She's Dating the Gangster (39 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

namimita mong nakangiti siya “YA!!! Moosoon il ittni??” *Damn; What’s wrong with you??+

Tinanggal niya yung kamay niya sa bibig niya. Nakita ko na tuloy yung tinatago niyang ngiti

“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!! Buti na lang pala kasama mo ako kung hinde baka kanina ka pa

naaksidente!”

“Sino ba kasing nagsabi sayo na samahan mo ko?? Nakakaakyat naman ako ng hagdanan kahit hinde

kita kasama noh!”

“Buti nga sinasamahan kita eh!!! ANO BANG PROBLEMA MO!!!”

Tumigil siya sa pag lalakad kaya napatigil na din ako, “BAKIT KA SUMISIGAW?! INAANO BA KITA?!”

“HINDE AKO SUMISIGAW! GANITO LANG TALAGA AKO MAGSALITA!”

Nagtitinginan na sa amin yung mga tao sa paligid namin.

“Teka. Hinde naman dapat tayo magkasama ah? Siguro may kelangan ka sakin noh?! Kaya may

pabuhat buhat ka pa ng libro ko!”

“Wal-- AMP! WALA! ANG FEELING MO! ETO OH!” binigay niya bigla sa akin yung mga buhat niyang

libro ko, “Sayo na! ikaw na magbuhat niyan! Tss.”

“Talaga! Dyan ka na nga!”

“Talaga!!!!” sabay talikod niya

TALAGA NGA NAMAN!! AISH!!! Ano nanaman kayang problema nun?! May patalitalikod pa! hinde

naman naglalakad palayo! Naka stand by lang si ungas! Aish!

“HE!! Baboo!!” tinalikuran ko rin siya tapos umakyat ng stairs

“HE KA RIN!” Nung tumingin ako sa likod ko nakita ko siyang nag lakad papunta sa may side stairs. Dun siya siguro dadaan. Ang kapal talaga ng mukha nun!! Hinde ko naman siya gustong makasabay sa pag

akyat noh!! Baka isipin pa ng mga tao na nagkaayos na kami! PWEDE BA!!

“Athena ang aga aga nakasimangot ka na kaagad.”

“Oo nga. May problema ka na naman ba?”

“OO! Yung lecheng lalaking yun!! Akala mo kung sino!! Bakit ba kasi kelangan pati yung Juliet

mamatay! Grrr!!” nag madali na akong mag lakad, “Papalitan ko yung plot! Imbis na simpleng

pagkamatay lang ang mangyayari dyan sa Romeo na yan papahirapan ko siya. Akala niya!” tapos nag evil laugh ako

“Nawawala na ata sa sarili si Athena.” narinig kong sinabi nung kaklase ko. tiningnan ko siya ng

masama tapos bigla lang siyang ngumiti kaya nag patuloy na ako sa pag lalakad ko. Huh! Wala na akong panahon pang makipag talo sisiguraduhin kong aaprubahan nila Grace yung gagawin kong ending!

Buong recess time ginagawa ko lang yung ending. Pinag isipan ko ng mabuti yung madugong mangyayari sa Romeo na yan.

Lunch break

“Athena hinde na pwedeng palitan pa. Na aprubahan na ni Miss yung ginawa namin kaya kelangan

mag stick tayo dun.” Sabi sa akin ni Axis

“AISH!!! Fine!! Basta lang maunang mamatay yung Romeo na yan! Nasa akin ang huling halakhak!

Hinde ako susunod sa kanya!”

“ATHENA!!!”

“Joke lang.” I zipped my mouth then walked back to my chair. Kinuha ko na yung bag ko tapos lumapit kay Lucas. “Iniwan mo ako kanina dun sa hayop na yun! Hinde ka ba naaawa sa akin?? Bumabalik siya sa pagtrato niya sa akin dati! Mas gusto ko pa ata yung nagiiwasan kami eh!”

