Authors: JosÈ Rizal
Nag-aral siyá n~g una n~g Filosofía, at iníwan niya ang pag-aáral sa pagsunód sa canyáng ináng matandâ na; at hindî niyá ipinagpatuloy ang pag-aaral, hindî sa caculan~gan n~g magugugol at hindî rin sa caculan~gan n~g cáya n~g pag-iísip: tumíguil siyá n~g pag-aáral, dahilán n~gâ sa pagcá't mayaman ang canyáng iná, at dahilan sa ayon sa sabiha'y matalas ang canyáng ísip. Natatacot ang mabaít na babaeng maguíng pantás ang canyáng anác at macalimot sa Dios, cayâ n~ga't siyá'y pinapamilì, sa siyá'y magpárì ó íwan niyá ang colegio n~g San José. Nang panahón pa namáng iyó'y siyá'y may naiibigang babae, cayá't pinilì niyá ang íwan ang colegio at nag-asawa siyá. Hindî lumampás ang isáng taón at siyá'y nabáo at naulila; guinawâ niyáng aliwan ang m~ga libro upang siyá'y macaligtás sa calungcutan, sa sabong at sa pagca waláng guinágawâ. Datapowa't lubháng nawili sa m~ga pag aaral at sa pamimilí n~g m~ga libro, hanggáng sa mapabayaan niyá ang sariling pamumuhay, cayá't siyá'y unti-unting naghírap.
Tinatawag siyáng Don Anastasio ó filósofo Tasio n~g m~ga táong may pinagaralan, at ang m~ga masasamâ ang tûrò, na siyáng lalong marami, tinatawag siyáng Tasiong ul-ól, dahil sa hindî caraniwang canyáng m~ga caisipán at cacaibang pakikipagcapowa-táo.
Ayon sa sinabi na namin, ang hapo'y nagbabalang magca unôs; liniliwanagan ang abó abóng lan~git n~g iláng kidlát; mabigát ang aláng-álang at totoong maalis-ís ang han~gin.
Wari'y nalimutan na n~g filósofo Tasio ang canyáng kinalúlugdang bun~gô n~g ulo; n~gayó'y n~gumin~giting pinagmámasdan ang maiitim na pan~ganurin.
Sa malapít sa simbaha'y nasalubong niyá ang isáng táong naca chaqueta n~g alpaca at daladala sa camáy ang may mahiguít na isáng arrobang candílà at isáng bastóng may borlas, bílang saguísag n~g punong may capangyarihan.
--¿Tila po cayo'y natótowâ?--ang tanóng nitó sa wícang tagalog.
--Siya n~ga pô, guinoong capitan; natótowâ acó sa pagcá't may isá acóng inaasahan.
--¿Ha? ¿at alin ang inyóng inaasahang iyán?
--¡Ang unós!
--¡Ang unós! ¿Nag-aacálà bâ cayóng maligò?--ang tanóng n~g gobernadorcillo n~g palibác, na minamasdan ang dukháng pananamít n~g matandáng lalaki.
--Malígò acó ... ¡hindî masamâ, lalong lalô na pagcâ nacatitisod n~g isáng dumi!--ang sagôt ni Tasio, na palibác din namán ang anyô n~g pananalita, bagá man may pagca pagpapawaláng halagá sa canyáng causap--n~guni't naghíhintay acó n~g lálong magalíng.
--¿At anó pô bâ iyón?
--Iláng m~ga lintíc na pumatáy n~g m~ga táo at sumúnog n~g m~ga báhay.
--¡Hin~gín na ninyóng paminsanan ang gúnaw!
--¡Nararapat tayong lahát, cayó at acóng gunawin! Dalá pô ninyó riyan, guinoong capitan, ang isáng arrobang candílang gáling sa tindahan n~g insíc; may mahiguít n~g sampóng taóng aking ipinakikiusap sa bawa't bágong capitang bumíbili n~g pararrayos[216], at pinagtatawanan acó n~g lahát; gayón ma'y bumibili n~g m~ga "bomba" at m~ga "cohete", at nan~gagbabayad n~g m~ga repique n~g m~ga campánà. Hindî lamang itó: kinábucasan n~g pakikiusap co sa inyó, nagbilin pô cayó sa m~ga magtutunáw na insíc n~g isáng "esquilang" álay cay Santa Bárbara, gayóng nasiyasat na n~g carunun~gang mapan~ganib ang tumugtóg n~g m~ga campanà sa m~ga araw na may unós. At sabihin pô ninyó sa akin, ¿bakit pô bâ n~g taóng 70 n~g mahulog ang isáng lintíc sa Binyáng, doon pa namán nahúlog sa campanario at iguinibâ ang relój sacâ isáng altar? ¿Anó ang guinagawâ n~g esquilita ni Santa Bárbara?
