She's Dating the Gangster (41 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

Chapter FORTY FOUR

“ASAN KA NA BA?! PAGHIHINTAYIN MO BA TALAGA AKO DITO?!?!”

“Papunta na ko!! Wala ka bang kasama dyan?? Si Lucas?? Sabi ko sa ungas na yun samahan ka muna

habang wala pa ko eh!”

“AT BAKIT MO KO IBINIBILIN KAY LUCAS?! PAG WALA KA PA DITO NG FIVE MINUTES, SI LUCAS NA

IDEDATE KO!” tapos binabaan ko siya.

Nakatingin lang sa akin si Lucas habang umiinom ng soda niya. Napailing na lang kami pareho. Obviously schoolmate ko si Lucas at blockmate ko rin siya. Si Kenji hinde natanggap sa South University. Wag niyo na itanong kung bakit. Halata naman siguro ung dahilan. Ok joke lang yun. Naka pasa siya. IT kinuha niyang course. Oo nakakagulat talaga.

“Aba . Ikaw na yung boss ngayon ah! Buti pumapayag siya?”

“Wala naman siyang magagawa eh.” Uminom ako ng tubig bago ko tinuloy yung sasabihin ko, “kung

hinde lang talaga masyadong maganda at kung hinde lang ako masyadong natuwa dun sa ginawa niya

nung birthday ko, hinde pa ko papayag maging kami ulit.”

“Bakit, hinde ka ba masaya?” tanong niya sa akin

“Masaya.. pero siyempre mahirap na.. baka may milagro na naman sa likod ko hehehe!”

“Magtiwala ka na lang..”

Habang nag iintay kami kay Kenji hinde naming mapigilan pag usapan yung mga nagyari dati.

7 months na rin ang nakalipas. Sa pitong buwan na yun, marami masyadong nangyari samin ni Kenji.

Nung araw na nung play, medyo parang.. totoo yung scenes naming dalawa. Bawat bitaw niya ng line

niya, hinde ko maiwasang, I don’t know, kiligin? Anyway, may part din na kelangan niya akong i-kiss, tapos… dapat fake lang yung kiss pero tinotoo niya! Pero kahit gaano ka-sweet ung story na yun, sa dulo malungkot pa rin. Nung pagtapos ng play halos lahat nung nanood namamaga yung mata. Ganun ba

talaga ka touching un???

Nung graduation day naman, after nung ceremony bigla siyang lumapit sa akin tapos hinug niya ako sa tapat ng pamilya ko, HABANG NAG RERECORD UNG VIDEO CAM! Si mommy tuloy tuwang tuwa dahil

akala daw niya break na daw kami buti na lang daw hinde pa. Si Kenji naman siyempre ngiting ngiti.

Sabay pa tuloy nag dinner yung pamilya namin. May award na nakuha si Grace kaya ayun may party

kinabukasan. Actually silang apat meron eh.. Kirby, Jigs, Grace at Kenji. Loyalty Award hahaha! Pero si Grace may tunay na award naman talaga, 6th honourable mention.

Gradball.. Siyempre, si Lucas ka-date ko. Sinabi ko rin kasi kay Kenji na si Abi na lang samahan niya dahil ang pangit naman tingnan kung ako ulit yung makakasama niya. Pumayag naman siya pero gusto daw

niya sasayaw kami every song! HELLO!!! Malamang hinde ako pumayag sa gusto niya! Pero ginawa

naman niyang special yung sayaw namin.. kaya medyo.. medyo.. parang.. na-fall na naman ako..

Summer vacation, of course nasa korea ako nun umuwi kasi kaming tatlo nila oppa at Sara sumabay

kami kay mommy. Nag reunion kami ng mga friends namin dun. One month din kami halos nag stay dun.

Yung tito ko na yung nag enroll sa amin ni Sara. Si Kenji naman bigla akong sinurpresa dahil.. pumunta siya sa Korea.

