Noli Me Tangere (14 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

[168] Tinatawag na Sabána [hindî Sábana, cumot] ang daang macalampás n~g Jardin Botánico, hangang sa m~ga unang báhay n~g Ermita, na tinatawag na daang Real.

[169] Tinatawag n~g m~ga castilàng guindilla ang m~ga policía municipal sa sa España.--Ang sili ó ang bun~ga n~g tinatawag na "guindillo de India."

[170] Ang lupang iniuucol sa pagtatanim n~g sarisaring cahoy at m~ga halaman upang doo'y mapag-aralan ang m~ga carunun~gang nauucol sa bagay na ito.

[171] Tila mandín naguguniguni na ni Rizal na sa pinagpatayaang iyón sa paring canyáng sinasabi, na sa acalà co'y waláng ibá cung dî si Pari Burgos, doon din siya pápatayin.

[172] Ang tan~ging ibong pinaniniwalaan n~g m~ga tao sa unang mulíng nabubuhay, pagcatapos na masunog, sa ibabaw n~g canyáng m~ga abó.

[173] Ang alín may sa dalawáng panig na malapit sa Ecuador ó calaguitnaan n~g lupa, tinatawag ang isáng panig na "trópico de Cancer" sa hemisfercio boreal, at "trópico de Capriconio" de "hemisfercio austral".

[174] Sásacyang waláng gulóng na siyáng guinagamit pagca hielo ang dinaraanan; cahawig n~g canggâ ó n~g paragos natin.

=IX.=

=MANGA CAUGALIAN NG BAYANG ITO=

Hindî nagcámalî si Ibarra; nalululan n~ga si "victoriang" iyón si parì Dámaso at tumutun~go sa báhay na canyáng bágong caíiwan.

--¿Saan bâ cayó paroroon?--ang tanóng n~g fraile cay María Clara at cay tía Isabel, na man~gagsisisacay na sa isáng cocheng may m~ga pamuting pílac, at tinatampîtampì ni párì Dámaso ang m~ga pisn~gí ni María Clara, sa guitnâ n~g canyang m~ga caguluhan n~g ísip.

--Cucunin co sa beaterio ang aking m~ga bagaybagay roon--ang sagót ni María Clara.

¡Aháaá! ¡ahá! tingnán natin cung sino ang mananalo sa amin, tingnan natin!--ang ipinagbububulóng na hindî nápapansin ang sinasabi, na anó pa't nagtacá, ang dalawang babae. Tinún~go ang hagdanan at nanhíc doon si párì Dámasong nacatun~gó ang úlot't madálang-dalang ang hacbáng.

¡Marahil siya'y magsésermon at canyáng isinasaulo ang canyáng ipan~gan~garal!--aní tía Isabel;--sacáy na María at tatanghalíin tayo n~g pagdatíng.

Hindî namin masábi cung magsesermón n~gâ ó hindî; datapuwa't inaacala naming m~ga dakílang bagay ang m~ga pinag-íisip-ísip niyá, sa pagcá't hindî man lamang naiabot niyá, ang canyáng camáy cay capitang Tiago, cayá't napilitang yumucód pa itó n~g cauntî upáng hagcán ang camáy na iyón.

--¡Santiago!--ang únang sinabi niyá--may pag-uusapan tayong mahahalagang bagay; tayo na sa iyong oficina.

Maligalig ang lóob ni Capitang Tiago, hindî nacaimíc n~guni't sumunód sa napacalakíng sacerdote, at sinarhán ang pintô pagcapásóc nilá.

Samantalang nagsasalitaan silá n~g líhim, siyasatin nátin cung anó ang kinaratnan ni Fr. Sybila.

Walâ sa canyang convento ang pantás na dominico; maagang maaga, pagcapagmisa, siyá'y napatun~go sa convento n~g canyáng capisanang na sa macapasoc n~g pintuan ni Isabel Segunda, ó ni Magallanes, alinsunod sa naghaharing familia, sa Madrid.

Hindî niya pinansin ang masaráp na amóy-chocolate, at gayón ding dî niya ininó ín~gay n~g m~ga cajón at ang salapìng náririn~gig mulâ, sa Procuración, at bahagyâ n~g sumagót sa mapitagan at maguíliw na batì n~g uldóg na procurador, nanhíc si Fr. Sybila, tinahac ang ilang m~ga "corredor" at tumuctóc n~g butó n~g m~ga dalírì sa isáng pintûan.