Nang sandalíng iyo'y cumisláp ang isáng kidlát.
--¡Jesús, María y José! ¡Santa Bárbarang mahál!--ang ibinulóng n~g capitang namutlâ at nagcruz.
Humalakhác si Tasio.
--¡Cayó'y carapatdapat sa pan~galan n~g inyóng pintacasi!--aní Tasio sa wicang castilà, tinalicdán ang capitan at tumún~go sa simbahan.
Nagtátayo ang m~ga sacristan sa loob n~g simbahan n~g isáng "túmulo"[217] na nalilibot n~g m~ga malalaking candilang natitiric sa m~ga candelabrong cáhoy. Ang túmulong yao'y dalawáng mesang malalakíng pinagpatong at natátacpan n~g damít na maitím, na may m~ga listóng puti; sa magcabicabila'y may napipintang m~ga bun~gô n~g úlo.
--¿Iyán ba'y patungcól sa m~ga cálolowa ó sa m~ga candilâ?--ang itinanóng.
At n~g makita niyá ang dalawáng batang lalaking may sampóng taón ang isá at ang isá'y may malapit sa pitó, lumapit sa caniláng hindî na hinantay ang sagót n~g m~ga sacristán.
--¿Sasama ba cayó sa akin, m~ga báta?--ang itinanóng sa canilá. May handâ sa inyó ang inyóng nanay na isáng hapunang marapat sa m~ga cura.
--¡Aayaw po caming paalisin n~g sacristan mayor hanggang hindî tumutugtog ang icawalóng horas--ang sagót n~g pinacamatandâ.--Hinihintay co pong másin~gil ang aking "sueldo" upang maibigay co sa aking iná.
--¡Ah! at ¿saán bâ cayó paparoon?
--Sa campanario pô upang dumublás sa m~ga cálolowa.
--¿Pasasacampanario cayó? ¡cung gayó'y cayó'y mag-in~gat! ¡howág cayóng lalapit sa m~ga campanà hanggáng umúunos!
Umalís sa simbahan, pagcatapos na masundán n~g isáng titíg na may habág ang dalawáng batang pumapanhic sa m~ga hagdanang patun~go sa coro.
Kinuscós ni Tasio ang m~ga matá, tumin~gín ulî sa lan~git at bumulóng: --N~gayó'y dáramdamin cong mahulog ang m~ga lintíc.
At nacatun~góng pumaroon sa labás n~g báyang nag-iisip-isip.
Dumáan pô muna cayó!--ang sabi sa canyá sa wicang castílà n~g isáng matimyás na voces mulâ sa isáng bintanà.
Tumungháy ang filósofo, at canyáng nakita ang isáng lalaking may tatlompô ó tatlompo't limang taóng sa canyá'y n~gumitî.
--¿Anó pô bâ ang inyóng binabasa riyán?--ang tanóng ni Tasio, na itinuturò ang isáng librong hawac n~g lalaki.
--Isáng librong pangcasalucuyan: ¡"Las penas que sufren las benditas ánimas del Purgatorio!"[218]--ang isinagót n~g causap na n~gumin~gitî.
--¡Nacú! ¡nacú! ¡nacú!--ang wicâ n~g matandáng lalaki sa sarisaring "tono" n~g voces, samantalang pumapasoc sa báhay;--totoong matalas ang ísip n~g cumathâ niyán.
Pagcapanhíc niyá n~g hagdanan ay tinanggáp siyá n~g boong pakikipag-ibigan n~g may báhay na lalaki at n~g canyáng asawa. Don Filipo Lino ang pan~galan n~g lalaki at Doña Teodora Viña namán ang babae. Si Don Filipo ang siyáng teniente mayor at siyáng púnò n~g isáng "partidong" halos ay "liberal"[219], sacali't matatawag itó n~g gayón, at cung sacaling mangyayaring magcaroon n~g m~ga "partido" sa m~ga bayan n~g Filipinas.
--¿Nakita pô ba ninyó sa libin~gan ang anác n~g nasirang si Don Rafael na bagong carárating na galing sa Europa?