Nung 18th birthday ko naman, masyadong naging special. Siya kasi escort ko. Ayun.. madaming

nangyari.. napa-oo ako.. hehe alam na.

Habang nag kukwentuhan kami ni Lucas nakarinig na lang kami ng mga bulung bulongan sa may paligid

namin. Nagtatayuan yung ibang babae tapos lumabas sila sa cafeteria.

Eto akong kaming chismoso tumayo kami ni Lucas at sinundan yung mga babaeng naglalabasan. Nung

sumilip kami nakita naming na may isang lalaking nakatayo. Nakatalikod siya kaya hinde ko makita yung mukha niya. Nung nag side view na siya nakita kong naka shades siya kaya parang tuloy siyang artista kung tingnan.

“Kilala mo ba yun? Ano kayang course niya?” tanong ko kay Lucas

“Hinde. Baka naman hinde dito building niya..”

Nagring bigla yung cellphone ko. Pagtingin ko si Kenji tumatawag

“Asan ka na ba?? Nandito ako sa may tapat ng building niyo eh. Ang daming tao!!”

“Nasan ka? Nandito kami ni Lucas sa may Tapat ng building. Marami ngang tao.”

“Naka color green ako na damit tapos naka shades.”

Pagtingin ko dun sa lalaking naka shades, naka color green siya na shirt tapos mukhang may kausap siya sa cellphone niya.

“Taas mo nga left hand mo..” habang nakatingin ako dun sa lalaking naka shades. Biglan itinaas niya yung left hand niya, “Lucas si Kenji pala yun eh”

“Ang alin? Nasan ka na ba??”

“Tingin ka sa right side mo.” Tapos I ended the call.

Tumingin na si Kenji sa may side na kinatatayuan naming ni Lucas.

“Nakatingin siya sa akin!! OMG!!” sabi nung isang babae

Ano ba to. Pati pa ba naman ngayong college na kami pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga tao?! Ganun ba siya ka gwapo?? HA??

Dahan dahan niyang tinanggal yung shades niya tapos nakasmile siya habangnaka tingin sa akin.

Mabagal siyang nag lakad papunta sa akin. Pag dating niya sa tapat ko nag smile siya.

“Athena.” Sabay hug niya sa akin

Oo.. ganun nga siya ka-gwapo. Bakit ba ako rin yung sasagot sa sarili kong tanong? Haay. Kenji. Nag

‘aww’ yung mga tao sa paligid namin.

“Si Athena pala yung girlfriend niya.. bagay silang dalawa! Sigurado akong magiging maganda at gwapo yung mga magiging anak nilang dalawa.”

"Oo nga!!"

Tiningnan ako bigla ni Kenji tapos hinawakan niya yung mukha ko. “Tara na?” nag nod ako tapos nag

paalam na kami pareho kay Lucas. Hinila niya yung kamay ko tapos tumakbo kami papunta sa may kotse niya.

Kumain kaming dalawa sa labas tapos umuwi na kami sa bahay ko. Nag laro sila ng aking pinakamamahal na kapatid at saka siya umuwi.

“Athena.. alam na ba ni Kenji?”

“About what?” I asked oppa

“You know.. about your condition..” umupo siya bigla sa tabi ko, “the doctor said that..”

“I know. The doctor said that the medicine I’m taking is working, right? He said that I just have to take good care of myself.. that I have to be more aware that I’m fragile.. right?”

He nodded. “Right..”

Tumayo na ko tapos pumasok sa kwarto ko.

Sa pag higa ko, naisip ko na naman yung tungkol sa kalagayan ko. Mahina parin pala puso ko kahit na nakagraduate na ko ng highschool. Kahit na nagkabalikan na kami ni Kenji hinde parin magbabago yung fact na, may sakit ako.

Hinde ko pa pala nasasabi kay Kenji yung tungkol dun. Hinde ko rin alam kung dapat ko pang sabihin. Ok pa naman ako eh.. hinde niya pa kelangan mag alala. Hinde ko rin hahayaan na magalala siya ng dahil lang may sakit ako sa napaka bait kong puso. Sana lang talaga wag ma timingan na sumpungin ako.