--¡Tulóy!--anang isáng voces na wari'y dumaraing.

--¡Pagalin~gin nawâ cayó n~g Dios sa inyóng sakít!--ang siyáng batì n~g batang dominico pagpasoc.

Nacaupo sa isáng malaking sillón ang isáng matandáng párì, culubót at gá namúmutlâ na ang balát n~g mukhâ, cawan~gis n~g isá riyán sa m~ga santong ipinintá ni Rivera. Nan~glálalalim ang m~ga matáng napuputun~gan n~g lubháng málalagong kilay, na palibhasa'y láguing nacacunót ay nacapagdáragdag n~g ningníng n~g paghíhin~galô n~g canyang m~ga matá.

Nabábagbag ang lóob na pinagmasdán siyá ni párì Sibilang nacahalukipkíp ang m~ga camáy sa ilalim n~g cagalanggalang na escapulario ni Santo Domingo. Inilun~gayn~gay pagcatapos ang úlo, hindî umíimic at wari'y naghíhintay.

--¡Ah!--ang buntóng hinin~gá n~g maysakít--inihahatol sa akin, Hernando; na akin daw ipahíwà! ¡Ipahiwà sa tandâ co n~g itó! ¡Itóng lupaíng ito! ¡Ang cagulatgulat na lupaíng itó! ¡Muhang ulirán ca sa nangyayari sa akin, Hernando!

Dahándáhang itinàas ni Fr. Sybila ang canyáng m~ga matá at itinitig sa mukhà n~g may sakít:

--At ¿anó pô ang inyóng minagaling?--ang itinanóng.

--¡Mamatáy! ¡Ay! ¿May nálalabi pa bagá sa aking ibáng bágay? Malábis na totoo ang aking ipinaghihirap; datapuwa't.... pinapaghirap co namán ang marami.... ¡nagbabayad-útang lamang acó! At icáw, ¿cumustá ca? ¿anó ang sadyâ mo?,

--Naparíto pô acó't sasabihin co sa inyó ang ipinagcatiwalang bílin sa akin.

--¡Ah! ¿at anó ang bagay na iyón?

--¡Psh!--sumagót na may samâ ang loob, umupô at ilinin~gón ang mukhâ, sa ibáng panig,--m~ga cabulastigan ang sinabi sa atin; ang binatang si Ibarra'y isang matalínong bagongtao; tila mandín hindì halíng; n~guni't sa acálà co'y isáng mabaít na bagongtao.

[Larawan:--....Mananatili ang ating capangyarihan hanggang sa capangyarihang iya'y nananalig......]

--¿Sa acálà mo?

--¡Nagpasimulâ cagabí ang caniláng pagcacáalit!

--¡Nagpasimulâ na! ¿at bákit?

Sinaysay ni Fr. Sibyla, sa maiclíng pananalitâ, ang nangyari cay párì Dámaso at cay Crisóstomo Ibarra.

--Bucód sa rito--ang idinugtóng na pangwacás--mag-aasawa ang binatà sa anác na babae ni Capitang Tiago, na nag-aral sa colegio n~g ating m~ga capatid na babae; siyá'y mayaman at dî n~ga niyá iibiguing magcaroon n~g m~ga caaway upang siyá'y mawal-án n~g caligayahán at cayamanan.

Itinan~gô n~g may sakít ang canyang úlo, sa pagpapakìlalang siyá'y sang-áyon.

--Siyâ n~gâ, gayón din ang áking acálà ... Sa pamamag-itan n~g gayóng babae at isáng bianáng lalaking gayón, maguiguing atin ang canyáng catawá't cálolowa. At cung hindî ¡lálong magalíng cung siya'y magpakitang kaaway natin!

Minamasdáng nagtátaca ni Fr. Sibyla ang matandâ.

--Unawàing sa icagagaling n~g ating Santong Capisanan--ang idinugtóng na naghihirap n~g paghin~gá.--Minámagaling co pa ang makilaban sa átin, cay sa m~ga halíng na pagpupuri at paimbabáw na panghihinuyò n~g m~ga caibigan.... tunay at silá'y may m~ga bayad.

