Noli Me Tangere (13 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

TALABABA:

[147] Hiyas na pinacasingsíng sa camau-o.

[148] Libritong ganito ang pan~galan.--"Pangligtas sa sacunà."

[149] Isáng halamang ang caraniwang bulaclac ay puláng-pulá.

[150] Mahinhin ó mahinang han~gin.

[151] Ipinan~gun~gusap n~g "ada".--Isáng hiwagang babaeng may cahimahimalang m~ga capangyarihan, anáng m~ga di binyagan.

[152] Unawaing hindî tinatawag ni Rizal na Inang Bayan, cung dî Inang España, dalawang pan~galang totoong nan~gagcacaiba.

[153] Isáng malaki't mataas na cahoy, matibay at macúnat. Ang tawag sa bun~ga n~g cahoy na ito'y "hayuco".--Aya, ang pagbasa.

[154] Cahoy na masan~gá, may m~ga n~gipin-n~gipín ang m~ga dahon. "Bellota" ang tawag sa bun~ga n~g cahoy na itó.

[155] Ibong mainam humuni. Sa Europa'y marami n~g ibong itó.

[156] Tubig na tumítigas na halos parang bató dahil sa totoong calamigàn.

[157] Alamo: cahoy na tumataas n~g mainam: may tatlóng bagay na álamo: ang álamong putî na ang m~ga daho'y verde ang isang mukhâ at ang cabiláng mukha'y putîan--Ang álamong itím, na verde ang magcabicabilà n~g dahon.--At ang "amo altemblón" na ang m~ga daho'y waláng tiguil n~g paggaláw.

[158] Isá sa magagandáng diosa.

[159] Casaysayan n~g m~ga kinikilalang m~ga Dios n~g m~ga dî binyagan.

=VIII.=

=MANGA ALAALA=

Pinagdaraanan n~g coche ni Ibarra ang bahagui n~g lálong masayáng nayon n~g Maynilà; ang nacapagbíbigay pangláw sa canyá n~g gabíng nagdaan, sa liwanag n~g araw ay nacapagpapan~gitî sa canyá cahi't sìyá'y áayaw.

Ang casayahang hindî naglílicat sa lahát n~g panig, ang lúbháng maraming cocheng nagpaparoo't paritong sacdal n~g tutulin, ang m~ga carromata, ang m~ga calesa, ang m~ga europeo, ang m~ga insíc, ang m~ga dalisay na tagarito, na bawa't isá'y may canícanyang sariling pananamit, ang m~ga naglalacô n~g m~ga bun~gang-cahoy at halaman, m~ga corredor[160], hubád na cargador[161], m~ga tindá n~g m~ga cacanín, m~ga fonda[162], m~ga restaurant[163], m~ga tindahan, sampô n~g m~ga carretóng híla n~g m~ga mápagpaumanhin at waláng damdaming calabáw na tila mandín naglílibang sa paghìla n~g m~ga "bulto" samantalang naglilíninglining, ang lahát n~g ín~gay at calugcóg, pati n~g araw, isáng amó'y na tán~gì, ang sarisaring m~ga culay, pawang pumupucaw sa canyáng alaala n~g isáng daigdig na nagugupiling na m~ga gunità.