------------------

“Kenji..”

“Yes lovebabe?” OMG ETO NA NAMAN YNG LOVEBABE!

“Lovebabe?! Aish. Anyway, ano bang meron ngayon? Bakit bigla kang pumunta dito?”

Napatingin siya bigla sa akin, “monthsary natin.. ”

Monthsary? Sinecelebrate ba yun?? Ang weird na niya talaga. Pati monthary i-cecelebrate pa.

“Teka, wala ka bang pasok ngayon? Bakit nandito ka?!”

“Tinatamad ako eh.. gusto kitang makasama ngayon sa mahalagang araw ngayon..”

“Palagi na tayong magkasama!! Ano ka ba! Pumasok ka na nga! Dapat pala hinde na ko pumayag sa

ganitong set up eh. Mukhang ako pa nakakasira sa pagaaral mo!”

Binaba niya yung burger na kinakain niya, “sabihin mo lang kung ayaw mo akong makasama ngayon.

Ayoko ng ganito. Hinde mo nga alam na 5 months na nga tayo tapos ganyan ka pa umasta! Baka naman

pati sa birthday ko pagsungitan mo na naman ako!!”

“Ano ba! Bakit ba nagwawala ka dyan!? Ano kayo na naman ba ni Abi? Itutulak mo na naman ba ako

palayo!? Sabihin mo nga!”

“Athena, ikaw ang tumutulak sa akin!! Ginawa ko lahat.. pero eto isinusukli mo sa akin oh! Sabihin mo nga sa akin, mahal mo ba talaga ako?! Mahal mo pa ba ako?”

“KENJI!!! Ano ba!!”

Tumayo siya bigla tapos nilapag niya yung burger niya sa table. “Papasok na ko. Bye.”

“Teka may sasabihin ako sayo!”

“Wag mo ng ituloy. Magusap na lang tayo pag malamig na ulo mo.”

Tapos umalis na siya. Sasabihin ko na sana sa kanya yung sakit ko.. pero hinde ko magawa. Imbis n asana nasabi ko na.. inaway ko pa siya bakit ganun? Kahit last month dapat sasabihin ko na sa kanya eh.. pero iba rin kinalabasan.. hinde naman kami nag away pero hinde ko rin nasabi..

Pumasok na ako ng classroom tapos nakita ko si Lucas nagbabasa ng libro. Umupo ako sa may tabi niya tapos nilagay ko ung kamay ko sa may mata ko. Naiiyak na naman ako. Hinde ko alam kung bakit, ako

naman yung may kasalanan.. pero bakit ako yung umiiyak?

“Away?”

“Oo.. Ako may kasalanan eh..”

“Lagi naman eh. Athena nagbago na si Kenji. Bakit pinapahirapan mo parin siya? Ano pa ba

pinoproblema mo?”

Ano nga naman ba pinoproblema ko? Kung tutuusin.. he’s been very patient about me.. 9 months niya

akong pinag titiisan. Kahit minsan ang btch na ng dating ko, nandun parin siya.. pero ngayon lang siya nagalit.. ngayon lang siya pumitik.. ngayon ko lang ulit nafeel na seryoso nga talaga siya..

“Sasabihin ko na dapat eh.. pero hinde ko magawa..”

“Kung ayaw mo talagang sabihin eh di wag. Hinde yung bigla bigla mo na lang syang aawayin.” Nilapag niya yung librong binabasa niya sa may armchair niya, “baka naman gumagawa ka ng paraan para lang

mag away kayo? Para may excuse ka na kaya hinde mo nasabi sa kanya kasi nagaway kayo..?”

Eto na naman siya, si Mr. Genius. Lagi na lang sya yung nag sesermon sa akin! Nawala na nga si Sara sa tabi ko siya naman yung pumalit. I bet pag nalaman to ni Sara dalawa na silang magnanag sa akin.