--¿Inaacalà pô bâ ninyóng gayón?

Tiningnán siyá n~g boong lungcót n~g matandâ.

--¡Tandaân mong magalíng!--ang isinagót na nagcácangpapagál--Manacatilî ang ating capangyarihan samantalang sa capangyarihang iya'y nananalig. Cung táyo'y labánan, ang sasabihin n~g Gobierno'y: "Nilalabanan silá, sa pagca't ang m~ga fraile'y isáng hadláng sa calayaan n~g m~ga filipino; at sa pagca't gayo'y papanatilihin natin ang m~ga fraile."

--At ¿cung silá'y pakinggán? Manacânacang ang Gobierno'y....

--¡Hindî silá pakíkingan!

--Gayón man, cung sa udyóc n~g casakimá'y nasáin n~g Gobiernong maowî sa canyá ang ating inaani ... cung magcaroon n~g isáng pan~gahás at walang gúlat na....

--Cung magcágayo'y ¡sa abâ niyá!

Capuwâ hindî umimíc.

--Bucód sa roón--ang ipinatúloy n~g may sákít--kinacailan~gan nating tayó'y labánan, táyo'y pucáwin: nagpapakilala sa atin ang m~ga labanáng ito n~g cung saan naroon ang ating cahinaan, at ang gayó'y nacapagpapagalíng sa atin. Nacararayà sa átin at nacapágpapahimbing ang malábis na m~ga pagpúri: datapowa't sa lábás ay nacapagpapapan~git n~g ating anyô, at sa araw na mahúlog táyo sa capan~gitang anyô, táyo'y mapapahamac, na gáya n~g pagcapahamac natin sa Europa. Hindî na papasoc ang salapí sa ating m~ga simbahan; sino ma'y walâ n~g bíbili n~g m~ga escapulario, n~g m~ga correa at n~g anó man, at pagcâ hindî na tayo mayaman, hindî na natin mapapapanalig ang m~ga budhî.

--¡Psh! Mananatili rin sa atin ang ating m~ga "hacienda," ang ating m~ga báhay!

--¡Mawáwala sa ating lahát, na gaya n~g pagcawalâ sa átin sa Europa! At ang lálong masamá'y nagpapagal táyo at n~g táyo'y mangguípuspós. Sa halimbáwà: iyáng nápacalabis na pagsusumakit na dagdagan sa taóntaón, ayon sa ating maibigan, ang halagá n~g buwís n~g ating m~ga lúpà, ang pagsusumakit na iyáng aking sinalansáng sa lahát n~g m~ga malalaking pulong natin; ¡ang pagsusumakit na iyán ang siyáng macapapahamac sa atin! Napipilitan ang "indiong" bumilí sa ibang daco n~g m~ga lúpang casíng galíng din n~g ating m~ga lupà ó lálò pang magalíng. Nan~gan~ganib acóng bacâ táyo'y nagpapasimulâ na n~g pagbabâ: "Quos vult perdere Jupiter dementat prius."[175] Dahil dito'y huwág n~gâ nating dagdagán ang ating bigát; ang báya'y nagbububulóng na. Mabúti ang inisip mo: pabayâan natin ang ibáng makikipaghusay doón n~g canícanilang sagutin; papanatilihin natin ang sa ati'y pagpipitagang nálalabi, at sa pagcá't hindî malalao't makíkiharáp táyo sa Dios, linísin nátin ang ating m~ga cama'y ... ¡Maawà nawâ sa áting m~ga kahinàan ang Dios n~g m~ga pagcahabág!

--Sa macatuwíd ay inaaacalà pó bâ ninyóng ang buwís ay ...

--¡Howág na tayong mag-úsap n~g tungcól sa salapî!--ang isinalabat n~g may sakít na masamâ ang lóob.--Sinasabi mong ipinan~gacò n~g teniente cay párì Dámaso..?