Walâ pang latag na m~ga bató ang m~ga daang iyón. Dalawâng araw lamang sunód na uminít, ang m~ga daa'y naguiguíng alabóc n~g tumátakip sa lahát, nag-papaubò at bumubulag sa m~ga naglálacad: isáng araw lamang umulán ay naguiguing láwà na, ano pa't cung gabí ay naaanino roon ang m~ga farol n~g m~ga coche at tumítilamsic buhát sa limáng metrong layò sa m~ga naglálacad sa m~ga makikipot na m~ga acera. ¡Gaano caraming m~ga babae ang nan~gag-iwan sa m~ga along putic na iyón n~g caniláng m~ga chinelas na bordado! Pagcacágayo'y nan~gapapanood na pìnípison ang m~ga daan n~g hanáyhanáy na m~ga presidiarong ahit ang ulo, na ang m~ga mangás n~g baro'y maíiclî at tòcong ang salawál na may m~ga número at may m~ga letrang azul, sa m~ga binti'y may m~ga tanicaláng halos nababalot n~g maruruming m~ga basahan upang huwag na totoong macasakít ang pagkiskís ó ang lamig marahil n~g bacal; dalawa't dalawá ang pagcacácabit, m~ga sanág sa araw, m~ga hapóng-hapô sa init at sa pagod, pinapagmámadalî at silá'y hináhampas n~g pamalò n~g isáng presidiario ring marahil nagcácámit casayahan, sa pagca't sa ganáng canyá nama'y nacapagpapahirap sa m~ga cawan~gis din niyáng presidiario. Matatangcád silá, madidilím ang pagmumukháng cailán ma'y hindî námasdang lumiliwanag sa pagsilang n~g isáng n~gitî; numíningning, gayón man ang caniláng m~ga balingtataó, pagccâ dumarapò sa caniláng m~ga balicat ang humahaguing na pamálò, ó pagcâ hinahaguisan silá n~g isáng naglálácad n~g upós n~g isáng tabacong basâ-basâ at nacácalas na, dinárampot ang upós n~g lalong nálalapit at itinatagò sa canyáng salacót: ang m~ga ibá'y minámasdan ang m~ga nagdaraan n~g pagtin~gíng cacaibá. Warî'y náririn~gíg pa niyá ang caniláng cain~gayang guinágawâ sa pagduduróg n~g batóng itatabon sa m~ga lubác at ang nacalálaguim na calansíng n~g mabibigát na m~ga tanicalâ sa namámagà na niláng m~ga bucóng-búcong. Kinikilabutan si Ibarra cung naaalaala niyá ang isáng nangyaring sumugat sa canyáng pag-iisip-musmós; niyó'y catánghalian at ibinábagsac n~g araw sa lúpà ang canyáng lalong maiinit na m~ga sínag. Sa lílim n~g isáng carretóng cahoy nacabulagtâ ang isá sa m~ga táong iyón, waláng malay táo, bucás n~g cauntî ang m~ga matá; pinagbubuti naman n~g dalawáng presidiario rin ang isáng hihigáng cawayan, waláng galit, waláng pighatî, waláng yamót, anó pa't waláng pinag-ibhán sa sinasabing caugalia't anyô n~g dalisay na m~ga tagarito. "N~gayó'y icáw, búcas nama'y camí," marahil siyáng sinasabi sa canícanilá. Hindî pinápansin n~g m~ga táong nagdudumaling dumaraan ang bagay na iyón; nagdaraan ang m~ga babae, tinítingnan silá at nan~gagpapatuloy n~g paglacad, caraniwan n~g mapanood ang m~ga bagay na yaón, linipacán na ang m~ga púsò; nan~gagtatácbuhan ang m~ga coche, ipinaaanino sa caniláng catawáng may barniz ang m~ga sínag n~g araw na iyóng maningníng sa isáng lan~git na waláng alapaap; sa canyá lamang, batang may labíng isáng taón at bágong carárating na galing sa canyáng bayan, nacalálaguim ang napapanood na iyón; sa canyá lamang nacapagbigáy ban~gun~got n~g kinágabihan.

Walâ na ang mabaít at may wagás na puring "Puente de Barcas," yaóng tuláy filipinong-mabaít na nagsusumakit maglingcód, bagá man tagláy niya ang catutubong m~ga capintasang tumataas at bumábabâ alinsunod sa maibigan n~g ilog Pasig na dî miminsang nagpahirap at gumibâ sa tuláy na iyon.

Hindî lumálagô ang m~ga talisay sa plaza n~g San Gabriel; nananatili silá sa pagcacúyagutin.

Sa ganáng canya'y nagbawas ang gandá n~g Escolta, bagá man n~gayó'y may isáng malaking bahay na may m~ga "cariatide"[164] sa dating kinatatayuan n~g m~ga lumang camalig. Tinakhán niyá ang bagong "Puente de España"[165]; nan~gagpaalaala sa canyá n~g m~ga maguiguináw na umaga, cung doo'y dumaraang namamangcâ siláng patun~gó sa m~ga paliguan sa Ulì-ulì, ang m~ga bahay na na sa pangpáng na dacong canan n~g ílog, na napapag-itanan n~g m~ga cawayanan at m~ga punong cahoy, doon sa wacás n~g Escolta at pasimulâ n~g Isla del Romero.