“Sasabihin ko na talaga sa kanya..”

“Talaga?” yes. I will tell him.

I nodded.

Kinuha ko yung phone ko tapos denial yung number ni Kenji

“Hello?”

“Kenji.. kelangan natin mag usap. Nasan ka?”

“Mamaya na ok lang?”

“Ngayon na.. importante..” narinig ko siyang nag sigh, “nasan ka ba? Pupuntahan kita dyan..”

“Nasa ospital ako..”

HOSPITAL?! Tama ba yung narinig ko?!?! Naaksidente siya?!?! omg. Ako may kasalanan! Bakit ba kasi

inaway ko pa siya??? mag sosorry ako.. tama. Yun ung dapat kong gawin..

“Bakit ka nasa hospital?! Sorry kanina..”

“Ok lang yun. Nangyari na eh.” Bakit parang hinde ok sa kanya?

“May masakit ba sayo?? Ok ka lang ba??”

Ok para na akong worried girlfriend ngayon. Kanina lang inaway ko siya pero ngayon ako na yung nag hahabol. Dapat kanina ko pa to ginawa para hinde na siya naaksidente pa..

“Ok lang ako..walang nangyaring masama sa akin.”

“Eh bakit nasa ospital ka?? Wag ka ngang mag sinungaling.. sabihin mo na lang sa akin kung may

nangyari sayo..”

“Hinde.. si Bee.. naospital.. nandito ako ngayon sa labas ng room niya..”

Si Abi.. Na naman..

Chapter FORTY FIVE

Tatlong araw ng nasa ospital si Abi, si Kenji hinahati yung oras niya sa akin at ang pag bisita niya dun.

Nagpapaalam naman siya sa akin na dadalaw muna siya dun bago siya umuwi. Hinde naman ako

pupwedeng maging madamot dahil yun lang naman yung hinihiling niya.

Medyo nakakaselos.. pero ewan ko.. parang ayoko na lang ipahalata. Wala naman siyang pinapakitang

sign like what he did last year. Para parin siyang si Kenji.. pero parang ang weird lang para sa akin kasi may past silang dalawa.. tapos yung nangyari dati pa. Alam kong nahihirapan at napapagod siya araw araw dahil kasama ko siya maghapon tapos bago siya umuwi dadaan siya sa hospital. Kahit hinde niya sabihin sa akin, alam kong napapagod na siya..

“Lucas, napuntahan mo na ba si Abi sa hospital?”

Binaba ni Lucas yung binabasa niyang libro tapos tumingin sa akin, “Hinde pa. Bakit? Tsaka na ko bibisita pag palabas na siya. Nakakatamad eh.”

“Ah ganun ba…” sabi ko habang naka tingin sa cellphone ko.

Ayan na naman yung pa-cool niyang sagot. Lagi na nga siyang nag babasa ng libro tapos ang sama pa lagi nung reply niya. parang ang laki ng pinag bago niya simula nung grumaduate kami. Tsk tsk. Yan ang

tinatawag na ‘nagbibinata’.

“Bakit? May problema na naman ba kayong dalawa? Alam mo kung gusto mo siyang hawakan sa leeg

ngayon at hinde na siya mag punta pa sa iba, sabihin mo sa kanya yung sakit mo. Pero dalawa ang

pupwedeng mangyari dyan eh. It’s either mag sstay siya, or iiwan ka niya.”

Napaisip na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba lagi na lang may point yung mga sinasabi niya? Kelangan bang lagi na lang akong mapaisip tuwing seryoso kaming naguusap?

“Wala naman kaming problema.. siguro ako lang yung nag iisip. Bakit naman ganun.. hinde ba

pwedeng mag stay na lang muna siya kahit sandali lang? Bakit kelangan may isa pang option? That’s so mean.”