--Opò, nakita co siyá, n~g siyá'y lumúlunsad sa coche.
--Ang sabihana'y naparoo't upang hanapin ang pinaglibin~gán sa canyáng amá ... Marahil cakilakilabot ang canyáng pighatî n~g maalaman....
Ikinibít n~g filósofo ang canyáng m~ga balicat[220].
--¿Hindî pô bà dináramdam ninyó ang casaliwâang palad na iyan?--ang tanóng n~g guinoong babaeng bátà pa.
--Talastás na pô ninyóng acó'y isá sa anim na nakipaglibing sa bangcáy; acó ang humarap sa Capitan General n~g aking makitang ang lahát dito'y hindî umíimic sa gayóng calakilakihang capusun~gán, gayóng cailán ma'y minamagaling co ang paunlacán ang táong mabait cung nabubuhay pa cay sa cung patáy na.
--¿Cung gayó'y bakit?
--Datapuwa't hindî pô acó sang-ayon sa pagmamanamana n~g caharîan. Alang-álang sa caunting dugong insíc na bigáy sa akin n~g aking iná, sumasang-ayon acó n~g cauntî sa caisipan n~g m~ga insíc: pinaúunlacan co ang amá dahil sa anác, n~guni't hindî ang anác dahil sa amá. Na ang bawa't isá'y tumanggáp n~g gantíng pálà ó n~g caparusahán dahil sa canyáng m~ga gawâ; datapuwa't hindî dahil sa m~ga gawà n~g ibá.
--¿Nagpamisa pô bâ cayó n~g patungcol sa inyóng nasírang asawa, alinsunod sa hatol co sa inyó cahápon?--ang itinanóng n~g babae nagbago n~g pinasasalitaanan:
--¡Hindî!--ang sagót n~g matandáng lalaking n~gumin~giti.
--¡Sayang!--ang isinagót n~g babaeng tagláy ang túnay na pagpipighatî;--casabiháng hanggang sa icasampong oras n~g umaga búcas, ang m~ga calolowa'y malayang naglilibot at naghihintay n~g sa canilá'y pagbibigáy guinhawa n~g m~ga buháy; na ang isáng misa sa m~ga panahóng itó'y catimbáng n~g limá ó anim na misa sa m~ga ibáng araw n~g isáng taón, ayon sa sabi n~g cura, caninang umaga.
--¡Mainam! ¿Sa macatuwíd ay mayroon tayong isáng caaliw-alíw na taning na dapat nating samantalahin?
--¡N~guni't Doray!--ang isinabad ni Don Filipo;--talastas mo n~g hindî naniniwálà si Don Anastasio sa Purgatorio.
--¿Na hindî acó naniniwalà sa Purgatorio?--ang itinutol n~g matandáng lalaking tumitindig na sa canyáng upuan.--¡Diyata't pati n~g "historia" n~g Purgatorio'y aking nalalaman!
--¡Ang historia n~g Purgatorio!--ang sinabing puspós n~g pagtatacá n~g mag-asawa. ¡Tingnán n~gâ natin! ¡Saysayin ninyó sa amin ang historiang iyán!
--¿Hindî palá ninyó nalalaman ay bakit cayo'y nan~gagpapadalá roon n~g m~ga misa at inyóng sinasabi ang m~ga pagcacahirap doon? ¡Magaling! yamang nagpapasimulâ na n~g pag-ulán at tíla mandín tátagal, magcacapanahón tayo upang howag tayong mayamót--ang isinagót ni Tasio, at saca nag-isíp-ísip.
Itiniclóp ni Don Filipo ang librong canyáng tan~gan, at umupô sa canyáng tabi si Doray, na náhahandang huwag maniwálà sa lahát n~g sasabihin ni Tasio. Nagpasimulâ itó sa paraang sumusunod:
--Malaon pang totoo bago manaog ang ating Pan~ginoong Jesucristo'y may Purgatorio na, at ito'y na sa calaguitnaan n~g lúpà, ayon cay párì Astete, ó sa malapit sa Cluny, ayon sa monjang sinasabi ni párì Girard, datapuwa't hindî ang may cahulugan dito'y ang kinalalagyan. Magaling, ¿sinosino ang m~ga nasásanag sa apoy na iyóng nag-aalab mulâ n~g lalan~gín ang sanglibutan? Pinapagtitibay ang caunaunahang pagcacatatág n~g Purgatorio n~g Filisofía Cristiana na nagsasabing walâ raw guinágawang bagong anó man ang Dios mulâ n~g magpahin~galáy siyá.
