Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (4 page)

Wala naman kaming ibang ginawa dun kung hinde mag ikot ikot. Nag dinner din kami dun. Paghatid niya sakin sa bahay, nakita ko si Sara, hinihintay na ko. nagtanong siya kung anong nangyari sa date namin.

Date?! Pano naging date yun? nakipag suntukan sa tapat mo yung tao! Pwede ba, it’s not considered as a date!

Saturday and Sunday wala masyadong nangyari, pumunta lang si Kenji saglit para bwisitin ako, eto

naman ako nagpabwiset. Nagdeicde na rin si Sara na lumipat na sa totoong room niya, since kelangan daw naming pareho ng privacy. Privacy of what? Oh well.

Monday na naman. Makikita ko na naman si Kenji mabubwiset na naman ako sa pagmumukha niyang

nakakadiri.

Paakyat pa lang ako ng room, naririnig ko na naman yung walang katapusan na paguusap ng mga tao.

I’m sure ako yun, pagkadating ko sa tapat ng classroom namin

“Narinig niyo na ba yung news?!”

“Is it true???”

“Na what??”

“They’re dating!!”

“Kenji and--“

“YES! IT’S TRUE!” sabi ni Sara. Ano yung totoo?

Napatingin yung 7 na babaeng classmate namin na naguusap.

“Na?” sabay sinabi nung 7 girls.

Nagkatinginan si Sara at Grace tapos nag smile then tinuro ako

“She’s dating the gangster.”

I’M DATING THE WHAT?!

Chapter FIVE

The whole class knows that I’m dating that stupid gangster! EW. I still have my taste noh. Kenji’s not coming to school so I ended up not attending the 2nd period. I told my teacher that my head hurts badly and I cannot take the pain anymore, it’s starting to kill. He believed me of course. I’m good in acting. The sad thing is.. I LIED FOR THAT COO COO BRAIN!

Calling..

CROO CROO

“ANO?!”

“ARAY! Wag ka ngang sumigaw! Nasan ka na?”

“Palabas na ng gate.”

“Bilisan mo nga! Patay ka sakin pag wala ka pa dito ng 1 minute!”

He hung up the phone! I’m supposed to do that to him! Not the other way around.

I ran to the backgate and saw him leaning on the wall. He’s smoking again!!

“Tigil mo nga yan!” lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung yosi sa bibig niya.

“Anong problema mo? Wag mo ngang pakialaman yung buhay ko, kung umarte ka akala mo girlfriend

kita eh.”

He got me there. Bakit nga ba ako nangingialam eh sino ba siya? Die for all I care. @assh*le.

“Tara, date tayo ngayon.” he said coolly then hinawakan niya yung wrist ko at hinila.

DATE?! ON A MONDAY MORNING?! HELLO?! I ditched my class para lang makipag date sa kanya? He’s

not even worth dating for. >_<

“PWEDE BA! ALAM MO BANG KUMALAT NA NAG DADATE TAYO SA SCHOOL?! KAYA KA SIGURO INIWAN

NI ATHENA DAHIL ANG PANGIT NG UGALI MO!! UUTUSAN MO YUNG TAONG MAG SINUNGALING SA

TEACHER PARA LANG MAKIPAG DATE SAYO!” napahinto siya sa paglakad, hinigpitan niya yung pag

hawak wrist ko

Uh-oh. I made him mad. I was not supposed to say that.

“Ano bang alam mo!? Ha?!” I’m pretty sure galit siya sakin. All I can do was to look down. “Pag bibigyan kita ngayon since sinunod mo ko, pero pag naulit ito lagot ka na sakin!”

Binitawan niya ako then nag start na ulit siyang mag lakad. Ganun ba siya naapektuhan sa sinabi ko?

since alam kong kakainin ako ng buhay ng mga Barner and Friends ilalaga ko na sa list ko na wag siyang galitin

1. NEVER mention Athena.

2. NEVER make him mad

3. Obey him… >_<

For 18 minutes nag lalakd lang kami sa loob ng village. Saan ba kasi kami pupunta??

“Uhh. Kenji, san ba tayo pupunta?”

“Arcade.”

“May arcade sa BF??”

