Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (10 page)

bumalik kami sa may garden, ang laki talaga ng bahay nila. May pool, ang laki nung garden side tapos ang ganda ng bahay!

Yung party naman halatang pinag gastusan, may dj booth, may mga ilaw at yung pagkain! Masarap!

Maganda rin yung cake, tapos may dance floor pa. grabe to! Feeling ko nasa hotel ako eh.. Sa garden ng hotel.

“Kenj.. Si Abi..” huli na siya. Kanina pa pala naka titig si Kenji sa direksyon na yun.

Si Abigail, kasama si Lucas.

Omg. Yung suot niya na dress.. Gusto ko yun eh! Kaya lang sabi ni Kuya Nathan hinde raw bagay.. Kaya hinde ko tuloy binili.

Lumapit kami ni Kenji kela Lucas, siguro babatiin niya sila. Habang papalapit kami sa kanila, sumisikip dibdib ko.. Feeling ko mageexplode yung puso ko. Hinde ko alam kung bakit.. Pero yun yung naffeel ko.

“Hey!” bati ni Abigail kay Kenji tapos sabay kiss sa kanya sa cheek.

‘HELLO? Girlfriend here.’ gusto ko sanang sabihin.

“You look good tonight. Bagay sayo suot mo.” tapos nag smile sila pareho.

Sinabihan niya ng ‘you look good tonight at bagay sayo yung suot mo’ si Abigail, pero ako hinde niya sinabihan!? Nagpaganda ako para lang sa kanya!!! Pero sobra naman to! Parang hinde niya na

appreciate yung effort ko dito!

“Kenji, samahan mo naman ako kela tita oh. Babatiin ko lang sana sila, pati si ate Kendi.”

“Sige.” tumingin sa aking si Kenji, “Samahan ko lang siya kela mommy. Entertain mo muna si Lucas.”

nag nod na lang ako tapos tumalikod na sila sa amin ni Lucas. Ayoko sanang pumayag, pero wala naman akong magagawa eh! Nakakaasar. Niyaya niya lang ako dito para iwanan. Bwiset.

“Kumain ka na ba? Tara samahan kitang kumain.”

“Tapos na. Umiinom ka ba? Gusto ko sanang uminom eh..”

“Tara. Gusto ko rin uminom eh.”

Ewan ko ba. Bigla na lang feel kong uminom. Nakakaasar. Hinde ko gusto yung ganitong feeling, sasama siya sa ex niya, at akong girlfriend nya, iiwan sa boyfriend ng ex niya. Ano kami? Laruan nila na pwedeng iwang kung saan saan, kung kanikanino? Badtrip.

Pumunta kami sa may ‘bar’ ng bahay nila.

Naka 3 shots na ko ng tequila, tapos naka isang beer. Nagiging alcoholic na ko e, naapadalas pag inom ko simula ng nakasama ko sila Kenji! Nakakaasar. Speaking of Kenji, 20 minutes na ang nakalipat at wala pa rin sila ni Abigail.

“Lucas cr lang ako.” hindi ko na hinintay yung sagot niya.

Eto na naman ako, laging ang problema ko yung cr. Habang hnahanap ko yun, may babaeng humarang

sa akin, maganda siya, maputi at mukhang masungit.

“Ikaw pala si Athena, ako si Kendi. Ate ni Kenji.” siya pala yung ate ni Kenji. Kaya pala medyo

magkahawig sila. Nasa lahi nga siguro nila yung magaganda’t gwapo.

“Pinakilala nga po kayo ni Kenji sakin kanina. Hi po ulit” nagsmile ako tapos nagbow.

“Ay. Oo nga pala. Totoo palang maganda ka. Mas maganda ka pag malapitan.” tapos nag smile siya sa

akin. “Ate Kendi na lang tawag mo sa akin, boto ako sayo. Sana kayo magkatuluyan ng kapatid ko. Eto nga pala number ko.” inabot niya sa akin yung caling card niya. “Tawagan mo lang ako pag may

ginawang kalokohan si Kenji. Wag kang mag-alala ayoko dun sa Abigail.”

Nagsmile siya tapos umalis na. Nakalimutan ko pang itanong kung nasaan yung cr!!!

Nasabi nyang ayaw niya kay Abigail.. bakit kaya? Dahil nagbreak sila ni Kenji? Eh mahal na mahal ng kapatid niya si Abigail eh.. bakit naman ayaw niya dun? Haaay. Buhay nga naman.

Patuloy pa rin ako sa paghahanap. nakakita ako ng pintuan, at binuksan ko iyon, nag babakasakaling yun na yung banyo.