“Alam mo Athena, karamihan sa mga lalaki ayaw ng mabibigat na responsibility. Tingnan mo, diba

maraming single nanay? Kasi yung mga lalaki alam nila na once na mag stay sila sa relationship na yun, malaki na yung responsibilidad nila. Mababawasan na yung masasayang araw nila. Yung ibang nag sstay, pero eventually.. nagsasawa na.” ngumiti si Lucas, “Malalaman mo na lang kung dedicated sayo yung tao pag alam niyang walang wala ka na. Yung tipong, galit na sayo yung buong mundo pero nasasatabi mo

parin siya. Hinde ko alam ha. Pwedeng mali ako, pero pwede rin akong maging tama.”

Natulala ako sa sinabi ni Lucas, hinde ko na mas lalalong alam kung ano yung gagawin ko. Hinde ko alam kung tama pa ba yung mga gagawin ko.. pero gusto ko siyang tanungin. Gusto ko malaman..

“Ikaw ba.. ngayong alam mong may sakit ako.. is it still possible for you to continue.. loving me?”

napaisip ako sa sinabi ko. Parang mali yung tanong ko sa kanya, parang iba yung datingnung tanong ko,

“I mean, Is it still possible for you to you know.. like me?”

Lucas looked straight to my eyes. Yung pag tingin niya sa akin makikita mo yung sincerity at puno ng unsaid feelings.. ok I’m just assuming. Feeling ako eh.

“Yeah, it’s possible. And.. It didn’t change..” he smiled, “at all.”

I smiled back at him. At least alam kong meron pang tumatanggap sa akin kahit na iwanan ako ni Kenji. I will not use Lucas, of course. Alam ko lang na may matatakbuhan na ako kahit tumalikod sa akin yung pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Cheesy.

After ng class namin ni Lucas dumeretso na kami sa bahay nila Kirby. Nandun na silang lahat, kami na lang pala iniintay nila. Si Kenji siyempre sinalubong ako ng MALAKING hug. Hinde naman pupuwedeng

hug lang yung salubong niya, may kiss din yun. Oo, aminado akong kinikilig pa rin ako pag ginagawa niya yun. At sa tuwing ginagawa niya yung sa tapat nila, puro asar naman abot ko. Pero ngayon, parang ang hassle lang kasi sa napagusapan naming ni Lucas. Medyo nakokonsensya ako..

“Ya! If you try to hurt her I again, I swear I’m gonna kill you!” sabi ni Sara kay Kenji

“Bakit ba lagi mo yang sinasabi sakin!! Alam mo bang binabaliwala na niya ako ngayon??” binitawan ni Kenji yung kamay ko tapos yumuko, “na bawasan ata sex appeal ko sa paningin ni Athena eh.. nawala na interes niya sa akin..”

Tumingin siya sa akin tapos yumuko ulit. Huminga pa siya ng malalim! Ano ba yan!! Nag ddrama na

naman siya! Hinde naman ako nag drama ng ganun dati ha!

“Well, you can’t blame her. Oh yeah, you cheated on her, REMEMBER??” Sara grinned.

“Ouch. YOWN OH! Alam mo babes, kung ako ikaw, hinde ko na lang papansinin yung pinagsasasabi ni

Sara. Kanina pa siya ganyan sa condo namin! Kahit itanong mo pa kay Grace!!”

Nasa iisang condominium sila Sara, Gace at Jigs. Kela Jigs talaga yun pero siyempre, ayaw maghiwalay nung dalawang lovies. And hinde naman pupwedeng silang silang dalawa lang nandun kaya si Grace dun na rin nagsstay. Uuwi silang tatlo sa bf pag feel nila. Parang every other day silang umuuwi eh. My god.

Nag condo pa sila!

Si Sara lagi akong tinatawagan. Gabi-gabi, oras-oras minuminuto, chinecheck niya ako. Hinde lang siguro siyang sanay na magkalayo kaming dalawa. Buong buhay kasi naming dalawa magkasama kami.

