Noli Me Tangere (6 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

--¡Tumahimic pô cayó! howag cayóng tumindîg!--ani Capitang Tiago, casabay n~g pagdidíin sa balicat ni Ibarra. Cayâ pa namán gumágawâ ang pagdiriwáng na ito'y sa pagpapasalamat sa mahál na Vírgen sa inyóng pagdatíng. Nagpagawâ acó n~g "tinola" dahil sa inyó't marahil malaon n~g hindî ninyó nátiticiman.

Dinalá sa mesa ang isáng umáasong malaking "fuente"[92]. Pagcatapos maibulóng n~g dominico ang "Benedícte"[93] na halos walâ sino mang natutong sumagot, nagpasimulâ n~g pamamahagui n~g laman n~g fuenteng iyon. N~guni't ayawan cung sa isáng pagcalibáng ó iba cayáng bagay, tumamà cay párì Dámaso ang isáng pinggang sa guitnâ n~g maraming úpo at sabáw ay lumálan~goy ang isáng hubád na líig at isáng matigás na pacpác n~g inahíng manóc, samantalang cumacain ang ibá n~g m~ga hità at dibdíb, lalong lalò na si Ibarra, na nagcapalad mapatamà sa canyá ang m~ga atáy, balonbalonan at ibá, pang masasaráp na lamáng loob n~g inahíng manóc. Nakita n~g franciscano ang lahát n~g itó, dinurog ang m~ga úpo, humigop n~g cauntíng sabáw, pinatunóg ang cuchara sa paglalagáy at bigláng itinulac ang pingga't inilayô sa canyáng harapán. Nalílibang namáng totoo ang dominico sa pakikipagsalitàan sa binatang mapulá ang buhóc.

--¿Gaano pong panahóng nápaalis cayó sa lupaíng ito?--ang tanóng ni Laruja cay Ibarra.

--Pitóng taón halos.

--!Aba! ¿cung gayó'y marahil, nalimutan na ninyó ang lupaíng ito?

--Baligtád pô; bagá man ang kinaguisnan cong lupa'y tila mandin linilimot na acó, siyá'y laguì cong inaalaala.

--¿Anó po ang íbig ninyóng sabihin?--ang tanóng n~g mapuláng buhóc.

--Ibig cong sabíhing may isang taón na n~gayóng hindî aco tumátangap n~g ano mang balità tungcol sa bayang itó, hanggang sa ang nacacatulad co'y ang isang dî tagaritong hindî man lamang nalalaman cung cailan at cung paano ang pagcamatay n~g canyang ama.

--¡Ah!--ang biglang sinabi, n~g teniente.

--At ¿saan naroon pô cayo at hindî cayo tumelegrama?--ang tanong ni Doña Victorina.--Tumelegrama cami sa "Peñinsula"[94] n~g cami'y pacasal.

--Guinoong babae; nitong huling dalawang tao'y doroon aco sa dacong ibabâ n~g Europa, sa Alemania at sacâ sa Colonia rusa.

Minagaling n~g Doctor De Espadaña, na hanggá n~gayo'y hindî nan~gan~gahás magsalitâ, ang magsabi n~g cauntî:

--Na ... na ... nakilala co sa España ang isang polacong tagá, Va ... Varsovia, na ang pan~gala'y Stadtnitzki, cung hindî masamâ ang aking pagcatandâ; ¿hindî pô bâ ninyó siya nakikita?--ang tanong na totoong kimî at halos namumula sa cahihiyan.

--Marahil pô--ang matamís na sagót ni Ibarra--n~guni't sa sandalîng itó'y hindî ko naaalaala siyá.

--¡Aba, hindî siyá maaring ma ... mapagcamal-an sa iba!--ang idinugtóng n~g Doctor na lumacás ang loob.--Mapulá ang canyáng buhóc at totoong masamáng man~gastílà.

--Mabubuting m~ga pagcacakilalanan; n~guni't doo'y sa casaliwàang palad ay hindî aco nagsasalitâ n~g isa man lamang wicang castílà, liban na lamang sa ilang m~ga consulado.