“ANG KULIT MO! SAAN PA BA?? SA ALABANG?!”

“Malay ko ba! Ang init kaagad ng ulo eh! highblood ka ba?”

“EWAN KO SAYO! WAG MO KO KAUSAPIN!”

Ang sunget niya talaga! Bakit ba bigla na lang siyang naging demonyo??? Ang bait niya sakin nung Friday eh! tapos ngayon binabawi na niya ulit yung maganda impression ko sa kanya! Ang weird talaga ng ugali niya! Bi-polar siguro siya!

Tuloy tuloy pa rin siya sa pag lalakad. Wala naman atang arcade dito eh! pinapagod niya lang ako!

Nakakita ako ng building sa kabilang street. Sana nag trike na lang kami papunta dun! Mas mabilis pa!

Pumasok si Kenji sa building kaya pumasok na rin ako. sa loob maingay, may arcades nga. Dito ba

pumupunta mga nagdiditch ng class? Kasi kung madalas dito si Kenji edi siguro nga dito nagpupunta

yung mga nag cucut.

Bumili siya ng token at umupo sa isang game machine. Tekken yung game.

Paglapag ko ng libro ko sa my upuan, “Pwede ka ng pumasok. Sige alis ka na!”

“ANO?! Nagpahatid ka lang sakin dito??” habang nakalagay yung mga kamay ko sa waist ko.

Nag nod lang siya habang nakatingin sa nilalaro niya.

OMG! Ang kapal naman ng mukha niya!! Nagpahatid lang siya sa akin dito?! Ano ako?? Yaya niya? Ang

tagal tagal naming naglakad tapos eto lang mapapala ko? Papaalisin na niya ako?

Lumabas ako ng Planet Games (name nung arcadan)

“Ang kapal talaga ng mukha niya! Pagtapos niya akong paglakarin ng mahigit 30 minutes eto lang

aabutin ko??” nag lakad ako papalayo sa PG (planet games)

“YUNG BOOKS KO!!” tumakbo ako papasok ng PG at lumapit kay Kenji

“Oh bakit bumalik ka? Namiss mo na kaagad ako? Maupo ka nga.”

“Nakalimutan ko lang yung mga libro ko! babalik na ko ng school. sige, mauna na ko.”

“Sige ingat!” sinabi niya yun ng nakatingin sa game niya

SIGE INGAT?? Hinde man lang ba niya ko ihahatid? Ganun ba siya ka-manhid?! Grabe ibang klase na

talaga tong taong to! Bastos, mahilig makipag away, hinde gentleman, walang respeto, ano pa?? Diba katangian na yun ng isang patapon na bata? Tingnan niyo pa yung itsura niya! Ang daming butas sa

tenga, may stud pa siya sa may gitna ng lower lip at baba niya, may kulay pa buhok niya.. well hinde naman buong hair, may part na black and may bleached part din. Ang haba pa! Not naman mahabang

mahaba.. typical Korean style. Well can’t blame him, he looks like one.. or maybe he’s a Japanese. Never asked him sorry.

“Sige, bye.” kinuha ko yung books ko sa tabi niya then I turned my back tapos nagsimulang mag lakad.

“Teka, maya ka na umalis, we’re playing here.. remember you’re my toy.”

English yun ha! lumapit ako sa kanya tapos umupo sa tabi niya.

“Nag-eenglish ka na ata ngayon ha!”

“Nakakahawa ka eh. Nakapitan na ko ng virus mo. Wag kang magalala nagpa-injection na ko ng anti-

virus. Safe english ko.” then nag smirk siya.

Nilabas ko na lang iPod ko tapos nilagay yung head phones sa tenga. Hanggang kelan ba kami mag tatalo ng ganito?

30 minutes na akong nakikinig sa iPod ko at hinde pa rin siya tapos mag arcade, tinigil ko na nga ang iPod at nag cellphone naman ako. Buti na lang at may dinownload akong games dun kung hinde sobrang

bored na ko.

After 10 minutes ng pag lalaro ng cellphone hinde ko na kinaya yung boredom! Nag laro na lang rin ako ng arcade. Nakakaasar naman pala tong kasama! Once na naharap sa tekken hinde na mapapahinto!