--Mangyayaring nagcaroong "in potentia"[221]; datapuwa't hindî "in actu"[222], ang itinutol n~g teniente mayor.
--¡Magalíng na magalíng! Gayón ma'y sasagutin co cayóng may iláng nacakilala n~g Purgatorio na talagang mayroon na "inactu", ang isá sa canilá'y si Zarathustra ò Zoroastro[223], na siyang sumulat n~g isáng bahagui n~g "Avestra"[224] at nagtatag n~g isáng religióng sa m~ga tan~ging bagay nacacahawig n~g atin at alinsunod sa m~ga pantas, si Zarathustra'y sumilang na nauna cay Jesucristo n~g walóng daang taón ang cauntian. Ang cauntian ang wícà co, sa pagca't pagcatapos na masiyasat ni Platón[225], Xanto de Lidia Plinio[226], Hermipos at Eudoxio,[227] inaacalà niláng nauna si Zarathustra cay Jesucristo n~g dalawang libo at limáng daan taón. Sa papaano mang bagay, ang catotohana'y sinasabi na ni Zarathustra ang isáng bagay na nawawan~gis sa Purgatoria, at naghahatol siyá n~g m~ga paraan upang macaligtás doon. Matútubos n~g m~ga buháy ang m~ga calolowang namatáy sa casalanan, sa pagsasalitâ n~g m~ga nasasaysay sa "Avestra" at gumawâ n~g m~ga cagalin~gan; datapuwa't kinacailan~gang ang mananalan~gin ay isáng camág-ánac n~g nasírà hanggang sa icaapat na salin. Ang panahóng táning sa bágay na itó'y sa taón taón, tumátagal n~g limáng áraw. Nang malaon, n~g tumibay na sa bayan ang gayóng pananampalataya, napagwárì n~g m~ga sacerdote sa religióng iyóng malakíng dî anó lamang ang pakikinaban~gin sa gayóng pananampalataya, caya't kinalacal nilá yaóng m~ga "bilangguang n~gitn~git n~g dilím na pinaghaharìan n~g m~ga pagn~gan~galit sa nagawang casalanan", ayon sa sabi ni Zarathustra. Ipinaalam n~gâ niláng sa halagáng isáng "derem", salapíng bahagyâ na ang halagá'y nababawas sa calolowa ang isáng táong pagcacasakit n~g dî cawásà; n~guni't sa pagca't ayon sa religiong iyó'y may m~ga casalanang pinarurusahan n~g tatlóng daan hanggáng isáng libong taón, gaya n~g pagsisinun~galíng, n~g pangdaráyà, at n~g hindî pagganáp sa naipan~gacò, at ibá pa, ang nangyari'y tumátanggap ang m~ga balawîs na sacerdote n~g maraming millong "derems." Dito'y mapag-wawari na ninyó ang caunting bagay na nawawan~gis sa Purgatorio natin, bagá man mapagtatantò na ninyóng ang pinagcacaibha'y ang m~ga religión.
Isáng kidlát na may casunód agád agád na isáng maugong na culóg ang siyáng nagpatindig cay Doray na nagsalitáng nagcucruz:
--¡Jesús, Maria y José! Maiwan co muna cayó; magsusunog acó n~g benditang palaspás at n~g m~ga "candilang perdón".
Nagpasimulâ n~g pag-uláng tila ibinubuhos. Nagpatúloy n~g pananalitâ ang filósofo Tasio, samantalang sinusundan niyá n~g tin~gín ang paglayô n~g may asawang babáeng bátà pa.
--N~gayóng walâ na siyá'y lalong mapag-uusapan na natin n~g boong caliwanagan ang dahil n~g áting salitaan. Cahi't may cauntíng pagcamapamahîin si Doray, siyá'y magalíng na católica, at hindî co íbig na pumacnít sa púsò n~g pananampalataya: naíiba ang isáng pananampalatayang dalísay at wagás sa halíng na pananampalataya, túlad sa pagcacaiba n~g nín~gas at n~g úsoc, wán~gis sa caibhán n~g música sa isáng gusót na cain~gayan: hindî napagkikilala ang ganitong pagcacaiba n~g m~ga halíng, na túlad sa m~ga bin~gí. Masasabi náting sa ganáng átin ay magalíng, santo at na sa catuwiran ang pagcacahácà n~g Purgatorio; nananatili ang pagmamahalan n~g m~ga patáy at n~g m~ga buháy at siyáng nacapipilit sa lálong calinisan n~g pamumuhay. Ang casam-a'y na sa tacsil na paggamit n~g Purgatoriong iyán.