Sa totoo lang.. mas gusto ko ata yung ganito kami. Kasi ang hirap nung nag iiwasan kayo tapos iisa lang yung group of friends niyo.. Aish talaga naman!

“Edi masaya. Ibig sabihin wala ng gap sa inyong dalawa.” Sabi niya habang naka smile, “Baka naman

maging kayo ulit nun..”

“Aish. Pano na si Mr. Y? Mas maguguluhan yung classmate ko.”

“Mr. Y? Classmate? Sino yun?”

“Never mind. Tara na baba na tayo. Iniintay na nila tayo sa canteen.”

Nagpunta na kami ni Lucas sa canteen para maglunch kasabay ng BnF masters.

“Nasan si Grace?” tanong ko sa kanila

“Nasa office. Susunod na lang daw siya.” tapos sumubo si Kirby ng kanin, “bumili na kayo ng pagkain.”

Tumango kami ni Lucas. Binaba na namin ni Lucas yung bag namin sa may upuan pagtapos kumuha ng

pera. Pagtalikod namin nagulat kami sa taong nasa likod namin

“Wow. Napasyal ka? Aray!!” napatingin ako kay Jigs na nakatingin naman kay Sara, “bakit mo ko

kinurot?? Nagtatanong lang naman ako eh!! Ngayon lang kaya siya ulit lumapit satin dito ng lunch!”

“Kenj sumabay ka na kela Lucas at Athena sa pag bili ng pagkain.”

Napatingin sa akin si Kenji tapos ng grin siya. AISH!! Ayan na naman siya! Nakakapikon talaga yung ngiting yun! Tss. Wag niya akong mamaliitin! Kaya ko siyang labanan ngayon!

“Tara na Lucas.” Hinila ko siya para hinde na sumama sa amin si Kenji

“Teka lang!!” napahinto kami sa paglalakad, “dun ako bibili eh.” tumuro siya sa kabilang side nung canteen.

“Ganun? Sige.. sasamahan na lang muna kita bumili..” nag lakad kami papunta sa kabilang side ng

canteen at nakasalubong namin si Kenji

Ngumiti na naman siya tapos sumabay sa amin sa paglalakad. Talaga naman!! MY God.

Habang tumitingin si Lucas ng kakainin narinig at naramdaman ko ng kumulo yung tiyan ko. Aish. Bakit ngayon pa!

Hinawakan ko yung tiyan ko, “Konting tiis na lang..”

“Gutom ka na ba? Dapat kasi hinde mo na ko sinamahan dito eh. Wala ka bang napili dito??” umiling

ako, “pano yan?? Meron pang 2 sa harapan ko?”

“Ok lang.. iintayin na lang kita.”

“Tara. Samahan na kita dun.”

“Ayan sasamahan ka na daw ni Kenji.”

Tumingin ako kay Kenji. Aish. Ayan na naman. Ngumiti na naman siya! hinila na niya ako paalis ng

pilatapos nagpunta sa kabilang side ng canteen. Hinde ko alam kung bakit wala akong napili dun sa

binibilhan ni Lucas! Eh madalas naman dun din ako kumakain. Bakit ba kasi ngayon pa ko nag crave ng pasta eh.

“Sige na iwanan mo na ko. Kaya ko naman mag isa eh. Bumili ka na ng kakainin mo.”

“Kaya mag isa? Eh kanina lang magkasama tayo halos binabangga mo na lahat ng tao eh.”

Binabangga!? May nababangga pala ako kanina. Pero wala naman akong maramdaman nun! Pati ano

naman kung nakakabangga ako kanina? Tss. Paki alam niya ba!!

“Ano naman?!”

“Baka matapon pa yung pagkain mo! saying naman. Pati kawawa yung matatapunan.”

“Kenji. Look. TWO months na akong ganito. MAG ISANG bumibili ng pagkain ko. So ibig sabihin, sanay na ko ngayon na ganito set up. O kaya si Lucas ang kasama ko.”