Buti na lang at may tetris sa tabi ng tekken niya!

After 1 hour and 20 minutes na paglalaro ng tekken at 20 minutes ng tetris

“Tara, kumain na tayo.”

“FINALLY!” nauna na siyang lumabas ng PG at ako naman nag madaling habulin siya.

“Uy intayin mo naman ak…o.”

Nakita ko siyang nakatayo ayoko siyang lapitan kasi may kaharap siyang lalaki at babae. Mukhang

magboyfriend/girlfriend sila kasi nakalink yung arm nung girl dun sa guy. Nakita kong nag smile sa kanya yung girl

“Hi Kenji. Musta na? Hinde na kita masyadong nakikita sa school ha.” School? schoolmate ba namin

siya?

Tiningnan ko siya ng mabuti, naka uniform siya.. white blouse na maiksi yung sleeves, tapos mini skirt na blue na checkered, may blazer din siya.. schoolmate nga namin siya, pero bakit hinde ko pa ata siya nakikita? Duh! Sa dami ba naman ng students dun pano ko pa siya mapapansin noh.

[a/n: not blue blue. navy blue and black, kasi checkered nga so navy talaga.]

“Ok lang. Masyado kasi akong naging busy eh. ikaw, kamusta ka na?”

“Ok lang naman ako, eto masaya naman ako kay Lucas.”

Lucas..? Saan ko nga ba narinig yun? Familiar eh..

“Ah ganun ba, ay oo nga pala, nakalimutan kita ipakilala kay Athena, Abigail.”

ABIGAIL?! OMG SHE’S THE GREAT ABIGAIL?! ATHENA ABIGAIL!? LUCAS.. YUNG BOYFRIEND NIYA!!

Lumapit ako sa may tabi ni Kenji, nag smile ako tapos nag-bow sa kanila.

Napatingin ako dun sa lalaking katabi ni Abigail, then I pointed at him

“Uy! Ikaw pala! Thank you nga pala nung Friday ha.” Of course, hinde ko siya makakalimutan! Pag

gwapo hinde ko mabilis makalimutan eh..

“Friday? Anong nangyari nung Friday?” sabay na tinanong ni Kenji at Abigail

Nagsmile yung lalaki, “Wala. Nabangga kasi siya tapos nahulog yung gamit niya. Kaya tinulungan ko

siyang pulutin yung mga gamit niya.”

“Ah. Oo nga pala, boyfriend ko, si Lucas.”

LUCAS?! Siya si Lucas?! OMG! GWAPO NGA SIYA TALAGA! Hinde ako magtataka kung bakit iniwan ni

Abigail si Kenji kay Lucas, first, gentleman si Lucas, second mukhang mabait, third GWAPO!

Ang liit nga naman talaga ng mundo oh, sa iisang araw nakilala ko yung intriguing couple.

“Hi!” tapos nag smile ako.

“Kenji, ano mo siya?”

“Ah, Abigail, siya si Athena.. girlfriend ko.”

Ano daw??? Paki ulit nga.. ano niya ako??

"Ha? " tanong ni Abigail na parang hinde rin sure sa narinig niya.

“Girlfriend ko..si Athena.” And then he held my left hand tapos tumingin sakin, “Babe, meet Abigail.”

Then he smiled

GIRLFRIEND?! BABE?!?!?! At kelan pa naging kami!?! May pa-hawak hawak pa siya ng kamay!! EW! Ang

plastic na niya masyado. Pa-babe babe pa siya dyan! YIKES!

Hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko. ARAY HA!

“Hi Abigail. Nice meeting you, I’ve heard a lot of things about you.” Tapos nag smile ako, nag smile din siya.

“Talaga? Baka naman sinisiraan ako sayo ni Kenji ha.” nag smile siya, tapos tumingin kay Kenji,”totoo pala yung balita sa campus, may dinedate ka na nga.. well goodluck sa inyo..”

Mukha naman siyang mabait. Pretty siya, I mean yeah.. maganda siya. malakas dating niya. Kahit ako hinde ko aakalain na ganito pala siya sa personal. Parang pag tinabi mo siya sakin, I’ll look normal. Pero siya kahit sa uniform na suot niya, may dating parin siya.