Pero pag bukas ko, hinde banyo nakita ko. Kung hinde dalawang tao.. Si Kenji at Abigail..

Mukhang napaka seryoso ng pinag uusapan nila.. Tungkol saan kaya yun.. Tungkol kaya sa kanila?

Nakapag decide na ba silang magkabalikan? Hinde ako makagalaw s kinatatayuan ko. Guto kong marinig yung pinaguusapan nila.. Gusto kong malaman kung tungkol saan yun..

Chapter FIFTEEN

“...Pati naaalala mo ba dati, halos araw araw tayong magkasama.. Lahat ginagawa mo para mapasaya

ako.. Tapos isang beses nagalit ako sayo, binigyan mo ako ng malaking stuffed toy na bear, tapos may malaking card din siya.. Binigay mo pa nga sa akin yun sa classroom natin eh, sa tapat nung teacher at mga kaklase natin.. Yun ung unang beses natin nagaway..”

“Oo nga eh. Naalala ko rin ayaw mo pa akong patawarin nun eh. Kung hinde lang siguro cute ung bear baka hinde pa tayo nag kabati nun.”

Tapos medyo tumawa sila. Ano to? Inexcuse lang nila na pupunta sila kay tita, pero ang totoo gusto lang nila makapag solo para mag reminisce? Kanina pa siguro sila naguusap tungkol sa past nila..

“Kayo ba ni Athena..hinde rin nag-aaway?” nagulat ako sa tanong niya.

Bakit kelangan niya itanong yung tungkol sa amin? Hinde ba dapat sila lang para maayos nila yung

problem nila? What does it have to do with me?

“Kami? Palagi nga kami nun nagaaway eh! Magkaibang magakaiba kayo nun.”

Magkaiba talaga kami nun. I’m nicer! She’s a faker. She’s just nice when Kenji’s around, or when Lucas is.. well not really.

“Eh sinong mas gusto mo? Ako oh siya?” my body froze. Does she really have to ask that question?

“Siyempre ikaw, kasi mas matagal pinagsamahan natin.” Dumb@ss. Ur supposed to answer ‘SIYA’.

Stupid. I’m your girlfriend and you told her that mas gusto mo siya. How stupid. Sexylove, you’re so stupid. You’re not just a coo coo brain but a booby bird!

I left that effin’ spot after hearing those words from booby bird. Hate him.

I went straight to Lucas, then grabbed his drink.

“Stupid! What a booby bird! I hate him.” he just stared at me

“Booby bird?” he asked.

“Kenji. He’s a booby bird. You know.. The most stupid bird on earth.”

He just smiled. WTF?! Your effin’ girlfriend’s flirting with MY boyfriend! Take note, MY BOYFRIEND.

“How can you still smile when you know she’s with Kenji?”

“Bakit? I trust her. There’s nothing wrong with it.”

TRUST? Whatever. Pag silang dalawa na, wag mo na pagkatiwalaan. Pfft.

Nakailang shots na naman ako ng tequila. Pinipigilan na ako ni Lucas, pero hinde ako nag papaawat. Ano bang pakialam niya?? I’m pissed off! Hinde niya alam yung mga narinig ko kaya wag niya akong pigilan.

Ok pa naman ako eh! I can still stand!

“OMG!!” nagulat ako sa narinig kong kanta na pinatugtog ng dj.

“Gusto ko yang kanta!” he said.

“AKO RIN!”

Hinila ako ni Lucas sa may dance floor. As soon as nakarating kami dun he started dancing. OMG I never knew that he’s a good dancer.. Well.. Kenji dances well, but Lucas is WAY BETTER!

We’re dancing in the tune of GHETTO SUPERSTAR by Mya, Pras and OBD.

Sa kalagitnaan ng kanta biglang naging slow yung music.. Biglang hinawakan ni Lucas yung mga kamay ko then he placed it on his shoulders. Nilagay naman niya yung kamay niya sa may waist ko.

“Anong kanta to? Ngayon ko lang to narinig eh..”

“Habang atin ang gabi..” habang atin ang gabi?? Samin ang gabi? Anong meron?

“I don’t get it..”

“Yun yung title.” he pulled me, so that made me bum his chest.

Nakahug lang siya sa akin, I can feel him..

Yakapin mo ako, habang atin ang gabi..

Habang atin ang mundo..

Sara’s POV

Naiwan kami nila Jigs, Kirby at Grace sa table namin. Umalis kasi si Athena at Kenji. I’m so happy that my bestfriend already found her happiness, well maybe not..

