Noli Me Tangere (68 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Nagpapatuloy ang sigawá't ang m~ga hampasan, nan~gagsásara n~g m~ga bintanà n~g boong in~gay, naririn~gig ang tunóg n~g m~ga pito, manacanaca'y isáng putóc n~g baríl.

--
¡Christe eleyson!
Santiago, ¡nagáganap na ang hulà ... sarhán mo ang m~ga bintana!--ang hibíc ni tía Isabel.

--¡Limampóng bombang malalakí at dalawáng misa de gracia!--ang tugón namán ni capitán Tiago;--
¡Ora pro nobis!

Untiunting nananag-uli ang cakilakilabot na catahimican ... Nárin~gig ang tinig n~g alférez na sumísigaw at tumatacbo:

--¡Padre cura! ¡Padre Salvi! ¡Hali cayó!

--
¡Miserere!
¡Humihin~gi n~g confesión ang alférez!--ang sigáw ni tía Isabel.

--¿May sugat ba ang alférez?--ang sa cawacasa'y itinanóng ni Linares; ¡ah!

At n~gayó'y canyáng nahiwatigang hindi pa palá nan~gún~guyá ang na sa canyáng bibig.

--¡Padre cura, halí cayó! ¡Walâ nang sucat icatacot!--ang ipinatuloy na sigáw n~g alférez.

Sa cawacasa'y minagalíng ni fray Salving namúmutlâ, na lumabás sa canyáng pinagtataguan at manaog sa hagdanan.

--¡Pinatáy n~g m~ga tulisán ang alférez! ¡María, Sinang, pasá cuarto cayó, trangcahán ninyóng magalíng ang pintô!
¡Kyrie eleyson!

Napasa hagdanan namán si Ibarra, bagá man sinasabi sa canyá ni tía Isabel:

--¡Huwág cang lumabás at hindi ca nacapan~gun~gumpisal, huwág cang lumabás!

Ang mabait na matandang babaeng itó'y caibigang matalic n~g una n~g canyáng iná.

Datapuwa't nilisan ni Ibarra ang bahay; sa pakiramdám niyá'y umiinog na lahát sa canyáng paliguid, na nawáwalâ ang canyáng tinutungtun~gan. Humahaguing ang canyáng tain~ga, bumibigát ang canyáng m~ga bintî at cacaibá cung ilacad; naghahalihaliling nagdaraan sa canyang panin~gín ang m~ga alon n~g dugô, liwanag at carilimán.

Bagá man totoóng maliwanag ang sicat n~g buwán sa lan~git, natitisod ang binatà sa m~ga bató't m~ga cahoy na na sa daang mapanglaw at waláng cataotao.

Sa malapit sa cuartel ay nacakita siyá n~g m~ga sundalong nacalagáy sa dulo n~g fusil ang bayoneta, na nan~gagsasalitaan n~g masimbuyó, caya't nacaraan siyá na hindi napansín.

Naririn~gig sa tribunal ang m~ga dagoc, m~ga sigáw, m~ga daíng, m~ga tun~gayaw; nan~gin~gibabaw at nagtatagumpay sa lahát ang tinig n~g alférez.

--¡Sa pan~gáw! ¡Lagyán n~g
esposas
ang m~ga camay! ¡Dalawáng putóc agád sa cumilos! ¡Sargento, magtatág cayó n~g bantáy! ¡Waláng magpapasial n~gayón, cahi't Dios! ¡Huwág cayóng matutulog, capitán!

Nagtumulin n~g pagpatun~go sa canyáng bahay si Ibarra; hinihintay siyá n~g canyáng m~ga alila na malakí ang balisa.

--¡Siyahan ninyó ang lalong pinacamagalíng na cabayo at cayó'y matulog!--ang sa canilá'y sinabi.

