, at lumapit cay doña Victorina upang gawin ang paghahalicang caugalîan sa m~ga babae.

Pagcatapos n~g caugalîang cumustahan, nagpatuloy n~g pananalitâ ang nagpápanggap na andaluza:

--Venimoz á visitaroz; ¡oz haveiz zalbao graciaz á vuestraz relacionez![278] na canyáng tinítin~gnan n~g macabulugan si Linares.

--¡Tinangkilic n~g Dios ang aking amá!--ang marahang isinagót n~g dalaga.

--Zi, Clarita, pero el tiempo é los milagroz ya ha pazeo: rozotroz loz ezpañolez ecimoz: ezconfía é la Virgen y échate á corré.[279]

--¡Tum ... tum ... tumbalíc!

Si capitán Tiago na hanggang sa sandalíng yaó'y hindi nacacaguiit sa pananalitá'y nan~gahás tumanóng, at bago pinakinggáng magalíng ang sagót:

--Cung gayó'y inaacalà po ba ninyó, doña Victorina, na ang Virgen ...?

--Venimoz precizamente á hablar con uzté é la
Virgen
,[280]--ang matilinghagang sagót ni doña Victorina, na itinuturo si María Clara;--tenemoz que hablar é negocioz.[281]

Napagkilala n~g dalagang dapat niyáng lisanin ang nan~gagsasalitaan, caya't humanap siyá n~g dahilán at lumayo roon, na nan~gan~gabay sa m~ga casangcapan.

Napacaimbî at napacalisyà ang salitaan at usapan sa pagpupulong na itó caya't minamagaling pa namin ang huwág n~g saysayin. Sucat n~g sabihing n~g silá'y magpaalaman ay pawang nan~gatutuwang lahát, at sinabi pagcatapos ni capitan Tiago ang ganitó cay tía Isabel:

--Ipasabi mo sa fonda, na bucas ay mag-aalay tayo n~g piguing. Untiunting ihandà mo si María Clara na ating ipacacasal na hindi malalaon.

Tiningnan siya ni tía Isabel na nagugulat.

--¡Makikita mo rin! ¡Pagca naguíng manugang na natin si guinoong Linares, magmamanhic-manaog tayo sa lahat n~g m~ga palacio; pananaghilîan tayo, man~gamamatay ang lahat sa capanahilian!

At sa gayón n~ga'y kinabucasan n~g gabi'y mulî na namáng punô n~g tao ang bahay ni capitan Tiago, at ang caibhán lamang n~gayo'y pawang m~ga castila't insíc lamang ang canyáng m~ga inanyayahan; tungcól sa magandáng cabiyác n~g cataoha'y ipinakikiharap doon n~g m~ga babaeng castilàng tubò sa España at sa Filipinas.

Náririyan ang pinacamarami sa ating m~ga cakilala; si parì Sibyla, si parì Salvi, na casama n~g iláng m~ga franciscano't m~ga dominico; ang matandáng teniente n~g guardia civil na si guinoong Guevara, na lalo n~g mapangláw ang mukhâ cay sa dati; ang alférez na sinásaysay na macalibo na ang canyáng dinanas na pakikibaca, na minámasdan ang lahát n~g boong pagpapalalò, palibhasa'y sa acalà niyá'y siyá'y isáng don Juan de Austria sa catapan~gan; n~gayó'y teniente siyá't may gradong comandante; si De Espadaña, na canyáng minámasdan itó n~g boong gálang at tacot at iniiwasan ang canyáng titig, at si doña Victorina na nagn~gin~gitn~git. Hindi pa dumarating si Linares, sa pagcá't palibhasa'y mahalagáng guinoo, dapat na siyá'y magpáhuli sa pagdating cay sa m~ga ibá: may m~ga taong nápacatun~gag, na ang acala'y cung magpáhuli n~g isáng oras sa lahát n~g bagay, naguiguing malalaking tao na.

Si María Clara ang siyáng tinútudlà n~g m~ga upasalà: sinalubong silá n~g dalaga n~g alinsunod sa ugaling pakikipagmahalan, na hindi nalilisan ang canyáng anyóng malungcót.

--¡Psh!--anáng isáng dalaga;--may cauntíng capalaluan....

--Magandagandá rin namán,--ang sagót namán n~g isáng dalaga rin;--datapuwa't ang lalaking iyá'y pumili sana n~g ibáng dalaga na hindi totoong mukháng tan~gá.

--Ang salapî, caibigan; ipinagbíbili n~g makisig na binatà ang canyáng sariling catawán.

