Noli Me Tangere (78 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Nagpasimulâ n~g pag-awit si Sisa sa tapat n~g bahay, na tinititigan ang buwang nagduruyan sa isáng lan~git na azul at napapag-itanan n~g m~ga alapaap na culay guintô. Nakikita siyá ni Basilio'y hindi macapan~gahas lumapit, at marahil hinihintay niyáng umalis doon; lumalacad sa magcabilacabila, n~guni't pinan~gin~gilagan ang paglapit sa cuartel.

Pinakikinggang magalíng n~g babaeng batà pang na sa sa bintanà ang awit n~g ulól na babae, at ipinag-utos sa bantáy na sundalong papanhikin ang ulól na iyón sa cuartel.

Pagcakita ni Sisang lumalapit ang sundalo at n~g marin~gig ang tinig nito, sa malaking tacot ay nagpacatacbótacbó, at ang Dios ang nacacaalam cung paano ang pagtacbó n~g isáng ulól. Sinundán siyá ni Basilio, at sa pan~gan~ganib na bacá hindi na niya makita'y tumacbó at nalimutan tulóy ang sakít n~g canyáng m~ga paá.

--¡Tingnán na n~ga lamang ninyó cung paano ang paghabol n~g batàng iyán sa ulól na babae!--ang sigáw na nagagalit n~g isáng alilang babae, na na sa daan.

At n~g makita niyáng ipinagpapatuloy ang paghagad sa ulól na babae, dumampót n~g isáng bató't inihaguis sa batà, at sinabi:

--¡Ayán ang iyó! ¡pagcasayangsayang at natatalì ang áso!

Naramdamán ni Basilio ang isáng pucól sa canyáng ulo, n~guni't nagtuloy n~g pagtacbó at hindi inalumana. Tinátahulan siyá n~g m~ga áso, sumisigaw ang m~ga gansâ, binúbucsan ang m~ga ibáng bintanà at may sumusun~gaw na isáng mapagusisa, at sinásarhan namán ang ibáng bintana, sa pan~gan~ganib na bacâ iyo'y cawan~gis din n~g gabi n~g m~ga caguluhan.

Dumatíng silá sa labás n~g bayan. Nagpasimulà si Sisa n~g paghinà n~g pagtacbó; malakíng totoó ang calayuan niyá sa humahabol sa canyá.

--¡Nanay, acó pô!--ang isinigáw sa canyá n~g siyá'y mátanawan.

Bahagyâ lamang nárin~gig n~g ulól na babae ang tinig ay nagpasimulâ na namán n~g pagtácas.

--¡Nanay, acó pô!--ang isinigáw n~g bata na waláng pagcasiyahan sa pighatî.

Hindi nacácarin~gig ang ulól na babae, sinúsundan siyá n~g anác na humihin~gal. Naraanan na nilá ang m~ga pananím at malapit na silá sa gubat.

Nakita ni Basiliong pumasoc sa gubat na iyón ang canyáng iná at siyá'y pumasoc namán. Ang m~ga damó, ang maliliit na cahoy, ang matiníc na m~ga yantóc at ang m~ga ugát na umuutláw sa lupá ay nan~gagsisihadláng sa tacbó n~g dalawá. Sinúsundan n~g anác ang naaaninagnagán niyáng catawán n~g canyáng iná, na manacanacang liniliwanagan n~g m~ga sínag n~g buwang pumapasoc sa m~ga pag-itan n~g m~ga san~gá. Yaón ang talinghagang gubat n~g familia ni Ibarra.

Macailang natisod at nárapâ ang batà, n~guni't tumítindig, hindi nagdaramdam sakít; ang boong caluluwa niyá'y pumatun~go sa canyáng m~ga matá, na sumúsunod sa anyô n~g irog niyáng iná.

Caniláng dinaanan ang ílat na bumubulong n~g matimyás; ang m~ga tiníc n~g cawayang nan~gahulog sa putic n~g pampáng ay tumitimo sa m~ga paá niyáng hubád: hindi humihintô si Basilio upáng bunutin ang m~ga tiníc na iyón.