--Opo, amá--ang sagot ni párì Sibylang gá n~gumín~gitî na. N~guni't nakita co caninang umága ang teniente, at sinábi sa áking dináramdam daw niyá ang lahat n~g nangyári cagabí, na umímbulog daw sa canyáng úlo ang Jerez, at sa acálà niya'y gayón din ang nangyári cay párì Dámaso.--At ang pan~gaco?--ang tanóng cong pabirô.--Padre cura ang isinagót:--marunong pô acóng tumupád n~g áking wicâ, pagcâ sa pagtupád na iya'y hindî co dinurun~gisan ang aking capurihán; cailan ma'y dî co naguing ugálì ang magcanulô canino man, at dàhil dito'y teniente acó hanggá n~gayón.

--N~g macapagsalitaan silá n~g m~ga ibá't ibáng bágay na waláng cabuluhán, nagpaalam sì Fr. Sibyla.

Hindî n~ga namán naparoón ang teniente sa Malacanyáng; n~gunit naalaman din n~g Capitan General ang nangyari.

Nang nakikipagsalitaan siyá sa canyáng m~ga ayudante tungcól sa m~ga pagbangguít na sa canya'y guinágawá n~g m~ga páhayagan sa Maynilà, sa ilalim n~g m~ga pamagat na m~ga "cometa"[176] at iba pang m~ga napakikita sa lan~git, sinabí sa canyá n~g isá sa m~ga ayudanteng iyón ang pakikipagcagalit ni párì Dámaso, na pinalubhâ pa ang cabigatán n~g m~ga pananalitâ, bagá man pinakinis n~g cauntî ang m~ga bigcás n~g sabi.

--Síno ang sa iyo'y nagsábi--ang tanong n~g Capitán General na n~gumin~gitî.

--Narin~gig co pô cay Laruja, na siyáng nagbabalità caninang umága sa pásulatan n~g pámahayagan.

Mulíng n~gumitî ang Capitan General at idinagdág:

--¡Hindî nacasásakit ang babae't fraile! Ibig cong manahimic sa nátitirang panahón n~g pagtirá co sa lupáng itó, at aayaw na acóng makipag-alít sa m~ga lalaking gumagamit n~g sáya. At lálong lálò na n~gayóng áking natalastás na pinaglalaruan lamang n~g provincial ang aking m~ga útos; hinin~gi cong pinacaparusa ang paglilipat sa ibáng bayan n~g fraileng iyán; at siyá n~ga namán, siya'y inilipat, n~guni't doon siya inilagay sa lalong magaling na báyan: ¡frailadas![177] na sinásabi natin sa España.

N~guni't humintô n~g pagn~gitì ang Capitan General n~g nagíisa na.

--¡Ah! ¡cung hindî sána nápacatan~gá ang báyang ito'y pasusucuin co ang aking m~ga cagalanggalang na iyán!--ang ipinagbuntóng hinin~gá.--Datapuwa't carapatdapat ang báwa't báyan sa kinasasapitan niyá; gawin nátin ang inuugalì n~g lahát.

Samantala'y natápos si Capitang Tiago n~g pakikipulong cay pári Dámaso, ó sa lalong magalíng na sabi, ang pakikipulong ni párì Dámaso cay Capitang Tiago.

--¡N~gayo'y napagsabihan na catá!--ang sabi n~g franciscano n~g magpaalam. Naílágan sana ang lahát n~g itó, cung nagtanóngtanóng ca múna sa akin, cung dî ca sana nagsinun~galing n~g icáw ay tinatátanong co. ¡Pagsicapan mong howag ca nang gumawâ n~g m~ga cahalin~gán, at manálig ca sa canyáng ináama!

Lumibot n~g macaalawa ó macaatló sa salas si Capitang Tiagong nag-iísip-isip at nagbúbuntóng hinin~gá; di caguinsaguinsa'y párang may naisip siyáng magalíng, tumacbó sa pánalan~ginan at pinatáy ang m~ga candílà at ang lámparang canyáng pinasindihán upang siyáng macapagligtás cay Ibarra.

--May panahón pa, sa pagca't totoong malayò ang linálacbay--ang ibinulóng.

TALABABA:

[175] "Quos vult perdere Jupiter domentat prius", casabihang wicang lating cung tatagalugui'y: Ang m~ga ibig ipahamac ni Jupiter ay pinasisimulaáng sirain muna ang ísip.--P.H.P.