Pumasoc sa canyáng gabinete, at nag-acalang magdalidaling ihandá ang isáng maleta. Binucsán ang isáng cajang bacal, kinuha ang canyáng m~ga hiyas, kinuha ang lahát n~g salaping doroon at ípinasoc sa isáng supot. Kinuha ang canyáng m~ga hiyas, kinuha sa pagcasabit ang isáng larawan ni María Clara, at pagcatapos na macapagsandata n~g isáng sundang at dalawáng revolver ay tinun~go ang isáng armario na kinálalagyan n~g canyáng m~ga casangcapan.

Nang sandaling iyó'y tatlóng calabóg na malalacás ang tumunóg sa pintô.

--¿Sino iyán?--ang itinanóng ni Ibarra n~g tinig na malungcót.

--¡Bucsán ninyó sa n~galan n~g harì, bucsan ninyò agád ó iguiguibà namin ang pintô!--ang sagót sa wicàng castilà n~g isáng tinig na mahigpit ang pag-uutos.

Tumin~gin sa bintana si Ibarra; nagningning ang canyáng m~ga matá at ikinasá ang canyáng revolver; datapuwa't nagbagong isipan, binitiwan ang m~ga sandata at siyá rin ang nagbucás n~g nan~gagdaratin~gan na ang m~ga utusán.

Pagdaca'y hinuli siyá n~g tatlóng guardia.

--¡Parakip po cayó sa n~galan n~g Hari!--anáng sargento.

--¿Bakit?

--Doon na sasabihin sa inyó, bawal sa amin ang sabihin.

Nagdilidiling sandali ang binatà, at sa pagcá't aayaw siyá marahil na makita ang canyáng m~ga paghahandâ sa pagtacas, dinampót ang sombrero't nagsalitâ:

--¡Sumasailalim po acó n~g inyóng capangyarihan! Inaacala cong sa sandalíng oras lamang.

--Cung nan~gan~gaco cayóng hindi tatacas, hindi po namin cayó gagapusin; ipinagcacaloob po sa inyó n~g alférez ang biyayang itó; n~guni't cung cayó'y tumacas....

Sumama si Ibarra, at iniwan ang canyáng m~ga alilang nan~galálaguim.

Samatala'y ¿anó na ang nangyari cay Elías?

Nang canyáng lisanin ang bahay ni Crisóstomo, warì'y sirá ang isip na tumátacbong hindi nalalaman ang pinatun~guhan. Tinahac ang m~ga capatagan, dumating sa isáng gubat na totoong malakí ang pagcaguiyaguis; tinatacasan ang cabayanan, tinatacasan ang liwanag, nacaliligalig sa canya ang buwan, pumasoc siyá sa talinghagáng lilim n~g m~ga cahoy. Nang naroroon na'y cung minsa'y tumitiguil, cung minsa'y lumalacad sa m~ga di kilalang landás, cumacapit sa punò n~g malalaking cahoy, nababayakid sa m~ga dawag, tumátanaw sa dacong bayan, na sa dacong paanan niyá'y naliligo sa liwanag n~g buwan, nacalatag sa capatagan, nacahilig sa m~ga pampan~gin n~g dagat. Nan~gagliliparan ang m~ga ibong nan~gapupucaw sa caniláng pagtulog; nan~gagpapalipatlipat sa sa isá't isáng san~gá, nan~gaghuhunihan n~g matataos na tinig at tinititigan siyá n~g mabibilog na m~ga matá n~g nan~gaglalakihang m~ga panikî, m~ga kuwago at m~ga sábucot. Hindi silá tinitingnan at hindi man lamang silá náririn~gig ni Elias. Ang acalà niyá siyá'y sinúsundan n~g m~ga napupuot na anino n~g canyáng m~ga magulang na nan~gamatay na; nakikita sa bawa't san~gá ang calaguímlaguím na buslóng kinálalagyan n~g naliligò n~g dugóng ulo ni Bálat, ayon sa pagcasabi sa canyá n~g canyáng amá; warì natatalisod niyá mandín sa punò n~g bawa't cahoy ang matandáng babaeng patáy; tila mandin nakikinikinita niyá sa dilim na papawidpawid ang bun~gô at m~ga butó n~g nunò niyáng lalaking imbi ... at ang m~ga butóng itó n~g matandáng babae at saca ang ulong iyó'y sinisigawan siyá: ¡duwág!, ¡duwág!