“Sige Abigail, mauna na kami.” Sinabi niya yun habang nakatingin kay Lucas. Ano na namang problema niya? Wala naman ginagawa sa kanya yung tao ah!

Nagbow ako tapos nag smile. Teka, ngayon ko lang napansin, bakit nga ba ako nagbobow? Hinde naman

tradition dito sa Philippines ang pag bow eh.. hinde naman diba?

Habang naglalakad kami papalayo kela Abigail at Kenji biglang binitawan ni Kenji kamay ko.

“Sa susunod wag mo akong hayaang hawakan yang kamay mo!! nakakadiri eh. parang humawak ako sa

isang basura!” BASURA?!

“HOY! ANONG GIRLFRIEND ANG PINAGSASABI MO DYAN?! AT PA BABE BABE KA PA DYAN! KADIRI KA!

AND F-Y-I, IKAW ANG HUMAWAK SA KAMAY KO!!!”

“Hinaan mo nga yang boses mo! maririnig nila tayo eh!! Wag ka na magalit! Wala na nangyari na eh!

Maki-ride ka na lang!”

“Hinde! Sasabihin ko sa kanya yung totoo bukas! Ayoko nga ma-link sayo noh! HINDE KITA PWEDENG

MGAING BOYFRIEND! AYOKO SA ISANG GANGSTER!”

“Sorry ka na lang.. GANGSTER ang magiging boyfriend mo, sa ayaw at gusto mo! kung tatanggi ka at

sasabihin mo kay Abigail yung totoo, baka gusto mong kainin ka ng buhay ng Barney and Friends.”

KAKAININ AKO NG BUHAY?! Wait.. 305 yung Barney and Friends.. minus 5.. 300?! NOOOO!!!

“FINE! Pero in one condition..”

“Ano yun?”

“Pwede mo hawakan kamay ko.. pero bawal mo ko i-hug.. ay teka, sige pwede na rin hug, but you’re not allowed to kiss me!”

Tumingin siya sakin, “Para namang gusto kong gawin yun” then he grinned and started walking.

As of August 21, 2006, I’m officially the gangster’s girlfriend. This is the end of my life.

Chapter SIX

Kenji’s POV

Nakakatamad pumasok ngayon anak ng. Monday na Monday tinatamad ako! Ganun lang talaga, sanay

na rin naman sila sa akin eh. pati wala silang magagawa.. ako ata ang batas!

Tinext ko si Kirby at Jigs, sabi ko wag na silang pumasok at mag kita na lang kami sa tapat ng gate. Pero ang nireply nila, ‘nasa school na ko’ AMP! Sabay pa sila! bakit an gaga ata nilang pumapasok ngayon? Sa bagay, sila naman talaga yung masipag saming magkakaibigan eh. Tch. Masipag na, matalino pa! Ako rin naman matalino eh.. ay magulang lang ata ako.

“AMP naman! Sinong makakasama ko ngayon??” nagisip ako ng pupwedeng itext.

Napabangon ako ng kama dahil naalala ko si Megaphone.

‘Susunod naman siguro siya sa akin’ sabi ko sa sarili ko.

“Susunod yan!!” nagmadali akong maligo tapos nag bihis ng uniform ko.

Tinext ko siya habang naglalakad papuntang school

To: MEGAPHONE

Wag ng pumasok sa next subject.

-Kenji

After 5 minutes nag reply siya, aba nakakapag text siya sa class?? Matindi manghuli yung Math teacher namin eh!

From: MEGAPHONE

I can’t. Nakapag attend na ko ng first subj. Mahirap na mag-ditch ng class after eh. Why?

Nagtanong pa amp! Nakakairita talaga tong babaeng to!

To: MEGAPHONE

Wag ka ng mag tanong. gumawa ka ng paraan para makaalis ng school. Magdrama ka kung

kinakailangan. Iintayin kita. Pag hinde ka dumating lagot ka sakin.

AYAN! 5 minutes na lang at nasa school na ko, ang kelangan ko na lang gawin ay tumakbo.

Inintay ko siya sa backgate, 2 minutes na akong nag iintay at wala pa rin siya! eto ang ayoko sa lahat eh.