Napayuko si Kenji. Masyado atang masakit yung nasabi ko. Tss. Mas masakit kaya yung ginawa niya!!

Bakit ako maaawa?! Sino ba siya?? Ok fine. Si Lucas nakakasama ko sa pagbilibili ko. Ayoko lang masanay ulit na siya yung makakasama ko. Ayoko ng umasa pa ulit.

Bumalik na ako sa may lamesa namin tapos umupo sa tabi ni Lucas. Nung nakabalik na si Kenji

napatingin siya sa akin tapos sinesenyasan niya ako na umusog. Aba! Boss ba siya?? Sino siya para

utusan ako ng ganun!

Hinde ko siya pinansin at patuloy lang sa pag kain ko.

“Kenji hinde ka ba uupo?” tinanong siya ni Jigs. “Dito na ka oh.” Umusog si Jigs sa may kaliwa niya.

Kung minamalas ka nga naman. Nakatapat ko pa tuloy siya. Hinde ko na lang sya pinansin at pinag

patuloy yung pag kain ko. Maya maya naramdaman kong may tumapak ng paa ko. Nung tumingin ako

kay Kenji naka yuko lang siya, kumakain na parang walang nangyari.

Hinde ko na yun pinansin kaya pinag patuloy ko yung pag kain ko. Maya maya naulit na naman yung pag tapak niya sa paa ko.

“YA!!!” tumayo ako tapos tiningnan siya ng masama. “WTF is wrong with you???”

Nagtinginan silang lahat sa akin pati na rin yung mga tao na katabing table namin. Napapikit na lang ako tapos umupo ulit. Pinapahiya ko pa pati sarili ko para sa kanya amp! Hinde niya bang naiisip na dapat iniiwasan niya ako ngayon?? Bakit ba siya nanggugulo pa!!

“Wae geu rae?” tanong naman sakin ni Sara, “moo soon iliya??” *what’s up?; What‘s the matter?+

I shook my head then continued eating my food. Nag madali akong kumain para maka-alis na ako sa

harap ng hayop na yan. Saktong pagtapos na pagtapos ko tumayo ako at kinuha ko na yung bag ko

“Mauna na ko sa inyo!” nag wave na ako tapos nag madaling maglakad palabas ng canteen.

Napatigil ako sa pag lalakad ko tapos napaisip. “Teka. Bakit ako yung kelangan umalis?! Siya yung

matagal na nawala dapat siya yung umalis! Pero… Ako naman talaga yung singit dun eh..” napayuko ako tapos nag lakad ulit, “Nakakaasar talaga.”

“Ang tindi pala nung epekto sayo nung pag bbreak natin noh? Kinakausap mo na ngayon yung sarili

mo.. Tsktsk..” Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Kenji nakangiti sakin. “Tara samahan mo muna ko.”

Hinila niya ako papunta sa may faculty room tapos dumeretso kami sa table ni Miss Cena, yung adviser namin.

“Yes Mr. Delos Reyes?”

Humawak si Kenji sa may stomach niya, “Miss Cena ang sakit sakit na ng tiyan ko. Kanina pa ko

sumusuka.. Sabi sa akin ni Mommy pag hinde ko na raw kaya mag paalam daw ako sa inyo para umuwi

na, tatawagan ka na lang daw niya o kaya ni Kendi..”

“Okay. You may go home now. I’ll just inform your teachers about your situation.”

Sinama niya ako dito sa faculty para ipakita niya sa akin acting skills niya? Tss. Ano namang paki alam ko!

I can do that too!!

“Thank you miss.” nag smile si Kenji tapos humarap sa akin

Napatingin naman sa akin si Miss Cena, “Do you need anything Miss Dizon?”