[176] Ang cometa'y tulad sa bituing manacanacang napapanood natin sa lan~git. Ang Cometa'y ma'y buntot na makinang na cung minsa'y isá at cung minsa'y marami. Palibhasa'y ang galaw na painóg n~g cometa'y hiwaláy na hiwaláy sa caraniwang liniliguiran n~g m~ga planeta, caya hindî nalalao't ang pagkakita natin sa canya. Isáng casinun~galin~gang ilinalaganap n~g m~ga han~gal na ang pagsicat n~g cometa'y nagbabalita n~g m~ga sacunang mangyayari.--Tinatawag ding "cometa" n~g m~ga castilà ang sarangolang papel na pinalílipad n~g m~ga bátà.

[177] Ang masasama at magagaspang na cagagawán n~g m~ga fraile.

=X.=

=ANG BAYAN=

Hálos sa pampáng n~g dagátan ang kinálalagyan n~g báyang San Diego[178], na sumasaguitnâ n~g m~ga capatágang hálamanan at m~ga paláyan. Nagpápadala sa ibáng m~ga báyan n~g asúcal, bigás, café at m~ga búngang haláman, ó ipinagbíbili cayâ n~g múrangmúra sa insíc na nagsasamantalá n~g cawal-áng málay ó n~g pagcahilig sa m~ga masasamang pinagcaratihan n~g magsasacá.

Pagcá áraw na mabúting panahón at umáacyat ang m~ga batà sa caitaasan n~g campanario n~g simbahan, na napapamutihan n~g lúmot at n~g damóng hatíd n~g hán~gin; pagcacágayo'y masayáng nan~gagsisigawan, sa udyóc n~g cagandáhan n~g nátatanaw na humáhandog sa caniláng m~ga matá. Sa guìtná n~g caráming m~ga bubun~gáng páwid, tísà, "zinc" at yúnot, na napapaguitnaan n~g m~ga bulaclác natátalastas n~g bawa't isá ang paraan n~g pagcakita sa canícanilang báhay na maliliit, ang canilá bagáng malilingguít na púgad. Nagagamit niláng panandâ ang lahát: isáng cáhóy, isáng sampáloc na may maliliit na dáhon, ang nióg na puspós n~g m~ga búco, tulad sa maanaking si Astarté[179] ó cay Diana[180] sa Efeso[181] na may maraming súso, isáng humáhabyog na cawáyan, isáng bún~ga, isáng cruz. Naroroón, ang ílog, calakilakihang ahas na cristal na natutulog sa verdeng alfombra: pinaaalon ang canyáng ágos n~g m~ga pirápirasong malalakíng batóng nagcacapatlángpatláng sa mabuhan~ging inaagusan n~g túbig; cumikipot ang ílog sa dáco roón, at may m~ga pangpáng na matatáas na kinacapitang nangpapalícò-lícò n~g m~ga cahoy na nacalitáw ang m~ga ugát, at sa dáco rito'y lumálaylay ang m~ga panabí at lumuluang at tumitining ang ágos. May nátatanaw sa dácong maláyong isáng maliit na bahay, na itinayô sa pangpáng na hindî natacot sa cataasan, sa han~ging malacás at sa pinanununghang ban~gíng malálim, at masasabi, dahil sa canyáng malilíit na haligui, na siyá'y isáng cálakilakihang zancuda[182] na nag-aabang n~g ahas upang daluhún~gin. M~ga catawán n~g púnò n~g nióg ò n~g cahoy na may balát pa, na gumágalaw at gumiguiwang ang siyang naghúhugpong n~g magcabilang ibayo, at cahi't sila'y masasamáng tuláy, datapuwa't maiínam namáng cagamitán sa circo sa pagpapatiwatiwáric, bagay na hindî dapat pawal-áng halagá: nan~gagcacatwâ ang m~ga bátà, búhat sa ílog na pinaliliguan, sa m~ga pagcalaguím n~g nagdaraang babaeng may súnong na bacol, ó n~g matandáng lalaking nan~gín~ginig sa paglácad at pinababayâang mahúlog ang canyang tungcód sa túbig.

Other books

Defending Serenty by Elle Wylder
Ghosting the Hero by Viola Grace
Tailor of Inverness, The by Zajac, Matthew
I'll Get You For This by James Hadley Chase
Golden Boy by Martin Booth
The Kashmir Shawl by Rosie Thomas
Prince's Courtesan by Mina Carter
Shunning Sarah by Julie Kramer