Linisan ni Elías ang bundóc, tumacas at lumusong sa dacong dagat, sa pasigang nilacad niyá n~g boong balisa; n~guni't doon sa malayò, sa guitná n~g tubig, doon sa ipinaiilanglang mandin n~g liwanag n~g buwan ang isáng ulap, anaki'y nakita niyáng napaimbulog at pumapawidpawid ang isáng anino, ang anino n~g canyàng capatíd na babaeng basá n~g dugô ang dibdib, lugáy ang buhók at inilílipad n~g han~gin.

Nanicluhód sa buhan~gin si Elías.

--¡Patí ba namán icaw!--ang ibinulóng na iniunat ang m~ga bisig.

Datapuwâ, nacatitig sa ulap ay dahandahang tumindíg, sumulong at tumubóg sa tubig, na wari mandin siyá'y may sinúsundan. Lumalacad siyá sa malaláy na palusóng na iyóng gawá n~g wawà; malayò na siyá sa tabi, dumarating na sa canyáng bayawáng ang tubig ay siyá'y sumusulong din, sumusulong na tila niwawaláng diwà n~g isáng mapanhalinang espiritu. Dumárating na sa canyáng dibdib ang tubig ...; n~guni't umalin~gawn~gaw ang putucan n~g m~ga baril, nawalá ang aninong malicmatà at ang binatà'y nataohan. Salamat sa catahimican n~g gabí at sa lalong malakíng capaikpicán n~g mahinhing han~gin ay dumarating na magaling at malinaw na malinaw hanggáng sa canyá ang ugong n~g m~ga putucan. Humintô siyá, nagdilidili, nahiwatigan niyáng siyá palá'y sumasatubig; payapà ang dagatan at natatanaw pa niyá ang m~ga ilaw sa dampâ n~g m~ga man~gin~gisdâ.

Nagbalic siyá sa pampáng at napatun~go sa bayan, ¿anó ang dahil? Siyá ma'y hindi niyá nalalaman.

Tila mandin walang tao ang bayan; saráng lahát ang m~ga bahay, sampóng m~ga hayop, ang m~ga ásong caraniwang tumatahol cung gabí, pawang nan~gagtagò sa tacot. Nacararagdag n~g lungcot at pag-iisá ang anyóng pilac na liwanag n~g buwan.

Sa pan~gan~ganib niyáng bacâ canyáng macasalubong ang m~ga guardia civil, siya'y nagpasuotsuot sa m~ga halamanan at m~ga pananím, at anaki'y canyáng naaninagnagan ang dalawáng may anyóng tao; datapuwa't canyáng ipinatuloy ang lacad, at, pagcalucsó niyá sa m~ga bacod at sa m~ga pader, dumating siyáng pagál na pagál sa hirap na canyáng m~ga pinagdaanan, sa isáng dulo n~g bayan, at tinun~go niyá ang bahay ni Crisóstomo. Na sa pintuan ang m~ga alila't caniláng pinag-uusapan at caniláng dináramdam ang pagcacapiit sa caniláng pan~ginoon.

Nang matantô na ni Elías ang nangyari siyá'y lumayô, lumiguíd siyá sa bahay, nilucsó ang pader na bacod, inakyat ang bintanà at pumasoc sa gabinete, at nakita niyáng nagninin~gas pa ang iniwang candila ni Ibarra.

Nakita ni Elías ang m~ga papel at ang m~ga libró at ang m~ga suputang kinasisidlan n~g salapî at m~ga hiyas. Pinag ugnáy-ugnáy sa canyáng dilidili ang doo'y nangyari, at n~g mapagmasdan niyá ang gayóng caraming m~ga papel na macapapahamac, inacala niyáng iligpít, ihaguís sa bintanà at ibaón.

Sumun~gaw siyá sa halamanan, at sa liwanag n~g buwá'y canyáng natanawan ang dalawáng guardia civil, na may casamang isáng «auxiliante» (isáng utusán bagá n~g justicia): nagkikintaban ang m~ga bayoneta at ang m~ga capacete.