Sa cabiláng dáco'y itó namán ang salitaan:

--¡Pacacasal n~gayóng ang unang nan~gibig sa canyá'y malapit n~g bitayin!

--Tinatawag cong main~gat ang ganyán; pagdaca'y handâ na ang cahalili.

--¡Abá, cung mabao!...

Náririn~gig marahil ang gayóng m~ga salitaan n~g dalagang si María Clara, na nacaupô sa isáng silla at naghuhusay n~g isáng bandejang m~ga bulaclác, sa pagcá't námamasid na nan~gán~gatal ang canyáng m~ga camáy, minsang mamutlá't man~gatlabing macáilan.

Malacás ang salitaan sa pulutóng n~g m~ga lalaki, at, ayon sa caraniwa'y pinag uusapan nilá ang ucol sa hulíng m~ga nangyari. Nan~gag salitaang lahát patí ni don Tiburcio, liban na lamang cay parì Sibyla, na nananatili sa pagpapawaláng halagáng hindi pag-imíc.

--¿Nárin~gig cong lilisanin daw po ninyó, pari Salví, ang bayan?--ang tanóng n~g bagong teniente, na dahil sa canyáng pagcataas sa catungcula'y n~gayó'y naguíng mairuguín.

--Walâ na acóng sucat gawín sa bayang iyán; sa Maynilà na títira acó magpacailan man ... ¿at cayó pô?

--Lilisanin co rin ang bayan,--ang isinagót na casabay ang pagtindíg;--kinacailan~gan acó n~g gobierno, upáng aking linisin ang m~ga lalawigan sa m~ga filibustero, na ang casama co'y isáng pulutóng n~g m~ga sundalo.

Dagling tiningnán siyá ni pari Salví mulâ sa m~ga paá hanggáng sa ulo, at sacâ siyá tinalicuráng lubós.

--¿Tunay na bang nalalaman cung anó ang cahihinatnan n~g pan~gulo n~g m~ga tulisan, n~g filibusterillo?--ang tanóng n~g isáng cawaní n~g pámahalaan.

--¿Si Crisóstomo Ibarra ba ang sinasabi ninyó?--ang tanóng n~g isá.--Ang lalong mahihintay at siyá namáng sumasacatuwiran ay siyá'y bitaying gaya n~g m~ga binitay niyóng 72.

--¡Siyá'y itatapon!--ang sinabing mapangláw n~g matandáng teniente.

--¡Itatapon! ¡Itatapon lamang siyá! ¡N~guni't marahil ay mananatili sa tapunán magpacailán man!--ang bigláng sinabing sabaysabáy n~g ilán.

--Cung ang binatàng iyán,--ang patuloy na sinabi n~g teniente Guevara, n~g malacás at anyóng may galit;--ay natutong mag-ín~gat; cung siyá'y natutong huwag tumiwalang totoo sa m~ga tan~ging taong canyáng casulatán; cung hindi sana napacadunong ang ating m~ga fiscal na magbigáy kahulugán n~g napacalabis namán sa nasusulat, pinasiyahán sanang waláng anó mang casalanan ang binatàng iyán.

Ang pagpapatibay na itó n~g matandáng teniente at ang anyô n~g canyáng tínig ay nagbigáy n~g malakíng pangguiguilalás sa m~ga nakíkinig, na waláng nasabing anó man. Tumin~gín sa ibáng daco si parì Salví, marahil n~g huwag niyáng makita ang titig na mapangláw n~g matandâ. Nalaglág sa m~ga camáy ni María Clara ang m~ga bulaclác at hindi nacakilos. Si pari Sibylang marunong sa hindi pag-imic, tila mandín siyáng tan~ging marunong namáng tumanóng.

--¿May sinasabi pô ba cayóng m~ga sulat, guinoong Guevara?

--Sinasabi co ang sinalitâ sa akin n~g
defensor
(tagapagtanggól), na gumanáp n~g canyáng catungculan n~g boong casipaga't pagmamalasakit. Liban na lamang sa iláng m~ga talatang may culabóng pananalitâ, na isinulat n~g binatàng itó sa isáng babae, bago siyá yumaong ang tun~go'y sa Europa, m~ga talatang kinakitaan n~g fiscal n~g isáng balac at isáng balà laban sa Gobierno, na canyáng kinilalang siyá n~gâ ang may sulat, waláng násumpun~gang anó mang bagay na mapanghawacan upáng siyá'y mabigyáng casalanan.

--¿At ang
declaración
(sinaysáy) n~g tulisán bago siyá mamatáy?

