Noli Me Tangere (16 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Cailán mang dumárating sa tain~ga ni párì Salví ang m~ga escándalong[202] itó, siyá'y n~gumín~gitî at nagcucruz at nagdárasal pagcatapos n~g isáng Amá namin; cung tinatawag siyáng "carca"[203], mapagbanalbanalan, "carlistón"[204], masakím, n~gumín~gitî rin si párì Salvì at lalong nagdárasal. Cailán ma'y ipinagbibigay alám n~g alférez sa íilang castilang sa canyá'y dumadalaw ang sumusunod na casabihán:

--¿Paparoon bâ cayó sa convento upang dalawin ang "curita"[205] "Mosca, muerta[206]? ¡Mag-in~gat cayó! Sacali't anyayahan cayóng uminóm n~g chocolate, ¡bagay na aking pinag-aalinlan~ganan!.. n~guni't gayón man, cung cayó'y aanyayahan, cayó'y magmasíd. ¿Tinawag ang alila't sinabing: "Fulanito, gumawâ ca n~g isáng "jícarang"[207] chocolate; ¿eh?"--Cung gayó'y mátira cayóng waláng anó mang agam-agam; n~guni't cung sabihing: "gumawâ ca n~g isáng "jícarang" chocolate, ¿"ah"?"--Pagcâ gayó'y damputin ninyó ang inyóng sombrero at yumao cayóng patacbó.

--¿Bakit?--ang tanóng n~g causap na nagugulat--¿nanglalason pô bâ sa pamamag-itan n~g chocolate? ¡Carambas[208]!

--¡Abá, hindî namán nápacagayón!

--¡At paano, cung gayón?

--Pagca chocolate ¿eh? ang cahuluga'y malapot, at malabnáw pagca chocolate ¿ah?[209]

N~guni't inaacalà naming ito'y bintáng lamang n~g alferez; sapagcá't ang casabiháng ito'y cabalitàang guinagawà rin daw n~g maraming m~ga cura. Ayawán lamang cung ito'y talagáng ugalì na n~g boong capisanan n~g m~ga fraile ...

Upang pahirapan ang cura, ipinagbabawal n~g militar, sa udyóc n~g canyáng asawa, na sino ma'y huwag macagalà pagcatugtóg n~g icasiyam na horas n~g gabi. Sinasabi ni Doña Consolacióng dî umano'y canyang nakita ang cura, na nacabarong pinya at nacasalacót n~g nítò't n~g huwag siyang makilala, na naglíbot na malalim na ang gabí. Nanghíhiganti naman n~g boong cabanalan si Fr. Salví: pagcakita niyang pumapasoc sa simbahan ang alférez, lihim na nag-uutos sa sacristang isará ang lahát n~g m~ga pintò, at nagpapasimulâ n~g pagsesermón hanggáng sa mápikit ang m~ga matá n~g m~ga santo at ibulóng sa canyá n~g calapating cahoy na na sa tapát n~g canyáng úlo, ang larawán bagá n~g Espíritung Dios, na ¡siyá na, alang-alang! Hindî dahil dito'y nagbabagong ugáli ang alférez, na gaya rin n~g lahát n~g hindî marurunong magbalíc-lóob: lumálabas sa simbahang nagtútun~gayáw, at pagcásumpong sa isáng sacristan ó alilà n~g cura'y pinipiit, binúbugbog at pinapagpupunas n~g sahíg n~g cuartel at n~g bahay niyáng sarili, na pagcâ nagcacagayo'y lumilinis. Pagbabayad n~g sacristan n~g multang ipinarurusa n~g cura, dahil sa hindî niyá pagsipót, canyáng ipinauunáwâ, ang cadahilanan. Dinírin~gig siyáng waláng kibô ni Fr. Salví, iliníligpit ang salapî, at ang únang guinágawa'y pinawáwal-an ang canyáng m~ga cambíng at m~ga túpa at n~g doon silá man~ginain sa halamanan n~g alférez, samantalang humahanap siyá n~g isáng bagong palatuntunan sa isáng sermóng lalong mahabâ at nacapagpapabanal. Datapuwa't hindî naguiguing hadláng ang lahát n~g itó, upang pagcatapos ay man~gagcamá'y at magsalitaan n~g boong cahinusayan, cung silá'y magkita.