--At ¿paano ang inyóng guinágawang pamumuhay?--ang tanong ni Doña Victorinang nagtátaca.

--Guinagamit co pô ang wícà n~g lupaíng aking pinaglálacbayán, guinoong babae.

--¿Marunong po bâ naman cayo n~g inglés?--ang tanong n~g dominicong natira sa Hongkong at totoong marunong n~g "Pidggin-English"[95], iyang halo-halong masamáng pananalitâ n~g wicà ni Shakespeare[96] n~g anác n~g Imperio Celeste[97].

--Natira acóng isang taón sa Inglaterra, sa casamahán n~g m~ga táong inglés lamang ang sinásalitâ.

--At ¿alín ang lupaíng lalong naibigan pô ninyó sa Europa?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc.

--Pagcatapos n~g España, na siyang pan~galawá cong Báyan, alín man sa m~ga lupaín n~g may calayâang Europa.

--At cayó pong totoong maraming nalacbáy ... sabihin ninyó, ¿anó pô bâ ang lalong mahalagáng bagay na inyong nakita?--ang tanóng ni Laruja.

Wari'y nag-isíp-ísíp si Ibarra.

--Mahalagáng bagay, ¿sa anóng cauculán?

--Sa halimbawà ... tungcól sa pamumuhay n~g m~ga báyan ... sa búhay n~g pakikipanayám, ang lácad n~g pamamahalà n~g báyan, ang úcol sa religión, ang sa calahatán, ang catás, ang cabooan....

Malaong nagdidilidili si Ibarra.

--Ang catotohanan, bágay na ipangguilalás sa m~ga báyang iyan, cung ibubucod ang sariling pagmamalakí n~g bawa't isá sa canyáng nación.... Bago co paroonan ang isáng lupain, pinagsisicapan cong matalós ang canyáng historia, ang canyáng Exodo[98] cung mangyayaring masabi co itó, at pagcatapos ang nasusunduan co'y ang dapat mangyari: nakikita cong ang iguiniguinhawa ó ipinaghihirap n~g isáng baya'y nagmúmulâ sa canyáng m~ga calayâan ó m~ga cadilimán n~g isip, at yamang gayó'y nanggagaling sa m~ga pagpapacahirap n~g m~ga namamayan sa icágagalíng n~g calahatán, ó ang sa canilang m~ga magugulang na pagca walang ibáng iniibig at pinagsusumakitan cung dî ang sariling caguinhawahan.

--At ¿walâ ca na bagáng nakita cung dî iyán lámang?--ang itinanóng na nagtátawa n~g palibác n~g franciscano, na mulâ n~g pasimulàan ang paghapon ay hindî nagsásalita n~g anó man, marahil sa pagcá't siya'y nalilibang sa pagcain; hindî carapatdapat na iwaldás mo ang iyong cayamanan upang walâ cang maalaman cung dî ang bábahagyang bagay na iyán! ¡Sino mang musmós sa escuelaha'y nalalaman iyán!

Nápatin~gín na lamang sa canyá si Ibarra't hindî maalaman cung anô ang sasabihin; ang m~ga iba'y nan~gagtitin~ginan sa pagkatacá at nan~gan~ganib na magcaroon n~g caguluhan.--Nagtátapos na ang paghapon, ang "cagalan~gán pô ninyo'y busóg na"--ang isásagot sana n~g binatà; n~guni't nagpiguil at ang sinabi na lamang ay ang sumúsunod:

--M~ga guinoo; huwág cayóng magtátaca n~g pagsasalitang casambaháy sa akin n~g aming dating cura; ganyán ang pagpapalagáy niyá sa akin n~g acó'y musmós pa, sa pagcá't sa canyá'y para ring hindî nagdaraan ang m~ga taón; datapowa't kinikilala cong utang na loob, sa pagcá't nagpapaalaala sa aking lubós niyóng m~ga áraw na madalás pumaparoon sa aming báhay ang "canyáng cagalan~gán", at canyáng pinaúunlacan ang pakikisalo sa pagcain sa mesa n~g aking amá.