Nakita niyá n~g boong pagtatacá na tinutun~go n~g canyáng iná ang malagóng parang at pumasoc sa pintóng cahoy na pangsará sa pinaglibin~gan n~g matandáng castilà sa paanán n~g balitì.

Binantâ ni Basiliong siyá'y pumasoc namán, n~guni't nasunduan niyáng nacasará ang pintô. Ipinagsasanggalang ang pintóng iyón n~g ulól na babae, n~g canyáng m~ga payát na bísig at gusamót na ulo, na anó pa't pinapananatili n~g canyáng boong lacás sa pagcásara.

--¡Nanay, acó pô, acó pô, acó'y si Basilio, ang inyóng anác!--ang sigáw n~g batang hapô na, at nagpacálugmoc.

Datapuwa't hindi nagluluwag ang ulól na babae; isinisicad ang canyáng m~ga paá sa lupà at ipinaglalabang mainam ang pintô.

Sinuntóc ni Basilio ang pintô, inihahampas doon ang ulong napapaliguan n~g dugô, umiyác, n~guni't waláng cabuluháng lahát. Nagtindíg n~g boong hírap, pinagmasdán ang pader at iniisip niyáng canyáng hagdanán, n~guni't walâ siyáng nasumpun~gang magawang hagdán. Nilibot niyá, n~g magcágayon, at nakita niyá ang isáng san~gá n~g malungcót na cahoy na humahalang sa isá namang san~gá rin n~g ibang cahoy. Nag-ukyabít siyá: gumágawâ n~g cababalaghán ang canyáng pagsintáng-anác, nagpalipatlipat siyá sa m~ga san~gá hanggang sa dumating sa balitì, at napanood pa niyáng itinutuon ang ulo n~g canyáng iná sa pintô.

Nárin~gig ni Sisa ang in~gay na guinágawâ ni Basilio sa m~ga san~gá, lumin~gón at nag-acalang tumacas, n~guni't nagpatihulog sa cahoy ang anác, niyácap niyá ang canyáng iná at pinuspós n~g halíc, at hinimatáy pagcatapos.

Námasdan ni Sisa ang noóng napapaliguan n~g dugô; yumucód sa canyá, ang m~ga matá n~g babae'y tila mandín tatacas sa kinálalagyan, pinagmasdan siyá sa mukhâ at ang m~ga namúmutlang pagmumukháng iyó'y siyáng pumagpág n~g bait na gumugupiling sa canyáng m~ga utac n~g ulo, may sumipót na tulad sa isáng kisláp sa canyáng pag-iisip, nakilala ang canyáng anác at, nagpacabigáybigáy n~g isáng sigáw, at pagcatapos ay nahandusay sa hinimatáy na batàng canyáng niyayacap at hináhagcan.

Nanatiling hindi cumikilos ang iná at ang anác....

Nang pagsauláng-tao si Basilio'y nakita niyang hindi nacacaalam tao ang canyáng iná. Tinawag niyá ang canyáng iná, canyáng ipinan~galan ang lalong matitimyás na palayaw, at n~g mamasid niyáng hindi naguiguising at hindi man lamang humihin~ga'y nagtindig, tinun~go ang agos at cumuha n~g cauntíng túbig na canyáng inilagáy sa binalisungsóng na dahon n~g saguing, at canyáng winiligán n~g tubig na iyon ang namumutláng mukhà n~g canyáng iná. N~guni't hindi cumilos n~g camunti man lamang ang ulól na babae, nananatili sa pagcapikit.

Pinagmasdán siyá ni Basiliong nagugulat; idinaiti ang canyáng tain~ga sa pusò n~g babae; n~guni't ang payát at lantá n~g dibdib ay malamig at hindi tumitiboc: inilagáy niyá ang canyáng m~ga labì sa m~ga labì n~g canyáng iná ay walâ siyáng naramdamang camunti man lamang na paghin~gá. Niyacap n~g culang palad ang bangcáy at tuman~gis n~g boong capaitan.