Pinag iintay ako. kaya tinawagan ko siya. Palabas na raw siya. Sumunod siya sa akin. Ayos yun ha. dapat lang naman siyang sumunod eh.

Tinanong niya sa akin kung anong problema ko, problema? Wala. Tinatamad lang talaga akong pumasok.

Kaya niyaya ko siya makipag date. Pero nung sinabi ko na yung word na ‘date’ nag alboroto na yung

bibig niya!

“PWEDE BA! ALAM MO BANG KUMALAT NA NAG DADATE TAYO SA SCHOOL?! KAYA KA SIGURO INIWAN

NI ATHENA DAHIL ANG PANGIT NG UGALI MO!! UUTUSAN MO YUNG TAONG MAG SINUNGALING SA

TEACHER PARA LANG MAKIPAG DATE SAYO!”

Yan ang mismong sinabi niya. GALIT eh. medyo naasar ako ng konti sa kanya, kasi magsasabi siya ng

kung anu-ano pero wala naman siyang alam sa amin. Kaya nag panggap na lang ako na nagalit at

sinabing papalipasin ko yung nangyari ngayon. Wala ako sa mood makipag talo sa kanya, gusto ko lang magsaya.

Dinala ko siya sa PG (planet games) arcadan yun, halos nandun na lahat, tambayan, may mga computer din tapos arcades. Meron din ps2, xbox at kung ano ano pa sa PG. halos lahat ng mga nag cucut dun

pumupunta, madalas kami dun nila Jigs at Kirby, dahil samin mlaki kita nung PG.

Naglaro ako ng Tekken at siya nakinig lang sa iPod niya, tapos nag cellphone at biglang naglaro ng tetris sa tabi ko. nung niyaya ko na siyang kumain tumayo na ako at nagsimulang mag lakad papalabas ng PG

“Uy intayin mo naman ak…o.” napansin niya sigurong may tao sa harap ko kasi hinde siya tumabi sa

akin.

‘Bee..’ sabi ko sa sarili ko.

Hinde madalas magkabangga ang landas namin ni Abigail at Lucas. Lalo na’t harap harapan pa talaga.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa

“Hi Kenji. Musta na? Hinde na kita masyadong nakikita sa school ha. ” tapos ngumiti siya

Paano nga naman niya ako makikita eh, kung hinde ako late, hinde ako pumapasok. Ano pang aasahan

niya sa akin? Maaga lang akong papasok kapag may basketball practice. Tuwing Tuesdat at Thursday

lang naman yun eh.

“Ok lang. Masyado kasi akong naging busy eh. Ikaw, kamusta ka na?”

“Ok lang naman ako, eto masaya naman ako kay Lucas.”

‘masaya naman ako kay Lucas..’ nasa mukha nga niyang masaya siya.. sana pala hinde ko na lang

tinanong.

“Ah ganun ba, ay oo nga pala, nakalimutan kita ipakilala kay Athena, Abigail.”

Pano pag tinanong niya ako kung ano ko siya? anong sasabihin ko? kapatid? Hinde alam niyang isa lang kapatid ko mas matanda pa sa akin. Eh pinsan kaya? Paano ko naman siya magiging pinsan? Eh hinde

nga kami magkamukha oh.. bahala na nga!

Lumapit sa tabi ko si Athena, tiningnan ko siya parang medyo nagulat siya sa mga narinig niya. Siguro nagulat siya kasi hinde niya aakalaing yung nasa harapan niya at si Ahena Abigail..

Ngumiti siya sa kanila at nag bow. Bakit siya nag bow?! Anong feeling niya? Nasa contest siya?

“Uy! Ikaw pala! Thank you nga pala nung Friday ha.” sinabi niya yun habang nakatingin kay Lucas. Anong meron nung Friday? Magkakilala sila?

“Friday? Anong nangyari nung Friday?” sabay pa naming tinanong ni Abigail.

Ngumiti si Lucas, “Wala. Nabangga kasi siya tapos nahulog yung gamit niya. Kaya tinulungan ko siyang pulutin yung mga gamit niya.”

Napansin kong medyo tumaas yung kilay ni Abigail, pag ganun medyo naiirita oh naaaasar siya sa tao eh.

ibig bang sabihin na-irita siya sa pagtulong ni Lucas?