Sinulyáp n~g dominico ang franciscano na nan~gan~gatal. Nagpatuloy n~g pananalitâ si Ibarra at nagtindíg:

--Itulot ninyó sa aking acó'y umalís na, sa pagcá't palibhasa'y bago acóng datíng at dahil sa búcas din ay aco'y áalis, marami pang totoong gágawín acóng m~ga bágay-bágay. Natapos na ang pinacamahalagá n~g paghapon, cauntî lamang cung aco'y uminóm n~g alac at bahagyâ na tumítikim acó n~g m~ga licor. ¡M~ga guinoo, mátungcol nawâ ang lahát sa España at Filipinas!

At ininóm ang isáng copitang alac na hanggáng sa sandalíng iyó'y hindî sinásalang. Tinularan siyá n~g Teniente, n~guni't hindî nagsasabi n~g anó man.

--¡Howág pô cayóng umalís!--ang ibinulóng sa canyá, ni Capitang Tiago.--Dárating na si María Clara: sinundô siyá ni Isabel. Paririto ang sa báyang bágong cura, na santong tunay.

--¡Paririto acó búcas bago acó umalís. N~gayo'y may gágawin acóng mahalagáng pagdalaw.

At yumao. Samantala'y nagluluwal n~g samâ n~g loob ang franciscano.

--¿Nakita na ninyó?--ang sinasabi niyá sa binatang mapulá ang buhóc na ipinagcucucumpas ang cuchillo n~g himagas. ¡Iyá'y sa pagmamataas! ¡Hindî nilá maipagpaumanhíng silá'y mapagwicaan n~g cura! ¡Ang acalà nilá'y m~ga taong may cahulugán na! ¡Iyán ang masamáng nacucuha n~g pagpapadalá sa Europa n~g m~ga bátà! Dapat ipagbawal iyán n~g gobierno.

--At ¿ang teniente?--ani Doña Victorinang nakikicampí sa franciscano--¡sa boong gabíng ito'y hindî inalís ang pagcucunót n~g pag-itan n~g canyáng m~ga kilay; magalíng at tayo'y iniwan! ¡Matandâ na'y teniente pa hanggá n~gayón!

Hindî malimutan n~g guinoong babae ang pagcacabangguít sa m~ga culót n~g canyáng buhóc at ang pagcacayapac sa "encañonado" n~g canyáng m~ga "enagua."

N~g gabíng yaó'y casama n~g m~ga ibá't ibáng bagay na isinusulat n~g binatang mapulá ang buhóc sa canyáng librong "Estudios Coloniales," ang sumúsunod: "Cung anó't macahihilahil sa casayahan n~g isáng piguíng ang isáng liig at isáng pacpác sa pinggán n~g tinola." At casama n~g m~ga iba't ibáng paunáwà ang m~ga ganitó:--"Ang taong lalong waláng cabuluhán sa Filipinas sa isáng hapunan ó casayahan ay ang nagpapahapon ó nagpapafiesta: macapagpapasimulâ sa pagpapalayas sa may bahay at mananatili ang lahát sa boong capanatagán."--"Sa m~ga calagayan n~gayón n~g m~ga bagay bagay, halos ay isáng cagalin~gang sa canilá'y gágawin ang huwág paalisín sa caniláng lupaín ang m~ga filipino, at huwág man lamang turúan siláng bumasa"....

TALABABA:

[86] Wicang haluang castilà't tagalog, na cung tawagui'y "wicang tinulá". Nagpapatumpictumpic bago'y ibig,--May m~ga filipinong hindî nan~gingiming magsalitang sila'y hindî nacacawatas n~g wicang tagalog, na hindî silá marunong n~g wicang tagalog; datapawa't hindî rin naman marunong magsalitâ n~g tunay na wicang castilà; waláng nalalaman cung dî ang wicang tindá: ¡cahabaghabag na m~ga tao!