Lumiliwanag ang buwan sa lan~git n~g boong cadakilaan, nagbubuntong hinin~gá ang mahinhíng amihan sa paghihip at humuhuni ang m~ga cagaycáy sa ilalim n~g m~ga damó.

Ang gabíng pawang caliwanagan at catuwaan sa lubháng maraming m~ga musmós, na sa mainit na sinapupunan n~g m~ga casambahay ipinagdiriwang ang fiestang lalong may m~ga matatamis na nagugunitá; ang fiestang nagpapaalaala n~g unang titig n~g pagsintá na ipinadalá n~g lan~git sa lupà; sa gabíng iyáng ang lahát n~g magcacasambahay na m~ga binyaga'y cumacain, umiinom, sumasayaw, umaawit, tumatawa, naglálarò, sumisinta, nan~gaghahalican ... sa gabíng iyán, na sa m~ga lupaíng malalamíg ay nagtátaca ang camusmusan sa warí'y himaláng cahoy na pino, na humihitic n~g m~ga ilaw, m~ga manica, m~ga matamis at makikintáb na palarang papel, na pinanonood n~g nan~gasisilaw na mabibilog na m~ga matáng kinaaninuhan n~g pagca waláng malay, ang gabíng iyá'y waláng idinudulot cay Basilio cung di isáng pan~gun~gulila. ¿Sino ang nacacaalam? Marahil sa bahay n~g malungcuting si parì Salví ay nan~gaglalarô rin ang m~ga batà, marahil ay caniláng inaawit:

Ang Gabing-Magandá'y dumating, Gabing-Magandá'y aalis din...

Ang batà'y tuman~gis at humibíc n~g di anó lamang, at n~g tumin~galâ siyá'y canyáng nakita sa canyáng haráp ang isáng tao na pinagmamasdan siyáng waláng imíc. Tinanóng siyá n~g hindi kilalang lalaking iyón n~g marahan:

--¡Icaw ba ang anác!

Tuman~gô ang batà.

--¿Anó ang inaacalà mong gawín?

--¡Ilibíng!

--¿Sa libin~gan?

--Walà acóng salapî, at bucód sa roó'y hindi ipahihintulot n~g cura.

--¿At paano?

--Cung tulun~gan sana ninyó acó....

--Mahinang mahina acó,--ang sagót n~g hindi kilalá, na untiuntíng nagpacahandusay sa lupà, na nininiin n~g dalawáng camáy; may sugat acó, dalawáng araw n~g hindi acó cumacain at hindi acó natutulog ... ¿Walâ bang ibáng napaparito n~gayóng gabí?

Nanatili ang taong iyón sa pagdidilidili at pinagmamasid ang mahalagáng pagmumukhâ n~g batàng lalaki.

--¡Pakinggán mo!--ang ipinagpatuloy na ang tinig ay lalong mahina; marahil ay patáy na rin acó bago sumicat ang araw ... Sa may m~ga dalawampóng hacbáng buhat dito, sa cabiláng ibayo n~g batis na itó, may nacatimbóng maraming cahoy na panggatong; dalhín mo rito, pagpatungpatun~gin mo, ilagáy mo sa ibabaw ang aming m~ga bangcáy, tacpán mo n~g cahoy rin at sacâ mo susuhan n~g apóy, n~g maraming apóy, hanggáng sa cami'y maguing abó....

Nakikinig si Basilio.

--Pagcatapos, cung sacali't walâ sino mang dumatíng ... huhucay ca rito, macacasumpong ca n~g maraming guintô ... at ang lahát na iyá'y iyo. ¡Mag-aral ca!

Nalalao'y lalong hindi mawatasan ang tinig n~g hindi kilaláng tao.

--Hayo't humanap ca n~g cahoy ... ibig cong tulun~gan catá.