Nasasalubong niyá ang maraming m~ga cocheng hinihila n~g m~ga maiinam na m~ga cabayong maliliít, lulan n~g m~ga coche ang m~ga empleadong nacacatucatulog pa marahil ay pumapatun~go na sa caniláng m~ga oficina; m~ga militar, m~ga insíc na may anyóng hambóg at catawatawá ang pagcacaupô; m~ga fraileng hindî maimikin, m~ga canónigo at iba pa. Tila mandin canyáng namataan sa isáng marikit na "victoria"[166] si párì Dámasong mabalasíc ang mukhá't cunót ang m~ga kílay; n~guni't siyá'y nacaraan na at n~gayo'y masayáng bumabati sa canyá, búhat sa canyáng carretela[167] si Capitan Tinong na casacáy ang canyáng asawâ't dalawáng m~ga anác na babae.

N~g macababâ na n~g tuláy, tumacbó ang m~ga cabayo't tinun~go ang paseo n~g Sabána[168]. Sa caliwa'y ang fábrica n~g tabaco sa Arroceros, na pinanggagalin~gan n~g malakíng úgong na guinágawa n~g m~ga cigarrera sa pagpucpóc n~g m~ga dahon n~g tabaco. Napan~gitî si Ibarra, sa pagca alaala n~g masangsáng na amóy na iyóng sa tuwíng icalimáng oras n~g hapo'y lumalaganap sa tuláy n~g Barcas at humihilo sa canyá n~g panahóng siyá'y musmós pa. Ang masasayáng m~ga salitâan, ang m~ga catatawanan ang siyáng cahi't hindî niyá sinasadya'y nacapaghatíd sa canyáng guníguní sa nayon n~g Lavapiés, sa Madrid, sampô n~g doo'y m~ga pangliligalig n~g m~ga cigarrera, na totoong nacacapahamac sa sawíng palad na m~ga "guindilla"[169] at iba pà.

Ipinagtabuyan, ang canyáng caayaayang m~ga naaalaala n~g Jardín Botánico[170]; iniharáp sa canyáng pag-iísip ang demonio n~g m~ga pagsusumagsumag; ang m~ga Jardín Botánico sa Europa, sa m~ga lupaing nan~gagcacailan~gan n~g malacás na calooban at saganang guintô upang mapasibol ang isáng dahon at mapabucás ang isáng bulaclác; hindî lamang doon, cung dî sa m~ga "colonia" man ay may mabubuti ang alagà at m~ga mahahalagáng Jardín Botánicong bucás na lagui sa sino mang ibig manood. Inihiwaláy doón ni Ibarra ang canyáng m~ga matá at inilin~gap niyá sa dacong canan, at doo'y canyáng nakita ang matandáng Maynilàng naliliguid n~g m~ga cútà at m~ga bangbáng, tulad sa isáng dalagang culang sa dugô, na nababalot n~g isáng pananamit n~g canyáng nunong babae n~g panahong itó'y sumasacagarâan.

¡Natanawan niyá ang dagat na hindî maabot n~g tanáw ang guilid na lubháng maláyò!...

--¡Na sa cabiláng ibayo ang Europa!--ang inisip n~g binatà! ¡Ang Europang may magagandáng m~ga nacióng hindî nan~gaglílicat n~g pagsusumicap sa paghanap n~g caligayahán, nagsisipanaguinip pagcacaumaga at nan~gagdáramdam cabiguan sa towíng lumúlubog ang araw ... lumiligaya sa guitnâ n~g canyáng m~ga capahamacán! ¡Tunay n~gâ, sa cabilang ibayo n~g dagat na dî maulata'y nan~garoroon ang m~ga nacióng mapagmahal sa espíritu, at bagá man hindî nilá minámasamâ ang catawán, lálò pa mandíng mápagmahal sa espíritu cay sa m~ga nagpapanggáp na lubháng umiirog sa espíritu.