Pagcâ, itinutulog n~g canyang asawa ang calasin~gán ó humíhilic cung tanghalì, hindî maaway ni Doña Consolación ang alférez, pagcacágayo'y lumálagay sa bintanà't humíhitit n~g tabaco at nacabarong franelang azul. Palibhasa'y kinasúsusutan niyá ang cabataan, mulâ sa canyáng kinálalagya'y namamanà, siyá n~g canyáng m~ga matá, sa m~ga dalaga, at silá'y canyáng pinípintasan. Ang m~ga dalagang itóng sa canyá'y nan~gatatacot, dumaraang kimingkimî, na dî man lamang maitungháy ang m~ga matá, nan~gagdudumalî n~g paglacad at pinipiguil ang paghin~gá. May isáng cabanalan si Doña Consolación: tila mandin hindî siyá nananalamin cailán man.

Ito ang m~ga macapangyarihan sa bayang San Diego.

TALABABA:

[184] Machiavelo: balitang escritor, político at literato italiano, na naguíng ministro sa Florencio, inihahatol ni Machiavelo sa canyáng sinulat na librong "El principe" ang pagdarayà sa m~ga pakikipanayam sa tagâ ibáng nación tungcol sa politica.--P.H.P.

[185] Capisanan n~g m~ga táong nagcacaisang loob sa pagsasanggalang n~g isáng caisipan.

[186] Alagaan n~g m~ga cabayo.

[187] Capatíd ni Remo at siyáng nagtayô n~g Roma n~g taóng 733 bago ipan~ganác si Cristo.

[188] Palacio n~g papa sa Roma, na na sa bundóc Vaticano.

[189] Palacio n~g hárì sa Roma na na sa Quirinal, isa sa pitóng bundóc sa Roma.

[190] V.O.T. "abreviatura" n~g Venerable Orden Tercera; Cagalang-galang na icatlong hanáy n~g Capisanan ó icatlong pulutóng n~g Capisanan.

[191] Pangguitlá sa táo. M~ga cabulaanang larawang likhâ n~g panimdím n~g m~ga matatacutín.

[192] Dakilang panahóng nagpasimulâ n~g pagwawasác sa caharìan n~g Roma, sa Calunuran, n~g m~ga "bárbaro", taóng 476, at ang wacás ay sa pagcacuha n~g m~ga turco sa Constantinopla, n~g taóng 1453, ó sa pagcatuclás n~g América n~g 1492. Ang pangyayari n~g feudalismo ang siyáng caraniwan n~g panahóng iyón.--P.H.P.

[193] Babaeng ayon sa m~ga han~gál ay catiyáp n~g diablo. Nawawan~gis sa asuwang na pinaniniwalaan n~g m~ga tagalog na mangmang.--P.H.P.

[194] Dahil sa nawawangking totoo ang pinaniniwalaang "asuwang" n~g m~ga tagalog sa pinaniniwalaang "bruja" n~g m~ga europeo'y inaacala cong ang nagdalá rito n~g ganyáng malíng sapantahà'y ang m~ga fraile ó ang m~ga castilang mangmang, na gaya rîn n~g maraming m~ga pamahîing dî dating kilala n~g m~ga tagalog cung dî n~g maparito na lamang ang m~ga taga España--P.H.P.

[195] Lucio Dominico Nerón, malupít na emperador sa Roma; ipinapatáy niyá ang canyáng ináng si Agripina at si Britânico, hinatulang mamatáy ang tagapag-alagà sa canyáng si Burro, ang canyáng maestrong si Séneca, si Lucano at ibá pang m~ga caguinoohan; pinag-usig ang m~ga cristiano at sinunog ang Roma. Ipinan~ganác n~g taong 37 at namatáy n~g taóng 68.

[196] Ang nag-aaral ó ang sumusunod sa filosofía ó marunong n~g filosofía, na isáng carunun~gang nauucol sa cahulugán, calagayan, pinagmumulaan at naguiguing bun~ga n~g m~ga bagay bagay.