“Huh?” napatingin ako sa kanya, “Oh, that, Kenji drag--”

“MISS! She’s Juliet right? That’s why she will accompany me!” biglang singit ni Kenji

Napasmile bigla si Miss Cena, “Right. What’s Romeo without his Juliet.”

“But Miss--”

“EXACTLY! THANKS MISS!! YOURE THE BEST!” singit ulit ni Kenji

“Get well soon, okay?” tapos nag smile si miss

“Pero Miss hinde--” while doing that ‘hinde’ hand gestures.

“I WILL! BYE MISS!” tapos hinila ako ni Kenji palabas ng faculty room.

Hinde niya parin binibitawan yung kamay ko at hinde pa rin siya tumitigil sa pag hila sa akin hanggang sa makalabas kami ng school.

Ano ba tong problema niya?!?! Bakit kelangan ako pa isama niya ha? Pwede namang si Kirby o si Jigs o si Lucas! Pati may girlfriend siya! Bakit hinde yun yung isama niya?? Bakit kelangan ako pa?!

“Bitawan mo nga ako!! Ano na naman bang problema mo?? Kung ayaw mong pumasok pwes, wag

kang mandamay! Hinde ako kautlad mo noh!” binitawan na niya yung kamay ko tapos ngumiti sa akin.

“Eh bakit sumama ka sa akin??”

Sumama!? Ako?? Sumama sa kanya?! My God! May sakit na ba siyang limot?!

“Sinong sumama sayo?! Hinila mo kaya ako dito! Teka san ba tayo pupunta?”

“Mag de-date.”

“Date lang pala eh. Bakit hinde mo sinabi sa akin ng maag-- DATE?!”

Chapter FORTY TWO

Gaya ng sinabi niya sa adviser namin pinatawag niya yung mom niya sa school at pinasabing nasa bahay na siya nag papahinga. Tss. Sinabi niya kasi sa mom niya na kasama niya ako. Takot din ata sa kanya yung mom niya gaya nung ibang tao. Pfft.

Ewan ko ba. Bakit biglang ganito yung takbo ng isip ni Kenji ngayon.. Pagtapos ng lahat ng nangyari akala niya ganun ganun na lang? Akala niya siguro walang nasaktan. Hinde ko alam kung bakit parang naaasar ako sa kinikilos niya. Imbis na matuwa, naaasar ako. Kung tutuusin dapat masaya ako dahil bumabalik na siya sa dati niyang ugali sa akin.. Pero bakit parang may mali parin? Hinayaan ko siyang dalhin ako kung saan saan, pumayag ako sa sinasabi niyang date.. Pero bakit parang hinde ako ganun kasaya? Bakit si Lucas yung naiisip ko ngayon? Bakit parang bumaligtad yung mundo ko?

Dinala niya ko sa mall, nanood kami ng movie na ako yung pumili, kumain kami sa choice kong kainan.

Ganito si Lucas sa akin, halos tuwing Friday lumalabas kami, mall, movie, foodtrip, arcade kaya feeling ko tuloy siya si Lucas. Kaya lang siyempre etong kasama ko akala mo diyos! Laging nakasigaw, kung ngumiti parang akala mo laging may masamang balak, tapos pipilitin ka kahit na ayaw mo psh. Hinde nga siya si Lucas.

“Ano bang naisipan mo at ako yung napili mong sumama sayo maglakwatsa?”

“Anong lakwatsa? Date to.” ngumiti siya sa akin. Pinapakita na naman niya siguro sa akin yung ‘killer smile’ niya. Hinde na effective yan. “wala lang.. sinabi ko naman sayo kagabi diba? Bago natin ibaba yung phone..”

“Ahh. Namimiss mo ko? Gusto mo akong makita?” tapos tumingin na ako sa nilalakaran ko

“Ano ba!!! Hinde mo naman kelangan ulitin yung sinabi ko kagabi eh!!!”