“Ah. Oo nga pala, boyfriend ko, si Lucas.” Ang sabi niya kay Athena.

Napatingin ako kay Athena, parang nagulat na naman siya. ano ba tong taong to! Hinde ba to sanay sa mga ganitong pangyayari?

“Hi!” tapos ngumiti siya kay Lucas.

“Kenji, ano mo siya?” Eto na nga ang kinakatakutan kong tanong.. anong sasabihin ko sa kanya? Bahala na!

“Ah, Abigail, siya si Athena.....girlfriend ko.” GIRLFRIEND?! BAKIT YUN YUNG NASABI KO?! ANAK NG!

AMP NAMAN! Wala na to. Hinde na pupwedeng bawiin. Kelangan ko na lang tong panagutan.

“Ha?”

“Girlfriend ko..si Athena.”

Hinawakan ko yung kamay ni Athena, tapos tumingin sa kanya, “Babe, meet Abigail.”

Alam kong kokontra na siya sa mga sinabi ko kaya hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya. UMOO KA NA LANG AMP!

“Hi Abigail. Nice meeting you, I’ve heard a lot of things about you.” Pag sabi niya nun humarap na ko kay Abigail, nag smile siya kay Athena.

“Talaga? Baka naman sinisiraan ako sayo ni Kenji ha.” sinisiraan? Bakit niya naman iisipin yun! kahit ano pang gawin niyang mali.. hinde ko siya sisiraan.. puro katotohanan lang sasabihin ko.

Tumingin sa akin si Abigail, “totoo pala yung balita sa campus, may dinedate ka na nga.. well goodluck sa inyo..”

Nagsmile na lang ako sa kanya tapos nag bye. ayoko na pahabain pa yung usapan. Lalo na’t nakikita ko yung Lucas na yan!

Habang papalayo na kami ni Athena nagsimula na naman siyang sumigaw! Anak ng! etong babaeng to

wala ng piniling lugar sa pag sigaw! Lagi na lang niya akong pinagtataasan ng boses kahit wala naman akong ginagawang masama! Ano naman kung ipakilala ko siyang girlfriend ko kay Abigail? Dapat nga

matuwa siya eh! dahil maraming babae ang nagkakandarapang maging girlfriend ko, at sa dami ng mga

yun, siya pinili ko!

Sa dulo ng pagtatalo namin, napapayag ko rin siya sa plano namin. Siyempre, matatanggihan niya ba ang 300 members ng Barney and Friends? 300 lang kais minus ako, si Jigs, Kirby, Sara at Siya. Yung 300 na yun kayang gawing impyerno ang pag stay niya sa school.

At siyempre hinde matatapos ang usapan ng walang kondisyon. Ang kondisyon niya? “Pwede mo

hawakan kamay ko.. pero bawal mo ko i-hug.. ay teka, sige pwede na rin hug, but you’re not allowed to kiss me!”

Para namang gusto kong halikan siya! Pero naisip kong hinde dapat ako mag salita ng tapos.. paano na lang kung kelangan kong gawin yun? kelangan ko rin magsinungaling sa kanya para lang mapapayag siya.

Kinabukasan nun, kumalat kaagad sa school yung tungkol sa amin ni Athena. Ang bilis nga naman

makalipad ng balita. Para lang kaming artista na live yung tabloid eh. hinde na kelangan ng interview.

Dalawang linggo na ang nakalipas at hinde pa rin nag-iimprove yung relasyon namin ni Athena, palagi pa rin siyang sumisigaw at nag wawalk out! Siyempre parati pa rin kaming nag-aaway! Hinde ko alam kung bakit palaging ang init ng ulo niya sa akin! Isang beses tumingin lang siya sa akin tapos kung ano ano na yung pinag sasasabi! Ang nakakasar pa dun pag tatanungin ko siya kung ano yung sinasabi niya ang

sasabihin niya lang “WALA!!!!!” hinde ka ba naman ba maasar!

“Kenj, nandito ka lang pala! kanina ka pa namin hinahanap eh.”