Yumao si Basilio, humaráp sa Silan~ganan ang hindi kilalá at bumulóng na wari'y nagdárasal:

--¡Mamamatay acóng hindi co nakikitang numingníng ang liwaywáy sa lupàng aking tinubuan!... ¡cayóng man~gacacakita n~g liwaywáy na iyan, batiin ninyó siyá ... huwag ninyóng limutin ang m~ga nahandusay sa boong magdamág!

Itinaás ang m~ga matá sa lan~git, gumaláw ang canyáng m~ga labíng anaki'y bumúbulong n~g isáng dalan~gin, tumun~gó pagcatapos at untiuntíng nahandusay sa lupà....

Nang macaraan ang dalawang oras, si hermana Rufa'y na sa sa batalán n~g caniláng bahay at guinagawa ang paghihilamos na caugalian pagcacaumaga, upang pumaroon sa misa. Tinátanawan n~g mapamintacasing babae ang calapít na gubat at canyáng nakitang may pumapaimbulog na nalululong macapál na úsoc; nagcunót ang m~ga kilay at, punô n~g banál na galit, ay nagsalitâ:

--¿Sino cayà ang hereje na sa araw n~g fiesta'y nagcacain~gin? Cayà dumarating ang maraming m~ga capahamacán. ¡Tingnán mong pa sa Purgatorio ca, at makikita mo cung cucunin catá roon, hamac na tao!

=PANGWACAS NA BAHAGUI.=

Sa pagcá't buhay pa ang marami sa m~ga taong sinaysay namin ang caniláng m~ga guinawâ sa casulatang itó, at sa pagca namán nan~gawalâ na sa ating m~ga matá ang m~ga ibá sa m~ga taong iyón, hindi n~gâ mangyayaring malagyán namin n~g tunay na pangwacás na bahagui ang aclát na itó. Sa icagagaling n~g tao'y papatayin namin n~g boong galac ang lahát n~g m~ga taong sinaysáy namin dito, na aming sisimulan cay parì Salví at wáwacasan namin cay doña Victorina, datapuwa't hindi mangyayari ... ¡m~ga buháy silá! yamang hindi camí cung di ang lupaíng itó rin lamang ang siyáng sa canilá'y magpapacain....

Mulà n~g pumasoc sa convento si María Clara'y iniwan ni parì Dámaso ang bayang dating canyáng kinalalagyan at sa Maynilà na siya tumitira, na gaya rin namán ni parì Salví, na samantalang naghíhintay n~g catungculang pagca Obispo ó Arzobispo'y manacánacang nagsesermon sa simbahan n~g Santa Clara, at sa convento nitó, n~g Santa Clara sa macatuwid, siyá'y gumaganap n~g isáng mataas na catungculan. Hindi pa maraming buwan ang nacararaan ay tumanggáp si parì Dámaso n~g utos n~g cagalanggalang na parì Provincial upáng ganapín ang pagcucura sa isáng malayong lalawigan. Ayon sa sábiha'y nápacalaki ang canyáng tinamóng samâ n~g loob sa bagay na iyón, caya n~ga't kinabucasa'y násumpun~gang patáy siya sa canyáng tinutulugan. Ang sabi n~g ibá'y namatáy sa
apoplegia
, anáng ibá'y sa ban~gun~got, n~guni't pinaram n~g médico ang pag-aalinlan~gan, sinaysáy niyáng biglâ raw namatáy.