Inseparable eh. Mass Communication tinatake niya.

“Hinde niyo masisisi si Sara. Pabayaan mo na lang Kenj.” Sabay tap niya sa balikat ni Kenji tapos kiniss niya sko sa cheek. “Hi sis.”

Grace, my sister-in-law to be. Parang si Sara rin yan! Lagi akong i-tetext at tatawagan! Mayayaman sa load eh. Kung hinde niya ako macocontact, she’ll call oppa’s phone! Kaya nga nagugulat sa akin yung kapatid ko bakit daw ako yung laging hinahanap at hinde siya. I’m special like that. I think may plan na rin silang mag pakasal. Pero pano kaya yun? Eh hinde pa nga nag seserve sa military si brother dear. Uh-oh. Mapipilitan tuloy siya. heeehee! Entrep course niya.

Of course, wala na akong masasabi pa kay babes. Nagawa niyang pagtiisan yung pagiging moody ni Sara.

Kahit na madalas silang mag talo kelangan hinde matapos yung araw na hinde nila napaguusapan yung

kelangan ayusin. BS Bio course niya, oo, gusto niyang maging Doctor Bala.

“Oo alam ko! Sanay na ko dyan sa babaeng yan. Isipin niyo walang buwang dumaan na hinde niya ako

sinabihan nun!”

Biglang sumulpot si Kirby galing sa isang kwarto. Umupo na kami ni Kenji pagtapos ng batian nila.

“Pero paps, sa totoo lang nakakagulat at kayo paring dalawa eh. Isipin niyo last year parang.. teka..”

napatingin sa akin si Kirby, “gaano nga ba kayo katagal dati ni Kenji??”

“100 days.”

“100 days, yes. 100 days lang kayong dalawa, pero ngayon nalagpasan niyo na yung 100 days na yun.”

Umupo siya sa may bakanteng sofa. At biglang lumabas si Mary sa pintuang nilabasan rin ni Kirby.

HULI! Haha. Matagal-tagal na rin nagddate si Mary at Kirby. Ewan ko ha, pero knowing Kirby, mukhang seryoso talaga siya kay Mary. Princess talaga yung pag-treat niya sa kanya. Higher batch samin si Mary pero mag ka-age lang sila ni Kirby. May grade 8 kasi sa school namin dati kaya ganun. Sa school ni Mary wala. Ewan ko ba dun sa apat na yan, bakit late nagaral!

Anyway, back to Kirby. Schoolmates silang dalawa ni Mary. Marketing yung course niya, Tourism naman si Mary.

“Lul. Yung 100 days na yun, magiging 1000, tapos magiging 10000, tapos magiging 100000 days.

Hanggang sa hinde na namin mabilang pa yung dumadaang araw sa buhay naming dalawa.” Napangiti

siya bigla kay Kirby nung umupo sa tabi niya si Mary, “Paps, baka naman hinde ka pa tumatapak sa 2nd year college maging literal PAPS ka na niyan.”

Nagtawanan kaming lahat sa hinirit ni Kenji.

“Aba! Pag nangyari yun edi napatunayan ko ng wala akong diperensya! Pati pabor na rin si Mary dun

kasi maganda lahi namin, pag lalaki yun edi magiging katulad niya yung ng daddy niyang matangkad at magaling mag basketball siyempre GWAPO pa, pag babae naman edi mas swerte kasi magiging model

siya sa tangkad at maganda siya dahil mana siya sa daddy niya!” napatingin siya kay Mary tapos

nagsmile, “sige na nga, pareho na tayong maganda ang lahi.”

Hinampas ni Mary si Kirby sa may braso tapos biglang nag tago sa unan. Para talaga silang bata. Lalo naman tong si Kirby! Nahawa ata kay Jigs at Carlo. Pero ang cute nila tingnan pag awkward na yung

situation, parang hinde mo malaman kung nahihiya ba talaga sila o kinikilig eh.