N~guni't nan~gagsitacas ang canyáng m~ga pagdidilidiling itó n~g canyáng makita ang muntíng bundúc-bunducan sa capatagan n~g Bagumbayan. Ang namûmucod na bundúc-bunducan sa isáng tabí n~g paseo n~g Luneta ang siyá n~g yóng umaakit sa canyáng ísip at siyáng sa canyá'y nagpapagunamgunam.

Canyáng guinugunitâ ang táong nagbucás n~g canyáng pag-íisip at nagpakilala sa canyá, n~g magalíng at n~g nasacatuwiran. Tunay n~ga't cácauntî ang m~ga caisipáng sa canyá'y iniaral, n~guni't hindî ang m~ga waláng cabuluháng pag-ulit lamang n~g m~ga sinabi n~g ibá; pawang m~ga caisipáng galing sa pananalig na hindî nan~gagculabô sa liwanag n~g lalong matitindíng ílaw n~g dakilang pagsulong. Ang táong yaó'y isáng matandáng sacerdote, ang m~ga pan~gun~gusap na sa canyá'y sinabi n~g siyá'y pagpaalaman ay umaalin~gawn~gaw pa sa canyáng m~ga tain~ga: "Huwág mong calimutang bagá man pag-aarì n~g sangcataohan ang carunun~gan, "minamana lamang ang carunun~gang iyán n~g m~ga táong may púsò,?--ang paalaala niyá.--"Pinagsicapan cong ilipat sa iyo ang aking tinanggáp sa aking m~ga maestro; ang cayamanang iyó'y pinagsicapan co namáng dagdagán sa boong abót n~g aking cáya at inililipat co sa m~ga táong humahalili; gayón din ang gágawin mo sa man~gagsisihalili sa iyo, at mapagtátatlong ibayo mo, sa pagcá't icáw ay paparoon sa m~ga lubháng mayayamang lupaín."--At n~gumín~giting idinagdág; "Nan~gagaisiparito silá sa paghanap n~g guintô; ¡man~gagsiparoon namán cayó sa caniláng lupaí't hanapin ninyó roon ang ibáng guintóng ating kinacailan~gan! Alalahanin mo, gayón mang hindî ang lahát n~g cumíkinang ay guintô. Namatáy riyán ang paring iyón."[171]

Sa m~ga gunità niyáng itó'y sumásagot siyá:

--¡Hindî, anó mang caratnan, ang una'y ang kinaguisnang lúpà, ang una'y Filipinas, anác n~g España, ang una'y ang lupaíng castílà. ¡Hindî, ang bagay na iyáng isáng casaliwaang palad ay hindî nacarurun~gis sa Bayang kináguisnan, hindî. Hindî nacahahalina sa canyáng paggugunamgunam ang Ermita, iyáng Fénix[172] na pawid, na mulîng sumisilang sa canyáng m~ga abó sa anyóng m~ga bahay na may m~ga pintáng putî at azul at ang bubóng ay zinc na may pintáng pulá. Hindî nacaaakit sa canyáng pagmamalasmalas ang Maalat, ni ang cuartel n~g caballeríang may m~ga punong cahoy sa tapát, ni ang m~ga tagaroon, ni ang m~ga maliliit na bahay na pawid na may matitibong na bubun~gáng nan~gacúcubli sa m~ga púnò n~g saguing at m~ga bun~ga, na guinagawang tulad sa m~ga pugad n~g bawa't amá n~g isáng mag-anac.