--Nasunduan n~g defensor na mawal-ang halagá, sa pagcá't ayon din sa tulisáng iyón, silá'y hindi nakipag-usap cailán man sa binatà, cung di sa isáng nagn~gan~galang Lucas lamang, na canyáng caaway, ayon sa napatotohanan, at nagpacamatáy, marahil sa sigáw n~g sariling budhî. Napatotohanang pawang taksíl na gagád lamang ang m~ga letra n~g casulatang nacuha sa bangcay niyá, sa pagcá't ang letra'y catulad n~g dating letra ni guinoong Ibarra n~g panahóng may pitóng taón na n~gayón ang nacararaan, datapuwa't hindi catulad n~g letra niyá n~gayón, bagay na nagpapasapantahang ang gumamit na huwaran ay itóng sulat na guinamit upáng siyá'y isumbóng. Hindi lamang itó, sinasabi n~g defensor, na cung di raw kinilalang siyá ang may titic n~g sulat na iyón, malaki sanang cagalin~gan ang sa canyá'y nagawa, datapuwa't pagcakita niya sa sulat na iyó'y namutlâ siyá, nasirà ang loob at pinagtibay ang lahat n~g doo'y natititic.

--Ang sabi pô ninyó,--ang tanóng n~g isáng franciscano;--ay nauucol ang sulat na iyón sa isáng babaeng canyáng pinagpadalhan, ¿anó at dumating sa camáy n~g fiscal?

Hindi sumagót ang teniente; tinitigang sandalî si pari Salvi, at sacâ lumayô, na pinipilipit na nan~gán~gatal ang matulis na dulo n~g canyáng balbás na úbanin, samantalang pinag-uusapan n~g m~ga ibá ang m~ga bagay na iyón.

--¡Diyá'y nakikita ang camáy n~g Dios!--anáng isá;--kinasusutan siyá patí n~g m~ga babae.

--Ipinasunog ang canyáng bahay, sa acalà niyáng sa gayó'y macalíligtas siyá, datapuwa't hindi niyá naisip ang nacalin~gid, sa macatuwíd baga'y ang canyáng caagulo, ang canyáng
babae,
--ang idinugtóng n~g isáng tumatawa.--¡Talagá n~g Dios! ¡Santiago, ipagtanggól mo ang España!

Samantala'y humintô ang matandáng militar, sa isá sa canyáng pagpaparoo't parito, at lumapit cay María Clara, na nakikinig n~g salitaan, hindi cumikilos sa canyáng kinauupuan; sa m~ga paanan niyá'y naroroon ang m~ga bulaclác.

--Cayó po'y isáng dalagang totoong matalinò,--ang marahang sinabi sa canyá n~g teniente,--magalíng pô ang inyóng guinawâ n~g inyóng pagcacábigay n~g sulat ... sa ganyáng paraa'y macaaasa cayóng dalawá sa isáng mapanatag na hinaharap.

Nakíta n~g dalagang lumálayô ang teniente na ang m~ga matá'y anyóng na hahalíng at kinacagat ang m~ga labì. Sa cagalin~gang palad ay nagdaan si tía Isabel. Nagcaroon si María Clara n~g casucatang lacás upáng siyá'y tangnán sa damít.

--¡Tia!--ang ibinulóng.

--¿Anó ang nangyayari sa iyó?--ang itinanóng ni tía Isabel, na gulát, n~g canyáng mámasdan ang mukhà n~g dalaga.

--¡Ihatid pô ninyó acó sa aking cuarto!--ang ipinakiusap, at sacà bumitin sa camáy n~g matandà upáng macatindig.

--¿May sakít ca, anác co? ¿Tila nawalán icaw n~g m~ga butó? ¿anó ang nangyayari sa iyó?

--Isáng hilo ... ang dami n~g tao sa salas ... ang dami n~g ilaw ... kinacailan~gan cong magpahin~ga. Sabihin pô ninyó sa tatay na matutulog acó.

--¡Nanglálamig ca! ¿ibig mo ba ang chá?

Umilíng si María Clara, sinarhán n~g susi ang pintô n~g canyáng tulugán, at salàt na sa lacás ay nagpatihulóg sa sahíg, sa paanán n~g isáng larawan at sacâ humagulhól:

--¡Iná! ¡iná! ¡aking iná!

Pumapasoc ang liwanag n~g buwán sa bintanà at sa pintuang canugnóg n~g bataláng bató.