“Hinde mo kelangan maexcite ng ganyan.” Alam kong may feelings parin ako sa kanya.. Pero.. Bakit

ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang hinde ako kuntento? Bakit parang may gusto pa akong

mapatunayan? May gusto pa akong malaman..

“Athena.. Bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina ka pa sa school eh! Tinatabla mo ako, tinataboy mo ko, halos kulang na lang sumuka ka sa tapat ko eh. Nandidiri ka ba sa akin?” Pero bakit.. parang ako yung may mali? Way ko lang ba to para umiwas sa pwedeng mangyari ulit? Para hinde na ulit ako masaktan..?

“O nga pala. Kamusta na kayo ni Abigail?” I changed the topic, “Ano ba gusto mo itawag ko sa kanya?

Athena? Sige, let me rephrase it. Asan si Athena?”

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin, “Bakit?.. Ang ibig kong sabihin bakit mo siya

hinahanap?”

“Wala lang.. Baka kasi may makakita sa atin ngayon baka kung ano pa isipin nila tapos malaman pa

nung girlfriend mo.”

“Ah.. Nasa bahay siya ng lola niya ngayon. Wag mo ng isipin yun.. Wala namang mag susumbong satin

eh. Kung may magsusumbong edi magsumbong sila.” tapos ngumiti siya. Kung ngumiti siya napaka

careless eh. Akala niya walang nasasaktan sa mga ngiti niyang yun. Ang hinde niya alam bawat ngiti niya may mga taong nasasaktan, kahit siguro siya bawat ngiting ginagawa niya minsan nasasaktan siya.

Nilagay niya yung kamay niya sa may balikat ko pero pilit ko tong tinatanggal. Bawat tanggal ko ilalagay niya uli, paulit ulit lang yung proseso namin. Nakakaasar pero sa dulo ako rin yung sumuko dahil

nangawit na yung kamay ko kakatanggal. Siyempre hinde niya na naman nakalimutan bigyan ako ng

isang evil smile.

“Ano na kayang ginagawa ni Lucas ngayon..?” Bigla kong nasabi.

Bakit ba bigla bigla ko na lang naiisip si Lucas lately? Napapadalas eh. Lucas na lang ako ng Lucas. Kahit na si Kenji na yung kasama ko ngayon, si Lucas parin naiisip ko.. Tama nga kaya si Carlo? O baka naman kasi napadalas lang talaga yung pag hahang out naming dalawa.. Per hinde naman imposibleng hinde ko siya magustuhan eh.. Sa totoo lang nasa sa kanya na lahat ng gusto ko sa iisang lalaki. Kaya hinde imposibleng hinde ko siya magustuhan..

“Anong oras na ba?” kinuha niya yung cellphone niya kanyang bulsa at tiningnan yung oras, “Siguro

kasama niya si Kerb nag dodota. Bakit mo naman natanong?”

“Ha? Ahh.. Wala lang. bigla ko lang nasabi yun eh.” sabay kuha ko sa cellphone ko. “text ko kaya siya..

Ano namang sasabihin ko..?”

“May sinasabi ka ba?” umiling ako sa tanong ni Kenji

Nag dodota siya ngayon.. Naalala ko na naman yung ginawa niya dati. Nung time na umalis ako kasama ng iba naming classmates tapos siya naman niyaya nung Marymount friends niyang mag dota. Dahil may kanya-kanya kaming lakad kelangan naming mag hiwalay. Hinde namang pupwedeng tumanggi kami sa

invites since minsan lang naman yun. Nung nasa may Central kami nung classmates namin magkatext

kaming dalawa ni Lucas, nagsasabihan kami ng kung ano na yung ginagawa namin.

Nung bigla kong sinabi sa kanyang ‘sana nandito ka.’ hinde na siya nag reply. Hinde ko naman inisip na nailang siya or whatever, basta ang naisip ko lang is baka nag lalaro na ulit siya. After 30 minutes biglang nakita ko na lang siya sa may entrance ng Central mukhang may hinahanap. Hinga pa siya ng hinga nun, para siyang tumakbo papunta sa Central..

