Noli Me Tangere (72 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

--Dahil sa ganitóng muntíng turò, marahil ay kinácagat ang canyàng m~ga labì n~g generalillong Buisit,--ang sagót namán n~g isá.

--¿Anó cayâ ang nangyari sa canyá cung hindi ang m~ga Capisanan n~g m~ga fraile?

--At n~g lalong umínam ang ating pagdiriwang, ipagbigay álam sa uldóg na tagapagluto at sa procurador ... ¡Gaudeamus (cainan) sa tatlóng araw!

--¡Amen!, ¡Amen! ¡Mabuhay si Salvi¡ ¡Mabuhay!

Ibá namán ang salitaan sa isáng convento.

--¿Nakita na ninyó? Iyá'y isáng nag-aral sa m~ga jesuita; ¡lumálabas sa Ateneo ang m~ga filibustero!--ang sabi n~g isáng fraile.

--At ang m~ga caaway n~g m~ga fraile.

--Sinabi co na: ipinapahamac n~g m~ga jesuita ang lupaíng itó, pinahahalay ang ugali n~g cabatàan; datapuwa't pinababayaan, sila't dahil sa gumuguhit sa papel n~g iláng m~ga waláng cawawaang cahig manóc cung lumilindol....

--¡At ang Dios ang nacacaalam cung papaano ang m~ga pagcacagawâ!

--Siyá n~gâ, ¿datapuwa't man~gahas cayóng sumalansang sa canila? ¡Pagca nan~gn~giníg at gumágalaw ang lahat! ¿sino ang macasusulat n~g m~ga cahig-manóc! ¡Walâ, si parì Secchi!....

At nan~gagn~gin~gitîan n~g malakíng pagpapawaláng halagá.

--¿N~guni't ang m~ga sigwá? at ¿ang m~ga bagyó?--ang tanóng n~g isá n~g matindíng paglibác;--¿hindi ba cadakidakilàan iyán?

--¡Sino mang man~gin~gisda'y nahuhulàan ang m~ga bagay na iyán!

--Pagcâ ang namiminuno'y isang halíng ... ¡sabihin mo sa akin cung anó ang anyô n~g iyong ulo, at sasabihin co sa iyó cung anó ang iyong panicad! N~guni't makikita rin ninyó cung nan~gagtatangkilican ang man~gagcacaibigan: halos hiníhin~gî n~g m~ga pamahayagang bigyán n~g isáng mitra (n~g catungculang pagca arzobispo ú obispo) si parì Salvi.

--¡At cacamtan n~gâ niyá! ¡Masusunduan niyá ang catungculang iyán!

--¿Sa acalà mo cayà?

--¡At hindi bagá! N~gayó'y ibinibigay ang catungculang iyán cahi't sa waláng cabuluháng bagay. Nacakikilala acó n~g isáng sa lalong waláng cabuluha'y nagcamit n~g mitra: sumulat n~g isáng waláng cawawaang aclát, ipinakilalang waláng caya ang m~ga
indio
cung hindi sa m~ga gawain n~g camáy ... ¡psh! ¡matatandâ n~g pangcaraniwan!

--¡Tunay n~gâ! ¡Nacasisirà sa religión ang ganyáng caraming m~ga paglihís sa catuwiran!--ang bigláng sabi namán n~g isá;--cung may m~ga matá sana ang mitra at caniláng makita ang m~ga bao n~g ulong sa canilá'y pagpuputun~gan....

--¡Cung ang m~ga mitra sana'y pawang m~ga likhâ n~g Naturaleza,--ang dagdág namán n~g isá, na ang tinig ay lumalabas sa ilóng.--
Natura abhorret vacuum ...

--Cayâ n~gâ cumacapit sa canilá; ¡ang pagcawaláng lamán ang sa canilá'y humahalina!--ang sagót n~g isa.