Alin man sa m~ga bumabasa sa ami'y hindi makikilala n~gayón cung caniláng makita si capitang Tiago. Iláng linggó pa muna bago magmonja si María Clara'y nangyari sa canyá ang isáng malakíng panglulupaypay n~g calooban, na anó pa't nagpasimulâ siyá n~g pamamayat at naguing totoong malungcutin, mapaglininglining at culang tiwalà, tulad sa canyáng naguing caibigang si capitang Tinong. Nang másara na ang m~ga pintuan n~g convento n~g Santa Clara'y caracaracang ipinag-utos sa canyáng nahahapis n~g di anó lamang na pinsang si tía Isabel, na tipunin at cunin ang lahat n~g bagay na naguing pag-aarì n~g canyáng anác at n~g canyáng nasirang asawa, at siyá'y pumaroon sa Malabón ó sa San Diego, sa pagcá't sa haharaping panahó'y ibig niyáng mamahay na mag-isá. Nagsákit n~g catacottacot sa liampó at sa pagsasabong, at nagpasimulâ n~g paghitít n~g opio. Hindi na na pa sa sa Antipulo at hindi na rin nagpapamisâ; ikinatutuwang totoo n~g canyáng matandáng babaeng capan~gagáw, na si doña Patrocinio, ang canyáng pagdiriwang, sa pamamag-itan n~g paghilíc samantalang siyá'y nakikinig n~g m~ga sermón. Cung manacânaca'y maglacádlacád cayó, cung dacong hapon, sa únang daan n~g Santo Cristo, makikita ninyóng nacaupô sa tindahan n~g isáng insíc ang isáng maliit na tao, nanínilaw, payát, hucót, malalalim ang m~ga mata at anyóng nag-áantoc, culay marumi ang m~ga labi at ang m~ga cucó at tumítin~gin sa tao n~g wari'y hindi nakikita. Pagdatíng n~g gabí'y makikita ninyó siyáng tumindíg n~g boong hirap, at nanúnungcod na pinatutun~guhan ang isáng makipot na daan, pumapasoc sa isáng maliit na bahay na marumí at sa ibabaw n~g pintô nitó'y nababasa ang malalakíng letrang mapupula: FUMADERO PUBLICO DE ANFION. Itó'y yaóng totoong cabalitaang si capitang Tiago, na n~gayó'y lubós n~g nacalimutan n~g lahát, na anó pa't patí n~g sacristán mayor ay hindi na siyá naaalaala.

Idinagdag ni doña Victorina sa canyáng m~ga culót na buhóc na postizo at sa canyáng pag-aandaandalusahan, pakikiwan~gis bagá sa m~ga tagá Andalucía sa pagsasalitâ, ang bagong caugaliang siyá ang nan~gan~gasiwà sa pagpapalacad n~g m~ga cabayo n~g coche, at pinipilit niyáng si don Tiburcio'y huwag cumílos. Sa pagcá't maraming nangyayaring capahamacan dahil sa cahinaan na n~g canyáng m~ga matá, n~gayó'y gumagamit siyá n~g «quevedo» (salamin sa m~ga matáng isinisipit sa ilóng ang pinacatangcáy) na nagbibigay sa canyá n~g anyóng naguing cabalitaan. Hindi na muling natawag ang doctor upang gumamót can~gino man, napapanood siyá n~g m~ga alilang waláng n~gipin sa maraming araw n~g isáng linggó, bagay, na alinsunod sa talastás na n~g m~ga bumabasa'y masamáng tandâ.

Ang tan~ging tagapagtanggól n~g culang palad na itó, na si Linares, ay malaon n~g nagpapahin~galay sa Pacò, sa pagcá't pinatáy siyá n~g pag-iilaguín at n~g masasamáng guinágawâ sa canyá n~g canyáng hipag.

Napasa España ang nagdiwang na alférez, na ang catungcula'y teniente na may gradong comandante, at iniwan ang canyáng mairog na asawa sa canyáng barong franela, na hindi mapagsiyasat cung anó na ang culay. Nang makita n~g cahabaghabag na Ariadna ang pagcápabayà sa canyá, namintacasi ring gaya n~g anác na babae ni Minos cay Baco at sa pakikipacatoto sa tabaco, na anó pa't nan~gin~ginom at humihitít n~g boong alab n~g loob, na hindi na lamang ang m~ga nagdádalaga ang sa canyá'y natatacot, cung di namán ang m~ga matatandang babae't ang m~ga batà.

Other books

Horse Tradin' by Ben K. Green
Twice Tempted by Jeaniene Frost
Love Him to Death by Tanya Landman
The Assigned by A. D. Smith, Iii
Instant Love by Jami Attenberg
Who I Am by Melody Carlson
When Summer Fades by Shaw, Danielle