[197] Ang pan~gin~gilin sa anó man, lalong-lálò ang mahigpít na pagpipiguil na huwág gumawâ n~g anó mang bagay na masamâ, na siyang ibig n~g Dios na ating sundìn, ayon sa profeta Isaias LVIII. 3-7.--Tungcól sa ayuno n~g catawán, ang pagkabawal bagá n~g pagcaing anó man, minsan lamang na ipinag-utos na sapilitang súsundin n~g m~ga israelita sa araw n~g pagsisisi, ayon sa Levítico XVI. 29, 31, na doo'y ang salitáng: "papagpipighatiin ninyó ang inyóng cálolowa," caraniwang ang inaaring cahulugán ay mag-ayuno; sa pagca't ang ayuno sa m~ga judio'y tunay n~gang isáng araw n~g pagpipighatî at pagpapacabábà. Walâ na acóng ibá pang nakita tungcól sa ayuno sa m~ga cautusáng lagdâ ni Moisés. Ipinag-uutos ang iláng araw na pag-aayuno n~g panahóng nabibihag ang m~ga judío sa Babilonia, ayon sa sabi ni Zacarías VII. 1-7; VIII. 19, bagá man hindî sinasabi roon ang m~ga pinagcadahilanan n~g gayóng tadhanà. Gayón man, manacânacáng ipinag-utos na man~gag-ayuno ang lahát dahil sa m~ga tan~ging nangyayari, datapuwa't hindî tadhanang iparati ang pag-aayuno, cung dî sa panahóng lamang na iyón; gaya na n~ga n~g magcatipon ang m~ga taga Atispa ay nan~gag-ayunong lahát ayon sa sulat ni Samuel VII. 6.--Nag-utos din si Josaphat na mag-ayuno ang lahát n~g m~ga judío, dahil sa pakikibaca sa m~ga Moabita at Ammonita, ayon sa 2.a Crónica XX. 3.--Gayón ding m~ga pag-aayuno ang guinawâ n~g iba't ibáng m~ga cautusán n~g m~ga judío, at sa pagca't ang Cristianismo'y religióng ucol sa lahát n~g m~ga bayan, hindî na n~ga ipinag-utos sa m~ga Cristianong sapilitan ang pag-aayuno, ayon sa makikita natin sa m~ga Santong Evangelio. Ang pag-aayuno'y cusà n~g calooban at dapat ganapíng hindî sa pagpaparan~galan, at gagawing tandâ n~g taimtím na pagsisisi sa m~ga casalanan, ayon cay San Mateo, VI. 16.

[198] Pangpintá sa mukhâ at n~g pumulá.

[199] Pagsasanay sa paggamit n~g sandata at n~g m~ga kilos n~g pagcasundalo.

[200] Ang m~ga canta't m~ga tugtog na magcasaliw; at ang ibig sabihin dito'y may tacapan at may paluan.

[201] "Pedál", tapacán sa piano, at ang ibig sabihi'y may sicarán pa.

[202] Sa wicà natin ay waláng tunay na catumbás ang sabing "escándalo" na ang isá sa m~ga cahuluga'y ang pagtatalong nacapagcacasala ó nacababagabag sa iba.

[203] Sawicaíng ang cahuluga'y capanig n~g may m~ga caisipang tulad sa adhicain n~g m~ga fraile.

[204] Ang cacampi ni Cárlos na ibig maghári sa España.

[205] Curang malìit ó curacuráhan.

[206] Lán~gaw na patáy. Mapagpataypatayan samantalang nag-iísip n~g m~ga catampalasanang gawâ.

[207] Ang caraniwang tawaguing "pozuelo" ó tasang lalagyán n~g chocolate.

[208] Isang casabihang catumbás n~g ¡abá! ¡nacú! ¡diaske! at iba pang nagpapakilala n~g towâ, gálit, pagtatacá.

[209] Malapot sa wicang castila'y "espeso", caya chocolate ¿eh? ang sinasabi n~g cura pagca chocolateng malapot ang ibig.--Malabnaw sa wicang castila'y "aguado", caya't chocolate ¿ah? ang sabi pagca ang ibig ay malabnaw.