“Athena diba si Lucas yun??” sabi sa akin ni Jam

“O nga noh.. Teka tatawagin ko nga.” tumayo si Jhana “LUCAS! DITO!”

Sigaw ni Jhana habang kumakaway pa. Napalingon si Lucas sa may left side at hinahanap niya yung

boses ni Jhana. Nung nakita na ni Lucas si Jhana napangiti siya tapos nag lakad papunta sa may table namin

Patuloy pa rin sa pag hinga ng malalim si Lucas habang nakangiti at nakahawak sa may dibdib niya. Pawis na pawis siya tapos mukha talaga siyang pagod kakatakbo. Tumayo ako tapos pinunasan ko yung pawis

niya gamit yung panyo ko. Kinuha niya sa akin yung panyo at siya na yung nag punas sa mukha niya.

“Umupo kaya kayong dalawa!” sabi sa amin ni Kriska

Lumipat ng upuan si Jhana sa tabi ni Rachel at Kriska. Si Jam naman umusog dun sa kinauupuan kanina ni Jhana, umusog rin ako sa tabi ni Jam para makaupo si Lucas sa tabi ko.

“Ano bang nangyari sayo? Bakit pagod na pagod ka? Pawis ka pa!”

“Uminom ka na muna Lucas bago ka sumagot.” inabot ni Rachel yung baso ng tubig na hiningi niya. “cr lang muna kaming tatlo ha?”

Tumayo na sila at nag punta na ng cr. Ininom na ni Lucas yung baso ng tubig at naubos niya kaagad ito.

Uhaw? Haha.

“Ok ka na ba?” tumango siya habang nakahawak pa rin sa chest niya, “ano ba kasing nangyari?”

Ngumiti siya sa akin at mukhang handa na siyang sagutin yung tanong ko. “Tumakbo kasi ako papunta

dito. Nagmadali ako masyado.”

Hinapas ko siya sa may ulo, “Ya! Michunya?” *Are you crazy?+

“Aray! Hinde ko naintindihan yung sinabi mo!”

“Bakit ka tumakbo papunta dito?! Diba nasa Gamers ka??”

“Dahil kasi dito.” kinuha niya yung cellphone niya sa kanyang bulsa tapos nakita kong nagpunta siya sa Messages. Tapos pinakita niya sa akin yung cellphone niya

From: Athena YA!!!

Haaaay.. Sana nandito ka.. T_T

May YA!!! Parin yung pangalan ko sa phonebook niya. Lagi raw kasi akong ya ng ya! Tss. Walang araw daw kasing lumipas na hinde ako nag-ya.

“Bakit mo pa pinabasa sa akin yan!!!” sabay talikod, “pati hinde mo naman kelangan pumunta dito eh!

Baka mamaya kung ano pa sabihin nung mga kaibigan mo sakin!”

Tumalikod ako kasi hinde ko mapigilan yung pag ngiti ko. Bakit parang kinilig ako dun? Pumunta siya dito dahil lang sinabi kong ‘sana nandito ka’. Ang weird masyado nung feeling. Ano ba to. Ayaw parin tumigil nung bibig ko sa pag ngiti!

“Nabasa rin kasi nila yung message mo.. Sabi nila bakit daw hinde kita puntahan. Ok lang naman daw sa kanila.” huminto siya sa pagsasalita. tsss. Friends niya pala yung nagsabing pumunta siya dito. “naisip ko na ‘oo nga bakit hinde kita puntahan.’ kaya ayun, tumayo ako tapos tumakbo papunta dito.”

Humarap na ako sa may table tapos uminom ng tubig, “eh bakit pumunta ka pa kasi. Ok lang naman

sakin kahit na mag dota ka eh.”

“Ano ka ba. Mas mahalaga ka naman sa dota noh.”