Nang magcagayo'y minagalíng niyáng gawín agad ang isáng munacalà: ibinuntón sa guitnâ n~g gabinete ang m~ga damít at ang m~ga papel, ibinuhos sa ibabaw ang isáng lámpara n~g petróleo at sacâ sinindihán. Ibinigkís na nagdudumalî sa bayawáng ang m~ga sandata, nakita ang larawan ni María Clara, nag-alinlan~gan ... itinagò sa isá sa m~ga suputan, dinalá ang m~ga suputang itó at tumalón sa bintanà.

Panahón na n~gà; iguiníguibâ na n~g m~ga guardia civil ang pintuan.

--¡Pabayaan ninyó camíng pumanhic upáng aming cunin ang m~ga papel n~g inyóng pan~ginoon!--anáng directorcillo.

--¿May dalá ba cayóng pahintulot? Cung wala'y hindi cayó macapapanhic,--ang sabi n~g isáng matandáng lalaki.

N~guni't pinatabi siyá n~g m~ga guardia civil sa cacuculata, pumanhíc silá sa hagdán ...; datapuwa't isáng macapal na asó ang siyáng pumúpunô sa bahay, at pagcálalaking m~ga dilà n~g apóy ang siyáng nan~gagsilabás sa salas at dinidilàan ang m~ga pintó't bintanà.

--¡Sunog! ¡Sunog! ¡Apóy!--ang ipinagsigawan n~g lahát.

Humandulong ang lahát upáng mailigtás n~g bawa't isá ang macacaya, n~guni't dumating ang apóy sa maliit na laboratorio at pumutóc ang m~ga naroroong bagay na madadalíng mag-alab. Napilitang umurong ang m~ga guardia civil, hinaharan~gan silá n~g sunog, na umuun~gal at niwáwalis ang bawa't maraanan. Nawaláng cabuluháng cumuha n~g tubig sa balón; sumísigaw ang lahát, ang lahát ay nagpapaguibíc, datapuwa't silá'y nálalayô sa lahát. Narating na n~g apóy ang m~ga ibáng cabahayán at napaiilanglang sa lan~git, casabay ang pagpaimbulóg n~g malalakíng nagpapainog-inog na asó. Nalilipos na n~g apóy ang boong bahay, lumálacás ang han~ging nasasalab; mulâ sa malayo'y nan~gagsisirating ang iláng m~ga tagá bukid, nguni't dumárating silá roo't upáng mapanood lamang nilá ang cagulatgulat na sigâ, ang wacás n~g matandáng bahay, na pinagpitagang mahabang panahón n~g apóy, tubig at han~gin.

=LVI.=

=ANG SABIHANAN AT ANG INAACALA.=

Sa cawacasa'y pinapag-umaga rin n~g Dios sa bayang tiguíb n~g pagcagulantang.

Walâ pang lumalacad na m~ga tao sa m~ga daang kinálalagyan n~g cuartel at n~g «tribunal»; hindi nagpapakilala ang m~ga bahay na may m~ga tumatao, gayón may main~gay na binucsán ang dahong cahoy n~g isáng bintanà at sumun~gaw ang ulo n~g isáng musmós, na nagpapaínog-inog sa magcabicabila ...
¡plas!
nagpapaunawà ang lagapác na iyón n~g bigláng pagdapò n~g isáng balát na tuyô sa sariwang balát n~g tao; n~gumiwî ang bibíg n~g batáng lalaki, pumikit, nawalâ at mulíng sinarhán ang bintanà.