=XII.=

=ANG LAHAT NANG MANGA SANTO=[210]

Marahil ang bugtóng na bagay na hindî matututulang ikinatatan~gì n~g táo sa m~ga háyop ay ang paggalang na iniháhandog sa m~ga namamatay.

Sinásaysay n~g m~ga historiador[211] na sinasamba at dinídios nilá ang caniláng m~ga núnò at magugulang; n~gayó'y tumbalíc ang nangyayari: ang m~ga patáy ang nagcacailan~gang mamintuhô sa m~ga buháy. Sinasabi rin namáng iniin~gatan n~g m~ga taga Nueva Guinea sa m~ga caja ang m~ga but-ó n~g caniláng m~ga patáy at nakikipagsalitaan sa canilá; sa pinacamarami sa m~ga bayan n~g Asia, Africa at América'y hinahayinan ang caniláng m~ga patáy n~g lalong masasaráp niláng m~ga pagcain, ó ang m~ga pagcaing minámasarap n~g m~ga patáy n~g panahóng silá'y nabubuhay, at nan~gagpípiguing at inaacalà niláng dumádalo sa m~ga piguíng na itó ang m~ga patáy. Ipinagtátayô n~g m~ga taga Egipto n~g m~ga palacio ang m~ga patáy, ang m~ga musulmán nama'y ipinagpápagawâ, silá n~g maliliit na m~ga capilla, at ibá pa; datapowa't ang bayang maestro sa bagay na itó, at siyáng lalong magalíng ang pagcakilala sa púsò n~g tao'y ang bayan n~g Dahomey[212]. Natátalastas n~g m~ga maiitím na itó, na ang táo'y mapanghigantí, at sa pagca't gayó'y sinasabi niláng upang mabigyang catowâan ang namatáy, walâ n~g lalong magalíng cung dî ang patayín sa ibabaw n~g pinaglibin~gan sa canyá ang lahát n~g canyáng m~ga caaway; at sa pagcá't ang táo'y malulugdíng macaalam n~g m~ga bagay-bagay, sa taón-tao'y pinadadalhán siyá n~g isáng "correo" sa pamamag-itan n~g linapláp na balát n~g isáng alipin.

Tayo'y náiiba sa lahát n~g iyán. Bagá man sa nababasa sa m~ga sulat na nauukit sa m~ga pinaglibin~gan, halos walâ sino mang naniniwalang nagpapahin~galay ang m~ga patáy, at lalò n~g hindî pinaniniwalâang sumasapayápà. Ang lalong pinacamagalíng mag-ísip ay nan~gag-aacalang sinásanag pa ang caniláng m~ga núnò sa túhod sa Purgatorio, at cung di siyá mápacasamâ (mapasainfierno bagá), masasamahan pa niyá, silá roon sa mahábang panahón. At ang sino mang ibig tumutol sa amin, dalawin niyá ang m~ga simbahan at ang m~ga libin~gan sa boong maghapong itó, magmasíd at makikita. Datapowa't yamang tayo'y na sa bayan n~g San Diego, dalawin natin ang libin~gan dito.

Sa dacong calunuran, sa guitnâ n~g m~ga palaya'y nároroon, hindî ang ciudad, cung dî ang nayon n~g m~ga patáy: ang daan n~g pagparoo'y isáng makitid na landás, maalabóc cung panahóng tag-ínit, at mapamámangcàan cung panahóng tag-ulán. Isáng pintûang cahoy, at isáng bácod na ang calahati'y bató at ang calahati'y cawayan ang tila mandin siyáng ikináhihiwalay n~g libin~gang iyón sa bayan n~g m~ga buháy; datapowa't hindî nahihiwalay sa m~ga cambíng n~g cura, at sa iláng baboy n~g m~ga calapít báhay, na pumapasoc at lumálabas doon upang man~gagsiyasat sa m~ga libin~gan ó man~gagcatowâ sa gayóng pag-iisá.