“Mas mahalaga ka naman sa dota noh..” pabulong kong sinabi. Hinde ko na naman mapigilan yung pag

ngiti ko. This time nakita niyang nakangiti ako.

“YUN! Ngumiti ka rin!!!” tapos kinurot niya ng mahina yung pisngi ko

“Bakit umiiling ka na naman? May problema ka ba?”

Nagising na naman ako sa katotohanan. Si Kenji kasama ko, hinde si Lucas. Pero ang isip pati ung puso ko na kay Lucas ngayon..

“Puntahan natin sila Kirby.” napaharap ako kay Kenji, “itanong mo kung nasaan sila ngayon. Kung gusto mo pa akong makasama sabihin mo dun tayo sa inyo!! Pero kung ayaw mo na ko makasama pwede mo

na kong iwanan sa kanila.”

Masyado akong matalino para kay Kenji.

“Nasa PG sila ngayon. Anong iiwan sa kanila? Sasama ka sakin sa bahay. Naghanda ng dinner si

Mommy dahil alam niya iuuwi kita sa bahay ngayong dinner.” Ok maybe not. “pero papapuntahin ko na

rin sila dun. Para kumpleto tayo.”

Nagsmile ako tapos nag nod sa kanya dahil sa plano niya, “Sige, I like that idea.”

Umuwi na kami sa bahay nila Kenji. Bahay nila, meaning dun sa isang bahay hinde sa bahay na tinitirhan niya ngayon. Sinalubong kami ng mom niya, siguro kakauwi lang niya galing abroad na naman.

Sa may living room nila kami nagstay. Yung mom ni Kenji kinuha kami ng makakain pati maiinom.

Nagikot ikot ako para tingnan yung mga pictures na nakadisplay doon. Nakita ko na lang bigla yung

mukha ko dun, binalikan ko yung picture frame na yun tapos kinuha ko. Tiningnan ko ng mabuti kung

saan nila to nakuha.

Ako pati si Kenji naka uniform kaming dalawa, nakatingin tingala ako tapos naka tingin sa sky tapos naka smile, si Kenji naman nakaakbay tapos naka tingin sa akin habang naka smile..

Hinde ko matandaan kung kelan to at kung sino yung kumuha nung picture. Parang ang galing naman

masyado nung pag capture niya dahil mapapansin mong ang saya nung moment na yun eh.

“Hinde ko alam kung san galing yang picture na yan. Nakita ko na lang yan bigla dito. Galing noh?”

Nagnod ako, “Yeah.. We looked so happy.. And… in love.”

Umupo ako sa may sofa habang hawak hawak ko yung picture. Hinde pa rin ako makapaniwala na ganito

ako nung kami ni Kenji. Ang weird din ngayon dahil kanina lang halos asar na asar ako sa ginawa niya pero ngayon parang naging magaan yung feeling ko pero may part sa heart ko na biglang sumakit.

Sadness, maybe?

“Namimiss mo noh?” he joked.

“Mm-hm.” pinunasan ko yung glass nung picture frame, “those were the days.. May masaya pa pala

tayong memory. Akala ko kasi puro.. Alam mo na.”

“Hinde ka ba masaya nung tayo?” napatingin ako sa kanya tapos ang seryoso ng mukha niya, “Hinde?

Hinde mo rin ba maalala yung happy moments natin?”

“Nope. As far as I can remember, puro away at sigawa lang ginawa natin. You never told me that you love me.” pabiro kong sinabi ko habang nakatingin sa picture

“Sinabi ko kaya..” sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko

“When? Ahh. Oo nga pala. The day that I confessed my love for you. That was the very first time I’ve ever confessed to a guy. Of course, you being Kenji, gave me the most disappointing answer. I can’t breathe.” tumingin ako sa kanya tapos nag smile, “Well, I understand naman since the main purpose of us being together was for me to help you get back with Abigail. Congrats. You succeeded, You won.”