Ang m~ga itó at iba páng m~ga bagay ang m~ga sábihan sa m~ga convento, at ipinatátawad na namin sa m~ga bumabasa ang pagsasaysáy n~g m~ga ibáng m~ga upasalà na may m~ga culay político, metafísico at mahahangháng. Ating ihatid ang bumabasa sa bahay n~g isáng waláng anó mang catungculan, at sapagcá't cácauntî ang cakilala natin sa Maynilà'y doon tayo pumaroon sa bahay ni capitang Tinong, ang lalaking mapag-anyaya, na ating nakitang pinipilit anyayahan si Ibarra upáng papurihan siya n~g isáng dalaw.

Sa mayama't maluang na salón n~g canyáng bahay sa Tundó ay naroon si capitang Tinong, nacaupo sa isáng malapad na sillón, na hináhagpos ang noo't ang batoc, na may anyóng lubháng nahahapis, samantalang umíiyac at pinagwiwicaan siyá n~g canyáng asawang si capitana Tinchang, sa haráp n~g canyáng dalawáng anác na babae, na nagsisipakiníg mulâ sa isáng suloc na hindi nan~gagsisiimic, nan~gatútulig at nan~gabábagbag ang loob.

--¡Ay, Virgen sa Antipolo!--ang sigáw n~g babae.--¡Ay, Virgen del Rosario at de la Correa! ¡ay!, ¡ay! ¡Nuestra Señora de Novaliches!

--¡Nanay!--ang sa canyá'y sinabi n~g bunso sa canyáng m~ga anác na babae.

--¡Sinasabi co na sa iyó!--ang ipinatuloy n~g babae, na pagsisi ang anyô;--¡sinasabi co na sa iyó! ¡ay Virgen del Cármen, ay!

--¡N~guni't hindi ca namán nagsasabi sa akin n~g anó man!--ang ipinan~gahás isagót ni capitang Tinong na napapaiyac;--baligtád, sinasabi mo sa aking mabuti ang aking guinágawâ sa pagmamalimít co sa bahay na iyón at manatili sa pakikipag-ibigan cay capitang Tiago, sa pagcá't ... sa pagcá't mayaman ... at sinabi mo sa aking....

--¿Anó? ¿anó ang sinabi co sa iyó? ¡Hindi co sinasabi sa iyo iyán, walâ acóng sinasabing anó man sa iyó! ¡Ay! ¡cung pinakinggán mo sana acó!

--¡N~gayo'y acó ang bibigyan mong casalanan!--ang itinutol n~g masacláp na tinig, at sacâ tumampál n~g malacás sa camáy n~g sillón;--¿hindi mo ba sinabi sa aking magaling ang aking guinawâ na siyá'y aking inanyayahang cumain dito sa atin, sa pagcá't palibhasa'y mayaman ... sinasabi mong hindi dapat tayong makipagcaibigan cung di sa mayayaman lamang? ¡Abá!

--Tunay n~gang sinabi co iyán sa iyó, sa pagcá't ... sa pagcá't walâ n~g magágawâ; walâ cang guinágawâ cung hindi purihin siyá;
don Ibarra
dito,
don Ibarra
doon,
don Ibarra
sa lahát n~g panig, ¡abaá! Datapuwa't hindi co inihatol sa iyong makipagkita ca sa canyá ó makipagsalitaan ca sa canyá sa pagcacapisang iyon; hindi mo maicacailà itó sa akin.

--¿Nalalaman co bang paparoon siyá roon?

--¡Abá! ¡dapat mong maalaman!

--¿Paano? ¿siyá'y hindi co man lamang nakikilala pa niyon?

--¡Aba! ¡dapat mo siyáng makilala!

--N~guni't Tinchang, ¡paano'y niyón co lamang siyá nakita, at niyón co lamang namán nárin~gig na siya'y pinag-uusapan!

--¡Aba! ¡dapat sanang nakita mo siyá n~g una, nárin~gig ang usapan tungcól sa canyá, sa pagcá't lalaki icaw, may salawal ca at bumabasa ca n~g
Diario de Manila!
--ang di mabilíng na sagót n~g asawa, casabáy n~g pagpapahatid sa canyá n~g cakilakilabot na irap.