[87] Ang pagtuturò n~g isáng carunun~gan; sa halimbawà: si Fulano'y nagtuturò n~g catedra n~g "Derecho" na gaya rin cung sabihing si Fulano'y nagtuturò n~g dunong n~g "Derecho."

[88] Magbigay ang sandata sa haráp n~g carunun~gang; sa macatuwid baga'y dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga táong pantás.

[89] Magbigáy ang sandata sa harap n~g m~ga fraile; dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga fraile.

[90] Wicang castilà ang sabing "mundo" at maraming cahulugán: ang cabooan n~g lahat n~g m~ga kinapal.--Ang lupà.--Ang cabooan n~g lahát n~g tao.--Baúl na malakí.--Tungcol sa pamumuhay. Isá sa m~ga caaway n~g caluluwa. Dito'y ang cahulugan ay isáng tan~ging bahágui n~g sangcataohan, sa macatuwid baga'y ang m~ga tao sa piguíng na iyón.--P.H.P.

[91] Si Lucio Licino Lúcalo, cónsul romano, na bantog dahil sa totoong magalíng na pagcain sa canyang mesa.

[92] Ang cahulugán dito'y isang malaking tasang malucóng na pinaglálagyan n~g pagcain--Cahulugan din n~g wicang "fuente"; Bucál n~g tubig na nanggagaling sa lúpà.--Isáng "aparato" upang doo'y lumabas ang tubig na nanggagaling sa m~ga "tubo" at n~g magamit sa bahay, sa daan ó sa halamanan.--Mulâ n~g isang bagay.--Ang sugat na talagang guinágawâ sa brazo, sa bintî at iba pa.--Kinacailan~gang sa pagsasalitâ n~g "fuente" ay magpalabas n~g han~gin sa bibig, sa pagca't cung hindi ay masasabing "puente" na ang cahuluga'y tuláy. Ito'y isá sa m~ga cadahilanan cayâ ayaw acóng makisunod sa bagong palacad na isulat n~g P cahi't ang pinanggalin~ga'y F, gaya sa halimbáwà n~g Filipinas, Fernando, Faustino na may m~ga sumusulat n~gayon n~g Pilipnas, Pernando, Paustino. Gayon ma'y iguinagalang co at hindi co pinipintasan ang sa ibang caisipan at palacad na sinusunod.--Upang maipan~gusap ang "efe" ay idinadaiti ang labi sa m~ga n~giping itaas sacâ magpalabás n~g han~gin sa pagsasalitâ n~g letra.--P.H.P.

[93] Pinupuri cata. Pasimulâ n~g isáng dasál sa Dios na wicang latíng sinasabi n~g m~ga pári at iba pang católico bago cumain.

[94] Tinatawag n~g m~ga castilang "Península" ang España.--"Peñinsula" ang sabi ni Doña Victorina, sa pagca't siya'y isá riyan si m~ga babaeng tagálog na nagcacasticastilaan ay bago'y hindî man lamang marunong man~gusap n~g wicang castilà. Ang tunay na cahulugan n~g Península ay ang lupang halos naliliguid n~g tubig magcabicabilà.--P.H.P.

[95] Tulad sa tinatawag nating wicang "castilàng tinda." Halohalong salitang inglés, insic, portugués at malayo; gaya namán n~g nangyayari na rito sa Filipinas tungcol sa pananalitâ n~g inglés na halohalò n~g inglés, castila't tagalog.--P.H.P.

[96] Guillermo Shakespeare, dakilang poetang inglés at isa sa m~ga pan~gulong dramático sa sangcataohan. Ipinan~ganac sa Strafford n~g 1564 at namatay n~g 1616. Ang m~ga pan~gulong sinulat niya'y ang "Macbet," "Romeo at Julieta", "Hamlet," "Otelo," "Ang Mercader sa Venecia," "Ang panaguinip n~g isáng gabíng tag-araw" at iba pa.--P.H.P.

[97] Ang caharian n~g China.

[98] Pan~galawáng libro n~g Pentatesco ni Moisés.--Ang paglalacbay sa ibang lupain n~g m~ga túbò sa isáng nación ó báyan, na siyáng cahulugán dito.