Nagpapatuloy ang música n~g pagtugtóg n~g masasayang
vals
; dumarating hanggáng sa tulugán ang m~ga tawanan at ang alin~gawn~gáw n~g m~ga salitaan; macailang tumugtóg sa canyáng pintuan ang canyáng amá, si tía Isabel, si doña Victorina at patí si Linares, datapuwa't hindi cumilos si María Clara: malacás na hin~gal ang tumatacas sa canyáng dibdib.

Nagdaan ang m~ga horas: natapos ang m~ga catuwaan sa mesa, náririn~gig ang sayáw, naupós ang candilà at namatáy, datapuwa't nanatili ang dalaga sa hindi pagkilos sa tablang sahig, na liniliwanagan n~g buwán, sa paanán n~g larawan n~g Iná ni Jesús.

Untiunting nanag-uli ang báhay sa catahimican, nan~gamatáy ang m~ga ílaw, mulíng tumawag si tía Isabel sa pintuan.

--¡Abá, nacatulog!--anáng tía n~g sabing malacás; palibhasa'y bata't waláng anó mang pinanínimdim, tumutulog na parang patáy.

Nang lubhâ n~g tahimic ang lahát; nagtindig si María Clara n~g marahan at lumin~gap sa canyáng paligid: námasid ang bataláng bató, ang maliliit na m~ga bálag, na napapaliguan n~g mapangláw na liwanag n~g buwán.

--¡Isáng mapanatag na hináharap! ¡Tumutulog na parang patáy!--ang sinabi n~g marahan at sacâ tinun~go ang bataláng bató.

Nagugupiling ang ciudad, waláng naririn~gig na manacanacâ cung dî ang ugong n~g isang cocheng nagdaraan sa tuláy na cahoy sa ibabaw n~g ilog, na ilinarawan n~g payapang tubig nitó ang sinag n~g buwan.

Tumin~gala ang dalaga sa lan~git na ang calinisa'y wan~gis sa zafir; marahang hinubád ang canyáng m~ga sinsing, m~ga hicáw, m~ga aguja at peineta, inilagáy niyá ang lahat n~g itó sa palababahan n~g batalán at tiningnan ang ílog.

Humintô ang isáng bancáng tiguíb n~g damó sa paanán n~g ahunáng nalalagay sa bawa't bahay na na sa pampan~gin n~g ilog. Isá sa dalawáng lalaking nacasacáy sa bangcáng iyón ay pumanhic sa hagdanang bató, linundág ang pader, at n~g macaraan ang sandali'y nárin~gig ang canyáng m~ga paglacad na pumápanhic sa hagdanan n~g batalán.

Nakita siyá ni María Clarang tumiguil pagcakita sa canyá, n~guni't sumandal lamang, sa pagcá't untiunting lumapit at tumiguil n~g tatlong hacbáng na lámang ang layó sa dalaga. Umudlót si María Clara.

--¡Crisóstomo!--ang sinabing marahang puspós n~g tácot.

--¡Oo, acó'y si Crisóstomo!--ang isinagót n~g binatà n~g boong capanglawan.--Kinuha acó sa bilangguang pinag absan~gán sa akin n~g aking m~ga caibigan, ni Elias, isáng caaway, isáng táong may catuwirang acó'y pagtamnan n~g galit.

Sumunod sa m~ga salitáng itó ang isáng mapangláw na hindi pag-imic; tumun~gó si María Clara at inilawít ang dalawáng camáy.

Nagpatuloy n~g pananalitâ si Ibarra:

--¡Isinumpà co sa piling n~g bangcáy n~g aking ináng icaw ay aking paliligayahin, cahi't anó man ang aking cáratnan! Mangyayaring magcúlang icaw sa iyóng isinumpâ, siyá'y hindi mo iná; n~guni't acó, palibhasa'y acó ay anác niyá, pinacadadakilà co ang pag-aalaala sa canyá, at cahi't nagdaan acó sa libolibong pan~ganib, naparito acó't upáng tuparín ang aking isinumpâ, at itinulot n~g pagca-cátaong icaw rin ang aking macausap. María, hindi na tayo magkikitang mulî; batà ca at bacâ sacali'y sisihin ca n~g iyóng sariling budhî ... naparito acó upáng sa iyó'y sabihin, bago acó pumanaw, na pinatatawad catá. ¡N~gayon, cahimana-wari'y lumigaya ca, at paalam!

Other books

The Two Princesses of Bamarre by Gail Carson Levine
Conflagration by Matthew Lee
B0040702LQ EBOK by Margaret Jull Costa;Annella McDermott
The Sheikh's Secret Son by Kasey Michaels
The Stolen Girl by Samantha Westlake
No Hero by Jonathan Wood