“Kasi naman yung psycho na yun eh! pag nakikita ako lagi na lang may sinasabi! Wala naman akong

ginagawang masama!!!!”

“Babes dapat kasi lambingin mo si Athena. Tingnan mo kami ni Kerb, ok naman kami pareho sa kanya

eh.”

“Oo nga. Tingnan mo tong si babes, tuwang tuwa sa kanya si Athena! Ang hinde lang namin

maintindihan bakit kay Sara ok ka, pero sa sarili mong girlfriend hinde ka ok?”

“ANONG GIRLFRIEND?! Kerb, Jigs, wag niyo ngang banggitin sa akin na girlfriend ko yang si Athena. I can’t stand her. SHE’S TOO LOUD!”

Tumawa lang silang dalawa. Anong nakakatawa dun?! Totoo naman eh!!

“May nakakatawa ba?”

“OO!” tapos tumawa parin sila

“Ano?”

“Bagay nga kayong dalawa ni Athena!”

“O nga babes, tama si Kerbi. Bagay na bagay kayong dalawa.”

“Paano kami naging bagay?! HA?!” tumawa na naman sila. ANO BA KASING NAKAKATAWA??

“Sige nga babes pakitaan mo si Kenj ng is among malupit na banat!”

“Sige sige. *clears throat*" imitating Athena "I CAN’T STAND HIM!!! HE’S TOOOO ANNOYING!”

Nagtawanan na naman sila ni Kerbi.

“Kuhang kuha babes!” tapos nag apir silang dalawa.

“Sinong nagsabi nun?”

“Sino pa ba?” tapos nag tawanan na naman sila!

ANNOYING?! AKO ANNOYING?! Anak ng! bakit ako naging annoying?!

Natapos na ang lunch break. Bumalik na kami sa classroom namin. Siyempre katabi ko na naman siya.

nung tumingin na naman ako sa kanya, nagsisimula na naman siyang mag sabi ng kung ano ano! What

the f is her problem?!

Friday na Friday nagpupuputok siya sa asar! Dahil ba sa akin? Ano bang ginawa ko!?

Buong period hinde niya ako kinausap! Titingnan niya ako sandali tapos biglang maririnig ko na lang na “i really cant stand him”

Dismissal na Wala kaming activity period kasi may meeting yung mga teachers. Inintay ko siya sa may labas ng classroom. Naririnig ko yung mga taong nagbubulungan. Yung iba malakas na yung boses.

“Ang gwapo niya talaga!!”

“Oo nga! Bakit kaya si Athena yung napili niya? Sa bagay.. maganda rin naman si Athena eh! bagay sila kahit papaano!”

Napangiti ako nung narinig ko yun. mga babae talaga, plastic.

Lumabas na si Sara at Athena.

“Hi Kenji!” bati sa akin ni Sara. Nag smile lang ako sa kanya.

“Gusto niyo bang umalis ngayon? Dito lang tayo sa loob ng bf..”

“Ngayon na?”

“Oo. Nasa baba na ata sila Kerb at Jigs eh.”

“Sige tara!” hinawakan niya si Athena, “Sama tayo, hm??”

“Ayoko kayo na lang..”

“Hoy! Wala pang tumatanggi sa alok ko ok? sasama ka sa ayaw at gusto mo!” I smirked at her.

“Ganun naman pala eh!! bakit kelangan mo pa ako tanungin!?!! Ano pang use nung pag tanong mo!?

YOU’RE SOOOO STUPID!”

“Ewan ko sayo! Tara bumaba na tayo!” tumalikod ako sa kanila at narinig kong nag medyo natawa yung dalawa sa akin. Natalo na naman ako! nakakaasar talaga to.

ano bang problema niya? Bakit ba Ang sunget niya sa akin ngayon? Ok naman kami minsan.. hinde na rin naman kami madalas mag away.. ok I BULLY HER. pero ngayon wala akong ginagawa! simula umaga

nagagalit na siya.. may problema ba?

Other books

Free Agent by J. C. Nelson
A Heart for Freedom by Chai Ling
The Vampire's Warden by S J Wright
Peacetime by Robert Edric
To Make My Bread by Grace Lumpkin
Rain by Amanda Sun
All or Nothing by Stuart Keane