=IV.=

=HEREJE AT FILIBUSTERO=

Nag-aalinlan~gan si Ibarra. Ang han~gin sa gabí, na sa m~ga buwáng iyó'y caraniwang may calamigán na sa Maynilà, ang siyáng tila mandín pumawì sa canyáng noo n~g manipís na úlap na doo'y nagpadilím: nagpugay at humin~gá.

Nagdaraan ang m~ga cocheng tila m~ga kidlá't, m~ga calesang páupahang ang lacad ay naghíhin~galô, m~ga naglálacad na tagá ibá't ibáng nación. Tagláy iyáng paglacad na hindî nan~gagcacawan~gis ang hacbáng, na siyáng nagpapakilala sa natitilihan ó sa waláng mágawà, tinun~go n~g binatà ang dacong plaza n~g Binundóc, na nagpapalin~gap-lin~gap sa magcabicabilà na wari'y ibig niyáng cumilala n~g anó man. Yao'y ang m~ga dating daan at m~ga dating báhay na may m~ga pintáng putî at azul at m~ga pader na pinintahán n~g putî ó cung dilî caya'y m~ga anyóng ibig tularan ang batóng "granito" ay masamâ ang pagcacáhuwad; nananatili sa campanario n~g simbahan ang canyáng relós na may carátulang cupás na; iyón ding m~ga tindahan n~g insíc na iyóng may marurumíng tabing na násasampay sa m~ga varillang bacal, na pinagbalibalicucô niyá isáng gabí ang isá sa m~ga varillang iyón, sa pakikitulad niyá sa masasama ang pagcaturong m~ga bátà sa Maynilà: sino ma'y waláng nagtowíd niyón.

--¡Marahan ang lacad!--ang ibinulóng, at nagtulóy siyá sa daang Sacristía.

Ang m~ga nagbíbili n~g sorbete ay nananatili sa pagsigáw n~g: ¡Sorbeteee! m~ga huepe rin ang siyáng pang-ilaw n~g m~ga dating nan~gagtítindang insíc at n~g m~ga babaeng nagbíbili n~g m~ga cacanin at m~ga bun~gang cahoy.

--¡Cahan~gahan~gà!--ang sinabi niyá--¡itó rin ang insíc na may pitóng taón na, at ang matandáng babae'y ... siyá rin! Masasabing nanaguinip acó n~g gabíng itó sa pitóng taóng pagca pa sa Europa!.. at ¡Santo Dios! nananatili rin ang masamang pagcálagay n~g bató, na gaya rin n~g aking iwan!

At naroroon pa n~ga't nacahiwalay ang bató sa "acera" n~g linílicuan n~g daang San Jacinto at daang Sacristía.

Samantalang pinanonood niyá ang catacatacáng pananatiling itó n~g m~ga báhay at ibá pa sa báyan n~g waláng capanatilihán, marahang dumapò sa canyáng balicat ang isáng camáy; tumungháy siyá'y canyáng nakita ang matandáng Teniente na minámasdang siyáng halos nacan~gitî: hindî na tagláy n~g militar yaóng mabalasic niyáng pagmumukhâ, at walâ na sa canyá yaóng m~ga kilay na totoong canyáng ikinatatan~gì sa ibá.

--¡Bagongtao, magpacain~gat cayó! ¡Mag-aral pô cayó sa inyóng amá--ang sinabi niyá.

--Ipatawad pô ninyó; n~guni't sa acalà co'y inyóng pinacamahál ang aking amá; ¿maaarì pô bang sabihin ninyó sa akin cung ano ang canyáng kináhinatnan?--ang tanóng ni Ibarra na siyá'y minámasdan.

Other books

W Is for Wasted by Sue Grafton
Full-Blood Half-Breed by Cleve Lamison
Frisky Business by Michele Bardsley
Sliding Past Vertical by Laurie Boris
The Eternal Prison by Jeff Somers
Who Knew by Amarinda Jones