Waláng maalamang itutol si capitan Tinong.

Hindi pa nasiyahan si capitana Tinchang sa canyáng pagwawaguíng itó'y pinacsáng siyá'y papangguipuspusín, caya't sa canyá'y lumapit na nacasuntoc.

--¿Cayâ ba nagpagál acó n~g mahabang panahón at nagtipíd n~g hindi cawasà, at n~g dahil sa iyóng cahalin~ga'y ipahamac mo ang bun~ga n~g aking m~ga pagod?--ang ipinagwica sa canyá,--N~gayó'y paririto silá't n~g icaw ay dalhín sa tapunán, huhubaran camí n~g ating pag-aarì, gaya n~g nangyari sa asawa ni ... ¡Oh, cung lalaki lamang acó! ¡cung lalaki lamang acó!

At n~g makita niyáng tumútun~go ang canyáng asawa, mulíng nagpasimulâ n~g pagtan~guyn~góy, n~guni't laguì ring inuulit:

--¡Ay, cung lalaki lamang acó! ¡cung lalaki lamang acó!

--At cung naguing lalaki icaw,--ang itinanóng sa cawacasan n~g lalaking nadadalimumot na,--¿anó sana ang gagawin mo?

--¿Anó? ¡abá!, ¡abá!, ¡abá! ¡n~gayón di'y háharap aco sa Capítan General, upáng acó'y humandóg sa pakikihamoc laban sa m~ga nanghihimagsic, n~gayón din!

--N~guni't ¿hindi mo ba nababasa ang sinasabi n~g
Diario?
¡Basahin mo! «Nasugpô n~g boong higpít, lacás at catigasán ang caliluháng imbî at casamâsamaan, at hindi malalao't daramdamin n~g m~ga suwail na caaway n~g Ináng Bayan at n~g caniláng m~ga cainalám, ang boong bigát at caban~gisán n~g m~ga cautusan» ... ¿nakita mo na? wala n~g himagsican.

--Hindi cailan~gan, dapat cang humaráp na gaya n~g guinawa n~g madla n~g taóng 72, at nan~gacaligtás n~ga namán.

--¡Siya n~ga! humaráp din si parì Burg....

Datapuwa't hindi natapos ang salita; tinacbó siya n~g babae at tinacpán ang canyáng bibíg.

--¡Halá! ¡sabihin mo ang pan~galang iyán at n~g bucas di'y bitayin ca sa Bagumbayan ¿Hindi mo ba nalalamang sucat na ang saysayin ang pan~galang iyan upang parusahan ca, na hindi cailangan ang gumawa pa n~g
causa?
¡Halá! ¡sabihin mo!

Cahi't ibiguin man ni capitan Tinong sundin ang utos n~g canyáng asawa'y hindi rin mangyayari; natatacpan ang canyang bibig n~g dalawáng camáy n~g canyáng asawa, at iniipit ang canyang maliit na ulo laban sa licuran n~g sillón, at marahil namatay sa pagcainis ang abáng lalaki cung hindi namag-itan ang isáng bagong dumatíng na tao.

Itó'y ang caniláng pinsang si Primitivo, na nasasaulo ang Amat, isáng lalaking may m~ga apat na pong taón ang gulang, malinis ang pananamit, titiyanin at may catabaan.

--
¿Quid video?
--ang bigláng sinabi;--¿anó ang nangyayari?
¿Quare?
[262]

--¡Ay, pinsan!-anáng babae na umiiyac at tumatacbong patun~go sa canyá;--ipinatawag cata, sa pagcá't hindi co maalaman cung anó ang mangyayari sa aming m~ga babae ... ¿anó ba ang hatol mo sa amin? ¡Magsalita ca, icaw na nag-aral n~g latin at m~ga
argumento
(pakikipagmatuwiran)!..