“O nga pala si Carlo nasan? Tagal ko ng hinde nakikita yung batang yun ha..”

“Nasa bahay nag aaral. Sabi kasi ni kuya Nate pag daw mataas yung grades niya bibilhan siya ng bagong cellphone. Kaya ayun, nag sipag siya.”

Dumating yung mom ni Kirby na may dalang pagkain para sa amin. Habang umiinom sila hinde ko

mapigilan yung sarili kong higpitan yung paghawak sa kamay ni Kenji. Feeling ko kasi ang sama-sama ko dahil may tinatago akong secret sa kanya.

Bawat hug niya sa akin lagi niyang binubulong yung ‘i love you’ sa akin. Bawat bulong niyang yun..

parang lalo akong nahihirapan sabihin. Ayoko siyang masaktan.. pero bakit ganun, parang mas ayokong masaktan yung sarili ko..?

“Athena.. pupunta na ko sa hospital.. ok lang naman diba?” nag nod ako tapos nag smile sa kanya.

Tumayo siya tapos nag paalam na siya sa kanila.

Ok nga lang ba talaga sa akin?

Tumayo si Lucas tapos tumabi sa akin. Nilapit niya yung mukha niya sa may tenga ko, “Sabihin mo na sa kanya.. kung iniisip mong iiwanan ka niya.. ewan ko na lang sayo. hinde mo pa ba nahahalatang mahal na mahal ka niya? habang maaga pa, sabihin mo na.. kasi pag tumagal pa yan.. baka mas lalong

masakit..”

Napatayo ako sa kinauupuan ko tapos tumakbo palabas ng living room. Nung nakala as na ako bigla ko na lang nakitang umandar yung kotse ni Kenji. Hinde ko siya pwedeng habulin dahil makakasama sa akin.

Bumalik ako sa loob tapos nagsmile sa kanila, “Hinde ko naabutan eh..”

“Nag-away ba kayo?”

Umiling ako, “Hinde, may kelangan lang akong sabihin sa kanya.. sobrang importante lang..”

“Tara sundan na natin siya.” tumayo si Lucas tapos hinila na ako papalabas.

Dinala niya ako sa hospital kung saan naka-confine si Abigail. Hinde ba parang ang kapal ng mukha ko dahil haharap pa ko sa kanya? Hinde ko naman pupwede pang patagalin pa to..

Eto na. nasa tapat na ko ng kwarto niya pero bakit parang nawawala na yung lakas ng loob ko? Parang takot na naman yung nararamdaman ko.

Binuksan ni Lucas yung pintuan ng dahan dahan. Tiningnan niya kung sino yung tao dun sa loob ng

kwarto. Tinulak ko siya sa may gilid para makita ko yung pangyayari.

Nakita ko si Kenji nakaupo sa may gilid ng kama ni Abi. Hawak nya yung kamay nito. Alam ko naman na dapat hinde ako magselos pero bakit parang nasasaktan ako? Dapat maniwala ako sa kanya.. wala lang to.

Pero naiisip ko pa lang na ilang araw na niya to ginagawa nagagalit na ko. Alam kong mali pero hinde ko mapigilan. Kitang kita sa mata ni Kenji na nag-aaalala siya

“Nandito pa kaya mga kaklase ni Athena? Dapat kasi ako na lang yung bumili ng gamot eh..”

Hinila ako ni Lucas palayo sa may kwarto, “Dad at kuya ni Abi. Pinsan niya.”

Athena pala tawag sa kanya sa kanila. Kaya pala nung naka IM ko siya, Athena tinawag niya sa akin..

wow.. coincidence nga naman.

“Nakabukas yung pinutan, may tao pa kaya?” napatingin kami ni Lucas sa kanila. Binuksan nung pinsan ni Abi yung pintuan tapos nagmadaling pumasok, “NANDITO KA NA NAMAN?! Ilang beses ko bang

sasabihin sayo na wag ka ng magpapakita pa sa amin?!?!”