Hinawakan niya bigla yung kamay ko, naaawa na ba siya sa akin? Wala namang dapat ikaawa eh. “Hinde ganun yun. Ano ka ba. Sinabi ko sayo yun ilang beses.. Nung birthday nila Jigs at Grace.. sinabi ko diba?

Pati hinde rin naman mahalaga kung sabihin ko yun o hinde diba? Kasi ginawa ko naman, pinapakita ko yun sayo diba..”

“So was leaving me all of a sudden part of it too?” nagulat siya sa sinabi ko, “It was, wasn’t it? Well then, wow. I’m so touched.”

“Hinde na ba ako pwedeng bumawi?” bigla niya akong niyakap, “hinde na ba? Wala na ba talaga?”

Sumobra ata yung joke ko. “Kenji ano ba.. Nagbibiro lang ako. Ok na lahat sa akin. Wag ka namang

ganyan.. Baka mamaya kung ano pa isipin nila dito. Ayoko rin maging unfair ka kay Abi.”

“I’m back~” biglang akong tinulak ni Kenji kaya napahiga ako bigla sa may sofa.

Nung nakaupo na ako ng maayos nakita kong ang layo na bigla sa akin ni Kenji. Tapos nag smile siya sa akin. Napatingin ako sa mom niya tapos nag smile ako sa kanya.. Weird na smile. Tapos tiningnan ko ng masama si Kenji. Narinig kong nag giggle yung mom niya.

“Just continue what you’re doing.. Don’t mind me. ididn’t see anything.”

“Ma, bakit ba bigla bigla kang sumusulpot?” she just stuck her tongue out then umupo siya sa may

right side ko.

“Athena! Matagal na kitang gusto makita, sabi ko kay Kenji dalhin ka niya dito pero sinasabi niyang busy ka raw!”

Napatingin ako kay Kenji, “Ah.. Busy nga po ako recently.. Sorry po..” tapos humarap ulit ako kay tita at nag smile

“Nung Christmas vacation sabi ko dalhin ka niya sabi naman niya nasa bahay ka ng tito mo.”

“Ahh.. Oo nga po. Pinapunta po kasi kami dun ng kapatid ko eh.”

Bakit ang daming excuse ni Kenji?? Ganun niya ba ako ayaw na makita nung time na yun?? Tapos biglang dadalhin niya ako dito sa bahay nila? Ang gulo niya, ang labo niya.

Look who's talkng. Parang alam sa amin na wala na kami ah.

“Totoo rin bang sinabi mong ayaw mo kong bisitahin nun? Ayaw mo raw kasi akong makita nun dahil

raw alam mong kukulitin kita..” biglang nalungkot yung mom niya

“HINDE PO UN TOTOO!!!” sabi ko, may hand gesture pa! “Hinde naman po kasi sinabi sa akin ni Kenji

yun eh..”

Kenji.. Tapos tiningnan ko ng masama si Kenji. Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin tapos kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya

“Paps bat ang tagal niyo?!” tumayo siya at umalis sa may living room

Etong hayop na to! Kung anu-ano pinag sasasabi sa nanay niya! Puro kasinungalingan naman! Bakit ba kasi hinde niya na lang sabihin na break na kami at iba na yung girlfriend niya?? Nag mumukha pa akong masama sa pamilya niya eh! Pano na lang kung nakarating yun kay Ate Kendi?? Ano na lang sasabihin

nun sa akin? Pagkatapos niyang sabihing boto siya sa akin ganun lang pala magiging ugali ko sa nanay niya. Omg!

Other books

Zeck by Khloe Wren
Surfacing by Margaret Atwood
Guns Will Keep Us Together by Leslie Langtry
Six Months Later by Natalie D. Richards
Still Life in Brunswick Stew by Larissa Reinhart
Flying On Instinct by L. D. Cross
Love Me Or Leave Me by Claudia Carroll