Simula nung pag alis nila, sila na yung topic namin. Hinde kasi naman alam ang gagawin namin sa kanila, palagi silang nag aaway, nagtatalo at nag sisigawan! Hinde na maganda sa tenga!

“Buti naman at nag-iimprove na yung relationship nung dalawa! Tinanong ko si Athena nung Thursday

kung gusto na niya si Kenji, and guess what her answer is.”

“ANO” sabay sabay nilang tinanong.

“MAYBE. Unbelievable, right? Wala pang effort na ginagawa si Kenji nun. Isipin niyo sa araw araw daw na dumatin, lagi raw may nakakaaway si Kenji! Tapos nagustuhan pa nitong prinsesa na to? Weird.”

lahat sila napangiti.

“May nakita lang siya kay Kenji na hinde natin nakikita.” sabi ni Kirby

“Alam mo, kahit na laking ibang bansa pa si Athena, she’s still filipino. Parang si Kenji lang yan eh, half-korean pati half-pinoy laking pilipinas kaya kilos pinoy.”

May point din si Jigs dun.. He knows how to think pala kahit papaano. Ang akala ko puro dota at

basketball lang alam niya. Tuwing magkasama kasi kami laging dota dota dota! Kung hinde dota,

basketball! Jesus.

Mga 30 minutes na rin kaming nag uusap, at wala pa rin sila

“Grabe naman yung dalawa! Bakit ang tagal nila???”

“Nakita ko si Kenji kasama si Abigail kanina eh.”

“ABIGAIL?!” napatingin kaming tatlo kay Grace

“Oo, nung nag cr ako, nakita ko sila. Si Athena naiwan kay Lucas eh. Kanina pa yun.”

Kanina pa magkasama si Kenji at Abigail tapos Athena at Lucas? Ano to? Nagtrade sila ng partner?

“Bakit di mo kaagad sinabi?!”

“Malay ko ba! Pati, ANO BANG PAKI MO SA KANILA?! HA? So nosy!”

Oh no. here we go again. Magtatalo na naman ang SUPER TWINS.

“BAKIT BA!! Sino ka ba para pagsabihan ako ng nosy?? Ha??” she’s your sister dummy.

“I’m your lovable TWIN sister, you idiot. Your one and only sister.”

“Tama na. Tingnan niyo oh. Si Lucas at Athena sumasayaw.”

Pinaanood lang namin silang sumayaw. Gwapo pala talaga tong Lucas na to, pretty boy type siya.. No wonder type siya ni Athena. Aba, at magaling siyang sumayaw. I saw Kenji dance once, pero mas

magaling tong Lucas.

Siguro pag si Lucas lang naging boyfriend ni Athena sobrang ang saya na niya. Kasi mukhang mabait, gwapo at type niya. Nagbago yung kantang sinasayaw nila, naging slow. Pero they didn’t stop dancing..

Naka lagay yung hands ni Athena sa shoulders ni Lucas, while yung kay Lucas naman nasa waist ni

Athena.. They look so..... perfect.

“Huy!! Ano ba kayo!! Pigilan natin sila!”

“ANO KA BA!! Tingnan mo nga, mukhang malungkot si Athena! Mukhang may nangyaring hinde natin

alam eh..”

Tama si Grace. Alam kong may nangyaring hinde tama. Halatang nakainom siya. I know her too well.

What happened? Why is she with Lucas and not with Kenji? May something talaga. Naffeel ko.

“Uy!!! Naka-hug na sila!! Anong gagawin natin??”

“Tara lapitan natin sila!”

Lumapit kaming apat. Nag panggap kaming sumasayaw partner ko si Jigs, si Grace naman kay Kirby.

Pagtapos ng kanta, bumitaw na sila sa ‘hug’ nila. Lahat ng taong sumasayaw bumalik na sa kanya

kanyang upuan.. Silang dalawa nakatayo pa rin. Nakita ko na sila Kenji and Abigail.

Athena suddenly handed her left hand to Lucas.

“Run away with me..” she said while offering her hand to Lucas

Kirby, Jigs, Grace and I -> O_O

Alam kong nakita ni Kenji yung ginawa ni Athena. Walang gumagalaw sa aming apat.

“Huy. Gumalaw naman tayo..”

Nagmadali kaming maglakad papalapit kay Athena at Lucas

Hinawakan ni Kirby yung kamay ni Athena, “Tara na! Tumakbo na tayo! Mahaba pa oras natin oh! 10:30

pa lang! tara na!”