Nagmadali kaming tumakbo ni Lucas sa may dulo ng hallway tapos nagtago sa may gilig. Nakita namin na hawak hawak ng pinsan ni Abi si Kenji sa may tapat ng kwarto. Tahimik lang si Kenji. Hinde siya umiimik sa mga sinasabi ng pinsan niya at kahit na pinagtututulak siya ng pinsan ni Abi.

“Hinde ka ba talaga marunong umintindi?! Ha?!? Ayaw niyang magpagamot ng dahil sayo!!! Dahil sa

ginawa mong kawalang hiyaan sa kanya!!” tapos sinampal niya si Kenji

Nagsilipan yung mga ibang pasyente sa eksenang ginagawa nung lalaki. Kahit yung mga nurse nanonood narin.

Lumuhod bigla si Kenji, “Sorry…”

“Ilang beses mo na yang sinabi!! May magagawa pa ba yang sorry mo?! Wala ka na ba talagang iba

pang sasabihin?”

“Nagkamali ako.. Sorry.. pero.. hinde na talaga ako pwede pang bumalik sa kanya..”

“Ang kapal talaga ng mukha mo!” tapos sinuntok niya si Kenji, “kulang pa yan eh!! Alam mo sana ikaw na lang yung may sakit para hinde si Athena yung nahihirapan!”

Napatakip ako ng bibig tapos naiyak. Kenji.. kung nahihirapan ka na sabihin mo lang sa akin.. ako ba dahilan kung bakit ikaw yung nasasaktan ngayon?

“Alam ko iniisip mo.. wag ka ng lumapit.. mas lalong magkakagulo..”

Nagnod lang ako. Nakatakip parin ako sa bibig ko at umiiyak. Wala akong magawa. Gusto ko siyang

sabayan sa pagluhod niya pero baka lalong magkagulo. Hinde ko alam pupwede kong gawin. Nasasaktan

ako dahil sa nakikita ko, pero mas nasasaktan siya sa nangyayayari.

Pumasok sa loob ng kwarto yung pinsan ni Abi tapos lumabas yung dad niya. nilapitan niya si Kenji tapos napailing

“Kenji umuwi ka nalang. Sinabi naman namin sayo ng mama ni Athena na wag ka na munang bumisita

diba? Mainit pa ulo sayo ni Anthony. Alam mo naman na kapatid ang turin ni Anthony kay Abi kaya siya nag kakaganyan diba? Kaya mas makakabuti kung wag ka na muna bumisita..” sabi naman nung dad ni

Abi.

“Sorry po talaga..” sabi ni Kenji habang naka luhod at nakayuko.

“Sige.. umuwi ka na..” tapos pumasok na siya sa loob ng kwarto.

Hinde parin tumatayo si Kenji sa pagkaluhod niya. Umiiyak siya.. Si Kenji.. umiiyak. Hinawakan ni Lucas yung balikat ko tapos inalalayan niya ako sa paglalakad. Sabi niya sa akin na mas mabuti pa raw na hinde kami makita ni Kenji para daw hinde siya mapahiya sa amin. Hinatid niya ako hanggang bahay.

Hinde parin ako makapaniwala na ganun yung nangyayari kay Kenji sa ospital. Puro masasakit na salita ang inaabot niya. Ngayon nasaktan pa siya nung pinsan. Ginagawa naman niya lahat ng makakaya niya

para lang mapatawad siya pero para sa kanila hinde iyon sapat..

Lumuhod siya. pangalawang beses ko siyang lumuhod para lang mag sorry at magmakaawa.. pero iba na

Other books

Feral Bachelorism by Lacey Savage
Caretaker by L A Graf
The Glass Casket by Templeman, Mccormick
The Loverboy by Miel Vermeulen
Silken Dreams by Bingham, Lisa
Finding Eliza by Stephanie Pitcher Fishman
Obsession by Quinn, Ivory
Annihilation by Athans, Philip