Nacapagbigáy halimbawà na; may nacárin~gig marahil n~g pagbubucás at pagsasaráng iyón, sa pagcá't marahang binucsán ang sa ibáng bintanà at main~gat na sumun~gaw ang ulo n~g isáng matandáng babae, culubót at walâ n~g n~gipin: siyá n~gâ ang si hermana Puté na nag-in~gáy n~g di sapalà samantalang nagsésermon si parì Dámaso. Ang m~ga musmós at ang m~ga matatandáng babae ang siyáng tunay na larawan n~g pagcamalabis na pagmimithíng macaalam n~g m~ga nangyayari sa ibabaw n~g lupà; ang m~ga batà'y sa malakíng pagnanais na macaalam, at ang m~ga matatandáng babae'y sa paghahan~gád na mag-alaala sa m~ga nacaraang panahón.

Marahil waláng macapan~gabás na bumigáy n~g palò n~g isáng sinelas, sa pagca't nananatili, tumátanaw sa malayong pinapan~gún~gunot ang m~ga kilay, nagmumog, lumurâ n~g malacás at nagcruz pagcatapos. Binucsán ding may tacot ang isáng maliit na bintanà n~g bahay na catapát, at doo'y sumun~gaw namán si hermana Rufa, ang aayaw magdayà't aayaw namáng siyá'y dayâin. Nagtin~ginang saglít, ang dalawá, nagn~gitìan, naghudyatan at mulíng nan~gagcruz.

--¡Jesús! nacacawan~gis n~g isáng misa de gracia, n~g isáng castillo!--aní hermana Rufa.

--Mula n~g looban ang bayan ni Bálat ay hindi pa acó nacacakita n~g isáng gabing catulad n~g sa cagabí,--ang isinagót ni hermana Puté.

--¿Gaano caraming putóc!--ang sabihanan ay ang pulutóng daw ni matandáng Pablo.

--¿M~ga tulisan? ¡hindi mangyayari! Ang sabihana'y m~ga cuadrillero raw na nacalaban n~g m~ga guardia civil. Cayâ napipiit si don Filipo.

--¡Sanctus Deus! may m~ga labing apat daw ang cauntian n~g m~ga patáy.

Untiunting pinagbubucsán ang ibáng m~ga bintanà at nan~gagsidun~gaw ang ibá't ibáng m~ga mukhà, nan~gagbatîan at caniláng pinag-usapan ang m~ga nangyayari.

Sa sicat n~g araw, na ang anyó'y niningning na magalíng, natatanawan n~g may calabuan sa malayo ang pagpaparoo't parito n~g m~ga sundalo, na tulad sa nag-áabo-abóng m~ga anino.

--¡Naroon ang isá pang patáy!--anáng isá buhat sa isáng bintanà.

--¿Isá? dalawá ang nakikita co.

--At acó'y ..., n~guni't sa cawacasan, ¿anó, hindi ninyó nalalaman cung anó ang nangyari?--ang tanóng n~g isáng lalaking may pagmumukhâng palabirô.

--¡Ahá! ang m~ga cuadrillero.

--¡Hindi pô; iyá'y isáng pag-aalsá sa cuartel!

--¿Anó bang pag-aalsá? ¡Ang cura't ang alférez ang nan~gaglabanán!

--Alin man diyá'y hindi totoó--ang sabi n~g nagtanóng;--iyá'y ang m~ga insíc na nagsipag-alsá.

At mulíng sinarhán ang canyáng bintanà.

--¡Ang m~ga insíc!--ang inulit n~g lahát n~g malakíng pagtatacá.

--¡Cayâ palá walâ isá mang nakikita sa canilá!

--Nan~gamatáy na lahát, marahil.

--Inaacala co na n~gang may masamâ siláng gágawing anó man. Cahapon ...

--Iyá'y nakikinikinita co na, cagabí....

--¡Sayang!--aní hermana Rufa; na mamatáy siláng lahát n~gayón pa namáng malapit na ang pascó, na capanahunan n~g caniláng pagreregalo ... Maanong hinintáy man lamang nilá ang bagong taón....

Other books

The Chosen by Kristina Ohlsson
The Dream of Scipio by Iain Pears
Planet Chimera by Brian Nyaude
Mercy by David L Lindsey
Bite the Moon by Diane Fanning
The Boys of My Youth by Jo Ann Beard
Awe-Struck, Book 2 by Twyla Turner
The Bleeding Land by Giles Kristian