Hinila na ni Kirby si Athena papunta sa table namin

“Sorry ha, lasing na kasi eh..”

Nagsmile siya sa akin, “Ok lang. Ayaw magpapigil eh. Sorry..”

Ang gwapo niya nga at ang bait pa. nagsmile na lang ako tapos sumunod na sa table namin. Kelangan

malaman ko yung nangyari. I know he. Hinde siya magiging ganito kung walang nangyari.

“Athena, ok ka lang ba??”

“May masakit ba? Bakit kasama mo yun?!”

Binatukan ni Grace si Jigs, “T@nga ka ba? Anong karapatan mong itanong kay Athena yun?? Tatay ka ba niya? Pati bakit mo natanong kung may masakit? Nadapa ba siya? Nahulog? Naumpog? Stupid.”

Nagpout lang si Jigs kasi alam niyang may point si Grace. Dumali na naman ang super twins.

“Cr.. Gusto kong mag cr..” tumayo si Athena tapos inalalayan namin ni Grace

“Kami na lang sasama sa kanya.” nag nod yung dalawang lalaki at nag lakad na kami papunta sa loob ng bahay.

Pagpasok namin ng cr, agad agad kong nilock yung pintuan.

“Ano bang nangyari? Bakit si Lucas kasama mo at hinde si Kenji?”

“Athena, sana naman hinde ka na mag sinungaling sa amin.. Halatang may problema ka eh..”

Nag force siya ng smile tapos tumingin sa sahig. “I thought.. I like him… ay wait. I DO like him. I thought that he feels the same way. Well, he never told me na he likes me. Assuming lang. Too bad because he chose HER and not me..” tapos humarap siya sa amin ng naka smile..a fake one.

“Ha? Ano bang nangyari?”

“Wala. Tara na! Hinde pa ako lasing noh! Tara kain tayo!” nagsmile siya sa amin tapos binuksan niya yung door ng banyo at lumabas.

“Ano kayang nangyari dun?” sabay naming tinanong ni Grace sa isa’t isa.

Paglabas namin, nandun na si Kenji sa table namin. Hawak hawak niya yung bag ni Athena.. Mukha

naman siyang ok.. Lahat kami pinapanod lang si Athena kumain. GUTOM!? Ang dami kasing nakalagay

na pagkain sa plate niya, tapos may extra pa siyang plate na may nakalagay ding food. Ayaw eh!

I’m pretty sure, meron talagang nangyari. At yun ang kelangan kong malaman.

Kenji’s POV

Wednesday, September 20, 2006

3rd day ng hinde pumapasok si Athena. Simula nung Sunday hinde ko na siya nakausap.. Kahit text o

chat wala pero naka online lang MSN niya, pero away yung status.. Si Sara rin hinde ko ma-contact

simula nung Sunday hanggang Tuesday. Pero ngayong araw pumasok na siya. Si Athena, absent parin.

Nilapitan ko kaagad siya. Kelangan malaman ko kung ano ang nangyari sa kanila.

“Anong nangyari sa iyo? Bakit ang tagal mong nawala?”

Nagsmile siya sa akin, “Psh. Sige na alam ko namang gusto mong itanong sa akin kung anong nangyari kay Athena, at kung bakit hinde siya pumasok, at kung anong nangyari sa kanya.”

“Oo nga..”

“May sakit siya. Nagkasakit kami pareho. Eto excuse letter ko oh.” pinakita niya saking yung envelope na hawak niya.

“May sakit si Athena? Grabe naman!!! Anong sakit niya???”

“Matagal talaga yun gumaling. Masanay ka na lang. Sakitin kasi yun eh. Sige upo na ko ha?” nagnod

ako.

Hinde ako mapakali nagkasakit si Athena.. Hinde ko man lang siya nabisita ni hinde ko nga nalaman

kaagad na may sakit siya eh.. Nung break tinanong ko si Grace kung alam niyang nagkasakit sila Athena, hinde daw.

Ang bagal ng takbo ng araw ko, wala kasi si Athena.. Walang sumisigaw walang nakikipag talo.

I kinda miss her..

Other books

Royal Protocol by Christine Flynn
Endangering Innocents by Priscilla Masters
900 Miles (Book 2): 900 Minutes by Davis, S. Johnathan
The Queen of Bad Decisions by Janel Gradowski
To Love a Wilde by Kimberly Kaye Terry
Playing Dirty by Jennifer Echols
Sucker Bet by James Swain
Decked with Holly by Marni Bates
The Quest: A Novel by Nelson Demille