N~guni't tingnán natin n~gayón cung bakit pumasoc sa catolicismo ang adhicáng itóng walâ sa Biblia at walâ rin sa m~ga Santong Evangelio. Hindî binábangguit ni Moisés at ni Jesucristo caunti man lamang ang Purgatorio, at hindî n~ga casucatán ang tan~ging saysay na canilang sabing na sa m~ga Macabeo, sa pagca't bucód sa ipinasiyá sa Concilio n~g Laodicea, na hindî catotohanan ang librong ito, ay nitó na lamang huling panahón tinanggap n~g Santa Iglesia Católica. Walâ ring nacacatulad n~g Purgatorio sa religión pagana. Hindî mangyayaring panggalin~gan n~g pananampalatayang itó ang casaysayang "Aliæ panduntor inanies" na totoong madalás bangguitín ni Virgilio[228] na siyáng nagbigáy dahil sa dakilang si San Gregorio[229] na magsalitâ n~g tungcól sa m~ga cálolowang nalunod, at idagdág ni Dante[230] ang bagay na itó sa canyáng "Divina Comedia".
Walâ rin namáng nacacawan~gis n~g ganitóng caisipán sa m~ga "brahman"[231], sa m~ga "budhista"[232] at sa m~ga egipcio mang nagbigáy sa Roma n~g caniláng "Caronte"[233] at n~g caniláng "Averno"[234]. Hindî co sinasaysay ang m~ga, religión n~g m~ga bayan n~g Ibabâ n~g Europa: ang m~ga religióng itó, palibhasa'y religión n~g m~ga "guerrero"[235], n~g m~ga "bardo"[236] at n~g m~ga mán~gan~gaso[237], datapuwa't hindî religión n~g m~ga filósofo, bagá man nananatili pa ang caniláng m~ga pananampalataya at patí n~g caniláng m~ga "rito"[238] na pawang nangálangcap na sa religión cristiana; gayón ma'y hindî nangyaring sumama silá sa hucbó n~g m~ga tampalasang nangloob sa Roma, at hindî rin silá nangyaring lumuclóc sa Capitolio[239]: palibhasa'y m~ga religión n~g m~ga úlap, pawang nan~gapápawì sa catanghaliang sícat n~g araw.--Hindî n~gâ sumasampalataya sa Purgatorio ang m~ga cristiano n~g m~ga unang siglo: nan~gamámatay siláng tagláy iyáng masayáng pag-asang hindî na malalao't silá'y háharap sa Dios at makikita nilá ang mukhâ nitó. Si San Clemente na taga Alejandría[240], si Orígenes[241] at si San Irineo[242] ang siyáng m~ga unang m~ga párì n~g Iglesiang tila bumábangguít n~g Purgatorio, marahil sa pagcadalá sa canilá n~g akit n~g religión ni Zarathustra, na namumulaclac at totoong lumalaganap pa n~g panahóng iyón sa boong Casilan~ganan, sa pagca't malimit nating nababasa ang m~ga pagsisi cay Orígenes, dahil sa canyáng malabis na paghílig sa m~ga bagay sa Casilan~ganan. Guinagamit ni San Irineong pangpatibay sa pananampalataya sa Purgatorio, ang "pagcátira ni Jesucristong tatlóng araw sa cailaliman n~g lúpà," tatlóng araw na pagcapasa Purgatorio, at canyáng inaacála, dahil dito, na bawa't cálolowa'y dapat manatili sa Purgatorio hanggáng sa mabuhay na mag-ulî ang catawán, bagá man tila laban mandin sa bagay na itó ang "Hodie mecum eris in Paradiso[243]." Nagsasaysay rin namán si San Agustín, tungcól sa Purgatorio; datapowa't sacali't hindî niyá pinagtibay na tunay na mayroon n~gâ, gayón ma'y ipinalálagay niyang mangyayari n~gang magcaróon, sa pag-aacálà niyáng maipagpapatuloy hanggáng sa cabilang búhay ang tinátanggap nating m~ga caparusahan sa búhay na itó, dahil sa ating m~ga casalanan.