--N~guni't bago magsalita acó,
¿Quid quaeritis? Nihil est in intellectu quod prius non fuerit in sensu; nihil volitum quin praecognitum,
[263]

At marahang naupô. Anaki mandín ang m~ga sinabing wicang latin ay may bisàng nacapagbibigay capanatagán, capuwa tumiguil n~g pagtan~gis ang mag-asawa, at nan~gagsilapit sa canyá at hinihintay sa canyáng m~ga labì ang aral, na gaya namán n~g guinágawa n~g m~ga griego n~g una cung hinihintay ang pangligtas na salita n~g «oráculo» na macapagliligtas sa canilá sa manglulusob na m~ga tagá Persia.

--¿Bakit cayó umiiyac?
¿Ubinam gentium sumus?
[264]

--Nalalaman mo na ang balità tungcol sa panghihimagsic.

--
¿Alzamentum Ibarræ ab alferesio Guardiæ civilis destructum? ¿Et nunc?
¿At anó? ¿May utang ba sa inyó si don Crisóstomo?

--Wala, n~guni't talastasin mong inanyayahan siyá ni Tinong na cumain dito, bumati sa canyá sa tuláy n~g España ... ¡sa liwanag n~g araw! ¡Wiwicain niláng si don Crisóstomo'y canyáng caibigan!

--¿Caibigan?--ang bigláng sinabing námamangha ang latino, at saca tumindíg,
¡amice, amicus Plato sed magis amica veritas!
[265] ¡Sabihin mo sa akin cung sino ang casacasama mo at sasabihin co sa iyo cung sino icaw!
¡Malum negotium et est timendum rerum istarum horrendissimum resultatum!
[266]

Namutla n~g catacottacot si capitang Tinong n~g canyang marinig ang gayóng caraming salitáng ang catapusá'y
um
; ang tunog na itó'y ipinalálagay niyáng masama ang cahulugan. Pinapagdaóp n~g canyáng asawa ang dalawáng camáy sa pagsamò, at nagsabi:

--Pinsan, huwag mo camíng causapin n~gayon n~g latín; talastás mo nang hindi cami m~ga filósofong gaya mo; causapin mo camí n~g tagalog ó castilà, datapuwa't hatulan mo camí n~g dapat naming gawín.

--Sayang na hindi cayó marunong n~g latín, pinsan; ang m~ga catotohanan sa latín ay casinun~galin~gan sa tagalog, sa halimbawà:
contra principia negantem fustibus est argüendum,
[267] sa latín ay isáng catotohanang tulad sa Daóng ni Noé; minsa'y guinamit co sa gawa ang bagay na iyán, ang pinangyarihan ay acó ang nabugbóg. Dahil dito, cahinahinayang na hindi cayó marunong n~g latín; sa latín ay mahuhusay na lahát.

--Camí ay maraming nalalaman namáng
oremus, parcenobis
at
Agnus Dei Catolis,
n~guni't n~gayó'y hindi tayo magcacáwatasan. ¡Bigyán mo n~ga n~g isáng
argumento
si Tinong at n~g huwág siyáng bitayin!

--¡Masama ang guinawa mo, totoong cásamasamaan ang guinawa mo, pinsan, sa iyong guinawáng pakikipagcaibigan sa binatang iyan!--ang mulíng sinabi n~g latino.--Nagbabayad ang m~ga waláng casalanan sa gawâ n~g m~ga macasalanan; halos ihahatol co sa iyong gawin mo na ang iyong
testamento
(casulatang pinaglálagdaan n~g m~ga hulíng kalooban n~g isáng tao)....
¡Vae illis! Ubi est fumus ibi est ignis! Similis simili gaudet; alqui Ibarra ahorcatur, ergo ahorcaberis!
....[268]

At nagpapailing-iling na masamâ ang loob.

--¡Saturnino, anó ang nangyayari sa iyo!--ang sigáw ni capitana Tinchang, na puspós n~g tacot;--¡ay, Dios co! ¡Namatáy! ¡Isáng manggagamót! ¡Tinong, Tinonggoy!