Sa guitnâ n~g malúang na bacurang iyón may nacatayóng isáng malaking cruz na cahoy na natitiric sa patun~gang bató. Inihapay n~g unós ang canyáng INRI na hoja de lata, at kinatcát n~g ulán ang m~ga letra. Sa paanan n~g cruz, túlad sa túnay na Gólgota[213], samasamang nábubunton ang m~ga bun~gô n~g úlo at m~ga but-ó, na ang waláng malasakit na maglilíbing ay itinatapon doon ang canyáng m~ga nahuhucay sa m~ga libin~gan. Diyá'y man~gaghíhintay silá, ang lalong malapit mangyari, hindî n~g pagcabúhay na mag-ulî n~g m~ga patáy, cung dî ang pagdatíng doon n~g m~ga háyop at n~g silá'y painitin n~g caniláng m~ga tubíg at linisin ang caniláng malalamig na m~ga cahubdán.--Námamasdan sa paliguidliguid ang m~ga bagong hûcay: sa dáco rito'y hupyác ang lúpà, sa dáco roo'y anyóng bundúc-bunducan namán. Sumísibol doo't lumálagô n~g máinam ang tarambulo't pandacákì; ang tarumbulo'y n~g tundûin ang m~ga bintî n~g canyáng matitiníc na m~ga bún~ga, at n~g dagdág namán n~g pandacakì ang canyáng amóy sa amóy n~g libin~gan, sacali't itó'y waláng casucatáng amoy. Gayón ma'y nasasabúgan ang lúpà n~g iláng maliit na m~ga bulaclac, na gaya rin namán n~g m~ga bun~góng iyóng ang Lumikhâ lamang sa canilá ang nacacakilala na: ang n~gitî n~g m~ga bulaclác na iyó'y maputlâ at ang halimúyac nilá'y ang halimúyac n~g m~ga baunan. Ang damó at ang m~ga gumagapang na damó'y tumátakip sa m~ga súloc, umuucyabit sa m~ga pader at sa m~ga "nicho"[214], na anó pa't dináramtan at pinagáganda ang hubád na capan~gítan; cung minsa'y pumapasoc sa m~ga gahác na gawà n~g m~ga lindól, at inililihim sa m~ga nanonood ang m~ga cagalanggalang na m~ga libin~gang waláng lamán.

Sa horas n~g pagpasoc namin ay binúgaw ang m~ga hayop; ang man~gisan~gisang baboy lamang, hayop na mahirap papaniwalâin, ang siyáng sumisilip n~g canyáng maliliit na m~ga matá, isinusun~gaw ang úlo sa isáng malakíng gúang n~g bacod, itinataás ang n~gusò sa hán~gin at wari'y sinasabi sa isáng babaeng nagdárasal:

--Howág mo namáng cacanin lahát, tirhán mo acó nang cauntî, ¿ha?

May dalawáng lalaking humuhucay n~g isáng baunan sa malapit sa pader na nagbabalang gumúhò: ang isá, na siyáng maglilíbing ay waláng cabahábahálà; iniwawacsi ang m~ga gulogód at ang m~ga butó, na gaya na pag-aabsáng n~g isáng maghahalamán n~g m~ga bató at m~ga san~gáng tuyô; ang isá'y nan~gán~ganin~ganí, nagpapawis, humíhitit at lumúlurâ mayá't mayâ.

--¡Pakinggán mo!--anang humíhitit, sa wícang tagalog.--¿Hindî cayâ magalíng na catá'y humúcay sa ibang lugar? Ito'y bagóng bágo.

--Pawang bágo ang lahát n~g libíng.

--Hindî na acó macatagál. Ang but-óng iyáng iyóng pinutol ay dumúrugò pa ... ¡hm! ¿at ang m~ga buhóc na iyán?

--¡Nacú, napacamaselang ca naman!--ang ipinagwícà sa canyá n~g isá--¡Ang icaw ma'y escribiente sa Tribunal! Cung humúcay ca sanang gáya co n~g isáng bangcáy na dadalawampong araw pa, sa gabí, n~gitn~git n~g dilím, umúulan ... namatáy ang farol cong dalá....

Other books

ChristmasInHisHeart by Lee Brazil, Havan Fellows
The Story of Before by Susan Stairs
The New World: A Novel by Chris Adrian, Eli Horowitz
La zona by Javier Negrete y Juan Miguel Aguilera
Morality Play by Barry Unsworth
Choices by Sydney Lane
Magic's Design by Adams, Cat
Secret Admirer by Gail Sattler