Tulóy ang paggulong n~g coche: nacasasalubong n~g isáng carromatang híla n~g isá ó dalawang cabayo, na napagkikilalang galing lalawigan, dahil sa guarnición at iba pang cagamitáng pawang abacá. Pinagpipilitang makita n~g carromatero ang naglálacbay na nacasacáy sa maningning na coche at nagdaraang hindî nakikipagpalitan n~g cahi't isáng pananalitâ, n~g cahi't isang pakikipagbatîan. Cung minsa'y isáng carretóng híla n~g isáng calabaw na marahan ang lacad at parang waláng anó man ang siyáng nacawawalâ n~g capanglawan n~g maluluang at maalicabóc na m~ga lansan~gang napapaliguan n~g makináng na araw n~g m~ga "trópico"[173]. Nakikisaliw sa malungcót at dî nagbábagong anyô n~g awit n~g namamatnugot na nacasacáy sa calabaw ang matinding calairit n~g tuyóng rueda sa pag-íkit na casama ang kinsékinsé n~g mabigát na carretón; cung minsan nama'y ang malagáslas na tunóg n~g gasgás na m~ga paa n~g isáng paragos, niyáng trineong[174] sa Filipinas ay hinihilang napacabanayad sa ibabaw n~g alabóc ó n~g m~ga lubác sa daan. Sa m~ga capatagan, sa m~ga malilinis na lupang pinaghahalamanan ay nan~gin~ginain ang m~ga hayop na casama n~g m~ga tagác, na payapang nacadapò sa ibabaw n~g m~ga vacang capóng n~gumún~guyâ at linalasa ang m~ga sariwang damó n~g parang, na ipinipikítpikít ang m~ga matá,; sa dacong malayo'y m~ga babaeng cabayong nan~gagdadambahan, nan~gaglulucsuhan at nan~gagtatacbuhang hagad n~g isáng masival na potrong mababà ang buntót at malagô ang kilíng: humahalinghíng ang potro at pinasasambulat ang lúpà n~g canyáng malalacás na m~ga cucó.

Pabayáan nating maglacbáy ang binatang nagdidilidili ó nacacatulog: ang hiwagang malungcót ó masayá n~g catapan~gang hindî nacacaakit n~g canyáng gunamgunam: ang araw na iyóng nagpapapakintab sa m~ga dulo n~g m~ga cahoy at nagpapatacbò sa m~ga tagabukid na nan~gapapasò ang m~ga paa sa nagbabagang lúpà, bagá mán silá'y may panyapác na m~ga lipác; ang araw na iyóng pumipiguil sa isáng babaeng tagabukid sa lilim n~g isáng talisay ó cawayanan, at sa canya'y nagpapaísip n~g m~ga bagaybagay na walang catuturán at dî mapagwarì, ang isip na iyo'y hindi nacalulugod sa ating binatà.

Bumalíc tayo sa Maynilà samantalang gumugulong ang coche't nagpapaguiray-guiray, túlad sa isáng lasíng, sa buról-bùról na lupà, at samantalang tumátawid sa tuláy na cawayan, pumapanhic sa mataríc na ahunín ó bumábabâ sa totoong malalim na lusun~gín.

TALABABA:

[160] Ang namamaguitnâ sa pagbilí, pagbibili, ang nakikialam sa m~ga almoneda at iba pa.

[161] Ang nagpapaupa n~g pagdadalá n~g ano mang bagay na mabigat.

[162] Ang bahay na nagpapacain sa sino mang nagbabayad sa may ari, at ang papatuloy sa bawa't magbayad.

[163] Wicang francés na ang cahuluga'y "fonda:" cacanán at tuluyan. Cung ipan~gusap ay "restorán."

[164] Estátua ó larawang cáhoy, bató, tansô ó bacal na inilalagay na pinacahaligui n~g anó man.

[165] Tuláy n~g España.

[166] Isáng carruajeng ganitó cung tawaguin.

[167] Tinatawag n~g catagalugang "carretela" ang isáng sasacyáng anyóng carretong marami ang lulan, n~guni't mahirap sa sumásacay; dalawá ang gulong at isáng cabayo ang humihila.--Ang tinatawag na carretela n~g m~ga castilà ay isáng mainam na carruajeng apat ang gulóng at dalawang cabayo ang humihila.

Other books

The Ranch by Jane Majic
HUGE X2 by Stephanie Brother
I'm Still Here (Je Suis Là) by Clelie Avit, Lucy Foster
For Camelot's Honor by Sarah Zettel
Lord Scandal by Kalen Hughes
Choose Wisely by Michele V. Mitchell
Why Are We at War? by Norman Mailer