Dumaló ang dalawáng anác na babae at nagpasimula ang tatló n~g pananambitan.

--¡Itó'y isang panghihimatáy lámang, pinsan, isáng panghihimatáy! Lalo pa sanang icatutuwâ co cung ... cung ...; datapuwa't sa cawaláng palad ay walà cung di isáng panghihimatay lamang.
Non timeo mortem in catre sed super espaldonem Bagumbayanis.
[269] ¡Magdalá cayó rito n~g tubig.

--¡Huwág cang mamatáy!--ang panambitan n~g babae;--¡huwág cang mamatáy, sa pagcá't paririto silá't huhulihin icaw! ¡Ay, cung icaw ay mamatáy at saca pumarito ang m~ga sundalo, ¡ay! ¡ay!

Winiligán n~g pinsan n~g tubig ang mukha ni capitang Tinong, at pinag-saulìan itó n~g pag-iisip.

--¡Halá, huwág cayóng umiyác!
Inveni remedium,
nasumpun~gan co na ang gamót. Ilipat natin siyá sa canyáng hihigán; ¡hala! ¡tapan~gan ninyó ang inyóng loob! nárito acó at ang lahát n~g carunun~gan n~g m~ga tao sa una.... Magpatawag cayó n~g isáng doctor;--at n~gayón din, pinsan cong babae, pumaroon ca sa capitán general at dalhán mo siyá n~g isáng handóg, isáng tanicalang guinto, isáng singsíng....
Dadivae quebrantant peñas;
(dumudurog n~g bató ang handóg); sabihin mong iyá'y handóg dahil sa pascó. Sarhán ninyó ang m~ga bintanà, ang m~ga pintô, at sino mang magtanóng sa aking pinsan, sabihin ninyóng may sakít na mabigát. Samantala'y susunuguin co ang lahát n~g m~ga súlat, m~ga papel at m~ga libró at n~g huwag siláng macakita n~g anó man, gaya n~g guinawâ ni don Crisóstomo.
Scripti testes sunt! Quod medicamenta, non sanant, ferrum sanat, quod ferrum non sanat, ignis sanat
[270].

--¡Oo, tanggapin mo, pinsan; sunuguin mong lahát!-ani capitana Tinchang;--nárito ang m~ga susì, nárito ang m~ga sulat ni capitang Tiago, ¡sunuguin mong lahát! Huwag ca sanang mag-iiwan n~g anó mang pamahayagang galing sa Europa, sa pagcá't totoong nacapagbibigay pan~ganib. Nárito itong m~ga
The Times
na aking iniin~gata't n~g mapagbalutan n~g m~ga sabón at n~g m~ga damít. Nárito ang m~ga libro.

--Pumaroon ca na sa capitán general, pinsan,--aní Primitivo;--pabayaan mo acóng mag-isá.
In extremis extrema.
Bigyán mo acó n~g capangyarihan n~g isáng tagapamatnugot na romano, at makikita mo cung paano ang pagliligtás na gagawín co sa bay ... sa aking pinsáng lalaki bagá.

At nagpasimula n~g sunódsunod na pag-uutos, n~g paghalo n~g m~ga estante, n~g pagpupunit n~g m~ga papel, m~ga libró, m~ga sulat at iba pa. Hindi nalao't nag-álab sa
cocina
ang isáng sigâ; caniláng sinibác n~g palacól ang m~ga lumang escopeta; itinapon nilá sa cumón ang m~ga cálawan~ging revolver; ang alilang babaeng ibig sanang iligpít ang cañón n~g isáng revolver at n~g magamit na hihip ay kinagalitan:

Other books

State of the Onion by Julie Hyzy
Tease by Reiss, C. D.
Brave Girl Eating by Harriet Brown
A SEAL's Fantasy by Tawny Weber
Cries from the Earth by Terry C. Johnston
The Conqueror's Dilemma by Elizabeth Bailey
A Fistful of God by Therese M. Travis
Back Story by Robert B. Parker